DECEMBER JANICE TRINIDAD
BUONG GABI kong tinitigan ang pregnancy test aid kit sa harap ko. Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig at pakiramdam ko wala ng matinong organ ko ang nagfa-function. Pakiramdam ko mababaliw ako sa sobrang stress, sa pag-iisip ko kung anong gagawin ko ngayong buntis ako. Kung paano ko ba to sasabihin kay Vaughn o kung anong gagawin ko pag malaman ni Raphael na buntis ako sa anak niya.
I am sure that this is his baby. Ako ang babae kaya alam ko kung sinong ama ng anak ko.
Napatingin ako sa lotus na nasa kwarto ko at saka ako nagisip ng malalim. Hindi siya nagdalawang beses na tulungan ako sa aking self abortion dati. I'm pretty sure he will ask me to kill this baby. Hindi ko na ulit uulitin ang pagkakamali na 'yon. Sunod na tumunog naman ang cellphone ko at nakita ko ang numero ni Vaughn na tumatawag sa akin.
Do I still deserve your love? Yung bagay na pinakakinakatakutan ko ay dumating na at biglaan pa nitong binabago ang buhay ko. And I think it would be a big disadvantage on your side. Humiga ako sa kama at saka tumulo ang luha ko.
Is this the consequence of all my actions? Ito na ba ang kapalit ng pagiging mahina ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Limang araw akong ‘di lumabas ng kwarto at nakahiga lang sa kama habang nakahawak sa tiyan ko. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Nagising na lang ako sa pag-iisip ng mapagtanto ko ang matagal na katok sa aking pintuan.
“December, it’s me Phoenix. Hindi ka pa ba papasok ngayon ha? It’s been five days at nandyan ka lang sa kwarto mo. Pati ‘yung ugok mong boyfriend kinukulit na ako. Nag-a-alala na rin ang Mama at Papa mo sa’yo. May problema ba? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Or sa kanila?” Sabi niya sa akin sa may pintuan napabuntong hininga na lang ako.
‘Oo papasok na ako kuya. Pakisabi huwag na silang mag -alala sa akin. Nagpahinga lang ako,” sagot ko naman sa kaniya at saka na ako tumayo ng kama tumingin ako sa salamin at sa tiyan ko.
May buhay dito, may fetus na maliit pa, mandito ang anak ng taong bumaboy sa akin. Ang anak ng sumira ng buhay ko, inaamin ko nakakaramdam ako ng muhi sa buhay na wala namang kasalanan sa akin napapikit ako at tumulo muli ang luha ko.
“May problema ba December ha?” tanong sa akin ni Phoenix .
‘Hindi, wala! Wala naman akong problema. Okay lang ako!” sagot ko muli sa kaniya. Tahimik lang ako na pumasok ng eskwelahan ko. Kasama ko si Kristelle at masaya siyang nagkekwento sa akin pero para akong nababaliw at di makakinig sa kaniya nakahawak lang ako sa tiyan ko.
Napatingin ako sa cellphone ko at bumungad sa akin ang mga tawag ni Vaughn na ‘di ko sinasagot, mga tawag na parang wala akong lakas na loob sagutin. Na kahit gusto kong madinig ang boses niya ay hiya lang ang nadadama ko. Kinuha ko ang purse ko at pinasok doon ang phone ko para ‘di ko marinig pa ang mga tawag niya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad papasok sa classroom namin. Iiwasan ko na lang siya hanggang sa matapos ang semester. Kahi mahirap gagawin ko, ga-graduate naman nakami.
It won’t matter.
“December, can we talk?” napalingon ako at nakita ko si Vaughn na nakatayo sa harap ko nakatingin sila parehas ni Kristelle sa akin.“Kausapin mo nga muna ‘yan, parang naaning na iyan eh!” sigaw ni Kristelle sa kaniya.
Napatitig ako sa mga mata ni Vaughn at agad ko itong iniwasan “Madami akong gagawin, sorry!” walang gana kong saad sa kaniya at iniwasan ko siya. “Dec, mag-iisang linggo mo na akong iniiwasan, nag-alala na ako! May problema ba ha?” tanong niya sa akin ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo sa kaniya.
“Dec! Dec!” sigaw niya muli pero ‘di ko na siya tuluyang pinansin.
Nagtagal pa ang ganitong sitwasyon naming dalawa, pinutol ko ang koneksyon ko sa buong Alpha 7. Hindi na rin ako dumadalaw sa hospital, ang iniisip ay kung paano masasabi sa magulang ko na buntis ako, at kung paano ko sasabihin na si Raphael ang ama nito. Pero sa bawat pag-iwas ko kay Vaughn ay namumutani ang pagka-miss ko sa kaniya. Namimiss ko ang kakulitan niya. But avoiding him is the best way to be safe.
“Are you going to avoid me? Why are you avoiding me? If ever, can you please do it nicely and state some arguable and acceptable reason? You can’t just leave my heart like this, December. Hindi mo ako pwedeng pahirapan nang ganito.” Nadinig ko na naman ang boses niya sa likod ko.
Pag naiinis ang lalaking ‘to tumatalino masyado. Ingles na ang ingles. Imbes na mamoblema ako sa pangungulit n’ya ay natatawa ako. “And make sure that it’s debatable, h’wag mo akong bibigyan nang rason na hindi ko maiintindihan!” dagdag pa n’ya sa akin.
“Vaughn…” I breathed.
“Bakit mo ba ako iniiwasan?” ulit niyang tanong sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Humarap ako sa kaniya at umiwas pero nahawakan niya ako. “Kung may problema ka makikinig ako, 'di yung ganito iniiwasan mo ako. Huwag naman ganito,” sabi niya muli sa akin.
“Wala akong ganang makipag-usap. Wala na rin tayong dapat pag-usapan. Busy ako, aalis na ako excuse me” sabi ko sa kaniya.
"Kailan ka ba magkakagana ha? Ipaintindi mo sa akin ang lahat please. Huwag mo lang ako iwasan ng ganito. ” sabi niya sa akin nababakas ko sa boses niya ang pagkadesperado na makausap ako.
“Mahal ko pa si Cleve at ayoko na masaktan ka, kaya iniiwasan kita,” sabi ko sa kaniya maging sa puso ko parang may bumaon na karayom dahil sa mga sinabi ko sa kaniya. “Kaya kong maghintay. Kaya kong tanggapin. December huwag lang sa ganitong paraan.” tanong niya sa akin.
“Para sayo rin tong ginagawa ko, mas maigi na to. Wag mo na akong kakausapin, kasi paulit-ulit ko lang na itataboy at iiwasan ka. Gawin mo na lang ang gusto ko bago ka masaktan,” sabi ko sa kaniya, hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata pero sinubukan kong mag sound cold as possible.
“Nagsisinungaling ka sa akin ano?” tanong niya sa akin dahilan para matigil ako. “Bakit naman ako magsisinungaling sayo?” tanong ko sa kaniya habang direktang nakatingin sa kaniyang mga mata.
“Kasi galit ka pa rin sa akin, kasi di ka naniniwala na mahal kita, kasi gusto mo akong saktan.” Sabi niya sa akin napalunok ako dahil doon at napahawak sa tiyan ko.
Vaughn, mas masasaktan kita kung sasabihin ko ang totoo sa’yo .
“Hindi kita gustong saktan at naniniwala ako na mahal mo ako, Vaughn nararamdaman ko na mahal mo ako pero kasi—Di pwede eh, di pwede ang gusto mo mas masasaktan lang kita.” Sabi ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga. Nakatingin lang siya sa akin nang mga oras iyon.
“Hindi naman ako masasaktan eh, bakit ba ang kulit mo?” tanong niya muli sa akin Nalilito din ako sa dapat kong gawin pero sa tingin ko ito ang tama. “Miss. December, nandyan ka ba?” napalingon ako at nakita ko si Kuya Phoenix na papasok sa pintuan at saka tumingin sa akin.
"Kailangan na po nating umalis,” sabi niya sa akin tumango lang ako kay Kuy aPhoenix at sumama na sa kaniya. Habang nasa loob ako ng sasakyan tahimik lang ako na iniisip si Vaughn.
“Tahimik ka na naman? Nag-away ba kayo nung boyfriend mo?” tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kaniya. “Nakipag-break na ako sa kaniya,” sabi ko sa kaniya at tumulo ang luha ko.
“Vaughn loved me despite of what happened, he accepted me and made me feel loved. Pero ito ako, sinaktan ko siya at nagagalit ako sa sarili ko nang dahil doon. I hate myself for being stupid and letting things happen.” Sabi ko sa kaniya habang patuloy ako sa paghagulgol, hinawakan ni Kuya Phoenix ang kamay ko.
“Ano bang nangyari, kung ayaw mo naman palang gawin ‘yon e bakit mo siya sinaktan?” He asked me.
Tumingin ako sa kaniya. “Kuya Phoenix, I’m pregnant.” mahina kong bulong sa kaniya nagbago ang expression ng kaniyang mukha. ‘Ihinto niyo muna ang sasakyan, iwanan niyo kami sa loob. Kailangan naming mag-usap.” Sabi niya sa ibang Presidential Guard na kasama namin.
“Sige po Sir,” sagot naman nila. “Yung nadinig niyong sinabi niya, ‘wag niyong ilalabas kung ‘di malilintikan kayo sa akin,” banta pa niya bago magsialisan ang mga ito.
“Ulitin mo nga ang sinabi mo December?” tanong niya sa akin, mas tumalim ang tingin niya sa akin. Kahit na kailan di naging ganito ang titig ni Kuya Phoenix, inaamin ko nakakatakot ito ngayon kaya mas lalo akong napapaiyak.
“Buntis ako...” mahina ko ulit na bulong sa kaniya.
“f**k!” He cussed.
“Ang kapatid ko ba ang ama?” tanong niya sa akin.
Dahan dahan akong tumango sa kaniya. “Oh s**t! Masyado ng malaking gulo ang ginawa ni Raphael. Hindi na 'to tama.” sabi niya sa akin at saka niya binalik ang tingin niya sa akin.
“Sasabihin ko to sa presidente!” sabi niya sa akin, umiling ako sa kaniya.
“Kuya Phoenix, di pwede dahil baka masaktan ni Papa si Raphael kapag sinabi mo ‘to saka ayoko na malaman ni Raphael na buntis ako at siya ang ama ng dinadala ko. Baka mamaya saktan niya ang baby sa tiyan ko!” saad ko sa kaniya.
“Anong gusto mong gawin ko? Palagpasin to? December buntis ka, at bata sa tiyan mo ang pinag-uusapan natin. Sasabihin ko to sa Papa mo at mag-iisip tayo ng solusyon kung paano papanindigan ‘yan nang kapatid ko.” sabi naman niya sa akin.
“Kuya Phoenix, ayoko, ayoko na malaman ni Raphael na buntis ako!” sabi ko sa kaniya. "Pag-iisipan ko 'to at itatago hanggang kaya ko. Sa tingin ko ay kakayanin ko naman. Siguro baka ipapa-ampon ko ang bata basta wala dapat maka-alam nito. Ikaw lang."
“December! Mag-isip ka nga!
"Nag-iisip ako at ito ang tama. Kuya, sinasabi ko 'to sayo kasi pinagkakatiwalaan kita at alam ko tutulungan mo akong itago 'to. Please, tulungan mo na lang ako." Bulong ko sa kanya. Nagulo niya ang buhok niya. In a short period of time ay nai-stress si Kuya Phoenix. Tumingin siya sa akin at saka huminga ng malalim.
“Tumigil ka na sa pag-iyak mo, magpahinga ka na lang pag-uwi natin natin at ako ng bahala sa sitwasyon mo, December. I’ll help you get over with this,” sabi niya muli sa akin at saka siya ngumiti ng mahina sa harap ko.
****
RAPHAEL EROS SORIANO
“OKAY LANG ba siya? Naririnig ko siyang naduduwal kaninang umaga. Is she really okay?” tanong ko sarili ko. Di ko kasi alam kung pupuntahan ko si December para itanong kung anong nararamdaman niya. This past days she was acting weird. Tinawagan ako Vaughn ni para sabihin na nakikipaghiwalay si December sa kaniya at hindi niya alam kung anong gagawin niya.
A part of me was happy when I heard it. Naisip ko nga na napaka-kapal ng mukha ko para matuwa pa. Kasi alam ko naman na galit na galit sa akin si December. But more part of me is puzzled, masaya naman kasi si December with Vaughn, kaya naman nag-letgo na rin si Cleve before his accident.
Bakit kaya sila naghiwalay?
“Anong karantaduhan na naman ba ang ginawa mo?” lumingon ako at nakita ko ang kuya Phoenix na inis na inis na nakatayo sa harap ko. Halatang nagpipigil ito nang galit.
“Wala akong ginagawa, hinahayaan na kita sa plano mo.”
“Wala? O' talagang gumagawa ka ng paraan para di matuloy ang balak namin ano?” tanong niya muli sa akin.
“Wala na akong ginagawa, kuya!Hinahayaan na nga kita basta ‘di madadamay si December sa kasamaan mo.” Sagot ko naman sa kaniya.“Wala kang ginagawa ha? Tangina mo pala eh! Sinadyang mong buntisin si December para ‘di ko siya masaktan ano?” tanong niya sa akin.
Buntis si December?
“Wait, buntis si December?” tanong ko pabalik sa kaniya sa sobrang bigla ko sa mga sinabi niya ay napatayo ako at napalapit sa kuya ko.
“Oo, at kahit na kailan talaga. Pahamak ka! Pero pasensya ka Raphael. Mas pinadali mo ang balak ko, ngayon buntis si December mas madali kong makukuha ang hustisiya para sa atin,” sabi niya sa akin.
Nagpintig ang tainga ko nang dahil do’n.
Agad kong hinawakan ang kwelyo niya at kinuwelyuhan siya. Hindi niya maaring saktan si December. I’ve been through enough, pinili kong mawala sa akin si December para ‘di niya ito saktan at di ako papayag na saktan niya ito. I’ll risk even my life to save December, paulit- ulit kong ipapahamak ang sarili ko para sa kaniya.
“Don’t you dare hurt her, kuya. She’s pregnant and I ‘m the father of the child. Isipin mo naman ‘yun at wag mong idamay ang bata sa galit mo. Just skip her and my son,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya ng mahina at tumawa ng malakas.
“Gusto mong maligtas si December?” tanong niya sa akin.Para akong bata na tumango sa kaniya. “Sige, hindi ko siya sasaktan pero tulungan mo kami sa plano namin, mas padaliin mo ang lahat.” He asked me.
‘No, di ko sasaktan ang presidente, ‘di ko sasaktan ang first lady at si December!” sagot ko sa kaniya. "Tama na 'yung ginawa ko! Tama na 'yung tinulungan kita na gamitin si December. Tama na 'yon. Laktawan mo na ang mag-ina ko."
"Wow, mag-ina talaga? The word, Raphael. As if naman tanggap ni December na ikaw ang ama ng anak niya. She wants to have the baby adopted, she wanted to hide from you. Raphael, pinangdidirian ka niya kasi binaboy mo siya." Banta niya sa akin.
“Edi ako ang mananakit kay December, paano kaya kung patayin ko ang bata sa tiyan niya sa harap mo? Anong gagawin mo?” tanong niya sa akin kaya nasuntok ko siya dahil doon.“Hindi mo masasaktan ang magiging anak ako!” I proclaimed. I won’t let him do that.
“Edi pumayag ka sa plano ko. Simple lang ang lahat Raphael itatago lang natin si December at hindi natin sasaktan kung hindi siya makulit.” sabi niya sa akin. “Akong bahala sa boss natin,papakiusapan ko siyang laktawan ‘yang anak mo basta gawin mo lang ang gusto ko. Hindi tayo magkakahirapan, Raphael.” sabi niya sa akin.
Kaligtasan na to ng anak ko, at ng babaeng mahalaga sa akin. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sila.
“Ano bang gusto mong gawin ko?” tanong ko sa kaniya muli siyang ngumiti.
‘Pakasalan mo si December, kumbinsihin mo ang presidente na kailangan mong siyang pakasalan para mapanindigan mo siya. Hanggang doon lang muna ang sasabihin ko pero gawin mo ang lahat para mapadali ang pagsabi tungkol sa bata at sa naiisip mong solusyon,” sabi niya sa akin.
“At pag nagawa ko yon. Masisigurado ko ba na di masasaktan si December at ang anak ko?” tanong ko sa kaniya.
“I always keep my words brother. Huwag kang mag-alala,” sagot niya sa akin.