Lara's revenge. Episode 17

1059 Words
" Ano ang nangyayari?" humihingal na tanong ni Lara, ng makalapit sa silid. " Lara, tumawag ka ng ambulansiya," na tatarantang utos sa kanya ni Marco. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bag, at agad niyang tinawagan ang numero ng ambulansiya. Matapos siyang makatawag ng tulong bumalik siya sa silid. Pinagmasdan niya si Marco, na lulugmok na naka upo sa tabi ni Anton, na may tama ng baril sa ulo. Hindi niya mapigil ang sarili makaramdam ng kirot sa puso niya habang naka tingin pa rin sa kasintahan. “ Hindi ako dapat maawa sa kanila, hindi ang kagaya nila ang dapat na kaawan. Nong panahon nagmamakaawa ako sa inyo, hindi niyo ako pinakinggan,” anas niya. " Dapat lang yan sa inyo, ang unti-unti kayong malalagas." Mula sa labas ng bahay narinig niya ang humihintong ambulancia. Naglakad siya roon para salubungin ang dumating. Pumasok ang dalawang lalaki at nagtuloy sa kinaroroonan ni Anton. “ Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari, wala akong natatandaan na may kaaway si Anton,” ani Marco, ng ma isakay si Anton, sa ambulansiya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito, nanatili na lang siyang walang imik, hanggang sa makarating sila ng hospital. " I'M SO SORRY mrs, dead on arrival ang anak ninyo." Narinig niyang sabi ng doctor sa ina ni Anton. Agad itong nakasunod sa hospital ng matawagan ni Marco, para ipaalam ang nangyari. Lihim siyang na ngiti " Tignan mo nga naman kapag sini-swerte ka,” sa kaloob-looban niya,“ Hindi na ako nahihirapan pang patayin kayo dahil may gumagawa na para sa akin. Kinarma na kayong magkakaibigan. "Kung sino man siyang bumaril kay Anton, salamat sa kanya. Uupo nalang ako at manunuod sa pagkakabagsak niyo, isa-isa,” bulalas niya sa sarili. “ Bakit sunod sunod ang mga pangyayari? Kung kailan malapit na ang kasal natin," sabi ni Marco, na tila nawawalan na ng pag-asa habang magkatabi silang naupo. “ Baka ikaw na ang susunod sa kanya, someone like you, have no place in this world,” gusto niyang sabihin rito. “ Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa’yo babe, pero please magpakatatag ka,” sabi na lamang niya. " You w*tch!" untag sa kanila ni Monica, ng lapitan sila nito kararating lang nito kasama si Abner. " Malas ka sa buhay namin, mula ng dumating ka, sunod-sunod ang mga pangyayari hindi maganda sa mga kaibigan namin," galit na sabi ni Monica sa kanya. Napa titig siya rito, gusto niya itong patulan pero tinikom na lamang niya ang bibig. Alang-alang sa ina ni Anton, na nasa dulo ng upuan walang tigil sa kakaiyak. " Baka nga ikaw ang may gawa nito," pagpapatuloy ni Monica. Kumakabog ang kanyang dibdib sa sinabi nito. Ni hindi niya alam kung paano depensahan ang sarili. " Enough! Monica." galit na saway ni Marco, na napatayo at hinila si Monica, papunta sa pasilyo, ng hospital para patahimikin ito. Napalingon siya kay Abner, na tahimik na naka upo sa gilid. Alam niyang nasasaktan ito dahil ang pagkaalam niya mas malapit ang dalawa sa isa't-isa dahil ito ang unang magka sama ng makita siya sa daan. Alam niyang masama ang maging masaya sa kalungkutan ng iba pero, hindi niya mapigilan ang sarili lihim na matuwa. Hindi rin siya masisisi dahil sa ginagawa ng pambababoy ng mga ito ay walang kapatawaran iyon. Kulang pa ang mga buhay nito sa nagawang kasalanan sa kanya. “ Dalawa nalang kayong natitira, sino kaya sa inyong dalawa ang susunod sa kaibigan niyo?” sa isip niya, na titig na titig pa rin kay Abner. Malalim na ang gabi nang dalhin si Anton, sa Morgue para ayusan, hinatid na rin siya ni Marco, sa kanila. Nadatnan niya ang ginang na nakaupo sa sala ng maka pasok siya sa loob. “ Good evening, tita bakit gising pa po kayo?” aniya naglakad palapit rito. " Hindi pa ako dinadalaw ng antok, saka inisip din kita," tugon nito. Umupo siya sa tabi ng ginang, “ Pasensiya kana tita, kung ginabi ako ng uwi." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muli nagsalita. " Unti-unti ko nang nakamit ang hustisya, na matagal kong inasam-asam, tita dalawa nalang ang kalaban ko,” aniya. Nilapag nito ang hawak na notebook sa center table saka tinitigan siya," Sana pagkatapos nang paghihiganti mo ay magiging masaya kana. Maalis na sa puso mo ang puot at galit hija," saad nito. Muli siyang napahugot ng hininga ng maramdaman ang bigat sa dibdib niya, “ Sana nga tita dahil nahihiranapan na rin ako sa ganito. 'yong kahit hanggang sa pagtulog ko napapanaginipan ko ang mga mukha nila, ang mga halaklak nila,” aniya na nangilid ang mga luha. “ Hirap na hirap na ako, tita pero kailangan kung lumaban,” tuluyan na siyang napahikbi. Nayakap siya ng ginang, sa labis na pagka bahala para sa kanya “ Shh! tahan na matatapos din ang lahat ng ito. Makakamit mo rin ang hinahangad mong hustisya," sabi nito na hinagod ang kanyang likuran. " Maraming salamat po, utang ko sa'yo ang lahat ng ito," madamdamin niyang sabi. Kung hindi dahil rito hindi niya alam kung saan siya pupulutin. Ang laki ng utang na loob niya sa ginang dahil mula ng makita siya, hindi siya pinapabayaan nito. Matapos nilang mag-usap nagpaalam na siyang umakyat na, gusto na niyang makapag ligo para alisin ang pagod na naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Habang nasa shower, siya hindi maalis sa isipan niya ang pagkamatay ni Anton. “ Mas maganda sana kung ako, para maramdaman nila ang paghihiganti ko." Halata na malaki ang galit sa kung sino man ang pumatay nito. Pero kahit hindi man ito dumaan sa kamay niya, ipinagpapasalamat niya pa rin. Kinabukasan isinama siya ni Marco, na magpunta sa unang araw ng lamay ni Anton. Nadatnan niya si Abner, na nakatayo sa harapan ng kabaong. Nakita niya na bumubuka ang bibig nito na tila ba may sinasabi na tanging ito lang ang nakakarinig. Marahil ay labis ang pangulila nito sa yumao kaibigan. Siguro durog na durog ang puso nito sa magka sunod na pagkawala ng parehong malalapit rito. Napalingon si Abner, sa kanyang kinauupuan at nagtama ang kanilang mga paningin. Nauna itong nagbaba at muling ibinaling ang paningin sa kabaong. “ Hayaan mo magsama-sama din kayong, lahat na magkakaibigan sa imperno at mag reunion kayong lahat du'n kasama si Satanas,” aniya sa mahinang boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD