Lee’s POV Nakaakbay sa akin si Kiro habang nasa likod ng baywang niya ang isa kong braso. Bahagya pa akong nakapikit ng mariin niya kong hinalikan sa aking sintindo. Patungo kami sa parking lot kasama ang buong tropa, nauna sila habang kami ay nasa likuran nila. Hawak ko pa rin sa isang braso ang mga roses na bigay niya sa akin. “Kiro, sa’n tayo?” Tanong agad ni Dos ng makarating kami sa parking lot. Humarap silang lahat sa amin. “Mukhang masarap mag samgyup ngayon. Kiro, baka naman?” parinig ni Rafa. “Oo nga, Bro!” Segunda naman ni Uriel. “We deserve some treats. Kakapagod mag-base, char!” Dagdag pa nito. “Agree! Agree!” Singit ni Thirdy. “Ginalingan ko pa naman mag second voice.” “Alam niyo, nasa plano ko na e treat kayo dahil sinagot na ako at syempre sa suporta niyo sa akin. Of