DECEMBER JANICE TRINIDAD
"EMERGENCY! Emergency! Tawagin si Doctor Reyes, “may critical na pasyente ang sinugod ngayon!” sigaw ng isang nurse habang nilalagay si Cleve sa Emergency room. Abot langit ang kaba ko nang muli kong balingan ng tingin si Cleve, nakapikit siya at ‘di na halos humihinga. Hindi namin lubos maisip na mangyayari 'to. Pinagdadasal ko na sana mag-milagro ang Diyos at mabuhay pa siya.
“Ms. December!” napalingon kami ni Vaughn at nakita ko si Kuya Phoenix at kasama na niya ang Mama ko.
“Mama!” sigaw ko at agad na yumakap sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang maiyak sa bisig ni Mama nang mga sandaling iyon. “What happened to Cleve?” She asked me at saka siya pinunasan ang luha sa aking mga mata.
“He got shot!” s**o ko sa kaniya, I was shaking, it's my first time to see something like this. "Hindi ka ba nasaktan anak ha? Wala bang nangyari sa’yo?” tanong muli ni Mama sa akin tumango ako sa kaniya. “Ma, si Cleve po ayaw niyang gumising, he is bleeding. Mama, do something don’t let him die please! Buhayin niyo siya,” I told him and that’s when I realize that Cleve is still important to me.
That there is still a little care of love that is left for him. Just the thought of him leaving, without even forgiving him is horrible.
“We will try to do something, but for now ihahatid ko na kayo ni Kristelle para makauwi. Masyadong traumatizing ‘to para sa inyong dalawa.” sabi sa akin ni Mama nakita ko si Kristelle na nakatingin sa bintana ng Emergency room at tinatanaw si Cleve doon.
She must be shocked, ang tahimik niya ngayon at 'di man lang nagpapakita ng ibang emosyon.
“Kristelle dear, you must go home, it must be tiring. Kailangan niyo nang magpahinga para mawala ‘yang shock ninyo,” saad ni Mama sa kaniya. Lumingon naman si Kristelle at lumapit sa aming tatlo.
“Opo." Sagot nito sa kaniya tumingin sa akin si Kristelle at mahinang ngumiti. “Don’t worry Cleve will be okay. Huwag kang mawalan nang pag-asa.” Pinilit n'ya ang ngumiti.
“Tama si Kristelle, kahit babakla-bakla sa Pink yun malakas si Cleve. Hindi niya tayo iiwan nang gano’n na lang,” sabi naman ni Vaughn at hinawakan ng mas mahigpit ang kamay ko.
“Kami na lang bahala dito, I’ll call you after his operation. Babalitaan kita at sisiguraduhin kong good news ‘yon,” sabi ulit ni Vaughn sa akin at ngumiti ako sa kaniya.
“Tara na anak, at ikaw who are you?” tanong ni Mama kay Vaughn, medyo mataray pa nga ang boses nito. Ngumiti naman si Vaughn sa kaniya, when she saw him smile. My Mom’s poker face lighten up, she saw the angel in him.
“I’m Vaughn Angel Kim, boyfriend po ako ni December. Pasensya na po kung ‘di ako nakadalaw pagdating ninyo. Yung thesis po kasi namin natengga kaya tinapos ko muna.” sabi naman niya kay Mama.
“Oh, ikaw pala ang nagpadala ng madaming Jams sa bahay, masasarap ang mga pinadala mo kaso masyadong marami. Hindi ko tuloy alam kung paano uubusin ‘yon. Soon when everything is fine and well, pumunta ka sa bahay, at kumain tayo ng lunch or dinner. Gusto kitang mas makilala Pero sa ngayon, bantayan mo muna si Cleve habang nag-iimbestiga kami tungkol sa nangyari sa kaniya,” sabi naman ni Mama sa kaniya and showed a sweet smile.
“Sige po, Madam!” sagot naman ni Vaughn sa kaniya.
“Madam, first lady!” napalingon si Mama kay Hans nang tinawag siya nito.
“Yes, Hijo?”
“Ako po yung nagbebenta ng jams na ‘yon, bibili po ba kayo nang additional pieces?” tanong naman ni Hans kay Mama.
“Manahimik ka nga Hans nabaril na nga si Cleve tapos nagagawa mo pang magbenta. Pakilugar ang pagiging mukhang pera, please.” Sita naman ni Darius at hinila ito pabalik sa pwesto nila nadinig ko ang tawa ni Vaughn dahil doon.
"May santol, guyabano, gumamela, santan flavors po ako 150 per bottle lang po!”Sigaw muli ni Hans.
“Sorry po first Lady, ganito lang po talaga si Hans medyo business minded po siya. Kahit nga nasa burol ka at nagdadrama ay magagawa ka pa rin niyang bentahan!” sigaw naman ni Jeremy at tinakpan ang labi ni Hans.
“Ano ba!” sigaw ni Hans.
“Di pa nga bayad ni Vaughn ‘yon e! Hoy! 1500 lahat ‘yon!” sigaw ulit ni Hans.
Tumingin naman ako kay Vaughn at hinalikan niya ang ulo ko. “Umalis ka na muna at magpahinga. Kami na ang bahala dito,” sabi niya sa akin tumango naman ako sa kaniya at humawak sa kamay ni Kristelle para mabawasan ang takot ko. At saka na kami umalis ng hospital paglabas pa naming maraming mga press sa labas ang dinumog kami nang mga tao. Naging balita agad ang pagkakabaril kay Cleve, mabuti andyan si Kuya Phoenix na nakaalalay at pinigilan ang mga press.
Nang makasakay kami sa sasakyan napansin ko na tahimik lang si Kristelle, nagulat siya. Halata naman e. “Are you okay? Pasensya na nakita mo pa yung pagkabaril kay Cleve,” sabi ko sa kaniya.
“Ano ka ba?Aksidente lang yun saka none of us expected that lahat tayo ay shocked.” Sabi niya sa akin at saka siya ngumiti sa akin.
“Tita, ibaba niyo na lang po ako sa restaurant ng Tito ko, kailangan ko po kasi na kumain muna. Nagutom ako sa barilan thingy na ‘yan, need ko ata kumain ng masarap para makatulog mamaya." Sabi naman ni Kristelle kay Mama, Mom looked at her and smiled but the worry was still on her face.
‘Sure, Kristelle kakausapin ko na rin ang tito mo for what happened,” sagot naman ni Mama.
“No need Tita, okay lang po ako! Di naman ako ang nabaril kaya ‘di niyo na kailangan mag-abala at saka December must rest. Mas tiring po para sa kaniyang ‘yung mga nangyari,” sabi naman ni Kristelle sa kaniya.
“Are you sure, Kristelle?” I asked her tumango naman ito sa amin. At hindi nagtagal narrating naming ang restaurant at bumaba na rin siya. Today is a tiring day pero parang ‘di ako napagod kasi yung utak ko patuloy na iniisip si Cleve naghihintay ako ng text messages galing kay Vaughn pero wala pang dumadating.
Pag-uwi namin ay tulala ako. Bumabalik sa isip ko ang mga nangyari, Cleve almost died in front of me. Mom advised me na dumiretso na sa pagtulog kaya iyon naman ang ginawa ko, kinabukasan di muna ako pumasok sa school at pumunta sa hospital kung nasaan si Cleve pagdating ko doon, nakita kong binabantayan siya ni Vaughn at Jeremy.
“Kumusta na siya?” I asked them habang nakatingin kay Cleve na nahahambing at napansin ko na ang dami apparatus ang nakakabit sa katawan niya.
“Comatose siya ngayon at sobrang sensitibo ng kondisyon niya. Hindi nila matanggal ang bala sa ulo niya. He almost died,” sagot naman ni Vaughn sa akin na agad lumapit para yakapin ako nang mahigpit.
“But I’m pretty sure he’s okay,” dagdag pa niya sa akin.
“Pwede ko ba siyang lapitan?” I asked Vaughn, tumango naman ito sa akin. “Of course, Dec.” Sagot niya sa akin, tumayo naman si Jeremy at saka tumingin sa amin.
"Bibili lang ako ng pagkain natin sa Jollibee sa labas. Aalis muna ako.” Paalam naman ni Jeremy kaya naiwan kami ni Vaughn sa loob ng kwarto.
Lumapit ako kay Cleve at nakita ko ang natutulog niyang mukha. "Be strong okay? Please stay alive, please make sure that you will live. Ang laki pa ng kasalanan mo sa akin, hindi ka pa nakakabawi at 'di pa kita napapatawad kaya siguraduhin mong babangon ka.” Bulong ko sa kaniya.
“You still love him right?” Vaughn asked me.
“Will you get mad if I said yes, na meron pa rin yung takot sa puso ko na mawala siya. Importante pa rin siya sa akin kahit ginano’n niya ako,” I asked him.
“No, alam ko kasi na minahal mo talaga siya. Mahirap turuan ang puso na kalimutan ang taong minsan nitong pinahalagahan,” sab niya sa akin at saka niya hinawakan ang kamay ko. His hand felt so warm, it gave me a calming feeling. Napapikit ako at saka bumuntong hininga. "Hindi ka ba nahihirapan magmahal sa isang taong kumplikado kagaya ko?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. "Complicated or not, I will still like you. Walang rason o kung ano pa man ang makakapag-atras sa akin." Bulong niya sa akin at saka siya huminga ng malalim.
"Maraming Salamat, Vaughn." Giit ko sa kanya at saka ako umupo sa upuan sa tabi ng kama ni Cleve. Saglit kong inayos ang kumot niya at pinunasan ang mukha niya. Medyo nagluluha kasi ang mga mata niya. "Dec, tungkol pala kay Cleve... Naalala mo ba nung nasa ambulansya kami? Diba bubulong- bulong pa siya kahit bumubulwak na dugo niya?" tanong niya sa akin.
Tumango ako, "Akala ko talaga matutuluyan na siya noon e." Giit ko.
'May ideya ka ba kung bakit ka niya pinag-iingat?" tanong niya sa akin. "Wala akong ideya. Pakiramdam ko tungkol lang ito sa deal nila ni Raphael na gantihan ako. Magkasabwat sila at alam ko 'yon, we all know it." Giit ko sa kanya.
"Siguro nga dahil lang 'yon doon. Sana nga at wala siyang ibang panganib na sinasabi pero dahil sa nabaril siya ay kinakabahan ako." Giit niya sa akin. "Kinakabahan din ako, pero 'di ko alam kung tama bang unahin ang sarili ko dahil nasaktan na siya." Giit ko sa kanya. Yinakap niya at saka ibinaon ang kanyang mukha sa leeg. He was snuggling on my neck.
“Matutulog lang ako dito ha?” sabi niya sa akin. “Sige lang matulog ka lang,” sabi ko sa kaniya habang nakatingin kay Cleve. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ka napahamak? May kinalaman ba talaga 'to sa akin? Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Hindi nagtagal, dumating na si Jeremy na may dalang pritong manok para makain namin.
“Kumain muna tayo, guys para may strength. Mamaya dadating si Hans at Raphael, sila muna daw ang magbabantay kay Cleve. Magpahinga muna daw tayo.” Sabi naman niya sa amin at nilapag ang mga pagkain ng maamoy ko ito para akong nahilo na nasusuka na di ko maintindihan. Napatakip ako ng ilong ko.“Bakit? May problema ba December?” tanong ni Vaughn sa akin.
I shook my head. “Wala lang ito,” sabi ko sa kaniya at saka ako lumunok pero ‘di no’n napawala ang masamang pakiramdam ko. Muli akong nakaramdam na parang naduduwal ako. Agad akong tumakbo sa CR at saka sumuka doon. Habang nagsusuka ako ay napahawak ako sa tiyan ko at napatingin sa salamin
Di kaya--- No, it can’t be. Nagpipills ako pero it happened the last time, nakunan pa nga ako but it’s impossible. The last guy I slept with is Raphael? Hindi pwede to! Oh My God! Buntis ako kay Raphael? No… It can’t be. Di ako buntis! Matapang lang yung amoy nung breading ng chicken. Tama, that’s it! I can be sensitive at times. Bumuntong hininga ako at muling lumabas nakita ko si Vaughn. Kitang- kita ko ang pag-alala niya sa akin. At ako, ito sobrang kinakabahan.
“Okay ka na ba?” He asked me tumango ako sa kaniya at saka ako naupo. “Sigurado ka ba, Dec? Namumutla ka e, magpa-check up ka na kaya total nandito ka na sa hospital. Baka mamaya ay napapagod at stress ka na.” suwestiyon ni Jeremy sa akin.
“Hindi na Jeremy, okay lang ako.”
“Are you sure?” Vaughn asked again.
“Oo, okay lang…” Pero alam kong hindi.
*****
LUMIPAS PA ang isang buwan, napakatagal ng tulog ni Cleve. Parang walang nangyayari, tila ba palanta siya ng palanta habang nagtatagal pero nagbabago naman daw ang vital signs nito. Magandang balita na rin iyon para sa amin kahit wala kaming makitang changes.“First daughter, date tayo?” aya sa akin ni Vaughn ngayon na nasa hospital muli kami. ‘Date?” I asked him.
“It’s been a while since we last go out, gusto ko ng mag-birthday,” sabi niya sa akin para naman akong nag-isip, Oo matagal tagal na rin pala nang huli naming nagawa ‘yon. We’ve been busy on Cleve. “Sige, magi-date tayong dalawa. Ako ang bahalang Magplano lalabas tayo next week okay?” I assured him.
“Ikaw? Pero diba dapat ako ang magplano kasi girlfriend kita?” He asked me.
“Pero birthday mo na ang ice-celebrate natin, it must be a special surprise!” sabi ko sa kaniya, naningkit naman ang mga mata niya sa akin.
“No! I should be the one making you special!”
“Just let me surprise you okay?” I asked him again at saka ako ngumiti sa kaniya.“Do you still want some hotdogs?” He asked me tumingin ako sa plato ko at nakakaapat na stick na ako ng jumbo hotdogs.
“Nakakarami na pala ako, I’ve been eating a lot of it this days.” sabi ko sa kaniya.
“And you looked cute while eating it.” sagot naman niya sa akin. Hinawakan ko ang tiyan ko, madalas na ako nagsusuka tuwing umaga, sensitive na rin ako sa mga bagay – bagay napatingin ako kay Vaughn at saka umiling. No, it can’t be really? Ngayon pa unti unti ng umaayos ang buhay ko. Masisira na naman ba ulit ‘to nang dahil sa buntis ako? 'Lalo na pag 'yon hotdog ko ang subo subo mo." Biro niya sa akin pero hindi na ako naka-react pa sa kanya. Hindi ko mawari ang aking kaba. Paano kung tama ang hinala ko? Paano nga kung bunt---
Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita si Vaughn. “December, is there anything bothering you?” Vaughn asked me at hinawakan niya ang kamay ko. Ang pakiramdam na biglang gumagaan ang loob mo pag hinawakan niya ang kamay ko ngumiti ako sa kaniya.
“Iniisip ko lang si Cleve,” sabi ko sa kaniya.
“Don’t worry, soon he’ll wake up! Magiging masaya ulit ang barkada natin at magkakabati na kayo kung mangyari ‘yon!”sabi naman niya sa akin.
“Vaughn,” tawag ko muli sa kaniya lumingon siya sa akin at hinalikan naman ang kamay ko. “Bakit?” He asked me ‘Paano kung buntis ako? Tapos ‘di ikaw ang ama matatanggap mo ba o hihiwalayan mo ako?” tanong ko sa kaniya.
Nag-isip siya panandalian at saka ngumiti sa akin. “Bakit naman kita hihiwalayan eh mahal kita? Saka bakit ka naman mabubuntis ng iba eh girlfriend kita?” tanong niya sa akin.“Raphael is still f*****g me, he didn’t stop.” Sagot ko sa kaniya."Hindi ako makatanggi, kasi alam ko na kahit mas matapang ako ngayon e' hawak pa rin niya ang buhay ko. At, mas natatakot ako, 'di ko na kasi kayang ilaglag muli kung sakaling may mabuo man."
“Paano kung magbunga ‘yon?” I asked him.
“Whatever happens I will stay beside you,” sabi niya sa akin.
“Natatakot ka ba?” He asked me umiling ako sa kaniya.
“Hindi na ako magsisinungaling. Oo, natatakot ako, I have a lot of thoughts, that flooded my mind. I just want to know if you will really stay by my side,” I asked him tumingin siya direkta sa mga mata ko at hinalikan ng mariin ang labi ko. "Oo, mananatili ako December. Mananatili ako dahil alam ko kung gaano kasakit ang maiwanan." Pagkatapos namin na magbantay hinatid ako ni Vaughn pauwi sa Malacanang. Pagpasok ko doon, naabutan ko sila Mama na kumakain habang nakatayo sa gilid nila sila Kuya Phoenix at si Raphael .
“Good thing you’re here, December. Phoenix cooked your favorite food.” Sabi naman ni Daddy sa akin.
Agad naman akong umupo at nakita ko ang pasta na nakahanda sa lamesa. “Mukhang masarap ah?” I asked kuya Phoenix ngumiti lang ito sa akin. Naglagay si Daddy ng kaunti sa plato ko at kinain ko naman ito kaso lang para naman itong sinuka ng sistema ko kaya agad akong napatakbo sa malapit na CR at saka ako dumuwal.
Mas lalong lumakas ang kutob ko baka nga buntis ako. Paglabas ko ng kwarto di na ako bumalik pa sa hapag kainan at dumiretso ako sa kwarto ko dinahilan ko na lang na masakit ang ulo ko. Kumain kami ng payapa ng hapunan, niyaya pa ni Daddy na sabayan kami ni Raphael at ni kuya Phoenix. Samantalang ako ngi hindi ako makanguya o maka-kagat. Kailangan kong masigurado, ayoko ng malunod sa agam- agam. Kung buntis man ako, atleast malalaman ko na. Atleast magagawan ko ng paraan.
I’ll check it, kailangan kong makasigurado. Agad kong inalis ang laman ng bag ko at kinuha ang Pregnancy test aid kit na binili ko kahapon sa Mercury Drug.“Oh God, please don't let this ruin my life.” napadasal na lang ako dahil sa takot na nararamdaman ko. Sana mag negative, di ko alam ang gagawin ko kung sakali ngang buntis ako at si Raphael ang ama.
Baka hindi ko na talaga kayanin kung magpapatuloy ito pumasok ulit sa CR at ginawa ang dapat gawin. Buong tatlong minuto na hinintay ko parang ang bagal niya. Hanggang sa unti unti na naging visible ang linya.
Napalunok ako ng Makita ko ang resulta nito…
Positive.