Lara's revenge. Episode 21

1056 Words
May sa kung ano na nagtulak kay Lara, na hawakan ang braso ni Marco, para pigilan ito bago pa mainom nito ang wine. " Sandali!"aniya na pasimple kinuha ang baso mula rito. " Bakit?" nagtatakang tanong ni Marco, na binitawan ang hawak na baso. Nag-isip siya ng kanyang idadahilan para hindi ito mag taka," Palit tayo nito, hindi ko gusto ang lasa," sabi niya sabay abot rito ng isang baso ng wine. " Mukhang pareho lang naman sila ng flavor," natatawa nitong sabi. Nakahinga siya ng maluwag, saglit siyang nagpaalam sa dalawang lalaki na puntahan muna ang kaibigan si Chesca. Nang maka layo siya at makasiguro na walang naka tingin sa kanya ibinuhos niya ang wine. " Ano na?" agad na tanong ni Chesca, sa kanya ng makalapit siya rito. " Andon na sana malapit na niyang mainom, pero ewan ko ba may sa demonyo, talaga ang taong iyon nakaka-amoy ata na huling araw na niya sana ngayon, biglang nagbago ang isip," naiinis niyang sabi. Tinignan siya nito ng mariin, na hindi niya nagustohan," Bakit mo ako tinitigan ng ganyan?" Bigla itong natawa sa expression ng kanyang mukha," Bakit hindi mo ibinigay kay Marco? ng saganon hindi na sasayang ang gabing ito," ani Chesca na nangingiti. Inirapan niya ito," Naku! Chesca, tigilan mo ako diyan sa mga titig mo alam ko kung ano ang iniisip mo. Iinumin na rin sana ni Marco, eh! p-pero," saglit siyang tumigil at nag isip, alam niyang hindi siya papaniwalaan nito. " Pero ano?" tanong nito at pilyang ngumiti. " Inisip ko kasi, kami ang magkasama at ako ang nag-abot ng wine, paano kung matigok iyon at malaman na nilason, di ako ang mapag bintangan," pangatwiran niya. Lalo itong natawa sa kanyang sinabi," Pero okay, lang kay Abner, na ikaw rin mismo ang nag-abot ng wine? Edi ikaw pa rin ang pagbibintangan," ani Chesca, na nilagok ang hawak na ladies drink. " Dahil pwedi pa akong maka lusot lalo na nasa tabi ko si Marco, at ma depensahan niya ako pero, kapag si Marco, ang na lason ko sino ang mag testify, na hindi ako ang may gawa?" pangatwiran niya para tigilan na siya nito sa kaka-introgate. Hindi niya alam kung naniniwala ito, pero bahala na itong mag-isip. "Darating din naman tayo diyan, unti-untiin lang natin wagka nang mainip," dagdag niya at mabilis na tinalikuran ito. Alas dyes na ng gabi ng magpasya na siyang umuwi. Inaantok na rin ang ginang kaya nag-aya na rin ito sa kanya. " Paano uuwi na kami? Hindi daw maganda sa isang bride ang magpuyat," paalam niya kay Marco. "Dito kana lang matulog," paglalambing nito. " Sira! hindi pwedi, hayaan mo malapit na din naman, sayong-sayo na ako isang tulog nalang magkasama na tayo," naka ngiti niyang sabi. " Magiging Mrs Martinez, kana rin," sabi nito na naglakad papunta sasakyan na kung saan nag-aantay sa kanya ang ginang. Nang makarating na siya sa kanila agad siyang naligo bago humiga sa kanyang kama. Lumalakas ang kanyang kaba habang iniisip ang kanilang kasal ni Marco, may mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. " Kailangan kong patibayin ang aking sarili," pinilit niyang ipikit ang mga mata para itakwil ang mga bagay na gumulo sa kanya. Hindi siya pweding magpatatalo sa naramdaman. KANINA PA nakabihis si Lara, pero hindi niya makuhang lumabas ng kanyang silid. Ngayon na ang araw ng kanilang kasal. Pero hindi siya mapalagay, kabadong-kabado siya. “ Handa kana ba hija?” untag ng ginang sa kanya, na hindi niya namalayan nabuksan na pala nito ang pintuan. Malungkot ang kanyang mga mata na nilingon ang ginang. Gusto niyang magsalita pero hindi niya mahanap ang tamang salita para ma e-describe sa ginang ang kanyang naramdaman. " Bakit malungkot ka? Sigurado kana ba talaga sa decision mo?" panigurado nitong tanong na naglalakad palapit sa kanya. Napahugot siya ng malalim na hininga " Kailangan ko itong gawin tita," aniya na hindi napigilan ang pag-ngilid ng kanyang mga luha. Umupo ito sa katabi ng inupuuan niya sa kalapit na bintana" Pwedi pa naman siguro magbago ang isipan mo kung nagdadalawang isip ka hija." " Hindi ako pweding umatras tita, sinimulan ko ito kaya tatapusin ko," humihikbi niyang sabi. Nayakap siya ng ginang ng maramdaman ang paghihirap nang kanyang kalooban. Kahit papaano na ibsan ng kaunti ang nararamdaman niya. kumalas sa pagkayap ang ginang Rosario,“ Paano, mauna na ako sa'yo?” Tumayo na ito at naglakad papunta sa pintuan. Matagal ng nakaalis ang ginang pero hindi pa rin siya, natinag sa kanyang kinauupuan. Nakailang beses na niyang tinanong ang sarili, kung handa naba siya sa kanyang gagawin. “ Kung ito ang ikakapanatag ng kalooban ko, handang handa na ako," anas niya sa sarili na hindi pa rin maawat ang mga luha niyang nag-uunahan sa pagpatak. " MARCO, baka ma pod-pod na iyang sapatos mo sa kakalakad," puna ni Erik sa kanya ng hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan. Ilang minuto na lang at magiging isang dibdib na sila ni Lara. " Kinakabahan lang kasi ako bro," aniya na napatingin sa mga bisita naka-upo sa harapan. Nandoon na rin ang ginang at si Chesca. “ Anong oras ba darating si Lara, Marco?" tanong ng ama ng malapitan siya nito. Magsisimula na ang seremonyas, pero wala pa rin si Lara. “ Baka na traffic lang pa, sandali tatawagan ko, ”aniya at naglakad palabas ng simbahan para tawagan si Lara. Naka ilang dial na siya sa number nito pero tanging operator lang ang sumasagot sa kanya. Bigla siyang naka ramdam ng kaba na baka ano na ang nangyari sa dalaga at kung bakit hanggang ngayon wala pa rin ito. “ Lara na saan kana ba?" anas niya na muling naglakad papasok sa simbahan. Nasa bungad pa lang siya ng pinto ng mapalingon siya sa daan. Nagliwanag ang kanyang mukha ng makita ang bridal car na paparating. Abot tainga ang kanyang ngiti na nagmamadaling nagpunta sa harapan ng altar at du'n na hihintayin ang magiging kanyang kabiyak na si Lara, habang maglalakad ito sa gitna ng aisle. " Finally! dumating na rin ang nagpapa kaba sayo," sabi ni Erik ng maka tayo na siya sa tabi nito. Marahan niyang tinapik ang balikat nito," Salamat bro," aniya na naka tingin sa dalawang lalaki na naka uniforme, pinagtutulungan isara ang pintuan ng simbahan. Ngunit muli din itong bumukas at pumasok ang driver ng bridal car.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD