Lee’s POV “So, ito pala ang plano ng mga mokong,” dinig kong saad ni Kiara. “Nice one,” dagdag pa nito. “How to be you po, Lee,” saad naman ni Shine. “Infairness, A for effort,” saad naman ni Fifth. “Mukhang may mapapasagot na nito,” bulong naman ni Amber. “Fifth, usog ka dito,” saad ni Kiara sabay hila kay Fifth. “Bakit?” Nagtatakang tanong naman ni Fifth. “Natatapakan mo yung buhok,” biro ni Kiara. “Ay! Sorry! Sorry!” Saad naman ni Fifth. We are surrounded by a lot of people pero pakiramdam ko, it was just me and him. Nakatanaw lamang ako sa kanya habang yakap sa dibdib ko ang pongpong ng rosas na bigay sa akin ng mga kapwa ko estudyante which all came from him. I really enjoyed watching him. Damang-dama ng puso ko ang bawat linya tila kinakausap niya ito, kinukumbinsi na pan