Lara's revenge. Episode 20

1428 Words
“ LARA, LARA!” Tinig ng katulong ang pumukaw sa kanyang pagkakahimbing na tulog. Bumangon siya at tinungo ang pintuan, at binuksan niya iyon." Bakit manang Biday?” inaantok pa niyang tanong. “ Alas-dos na, nanlalamig na ang pananghalian mo," sabi nito. " Manang Biday, bakit ngayon mo lang po ako ginising? Mahuhuli ako sa party namin, naku! kailangan ko ng maligo, nakakahiya sa mga kamag-anak ni Marco," aniya na mabilis na sinara ang pintuan. “ Bakit ba kasi ang tagal kung natulog kagabi,” kastigo niya sa sarili habang naliligo siya, halos magkasunod na gabi siyang binabagabag ng kanyang mga plano. " Dahil mahal mo na kasi at ayaw mo lang aminin sa sarili mo," sigaw ng isipan niya. " Ano ang mas mahalaga? Ang pagmamahal o ang kasalanan niya?" nagtatalong isipan at damdamin. Binilisan na lamang niya ang pagligo para alisin ang gumugulo sa isipan niya. Desidido na siyang gawin ang tunay na pakay niya, " Hindi ako pweding umatras," aniya na nagmamadaling lumabas ng banyo. Nasa kalagitnaan na siya ng pag bibihis ng muli siyang katukin ng kasambahay, “ Lara nasa ibaba na si Marco, ” sabi nitong sinabayan ng mga iilang katok sa pintuan. “ Susunod na po ako!" pasigaw niyang tugon at binibilisan ang kanyang mga kilos. Nasa hagdanan na siya ng makita si Marco, nakatayo sa may paanan ng hagdanan sadyang hinihintay ang pagbaba niya. Muling bumangon ang kakaibang naramdaman na siyang naging dahilan kung bakit siya napupuyat kagabi sa kakaisip. Sinalubong niya ang mga tingin nito at dahan-dahan na bumaba ng hagdanan Nagmistula siyang si Rose ng tatinic, at si Marco naman ay si Jack. Hindi niya mapigil ang sarili na mapangiti sa isiping iyon. " As always babe, you look beautiful," malambing na puri ni Marco, ng matapat siya rito. Masuyo siya nitong hinalikan sa labi. Nalilito na siya sa kanyang sarili, nagkaroon na ng kakaibang hatid sa kanya ang halik ni Marco, kung dati nandidiri siya pero ngayon napa pikit siya na kusang ginantihan ang bawat halik ng binata. " Ahem! tara na?" ani Marco, na naka titig sa kanya. Pinamulahan niya iyon ng mukha hindi niya napansin na tumigil na pala ito sa paghalik sa kanya, masyado na siyang nadadala ng kanyang damdamin. " Tara!" nahihiyang tugon na humawak sa bisig ni Marco. Marami ng tao, nang maka rating sila sa bahay, ng binata. " Andito na sila!" masayang bulalas ng kapatid ni Marco, ng makita sila na pumasok sa gate. Napa tingin siya sa mesa na may dalawang babae naka-upo na may ka edaran na at isang lalaki na may edad na rin, kumakaway sa kanila. Iginiya siya ni Marco, papunta roon. " Nakilala ko na rin ang magiging pamangkin ko," masayang sabi ng tita ni Marco, sa kanya ng tuluyan silang maka lapit. " Magandang hapon po," na ngingiti niyang sabi at kinuha ang kamay nito para magmano. Magiliw na yumakap sa kanya ang may ka edaran na babae, " Kiss nalang sa pisngi hija, sumasakit kasi ang tuhod ko," natatawang sabi nito sa kanya. Nahawa na rin siya sa tawa nito. Mabilis na napagka-gaanan ng loob ang mga kamag-anak, ni Marco, mainit siyang tinanggap ng mga ito. Matapos makapag kilala sa isa't-isa hinila na siya ni Marco, papunta pa sa ibang kamag-anak, " Diba sabi ko sa'yo?" anang binata. " They're nice babe," aniya na inikot ang mga mata sa kapaligiran, baka sakali makita si Abner. Hindi nga siya nagkakamali nakita niya itong kausap ang tita Rosario, niya at ang daddy ni Marco. " Kapag sini-swerte ka nga naman!" sa kaloob-looban niya. Ibinaling niya anv tingin sa waiter na kakalapit lang sa kanila. Bitbit nito ang tray, na may naka patong ng baso ng wine. Kumuha siya ng isang baso at iyon ang lalagyan niya ng lason. “ Ate Lara!" sambit ng kapatid ni Marco, na mabilis naka lapit sa kanila. " Kuya hihiramin ko lang sandali si ate," hindi na nito hinintay, pang sumagot si Marco, mabilis na siyang hinila papunta sa table ng mga kaklase nito. Magiliw siyang nakikipag-usap sa mga bagets, habang panakaw ang kanyang mga tingin kay Abner, na no’y iba na ang kausap. “ Guys! excuse muna ako, ha?” paalam niya sa mga kausap at naglakad papunta sa isang tabi na kung saan walang makakita sa kanya. Inilabas niya ang lason mula sa kanyang pouch at pasimple ibinuhos sa wine. Pagkatapos, muli siyang naglakad pabalik sa umpukan. Muli siyang kumuha ng isa pang baso ng wine. Humugot siya ng malalim na hininga saka naglakad papunta kay Abner. Lalapitan niya ito at mag ku-kunwari na makikipag kumustahan rito. Hindi pa siya nakalayo ng tawagin siya ni Marco. Natigil siya sa paglakad at nilingon ang kasintahan. Nakita niya itong may kausap na matangkad at maputi na lalaki pero hindi niya nakita ang hitsura dahil abala ito sa pakikipag-usap sa isa pang lalaki na katabi nitong nakatayo. Wala siyang nagawa kundi ang lapitan si Marco. " Babe, I want you to meet my friend," masayang sabi ni Marco, ng tuluyan siyang makalapit rito. " H-" hindi na ituloy ng lalaki ang sasabihin ng tuluyan itong maka harap sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit iba itong maka titig, na para bang sinusuri ang buo niyang pagkatao, na pati kaluluwa niya'y hindi naka ligtas sa mga titig nito. " Hi! you must be Erik," aniya para ibalik ito sa kasalukuyan. Hindi niya na gustohan ang mga titig nito pero pinilit niyang kalmahin ang sarili. " Sa wakas! nagkita na rin tayo, palagi ka kasing bukang bibig nitong kaibigan mo," pagpapatuloy niya ng hindi pa rin ito natinag. " Diba tol? Nakaka tulala ang ganda ng mapapangasawa ko?" ani Marco, sabay kalabit sa balikat ng kaibigan. " L-Lara, hi!" nauutal nitong sabi. " Nice to met you," dag-dag nito na titig na titig pa rin sa kanya. " Ang ganda nga!"saad nito na inilahad ang palad sa harapan niya. Nahihiwagaan siya sa kilos nito pero iwinawaksi na lamang niya iyon sa isipan, naka ngiting tinanggap ang palad nito para makipag shake-hands. " Maiba ako, nagka-usap naba kayo ni Abner,?" ani Marco. Napa lingon siya sa dating kinatatayuan nito ng maalala niya, nakita niya si Abner, na naglakad palapit sa kanila. " Hindi pa tol, kausapin ko nalang siya mamaya," tugon ni Erik. " Ano ba kasi ang nangyari sa inyong dalawa? Hanggang ngayon, wala pa rin akong alam sa tampuhan niyo," pangungulit ni Marco. Sinulyapan siya ni Erik, bago ito sumagot," Wala! kunting tampuhan lang 'yon." Natigil sila sa pag-uusap ng maka lapit na sa kanila si Abner, “ Lara, pare aalis na ako. Pasensiya na kung hindi ako maka dalo sa kasal niyo,” sabi ni Abner. " Sayang naman Abner, kung kailan mahalagang araw namin iyon ni Marco, saka kapa mawawala," sabad niya at pasimpleng inabot rito ang baso ng wine. " Salamat," anitong tinanggap ang baso. Magka halo ang kanyang naramdaman, na hindi inalis ang mga tingin kay Abner, kinakabahan siya na pinagpapawisan ng malamig. Andon na rin ang excitement. Hindi na siya makapag hintay na lagukin nito ang inabot niyang wine, " Sige na inumin mo," bulong niya sa sarili. " Gusto ko sanang dumalo, pero natuon din kasi sa flight ni dad, papunta sa U.S, ang kasal niyo," sabi nito na inilapit ang baso sa bibig. Naiinip na siyang naka tingin rito, kahit isang lagok lang sigurado mamatay na ito dahil sa tapang ng lason na inilagay niya. " Bakit, pupunta kayo sa U.S?" tanong ni Marco kay Abner. Naibitin nito sa ere ang hawak na baso," Gusto kasi ni daddy sa U.S magpa gamot sa kanyang prostate cancer, " paliwanag nito. " Kaya sana maunawaan mo ako tol," sabi ni Abner. Tumingin ito kay Erik, " Tol, mabuti naka-uwi kana," sabi nito na inilapag ang baso at kinamayan ang dating kaibigan. Masayang nag shake-hands ang dalawa. " Puntahan ko lang si Monica," paalam ni Abner, sa kanila matapos makapag kumustahan ang dalawang dating magkakaibigan. Desmayadong- desmayado siya na sinundan ng tingin ang papalayong si Abner. " Anyway, tol masaya talaga ako na naka rating ka ngayon," basag ni Marco, sa panandalian na katahimikan. Dinampot nito ang baso na iniwan ni Abner, sa ibabaw ng mesa. Kumakabog ang kanyang dibdib sa kaba at the same time naguguluhan siya kung ano ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon. Hahayaan na lang ba niya ang kasintahan na inumin ang wine na may lason o pipigilan pa niya. " Hindi ka man nag tagumpay kay Abner, at least isa man lang sa kanila mapa bagsak mo ngayon gabi," sa isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD