Lara's revenge. Episode 19

1147 Words
" Si Tita?" bungad ni Lara, sa katulong ng mababaan niya ito sa sala kinabukasan. "Kanina pa umalis may pinuntahan. Hindi kana lang niya ginising para isabay, sa almusal nagmamadali kasi siya," tugon nito na ipinagpapatuloy ang pagwawalis. Nagtataka siya kung ano ang pinagkaka abalahan ng ginang. Palagi itong wala sa bahay, nitong mga nakaraan araw pa. Nagtuloy na siya sa kusina para ipaghanda ang sarili ng almusal. " Branch niyo na po iyan ma'am Lara," na ngingiting sabi ng katulong nang mapasukan siya sa kusina na kumakain. "Matagal ako naka tulog kagabi, " sabi niya na muling sumubo ng kanina. Late na siyang naka tulog dahil sa mga bagay, na gumugulo sa kanyang isipan " Ipagpapatuloy, mo ang nasimulan mo Lara!" sigaw ng kanyang isipan ng muli niyang naramdaman ang pagdadalawang isip sa binabalak niya para sa binata. Gayong araw nalang ang kanilang hinihintay, ng kanilang kasal. Minabuti niyang tapusin na ang pagkain ng makaalis na siya ng bahay, ayaw niyang tumunganga at lunurin ang sarili sa naramdaman awa para kay Marco, sa oras na maisagawa na niya ang plano. Nagpunta siya sa mall para bumili ng kanyang sosoutin sa darating na party. " Kailangan maging maganda ako para maging convencing sa kanya na excited ako sa kasal namin," aniya at nilapitan ang naka hangger na gown. Kung siya lang ang masusunod hindi na siya magpaparty pa dahil wala naman special pero, nagpupumilit si Marco, para pormal siyang maipakilala sa mga kamag-anak nito. " Mas mabuti nga rin naman para hindi na rin ako mahihirapan na maisagawa ang plano ko. Good luck! na lang sa dalawang magkaibigan kung sino ang susunod na paglalamayan." Pagka tapos niyang mabayaran sa casher, ang napiling damit, minabuti niyang dumeretso sa opisina ni Marco. " Ako ba 'yan iniisip mo kaya naka ngiti kang mag-isa?" bungad niya ng maabutan itong naka ngiti habang nakatingin sa bubong. Napa ngiti ito na tumayo at sinalubong siya sa may pintuan" Nahulaan mo babe, hindi maalis sa isipan ko ang maganda mong mukha, " sabi nitong hinapit siya sa baywang. "Bulero!" aniya na mahinang hinampas ito sa balikat. Tinitigan siya nito sa mata habang hawak pa rin, ang kanyang baywang," Excited na talaga akong makilala mo ang mga kamag-anak ko. Kung gaano ka kagusto ni Papa at ng kapatid ko siguradong ganon rin sila," sabi nito na inakay siya papunta sa upuan. "Maiba ako, si Abner ba darating?" mas intresado siya rito kaysa mga kamag-anak ni Marco. " Ewan ko ba dun! nakalimutan na ata kaibigan niya rin ako. Parang wala na siyang oras makipagkita sa akin," may himig na pagtatampo sa boses nito. Siya man ay lihim na naka ramdam ng panghihinayang kapag hindi maka punta si Abner. " H'wag ka nang magtampo, hindi pa lang natanggap ni Abner, ang pagka wala ng matalik niyang kaibigan. Intindihin mo nalang muna," sabi na lamang niya. Ginalaw nito ang dalawang balikat, " Ano pa nga ba ang magagawa ko." " Dumating naba si Erik, andito naba siya sa Pinas?" pag-iba niya sa paksa nila para ibalik ang sigla nito. Alam niya na nasasabik na ito sa pag-uwi ng kaibigan. Hindi nga siya nagkakamali nag liwanag ang mukha nito ng marinig ang pangalan ng kaibigan. Nahawa na rin siya sa saya nito, at nagkaroon na rin siya ng interest na makilala ang kaibigan na palaging bukang bibig ng kasintahan. " Mag alas-tress na pala kailangan ko ng umuwi, paalam niya ng makita ang orasan nasa ibabaw ng mesa ni Marco. " Sabay na lang tayo, ihahatid na kita sa inyo," sabi nito. Umiling-iling siya, hindi na niya ito mahintay, gusto na niyang maka uwi at ibabad ang katawan sa bathtub. Hindi na rin ito nagpupumilit na ihatid siya. Naabutan niya ang ginang sa labas ng gate may kausap na hindi ka kilalang lalaki. " Hija, mabuti naman at naka uwi ka ng maaga," bungad ng ginang ng maka bababa siya ng taxi. Lumapit siya rito at humalik sa pisngi, " Kailangan ko kasi magpahinga ng maaaga tita," tugon niya at ibinaling ang tingin sa lalaking naka sout ng leather jacket at bitbit nito ang helmet." Bakit dito kayo sa labas nag-usap?" nagtataka niyang tanong na muling ibinalik ang tingin sa ginang. " Hindi na kasi siya mag tatagal paalis na rin siya," aligaga na sabi ng ginang sabay kumpas sa kamay nito sa lalaki hudyat na umalis na. Tinalikuran na lamang niya ang dalawa at nagtuloy na sa kanyang kwarto. Hinanda niya ang bathtub at tinimpla niya ang hot and cold water, binuhusan niya ng lavender-scented bath gel. Habang hinintay niyang mapuno ang bathtub naglakad siya papunta sa kanyang kama kung saan naka patong ang kanyang shoulder bag. Inilabas niya mula sa bag ang vial na naglalaman ng puting pulbos na ibinigay pa sa kanya ni Chesca. " It's sodium cyanide, tiyak na papatay sa demonyong iyon," aniya na tinitigan ng husto ang hawak niya. Inihanda niya iyon para sakaling darating si Abner, ay madali niya itong malason. " Powder ang pinapatulog mo sa akin, pwes! powder din ang tatapos sayo," muling bumangon ang galit sa puso niya na napahigpit ang pagkahawak rito. Natigil siya sa pag-iisip ng tumunog ang kanyang cellphone, tinignan niya kung sino ang caller, agad niyang dinampot iyon ng makita ang pangalan ng kaibigan. " Napa tawag ka?" bungad niya ng pindutin ang answering button at inilagay sa loud speaker bago ni lapag sa kama. "Gusto ko lang maka siguro kung handa kana ba," sabi nito sa kabilang linya. Napangiti siya sa pagiging supportive nito sa kanyang plano. " Yes, handa na ako para kay Abner." " Abner? Bakit hindi mo nalang pagsasabayin sila ni Marco? Para sabay na silang makipag kita sa mga kaibigan nila," ani Chesca. Saglit siyang tumahimik, pinag-iisipan niya ng maigi ang suhestiyon nito kung dapat bang pagsabayin na ang dalawa. " Hello! still there Lara?" untag nito sa kanyang pananahimik. Tumikhim muna siya bago nagsalita, " Mas maganda kung unti-untiin ko para naman ramdam niya ang sakit hanggang buto." " Unti-untiin o nanghihinayang kana para kay Marco?" nanunukso na tanong nito. Hindi siya naka sagot sa tanong na iyon tila may bikig sa lalamunan niyang na bara. Dahil alam niya na may parte ng pagka tao niya ang tumututol para sa binata. Narinig niya ang pag tawa ng kaibigan sa kabilang linya, " Well! alam ko naman na magagawa mo iyan dahil nasimulan mo na 'to, at alam ko na tatapusin mo, ikaw pa!" sabi nito ng hindi siya naka sagot sa tanong. Pilit siyang ngumiti na kahit hindi siya nakikita ng kaibigan, "You really know me very well, Chesca kaibigan talaga kita," aniyang pilit pasiglahin ang boses niya. " Anyway, see you tomorrow." Agad na niyang tinapos ang kanilang usapan. Nagmamadali na pumasok sa banyo, pakiramdam niya pinagpapawisan siya ng husto sa tanong ng kaibigan niya kanina. Pakiwari'y niya na hot seat siya ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD