Bumalik siya, sa kanilang mesa, at hinagod-hagod ang kanyang noo.
" Okay, ka lang ba babe?" nag alalang tanong ni Marco, ng madatnan siya sa ganong ayos.
Nag angat siya ng tingin, " Ayaw ko sanang maging killjoy, sa kasiyahan mo pero, kinakailangan ko nang umuwi. Bigla kasi umatake ang migraine ko," aniya na humawak sa ulo.
Mabilis na inilapag ni Marco, ang hawak na fruit salad sa mesa, " Ihahatid na kita sa inyo, para makapagpahinga ka na," inalalayan siya nitong makatayo.
"Bumalik ka nalang dito pagka tapos mo akong maihatid," saad niya na pilit tumayo, ng tuwid.
"Si Chesca, nasaan?" tanong nito ng hindi makita ang kanyang kaibigan.
" Umalis na, tinawagan kasi siya ng mommy niya, nasa hospital daw ang kanilang katulong. Gusto niya sana magpaalam sa'yo, pero nakita ka niyang may kausap, kaya hindi ka nalang niya inabala," aniya na humawak sa bisig ni Marco.
Sa labis na pag-alala ni Marco, sa kanya hindi na nito nakuhang magpaalam sa kaibigan. Nagmamadali itong isinakay siya sa kotse. Agad niyang isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan ng maka upo na siya.
" Baka dahil 'yan sa matinding pagod babe, at nalipasan ka pa ng gutom nong nagpunta tayo, sa simbahan," ani Marco.
" Baka nga," maikli niyang tugon na ipinikit ang mga mata.
Hindi na siya ginambala ni Marco, hinayaan na siyang maka tulog, tinoun na lang nito ang attention sa pagmamaneho. Bigla niyang na alalala ang pangalan ng lalaki na pinag-uusapan ng magkakaibigan kanina.
" Sino pala si Erik? Nasaan pala siya?" curious niyang tanong dahil sa madalas na rin itong nababanggit ng kasintahan.
Saglit siyang nilingon ni Marco, " Isa namin matalik na kaibigan, na nasa ibang bansa," sabi nito na ibinalik ang tingin sa daan.
" Madami pala kayo?"
"Oo, kasundong-kasundo ko 'yon. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pinag-aawayan nila ni Abner," sabi ni Marco.
Nahimigan niya sa boses nito ang lungkot, ng muling maalala ang kaibigan.
Gusto pa niya sanang magtanong pero, naisip niya rin, na wala siyang pakialam sa kung ano man ang iringan ng kaibigan at kay Abner, wala naman siyang pakay sa Erik na 'yun. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay ang apat na ngayo'y nakakasalamuha na niya.
Marahan niyang hinaplos ang balikat ni Marco, “ Hayaan mo babe, magiging okay din kayo,” sabi na lamang niya saka muling ipinilig ang ulo sa sandalan ng upuan.
Tahimik sila sa buong byahe, hanggang sa makarating na sila sa kanila. “ Hindi na kita ayain, pumasok sa loob dahil gusto ko na talagang matulog, kumikirot ng husto ang ulo ko. Pakiramdam ko rin parang masusuka ako," mahabang paliwanag niya sa kasintahan.
“ Nauunawaan ko babe, magpahinga ka nalang ng maaga. Magkita nalang tayo bukas. Uminom ka rin ng gamot bago matulog," bilin nito bago bumalik sasakyan.
Tinango-tangon niya ito, “ Ingat sa pagmamaneho babe, I love you!” pahabol niyang sabi.
Nag flying kiss, ito sa kanya saka pina-andar ang sasakyan. Hinatid niya ng tanaw ang papalayong si Marco, hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Agad din siyang sumakay sa puting kotse, na humihinto sa kanyang harapan.
“ SURPRISE!" bungad niya sa naka higang si Michael ng puntahan niya ito sa lumang building. Naka gapos ang dalawa nitong kamay, at kahit putok ang labi at kilay, na aninag pa rin niya ang pagka gulat sa mukha nito ng makita siya.
” Lara?”nagtatakang sambit nito sa pangalan niya.
“ Oo, ako nga!” taas noo niyang sabi.
Pinilit nitong maka upo sa sahig, “ I-ikaw ang nagpakidnap sa akin? Bakit a-ano ba ang kasalanan ko sa'yo, para gawin mo 'to?” naguguluhan na tanong ni Michael.
“ Ano ang kasalanan mo?” ulit niyang tanong saka, malakas na hinampas ang baril sa mukha nito.
“ Wala ka ba talagang natatandaan, o nagmaang-maangan ka lang?”aniya na inilapit ang mukha rito.
" Titigan mo ang mukha kung hay*p ka!" singhal niya.
Napapitlag ito sa pagka bigla at tinitigan siya ng husto, na tila ba kinikilatis siya ng maigi.
“ Saan ka ba nagagalit? Dahil ba nilalandi ko si Chesca? Siya naman ang naunang nagpapahiwatig na gusto niya ako," sabi nito ng hindi pa rin siya natandaan.
Sinampal niya ito uli ng baril” 'wag mo akong gaguhin. Alam kong alam mo ang ibig kung sabihin!” nang galaiti niyang sabi.
“ Lara, please wala akong natandaan na may kasalanan ako sayo, pakawalan mo na ako.”
Nilapat niya ang dulo ng baril sa noo nito, ” Naalala mo ang babaeng nagmamakaawa sa'yo noon, na tigilan mo, habang hinahalay mo ha?" aniya na itinulak ng dulo ng baril ang noo nito.
"Ang sabi mo sa akin, na h'wag akong manlaban pa dahil masasaktan lang ako, ako 'yon tanga!” pa sigaw niyang sabi sa pagmumukha nito.
Hindi ito naka imik, sa kanyang sinabi para itong tinakasan ng dugo sa mukha sa subrang putla.
“ Ako 'yong babae na pinagtutulongan niyong magkakaibigan, mga hay*p kayo!" hindi niya mapigil ang sarili mapa iyak, ng muling maalala ang pagpatong nito sa kanya.
" Nagmamakaawa ako sa iyo na tama na pero, hindi mo ako pinakinggan, pinagpatuloy mo pa rin ang kababuyan niyo!” marahas niyang pinahid ang mga luha na naglandas sa kanyang pisngi." Ngayon na tatandaan mo na?" pukaw niya sa pananahimik nito.
Mabilis itong lumuhod sa kanyang harapan, ng mahimas-masan sa pagka bigla“ Lara, patawarin mo ako, na lango kami nu'n sa ipinagbabawal na gamot ng mga panahon iyon, hindi ko sinasadya,” naiiyak nitong sabi.
" Maawa? Ganyan din ang ginawa ko noon, nagmamakaawa ako sa'yo, pinakinggan mo ba akong, hay*p ka?" itinutok niya ang baril sa ulo nito.
" Babasagin ko ang bungo, mo dahil ang taong kagaya mo ay walang karapatang mabuhay sa mundong ito," hinigpitan niya ang pagkahawak ng baril.
Napatingin siya sa pang ibaba nito, at itinutok roon ang hawak na baril “ Ano kaya kung 'yan ang papuputukin ko,” pagka sani niyang iyon ay pinapatok niya ang baril sa ere.
“ H'wag!” malakas na sigaw ni Michael, sa takot.
“ Hahahaha! nagulat ba kita?” nang uuyam niyang tanong ng makita ang mukha nitong takot na takot.
“ Hindi pa kita papatayin dahil gusto ko iyong nahihirapan ka, unti-untiin kita para naman maramdaman mo ang nararamdaman ko noon,” aniya.
Naisipan niyang pahirapan ito hanggang sa ikanta nito si Abner, sa mga pulis. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Saglit niyang iniwan si Michael, lumayo-layo siya ng makita ang pangalan ng ginang Rosario sa screen.
Nakahanap ng pagkakataon si Michael, na maka takas, mabilis itong tumayo at nagtatakbo palabas ng building, natanggal nito ng kusa ang tali sa kamay.
"Habulin niyo si Micheal, bilis!"
Narinig niyang sigaw ni Chesca, sa dalawang lalaking binayaran, sa de ka layuan.
Mabilis niyang pinatay, ang cellphone at nagtatakbo palabas ng building para habulin si Michael, kinakabahan siya ng makita itong papalayo, kailangan niyang maabutan ito dahil kung hindi masisira ang lahat ng plano niya.
Natanaw niya itong nagtatakbo palabas sa tahimik na skinita, at walang lingon-likod na tumawid sa kabilang daan, hindi nito napansin ang mabilis na tumatakbong sasakyan, malakas itong nabundol at tumilapon sa kabilang linya.
Napahinto sila sa pagtakbo at nagkubli sa gilid ng skinita bago pa may maka kita sa kanila na hinahabol nila ito.