“ ANO ba naman iyan!" palatak ni Marco, ng magising, mula sa tunog ng cellphone.
Napa tingin siya sa orasan, na nasa tabi ng lampshade, mag-alas tres, pa lang ng madaling araw. Ilang oras, pa lang siyang naka tulog. Kinapa niya ang cellphone sa kanyang ulonan.
Papikit-pikit ang kanyang mga mata na pinindot ang answering button,“ Gaano ba ka importante ang tawag na 'yan para hindi maka paghintay ng umaga,” naiinis niyang bungad sa kaibigan.
May sinasabi ito sa kabilang linya, ngunit hindi niya naintindihan. “ Ano ba naman yan tol, natutulog na ako ini-isturbo mo pa, ano ba ang kailangan mo?” iniisip niyang lasing pa rin ito hanggang ngayon, kaya napag ti-tripan siya nito.
Napa balikwas siya ng bangon at na higpitan ang pagkahawak niya ng cellphone,“ Anton, h'wag kang magbiro ng ganyan, hindi nakakatuwa iyan sinasabi mo, na nasagasaan si Michael.”
Biglang naglaho ang kanyang antok ng marinig itong umiiyak sa kabilang linya.
" Pupuntahan kita riyan." Ka agad niyang pinutol ang tawag at tinungo ang closet, kumuha siya ng damit at nagmamadali umalis ng bahay, para sundan ang kaibigan.
Nang lambot ang kanyang mga tuhod ng makarating ng Morgue. Napa luha siya ng makita ang malamig na bangkay na tinatakpan ng puting kumot.
Lumapit siya roon at hinawakan niya ang kumot. Na ngangatog ang kanyang mga kamay na ibinaba ang naka takip nito. Napa hagolhol na siya ng tuluyan tumambad sa kanyang harapan ang halos hindi na makilala na si Michael, basag ang mukha nito.
Ang sabi ni Anton, sa kanya dead on the spot si Michael, ayon din sa nakuha nitong information na nag mula sa driver, mismo na naka bundol nito. Mabilis ang takbo ng sasakyan, at hindi nito napansin ang biglaang pagtawid ni Michael, sa lakas ng impact ng pagka bangga, tumilapon ito at padapa na bumagsak sa cementadong daan.
Labis siyang nasaktan sa sinapit ng kaibigan, kung kailan ipinagdiwang nila ang pagdating ni Abner, ay siya naman ang pagkawala ng isa nilang kaibigan. Lumabas siya ng Morgue, hindi niya matagalan tignan ang kaibigan sa ganu'n ayos. Naisipan niyang tawagan ang kasintahan at ipaalam rito ang nangyari, kailangan niya ng karamay sa pagdadalamhati niya ngayon.
“ Babe? Napa tawag ka ng maaga?" humihikab na tanong ni Lara, sa ng sagutin nito ang tawag niya.
" S-si Michael, w-wala na," nauutal niyang sabi.
" Huh? bakit, a-anong nangyari?" nagtatakang tanong nito.
Sinabi niya ang dahilan, ng pagkamatay ng kaibigan. Mabilis itong nagpalaam sa kanya, para puntahan siya.
" Ang saya-saya pa natin kahapon," malungkot na sabi ni Anton, na tumabi ng upo sa kanya.
Napa hugot siya ng malalim na hininga," Hindi ko inasahan na ang kapalit ng kasiyahan natin ay ang pagluluksa," tugon niya na napatingin sa kawalan.
" SINO kaya sa inyong tatlo ang susuno?" bulong ni Lara, sa sarili ng madatnan si Marco, Abner at Anton na magka tabi na naupo sa labas ng Morgue.
Niyakap niya ang kasintahan ng mahigpit, " I'm sorry for your loss babe," aniya hinagod ang likuran ni Marco.
" Salamat, sa pagpunta mo, kailangan talaga kita ngayon," ani Marco, ng maka upo siya sa tabi nito.
"H'wag kang mag alala palagi ako nandito sa tabi mo," saad niya na palihim na sinulypan sina Abner at Anton.
Muling nanumbalik sa alaala niya ang ginawa ng mga ito kung paano siya, pinaniwala na ihahatid siya sa terminal ng bus. At ang boses na nagpapaalam matapos siyang pagsawaan. Hindi niya man nakita ang mukha pero alam niyang si Marco, iyon. Napahigpit ang paghawak niya sa braso ng kasintahan.
" Aray, ko!" bulalas ni Marco, ng maramdaman ang pagbaon ng kanyang koko sa braso nito.
" I'm sorry, diko sinasadya," aniya na ipinilig ang ulo sa balikat nito.
"Ano ba kayong dalawa, dito pa talaga kayo naglalampungan?" na iinis na saway sa kanila ni Monica, ng madatnan sila nito.
Nag angat ng tingin si Marco, " Monica, pwedi ba ipagpaliban mo muna iyang pagiging brat mo," na irita nitong saway.
Tumayo siya at nagpaalam sa nobyo, na bibili ng maiinom para maiwasan niya si Monica.
" Sasamahan na kita Lara," ani Anton, na mabilis na kalapit sa kanya.
Ayaw niya sana pero, hinayaan na lamang niya ito, mas mainam na rin para makuha niya ang loob ni Anton.
" Lara, salamat sa pagdamay mo sa'min magkakaibigan," ani Anton, na naka sunod sa kanya sa paglakad papunta sa tindahan.
Nilingon niya ito," Mabuti nga 'yon dahil nakikita ko kayong nasasaktan. Baka nga ikaw na ang susunod, sa kaibigan mo," sa kaloob-looban niya.
Nginitian niya ito " Wala 'yon! tungkulin ko naman na damayan si Marco," tugon niya na muling nagpatuloy sa paglakad.
Sumabay ito sa kanya, " Alam mo ba nong una sinabi sa amin ni Marco, na magpapakasal na kayo? Nabigla kami kasi, ang bilis ng pangyayari sa pagkakaalam ko kailan, lang kayo naging mag-on," sabi nito na sinulyapan siya.
Bigla siyang kinabahan, ng mahimigan sa boses nito na parang may pagduda sa mabilisan nilang pagpapakasal ni Marco.
" Iba talaga kung umibig, 'tong kaibigan ko gusto sunggaban agad, sa bagay...hindi ko rin naman siya masisisi," sabi nito na ngingiti.
Napahinga siya ng maluwag, ng binawi nito ang paghihinala.
" Lara, hindi ba talaga tayo nagkita noon? Lagi kasi sumagi sa isipan, ko sa tuwing nakikita kita, na para bang nagkita na tayo. Hindi ko lang matandaan kung saan," sabi nito ng wala siyang imik-na naglalakad.
Saglit niya itong tinignan " Ngayon nga lang kita nakita eh, kung hindi dahil kay Marco, siguro hindi tayo nagka kilala ngayon."
" Di bali nalang! tama din naman si Michael, malayo yun sa'yo," sabi nito na binilisan ang paghakbang palapit sa tindahan.
Bago mag alas-dyes, ng umaga nang ihatid siya ni Marco, sa kanila. Pagka alis ng binata agad siyang nagpunta kina Chesca,
Hindi pa niya ito nakausap pagkatapos, sa nangyari kagabi dahil naghiwa-hiwalay sila agad para kung isa sa kanila ang mahuli ay hindi madadamay ang lahat.
" Akyatin mo nalang sa kwarto niya Lara," sabi ng katulong sa kanya ng makarating siya sa bahay ng kaibigan.
Pumasok siya sa loob at dumeretso sa hagdanan, papunta sa silid ni Chesca. Pinihit niya ang seradura pa bukas ng matapat na siya sa pintuan ng silid nito. Natanaw niya ang kaibigan na naka tihaya ng higa, sa kama. Nilapitan niya si Chesca, at mahinang niyug-yug ang balikat nito.
" Chesca, gumising kana," pukaw niya.
Napamulat ito ng mata ng marinig siya " Ano na ang balita?" tanong nito na bumangon at umupo sa kama.
" Dead on the spot si Michael, kagagaling ko lang sa morgue kanina, tinawagan ako ni Marco," tugon niya na umupo sa tabi nito.
" Hindi ba nagtaka si Marco, na nawala ako kagabi?"
" Hinanap ka niya, pero na pa niwala ko siya, na nasa hospital ka."
Napa ngiti ito sa sinabi niya, " Ang galing mong umarte sa party, kunwari hindi mo kilala ang leader ng mga demonyo, " sabi ni Chesca, na muling humiga.
Nahawa na siya sa ngiti nito" Ikaw nga rin diyan eh! ang galing mo palang mang akit," tukso niya.
Tumingin ito sa bubong " Babae talaga ang kahinaan ng mga rapist na iyon," sabi nito.
Humiga siya sa tabi ng kaibigan "Salamat talaga Chesca, sa pagtulong mo sa akin, akala ko tatanggihan mo ako sa pakiusap ko sayo," seryuso niyang sabi.
" Galit ako sa mga rapist Lara, ang daming inocente ang nagahasa dahil sa mga demonyong iyan." Nilingon siya nito " So? What is next and who?" tanong nito.
"Hahanap pa tayo ng tyempo, lalo na ngayon na nagluluksa sila. Pag-isipan natin ng mabuti ang susunod natin gawin," sabi niya.
" Ma swerte tayong na bundol si Michael dahil napagtakpan ng pagkabundol niya ang ginawa natin," ani Chesca.
Umayon talaga sa kanya ang pagkakataon ng pagkamatay, ni Michael. Dahil kung hindi magsama-sama silang dalawa ni Chesca, sa kolungan.
" Maiba ako," ani Chesca, ng may maalala.
" Bakit kaya nagmamadali si Marco, na pakasalan ka? Pinapaayos pa agad ang mga papers, without thinking. Hindi ka kaya na mukhaan at nakunsensiya siya sa ginawa kaya papakasalan ka niya?" naitanong nito na punong-puno ng pagdududa.
Siya man ay napaisip na rin, kung tama man ang hinala ng kaibigan, bahala na ang mahalaga hawak na niya si Marco, sa leeg.