Lara's revenge. Episode 13

1350 Words
Kahit walang maayos na tulog si Lara, kagabi dahil sa mag damag niyang pinag-isipan ang pagkikita-kita nilang lahat, maaga pa rin siyang nagising para tumulong sa mga gawain bahay. Nang matapos siya sa paglilinis, inabala niya ang sarili sa paghahanap ng kanyang maisosout para mamayang gabi. Kinakailangan niyang paghandaan ng maigi at ng hindi magkakamali sa kanyang mga kilos. Matagal umusad ang oras, naiinip na siya, gusto na niyang hilahin ang orasan, para makita ang leader ng mga demonyo. Insakto alas-sais na ng gabi ng sunduin siya ni Marco, sa kanila. " Babe, baka naman magkaroon ako ng ka agaw niyan," angal ni Marco ng makita siyang naglakad palabas ng gate. Sout niya ang black dress na lagpas tuhod ang haba ng manggas na may slit sa kanang hita. Litaw naman ang kanyang dibdib sa malaking ukab ng desensyo ng damit, nagsout din siya ng mirrored gold choker, at hinayaan niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok. Naka ngiti siyang lumapit rito, saka hinagkan niya sa labi, " Walang a-agaw babe, kasi hindi naman ako magpapaagaw sa iba. Dahil sa'yo lang ako," malambing niyang sabi. ” Sinabi mo yan ha!” Inalalayan na siya nitong makaupo passenger seat. Dinaan muna nila ang kaibigan si Chesca, bago sila tumuloy, sa bahay nina Abner. " Sigurado ka talaga isasama natin siya? Hindi ba nakakahiya sa mga kaibigan mo?" nag-alala niyang tanong kay Marco. " Bakit naman nakakahiya? Sila nga ang nagsabi isama natin. Pinaalalahan pa nga ako Michael, kanina na siguraduhin sasama ang kaibigan mo," saad ni Marco. Napa ngiti siyang nilingon ang sasakyan ng kaibigan na naka sunod sa kanila. Hindi talaga siya pinapahirapan ng magkakaibigan na maghihiganti sa mga ito. Halos mag-isang oras din ang kanilang nilakbay bago narating ang bahay ni Abner. Nagsimula na siyang kinabahan ng tumambad ang two story na bahay nina Abner, kahit pinaghandaan na niya ito, pero magkahalo pa rin ang kanyang nadarama. Humawak siya sa braso ni Marco, at sabay na naglakad papasok sa naka bukas na gate" Marami ng tao, hindi ba nakakahiya babe?" aniya ng nasa bukana na sila ng gate. Tinapik ng isang kamay nito ang kanyang kamay na naka hawak sa braso," Andito naman ako, saka wala kang dapat na ikahiya, ang ganda mo nga," na ngingiti nitong sabi at inakay siya papasok sa loob. " Tol! ba't ngayon lang kayo?" ani Anton, ng makita sila nito. " Hi, Lara." Baling nito sa kanya. Nginitian niya ito," Hello! nice to see you again!" aniya at nilingon ang kaibigan na si Chesca, nasa kanyang likuran. Mabilis na naka lapit sa kanila si Michael, " Lara, sino 'tong magandang babae na kasama mo?" naka ngisi tanong nito. " Kaibigan ko si Chesca," masaya niyang pakilala sa kaibigan. Inilahad ni Michael, ang palad kay Chesca, na mabilis naman inabot ng dalaga. " Masaya akong makilala ka aking magandang binibini," ani Michael, na hinagkan nito ang kamay ni Chesca. Napatingin sa kanya si Chesca, saka muli din nitong ibinaling ang tingin kay Michael, "Masaya din akong makilala ka," balik na sabi ni Chesca, rito. " H'wag kang magpapaluko diyan Chesca," natatawang sabi ni Marco, saka inakay siya papunta sa bakanteng upuan. Agad na lumapit sa kanila ang waiter para abutan ng maiinom. Kumuha siya ng isang baso na may lamang wine at idinala niya iyon sa kanyang bibig, para tikman ngunit na bitin niya, sa ere ng may nagsasalita sa gitna ng bulwagan. “ May I have your attention please?” Isang may ka edaran na lalaki ang kanyang nakita na nagsasalita, sa tantiya niya ito ang ama ni Abner. “ Gusto kong sabayan niyo ako sa pag we-welcome ng aking unico hijo, na kakauwi lang galing U.S," sabi nito sa mga bisita. Napa tayo na ang lahat, at halos na magka sabay-sabay na weni-welcome si Abner, kasunod niyon ay ang ma ugong na palakpakan, ng lumitaw si Abner, mula sa likuran bahagi. Napa higpit ang pagkahawak niya sa wine glass, na halos mabasag na ito sa subrang higpit. Nag aalab sa matinding galit ang kanyang dibdib na matalim na tingin ang pinukol niya kay Abner, na no'y naka tayo, sa gitna at nagsasalita. Gusto niya itong lapitan at hampasin sa ulo ng hawak niyang baso. Naramdaman niya ang paghawak ni Chesca, sa kanya hudyat na huminahon siya bago pa siya maka gawa ng pagkakamali. Ni hindi na niya narinig o naintindihan ang mga sinasabi ni Abner. Nakita na lang niya itong naglakad palapit sa kanilang kina tatayuan. Agad na niyakap ni Marco si Abner, at naki sali na rin sa pagyakap ang dalawa pa nitong mga kaibigan. " What a good reunion for all of us!" gusto niyang isigaw, para gulantangin ang mga ito. Sa paglantad niya sa katotohanan na siya ang babae, pinagtutulungan ng mga hay*p na ito. " Kay sarap lagyan ng granada sa gitna habang nagyayakapan, panigurado walang matitira isa man sa mga ito," bulong niya sa sarili. Kumalas sa pagyakap si Abner, sa mga kaibigan, “ Pare, I heard na ikakasal kana raw?” tanong ni Abner, kay Marco. Inakbayan siya ng kasintahan,” Yes, naunahan na pala ako sa pagbabalita sa'yo ng mga tsimosong 'to,” natatawang sabi ni Marco sa kaibigan. " Suprise!" sa kaloob-looban niya habang nakikipag titigan kay Abner. Ngali-ngali siyang kalmutin ito sa mukha but, she remain calm, instead. " Hi!" pilit ang ngiti na bumati rito, na kahit ang kanyang boses, ay pigil na pigil na 'wag manginginig sa subrang galit na naramdaman ng mga sandaling iyon. “ Fiancé ko si Lara," ani Marco. Bahagyang natigilan si Abner, at mataman siyang tinitigan na tumagos sa kanyang buto ang bawat titig nito, maya-maya ay ngumiti ito, sa kanya “ Nice to met you Lara,” nilahad nito ang palad para kamayan siya. Na nginginig ang kanyang kalamnan na inabot ang kamay nito ,“ Finally! na met ko na rin ang lahat ng mga kaibigan nitong mahal ko," aniya na binaling ang tingin sa kasintahan. Matapos makipag palitan ng kumustahan, ang magkakaibigan ay nagpaalam na rin si Abner, sa kanila dahil atupagin pa raw nito ang iba pang mga bisita. " Ano ang masasabi mo babe, sa mga kaibigan ko?" tanong ni Marco sa kanya ng mapag solo sila. Ginalaw niya ang dalawang balikat, " Well, masaya ako para sa inyo na muli kayong na buo," tugon niya na nilingon si Chesca, naglakad kasama si Michael, hindi naka ligtas sa kanyang paningin ang paghawak ni Micheal sa baywang ni Chesca, na iginiya ito papalapit sa mesa na nasa pinaka dulo, may mga babae at lalaki na roon, na masayang nagkukwentohan. Nagpaalam saglit sa kanya si Marco, para kumuha pa ng dessert, sinundan niya ito ng tingin, hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ni Monica, napaigtad siya sa pagka bigla ng may tumilapon sa kanya, hindi niya mawari kung tubig o kung wine, ba iyon. " Ops! hindi ka kasi umilag na basa ka tuloy," ani Monica na naka tayo sa kanyang gilid. Napa tayo siya sa galit " What the hell you're doing Monica?" pigil niya ang boses, na wag tumaas. Pinagcross ni Monica ang braso sa dibdib, at tinaas nito ang isang kilay, " Iyan ang nababagay sa'yo para mahimasmasan ka sa kalandian mo," ani Monica, na inirapan siya. Napa hugot siya ng malalim na hininga, para kalmahin ang sarili, ayaw niyang maka gawa ng iksena," Pasalamat ka, na may respito ako dahil kung hindi pinatulan na kita, pero sa susunod na gagawin mo pa iyan, sisiguraduhin kong may kalalagyan ka sa akin, Monica," mariin niyang sabi rito. "I'm scared Lara," nang aasar nitong sabi. "Monica!" Pareho silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Muling bumangon ang galit niya sa dibdib ng makita si Abner, lumapit sa kanila. Tinapunan siya nito ng tingin, saka hinawakan si Monica sa siko at hinila nito palayo sa kanya. Napa buntong hininga siya na muling umupo. Binaling niya ang pansin sa kinaroroonan nina Chesca at Michael. Hindi na niya nakita ang dalawa, kumakabog sa kaba ang kanyang dibdib, sinuyod niya ang paligid na baka lumipat ang mga ito ng mesa, pero hindi niya pa rin nakita ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD