Lara's revenge. Episode 18

1285 Words
Nakikihatid sina Lara, at Chesca sa libing ni Anton. Magkatabi silang naupo ng kaibigan. " Kay sarap nilang pagmasdan na nasasaktan," pabulong na sabi ni Chesca, sa kanya na naka tingin sa dalawang magkaibigan, na parehong nakatayo sa harapan ng kabaong. Malungkot na namamaalam kay Anton, sa kahuli-hulihan pagkakataon bago ito tuluyan takpan ng lupa. Kinurot niya ng bahagya si Chesca, sa tagiliran para patahimikin ito bago pa may makakarinig sa kanila. " This is the most exciting part, kung sino sa dalawa ang susunod," sabi pa rin nitong hindi pinansin ang pag kurot niya. Mabuti nalang at nasa pinaka dulo sila ng likuran na umupo, hindi gaano malapit sa mga taong nakikipaglibing. Pero kahit ganun pa man mas mabuti pa rin ang mag-iingat. " Iyong hilaw mo kayang fiance, ang susunod?" may himig na panunukso ang boses nito sa kanya. Napalunok siya ng laway, na hindi nakapag salita. Bakit ba tila may bikig sa kanyang lalamunan ng sabihin iyon ni Chesca. " Bakit di ka maka sagot? Sino sa dalawa?"ani Chesca, tinitigan siya sa mga mata. Humugot siya ng malalim na hininga, at nilingon niya ang kinaroroonan ni Marco, nakita niya ang binatang naglakad palapit sa kanila. Kaya nagkaroon siya ng dahilan para hindi sagutin ang tanong ni Chesca. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ang kasintahan. " Umuwi na tayo?" ani Marco, ng makalapit siya. Na ngingiti na tinangoan niya ang binata. Inakbyan siya nito, ka agad naman niyang kinalawit ang isang braso sa baywang ni Marco. Ni lingon muna ni Marco, ang kaibigan si Abner, na nasa kanilang likuran " Tol, tara na!" ani Marco. Malungkot ang mukha ni Abner na umiling-iling," Mauna na lang kayo, gusto ko pang makapag-isa," tugon nito. Hindi na pinilit ni Marco, ang kaibigan, nagtuloy na sila sa paglakad pa labas nang cemetery. " Lara, Marco mauna na ako sa inyo," untag ni Chesca, sa kanila ng matapat na ito sasakyan. " Sige, kita nalang tayo sa bahay," tugon niya at pumasok na rin sa loob ng sasakyan. Tahimik na umupo si Marco, sa driver seat. Napatitig siya rito ng husto, ramdam niya ang lungkot at pangulila na naramdaman sa pagkawala ng dalawa nitong mga kaibigan na magka sunod-sunod pa na namatay. Pakiramdam niya pinagkukurot ang puso niya ng pinong-pino sa awa para rito. Biglang sumagi sa isipin niya ang sinabi ni Chesca, kanina kung sino ang isusunod sa dalawang natitirang magkaibigan. Lalo siyang naguguluhan sa kanyang sarili. Napa tikhim siya bago nagsalita, “ Babe, hindi ko alam kung tama ba itong sasabihin ko pero, sana h'wag mong mamasamain," pasiuna niya. Tinignan siya nito " Ano 'yan?" tanong nito sa mahinang boses. Sinuklay niya ng daliri ang buhok ni Marco, na bumagsak sa may noo nito," Alam kong nasabi ko na ito sayo noon, pero nag-alala lang kasi ako. Gusto mo bang ipagpaliban na lang muna natin ang ating kasal?"aniya. "Tapos mag bakasyon tayo, para mawala ang lungkot mo," mabilis niyang bawi ng makita ang pangungunot ng noo ni Marco. " Bakit, nagdadalawang isip kana ba na pakasalanan ako?" tanong nito na punong-puno ng pag-alala na baka nagdadalawang isip na siyang magpakasal. " Hindi naman!" mabilis niyang tanggi. "Nag-alala lang kasi ako sa'yo, ikaw lang naman ang iniisip ko," depensiya niya. Ginagap ni Marco, ang isa niyang kamay at dinala nito iyon sa labi saka hinagkan, " Babe, sinasabi ko sa'yo noon pa, hindi kailangan na ipagpaliban ang kasal natin, lalo pa at nalalapit na ang araw na'yon. Itong naramdaman kong kalungkutan, lilipas din 'to. Basta alam kung nasa tabi lang kita," sabi nito sa kanya. Hindi na siya umimik pa" Bakit ba ako kumukuntra?" naitanong sa sarili. " Kasi, takot kang ituloy ang binabalak mo, na gantihan siya. Dahil na aawa kana sa kanya," sigaw ng kanyang kalooban. Hininto ni Marco, ang sasakyan sa sementadong daan na hindi kalayuan sa dagat, " Dito na lang muna tayo, magpapalipas ng gabi, gusto ko kasi mapanood ang paglubog ng araw," sabi nito na mabilis umibis ng sasakyan at umikot sa kanyang kina uupuan para pagbuksan siya ng pinto. " Ang sarap ng simoy ng hangin napaka presko," bulalas niya ng sumalubong sa kanya ang malamig na hangin mula sa karagatan. Umupo siya sa harapan ng sasakyan. Tumabi ng upo sa kanya si Marco, pareho silang naka tingin sa lumulubog na araw. " Sana ganito nalang palagi," basag ni Marco, sa katahimikan. Napatingin siya rito," Kung hindi mo lang ako nagawan ng masama, siguro masaya tayo ngayon. Hindi ka naman mahirap mahalin eh," sa kaloob-looban niya. Napa buntong hininga siya ng di namamalayan. " Ang lalim naman nu'n," ani Marco, na titig na titig pa rin sa kanya. Nakikipagtitigan siya rito. Mula sa liwanag ng poste, na aninag pa rin niya ang guwapo, nitong mukha. Madalas sila nitong magkasama pero, ngayon niya lang nabigyan pansin na may hawig pala ito sa isang sikat na artista. Gusto niyang haplusin ang gwapo nitong mukha. Ngumiti ito na lalong gumuwapo, litaw ang mapuputi at pantay nitong ipin. Bigla siyang kinilig sa ginawa nitong paghawak sa hibla ng kanyang buhok at inipit sa likod ng kanyang taenga, malambing ang mga mata tinitigan siya. " Sana hindi magbabago ang isip mo na pakasalan ako," sabi nito sa malamyos na boses. Halos maduduling na siya sa subrang lapit ng kanilang mukha " Kung iniisip mo 'yong sinasabi ko kanina, kalimutan muna 'yon. Inisip ko lang naman na baka gusto mo pa ang magluksa," aniya na ibinaba ang tingin. Agad niya rin ibinalik ang tingin sa binata" Mahal kita," bigla siyang natigilan ng ma realise niya ang sinabi. Hindi niya sinadyang sabihin iyon ngunit nagkusa na iyon lumabas, sa bibig niya. Ilang beses na niyang sabihin rito na mahal niya, pero bilang parte lang iyon ng kanyang pagpapanggap. Pero bakit ngayon tila mula sa puso niya ang sinabi " Na develop na ba ako sa kanya? Na dala ba ako sa kalambingan na ipinikita niya sa'kin?" nagugulohan tanong sasarili. Hinawakan ni Marco, ang kanyang baba, " Mahal na mahal din kita, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kapag mawala ka sa akin," pagka sabing iyon agad siyang siniil nito ng halik. Naipikit niya ang mga mata at masuyong ginantihan ang bawat halik nito hanggang sa naging mapusok ang halik sa isa't-isa. Naramdaman niya ang paglakbay ng kamay ni Marco, sa kanyang katawan at marahan nitong hinaplos ang dibdib niya. Nag init ang buo niyang katawan at bahagya pa siyang napa ungol. Napayakap siya sa leeg ng binata. Dahan-dahan siya nitong hiniga sa ibabaw ng sasakyan. Pinilit niyang labanan ang nadarama, bago pa siya tuluyan malunod sa kahibangan. Naitulak niya si Marco, ng bahagya, " Tiisin mo muna yan mr Martinez, ilang araw nalang magiging sayo na rin ako ng buo," bumangon siya at inayos ang damit na bahagyang nagusot. Natatawa itong napa-kamot sa ulo," I'm sorry, na dala ako sa emotion," na ngingiti nitong sabi. " Ihatid mo na nga ako, baka saan pa tayo mapunta eh!" aniya saka pumasok sa loob ng sasakyan. PABAGSAK na humiga si Lara sa kama ng makauwi siya sa kanila. Nakipagtitigan siya sa bubong. Hindi mawaksi sa isipan niya ang eksina kanina, ramdam pa niya ang matatamis na labi ni Marco. Wala sa isip na nilapat niya ang hintuturo sa kanyang bibig. " I-I-" gusto niyang bigkasin pero natatakot siyang aminin sa sarili na mahal na niya si Marco. " Come on! Lara, don't be such an idiot, falling inlove with a man, who ruin your life? You're a fool!" sigaw ng kanyang isipan. " Ang layo na nang narating mo para ma inlove, 'wag mong kalimutan ang tunay mo na dahilan kung bakit pinaibig mo siya," tuluyan na siyang napahikbi. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD