20th Pleasure

4998 Words
DECEMBER JANICE TRINIDAD  “ARE YOU READY, December?” tanong sa akin ni Kuya Phoenix  ng  makapasok  ako  sa  loob  ng  sasakyan, nandoon din si Raphael na walang kibo sa tabi ko.  Bakit ba kasi tumabi sa akin ‘to e! Sipain ko kaya siya. “Pwede bang wag na lang tayo pumunta sa clinic ha?” tanong ko kay Kuya Phoenix. “But we need to, ‘di naman magdududa ang mga tao kapag pupuna ka do’n. I made sure that we are alone in this appointment. Kung inaalala mo ay ang mga taong maaring makakilala sa’yo, don’t worry. Ang aakalain nila na pupuntahan mo lang ay si Cleve. Kaya huwag ka nang magdalawang isip pa, para ‘to sa anak niyo,” sabi niya sa akin tumango na lang ako sa kaniya at napatingin kay Raphael na nakaheadset lang sa tabi. "Ikaw samahan mo si December mamaya,” sabi ni Kuya Phoenix sa kaniya inirapan lang siya nito at saka bumalik sa pagtingin niya sa bintana. Sobrang laki ng pinagbago ni Raphael mula ng ginawa niya ang kasalanan niya sa akin. Nahirapan akong basahin ang kilos niya, nahirapan akong maintindihan siya. Nang makarating kami sa Clinic agad kaming pumasok sa loob nito, ako ang nag -iisang pasyente na naroon, mukhang ginamit ni Kuya Phoenix ang connections niya . “Kailangan mong magpa-ultrasound para sa'yong baby." Nadinig kong sabi ng doctora sa akin.  Ang baby sa tiyan ko na anak ng lalaking kinamumuhian ko at nahihirapan akong tanggapin 'yon. “Ikaw ba ang boyfriend niya? Samahan mo na lang siya sa loob para maghanda.” Sabi ng doktora kay Raphael.  “Halika na. Samahan na kitang maghanda.” Sabi sa akin ni Raphael at tumayo para makapag bihis na ako ng hospital gown para sa Ultrasound ko. Nang matapos kami na maghanda ay sobrang kaba na ang nadadama ko. Natatakot ako sa mararamdaman ko pag nakita ko ang baby sa loob ng tiyan ko, humiga ako sa higaan at inangat ni Doktora ang damit ko. “Kuya, umalis ka muna akong bahala sa mag ina ko. I can handle them,” sabi ni Raphael kay Kuya Phoenix, nakita ko ang mahinang ngisi ni kuya Phoenix. "Bakit, nag-alalala  ka ba?" tanong nito sa kanya.  Nakita ko ang madaliang pagbabago ng emosyon niya. Na tila ba bigla siyang nagalit. Nagkunot naman ang noo ko dahil doon. “Hindi ka aalis sa tabi ko kuya Phoenix. Dito ka lang.” Matigas kong giit.  “Pwede ba December, ako ang masusunod dito! Ako ang ama ng dinadala mo kaya sa akin ka makinig!” sabi ni Raphael sa malalim na boses niya, nakaramdam ako ng takot dahil doon. “Simulan na natin.” Sabi ng doktora nagkatinginan pa si Kuya Phoenix at Raphael pero umalis din ito. Habang dumadaan ang machine sa tiyan ko nakikita ko ang imahe ng isang fetus, medyo malabo siya pero alam mong bata ‘yon.  “Yan na ang baby niyo,” sabi ng doktora sa akin. “The baby is two months old, but it seems a bit small in the sonogram. ” Paliwanag nito sa akin. “Kailan mo ba nalaman na buntis ka?” tanong sa akin ng doktora.  “Uhmm.. almost two weeks ago.” Sagot ko sa kaniya napatingin ako sa kamay ko at nakita ko na hawak na ito ni Raphael.  Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakikita kong nakangiti siya habang tinitingnan ang baby, ang anak niya. Ang anak niya. Paano kung ibigay ko na lang sa kanya ang bata pagka-anak ko? Maybe I can hide until I end this pregnancy and get back to my body. Hindi naman siguro mahahalata nila Mama na... Na nabuntis ako. “Medyo weak ang bata, mag bibigay ako ng Vitamins sa’yo okay? Pag ininom mo ‘yon ay mas aayos ang pakiramdam mo,” sabi niya sa akin.  “Tingnan niyo muna ang baby dyan, I’ll go check on something para dito sa session na ‘to,” sabi ulit ni Doktora at pinunasan niya ang gel sa tiyan ko, nang makaalis na siya napatingin muli ako kay Raphael na nakatingin lang sa ultrasound ng bata. Naiinis ako dahil nakikita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa picture ng baby sa screen. ‘Masaya ka na ba ha? Tuluyan mo ng nasira ang buhay ko?” tanong ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin, nangininig ang mga mata niya at agad na ibinaba ang kanyang tingin. “Hindi ko sinasadya,” sagot niya sa akin. "Hindi mo sinasadya? Matapos mo akong gamitin para makapaghiganti ka ha? Okay pa yung ginahasa mo ako yung buntisin mo ako! Tang’na magkakaanak ako ng buriko dahil sa’yo,” sabi ko sa kaniya.  “Walang kinalaman ang bata dito. Maging sa mga kasalanan ko, kaya pakiusap wag kang magalit sa baby natin. ” pakiusap niya sa akin. “Hindi natin 'to anak. Anak mo lang 'to, hinding- hindi ako magiging nanay sa batang 'to.” Sagot ko sa kaniya at saka ako tumayo para magbihis na sana pero hinila niya ako palapit sa kaniya. Our eyes met and I saw this feelings in his eyes, desperation…  “Wag mong idamay yung bata sa galit mo sa akin. Sige na, anak ko na kung anak ko lang, pero pakiusap wag mong sasaktan yung anak natin. At huwag mo siyang itakwil dahil sa kasalanan ko.” Pagmamakaawa niya sa akin halos nangingiyak ang mata niya habang nakatingin sa akin.  “Wag mong asahan na mamahalin ko to. Bunga 'to ng paninira mo sa buhay ko. Nang mga ginawa ninyo sa akin. Ang buong akala ko ay kaya ko ng mabuhay ulit sa kabila ng mga ginawa niyo. Pero napagtanto ko na habang buhay ako hahabulin ng ginawa mo sa akin noong gabing 'yon.” Sabi ko sa kaniya nabitawan niya ang kamay ko dahil sa mga sinabi ko sa kaniya.  “Alam kong impossibleng mapatawad mo ako. Alam ko na kahit kailan, you never expected me to hurt you but I just did. And I'm sorry, I'm really sorry. Pakiramdam ko kasi noon, 'yon ang tama dahil galit ako. Nagkamali ako. Hindi ko gustong saktan ka, ayokong masaktan ka.” sabi niya sa akin.  “Kung talagang ayaw mo na may manakit sa akin at mahalaga ako sa’yo. You could have just protected like before but you chose to hurt me.” Sagot ko sa kaniya at pumasok ako sa maliit na kwarto para magbihis habang nagbibihis ako 'di ko mapigilan ang maiyak pero agad ko din na inayos ang sarili ko. Habang nag-aayos ako ay nadinig ko ang bulungan ng doktor at ni Raphael. Napasilip ako sa kanila, nakita kong nakangiti siya habang nakahawak sa kopya ng ultrasound ko.   “It seems like you really love your baby, Mr. Soriano." Napaiwas ako ng tingin dahil 'di ko kayang makita na masaya siya, at di ko kayang maging masaya sa sitwasyon ko ngayon. “Ganito pala pag magkakababy, sobrang saya kahit 'di siya sinasadya. Pakiramdam ko nag-iisang tama siya sa buhay ko.” Sabi niya sa doktora na ‘yon.  “Pregnancy and babies, kapag tinanggap mo sila sa magandang paraan, you’ll really feel good about. It’s a blessing and God had a plan kaya niya binigay sa inyo nang girlfriend mo ang batang ‘yan.” Anito. Bumuntong hininga ako at saka lumabas ng dressing area.  "Are you done, Ms. Trinidad? Halika na rito, I will explain some rules for you and your baby." Giit nito sa akin. Napatingin si Raphael sa direksyon ko kaya naman naupo na ako sa harap ng doctor. Nagbigay siya sa akin ng mga gamot tapos kinuha naman iyon ni Raphael para siya naman daw ang bibili ng mga gamot. Pagkatapos namin sa doctor at mabili ang mga gamot. We had a mutual agreement a while ago, na dalawin muna si Cleve. Ayokong naroon din siya kaya napag-isip niyang pumasok na lang sa kwarto kapag tapos na ako sa pagdalaw dito.  “Cleve, magising ka na ngayon. Napakarami ng nangyayari na sa tingin ko matutuwa ka kapag nalaman mo. Kahit naman galit ako sa’yo, ayokong nakaratay ka lang. You don’t deserve to suffer like this.  Kailangan ko ring malaman kung bakit mo ako pinagiingat. Please wake up.” Giit ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang ulo. “Kung sakaling magising ka, pakisabi kay Vaughn sorry kasi ‘di ko siya mapaglaban. Ayoko na mahirapan siya dahil sa sitwasyon ko. Ayoko na akuin niya 'tong bata sa tiyan ko.” Saad ko sa kaniya. "At alam kong magagalit siya kasi balak kong iwanan ang bata kay Raphael at putulin na lang ang nasa koneksyon namin. I want to act as if I never gave birth to this child.  I just can't see this child as my baby." Muli kong pagkwento sa kanya. Habang nagki-kwento ako kay Cleve ay bumukas ang pintuan. Tumingin ako at nakita kong nakatingin si Raphael sa akin. May hawak siyang plastic mula sa Mercury drug, may mga lamang itong gamot at ilang gatas. "Gusto mo na bang umuwi?" Pagbasag niya ng katahimihikan. "Phoenix is waiting for us." Muli nitong giit. "Oo, sige umuwi na tayo." Sambit ko at saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Saglit kong tiningnan si Cleve bago ako lumabas ng kwarto kasama si Raphael. *** LUMIPAS pa ilang araw, naging maingat si Raphael sa akin. He is caring for me, but he is also not breaking the boundaries. Damang - dama ko ang kagustuhan niya na i-keep ko ang bata. At ilang beses ko ring sinabi sa kanya na wala akong balak buhayin 'to. Napabuntong hininga ako habang pinapanood siya na mag timpla ng gatas. Nagdala siya ng electric kettle sa kwarto para daw maitago namin ang mga gatas na para sa bata. "Humanap ka ng pagtataguan ko hanggang sa manganak ako." Giit ko sa kanya. Natigil siya sa ginagawa niya. "Gusto mo ba talagang hindi maging parte ng buhay ng anak natin?"  "Sino bang gustong maging parte ng buhay ng batang 'to? Raphael, mabuti nga hindi ko na 'to ipapalaglag. Alam mong kahit na kailan ay 'di na kita mapapatawad kaya naman pagdusahan mo ang pagpapalaki sa batang 'to. This child was your sin." Ibinaba niya ang kutsara at hinawakan ang baso papalapit sa akin. "Alam ko, naiintindihan ko. Pero okay lang ba sa'yo na lumaking walang ina ang anak natin?" "Anak mo lang 'to. Hindi mo 'to anak, I'm just a vessel." Sagot ko sa kanya. Inabot niya ang bote ng gatas sa akin. "Mag-iisip ako ng rason kay Mama at Papa para makaalis ako. Mahirap mag excuse pero kailangan--" "Sasabihin ko sa magulang mo na nabuntis kita, at ako magpapalaki ng bata." "Are you crazy, Raphael? Magagalit sila!" "Ayokong lumaki na walang kinikilalang ina ang anak natin." "Its not my chi---" "Anak natin 'to, December. Oo, kasalanan ko ang batang 'yan pero anak pa rin natin 'yan! Please, ako ang sasalo ng galit nila, ako ang gagawa ng lahat. Aaminin ko ang kasalanan ko kung kailangan. Huwag... huwag mo lang tanggalin ang papel mo sa magiging anak natin!" He looked at me as if he was begging. "Hindi ko kaya mag-isa 'to, December." "Kinaya mo akong saktan, kaya kayanin mo rin mag-isa ang responsibilidad na 'to. Umalis ka na sa kwarto ko, masakit ang ulo ko." Giit ko at iniwas ko ang aking tingin sa kanya.  **** "MS. DECEMBER, pinapatawag po kayo ni Ma'am at Sir." Giit sa akin ng katulong namin ng lumabas ako ng kwarto. Kukuha sana ako ng mangga sa kusina pero bumungad naman siya. "Bakit daw po?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam ma'am. Basta pinatawag po kayo sa akin, naroon din po si Sir Phoenix at Sir Raphael sa office nung pinatawag po kayo e." Giit nito sa akin, hinawakan ko ang tiyan ko at saka bumuntong hininga. "Raphael wag mo naman sanang sinabi kay Mama at Papa." Bulong ko sa aking isip. I know him, he is a man who never backed out on his words. Sana ay 'di tama ang kutob ko kung 'di baka malaman nila na nagdadalang tao ako bago man ako umalis at magtago.  Agad akong pumunta sa office ni Papa at nakita ko silang apat. Lahat ay seryoso at tila ba may tensyon. "Dad, nandito na ako." Giit ko. "Great, may sasabihin daw kayo sa amin ni Raphael. Ano ba 'yon, anak?" Tanong ni Papa, 'yon ang kanyang bungad. Si Mama ay curious rin, halatang - halata ang kaba at tensyon. "Wala po akong sasabihin." Agad kong giit. "December, please..." Pakiusap ni Raphael. "Hindi natin sasabihin 'to, Raphael. Ano ka uno reverse card  na biglang lalapag kahit ikaw na talaga ang talo?" tanong ko sa kanya. "December ito ang tama nating gawin. Ikaw na nga ang may sabi uno reverse card." Giit niya at tumingin kay kuya Phoenix. Bakas sa mukha nito ang inis, ang tensyon, halos 'di ko na maipaliwanag. "Anong ibig sabihin nito, December? Ano bang pinag uusapan ninyo? I demand you to tell me!" Giit ni Papa sa amin. "Wala po, Papa. This is just a joke." Matigas kong giit. "Buntis si December at ako ang ama, Mr. President." Hindi winaglit ni Raphael ang tingin niya sa akin habang sinasabi ang mga salitang 'yon. And this is it, I am done. My supposed to be peaceful way of getting out from this situation is done. “Ano?!” tanong ni Papa sa seryosong boses. "Anong kalokohan ito, Raphael? December, tell me what is this?" tanong ni Papa sa amin. "Rodolfo, calm down. Mga bata ipaliwanag ninyo 'to." Giit ni Mama. "Nabuntis ko po ang anak ni---" Natigil si Raphael sa pagsasalita ng biglang hambahan ni Papa ng suntok ito. Maging ako ay napatili, I expected that Raphael will try to stand up or cover his face. But he accepted every blow, napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang makita. Hindi dapat nasasaktan para sa kanya, dapat ay matigas ako. Pinilit kong ibalik ang tingin ko sa kanya, pinilit kong maging matapang. Kailangan kong ipakita na hindi ako apektado. Tama, hindi ako apektado.  “Ano ba? Rodolfo, tigilan mo na ang bata! Hayaan mo muna silang magpaliwag!” sigaw ni Mama. Di ko magawang umiyak at makaramdam ng awa kay Raphael. Ang sa akin kasi, bagay lang sa kaniya ang napala niya. Kulang pa 'yan sa mga ginawa niya sa akin.  Masama ako? Oo, pero ‘yon ang nararamdaman ko. “Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita sa anak ko! Tapos binuntis mo!” sigaw ni Papa sa kanya. Tuluyan ng tinigilan ni Daddy si Raphael . “Alam kong mali ang nagawa ng kapatid ko kaya mas minaigi niya na sabihin ang totoo. Ito po ang alam niya tama. And I am sorry for what he's done, it's my fault because I was not here to guide my brother.” Sabi naman ni Kuya Phoenix at tinulungan na tumayo si Raphael pero pabalya lang na inalis nito ang kamay ni Kuya Phoenix sa kaniya. He was not mad on what my Dad did to him. Pero galit siya sa kuya niya nang iahon siya nito. Bakit ‘di ko maintindihan ang ugali ni Raphael? Why is he acting like this? Hindi ka na siya mabasa. “Ikaw naman December, diba may nobyo ka? Bakit ka naman nagpabuntis sa lalaking 'to?” tanong ni Papa sa akin.“Di ko ginustong mabuntis ng hayop na iyan.” Seryoso kong saad kay Papa. Anger conquered my voice, ‘di ko na kayang ilihim ang ginawa niya sa akin.  Magsusumbong na ako. “Ano’ng ibig sabihin mo anak?” tanong ni Papa sa akin, his fist clenched,alam kong nararamdaman na niya na ‘di maganda ang kahulugan nang mga sinasabi ko. “Anak, anong ginawa ni Raphael sa’yo?” Mama. “Ginahasa ako ng hayop na iyan,” muli kong sabi kay Papa nakita ko na napa-facepalm ang ama ko sa disappointment na nararamdaman niya. Tumingin ako kay Raphael at wala siyang reaksyon, hindi siya nagulat o nagalit man lang. Ngumiti siya sa akin. "Tama, I r***d your daughter sir." Pag-amin nito. “Putang’na!” sigaw ni Papa sa kaniya at dinambahan nia si Raphael. Muli siyang pinagsusuntok ng ama ko pero di lumaban si Raphael. Nanatili siyang nakahiga habang tinatanggap ang mga suntok. Hindi ako naawa sa kaniya  Mom hugged me, umiiyak siya para sa akin. At ako, ang tigas ko. I just want thing to work on my way, kung ayaw niyang pumayag na hindi ako maging parte ng buhay ng bata 'to. Maybe I can convince them for abortion? Or baka gustuhin din nila na 'di ako maging parte ng buhay nito. Kailangan kong maging malakas kung gusto ko ‘yong mangyari.   Napatingin ako kay Kuya Phoenix at nakita ko siyang nakakuyom ang kamao. “Rodolfo, tama na!” sigaw ni Mama kay Papa. Sinusubukan niyang patigilin si Papa.  “Baka ma-stress ang anak mo sa ginagawa mo. Tandaan mo na buntis siya ngayon. Galit tayo parehas pero huwag tayong gumawa ng pagkakamali! Tigilan mo na muna si Raphael!” sigaw ni Mama kay Papa, tumigil naman ang Papa ko sa pagbugbog kay Raphael. Kitang- kita ko ang galit ni Papa sa kanya. “Ipapakulong kitang gago ka! Hayop ka!” sigaw ni Papa kay Raphael. “Tatanggapin ko po ‘yon kasi sobrang laki ng kasalanan ko.” sabi ni Raphael sa kaniya, hinang- hina na siya ngayon. "Hindi pwede ang gusto mong gawin Rodolfo, maawa ka naman sa anak mo.” sabi ni Mama nagkunot ang noo ko sa mga sinabi ni Mama. “Kaya ko nga ipapakulong ang hayop na iyan! Cynthia, ginahasa niya ang anak natin! Kaya naman nating buhayin ang batang 'yan! We can raise our grandchild! Pero 'tong lalaking 'to 'di ko kakayanin kong mabubuhay pa 'to matapos ng ginawa niya sa anak ko!” sigaw ni Papa sa kaniya.  “Kaya nga dapat na mas mag-isip ka sa mga ginagawa mo. Presidente ka ng Pilipinas at masisira ang imahe ng anak mo kung malalaman ng mga tao na nagahasa siya! Kumalma ka, Rodolfo. Galit tayo pero 'di nito masosolusyonan ang problemang ito.” sigaw ni Mama sa kaniya.  “Mag-isip ka nga! Mauungkat ang nakaraan ni Raphael at magugulo ang tahimik na buhay ng anak mo at nang bata! Kahit na pagpapakulong ang magandang sulosyon sa pambababoy niya sa anak natin! Di dapat ‘yon ang gawin mo!” sigaw ni Mama sa kaniya.  Tensyonado na silang lahat.  “Anong gusto mong gawin ko Cynthia! Binuntis niya ang anak natin?” tanong ni Papa tumingin si Mama sa akin.  ‘Ipapalaglag natin ang bata sa tiyan ni December.” sabi ni Mama kay Papa. Napatingin si Papa sa kanya, "Cynthia, that is a child. Apo natin 'yan."  "From wedlock, from r**e! Your daughter doesn't like this child. Kapag pinaglaglag natin, it will less problem. I don't like to think like this, Rodolfo. But I can't accept that child." Nakita ko agad na pagkabalisa ni Raphael. Agad itong lumuhod at umiyak. “Ipakulong niyo na lang ako, wag niyo lang patayin ang anak namin. Nakikiusap po ako,” pagmamakaawa ni Raphael sa kanila. "Inamin ko ang kasalanan ko kasi alam kong mas kaya niyong ma-protektahan ang anak namin kesa sa akin. Kakayanin ko ang lahat, kahit mamatay ako... pero pakiusap, huwag niyong saktan ang anak namin." Pagmamakaawa nito. Hindi mapigilan ng luha ko ang tumulo nang madinig ko ang pagmamakaawa niya. Pakiramdam ko 'di ko na kayang panindigan ang pagmamatigas ko. “Alam kong makapal ang mukha ko para humingi ng ganitong pabor pero ayoko na mawala ang anak ko.” Dagdag ni Raphael sa kanila, tumingin siya sa aking tiyan. I can feel the warmth of his stare, his love for the child. And here I am, I am rejecting what we made. Pero 'yon naman ang tama diba? Ang hira  “Alam kong mali ang ginawa ko sa kaniya para makapaghiganti, para mawala sa inyo ang anak niyo. Alam kong ang gago at childish ko para gawin 'yon. Para lang maramdaman niyo kung paano mawalan ng mahal sa buhay pero— yung bata nung nakita ko siya nang unang beses sa ultrasound. Gusto kong protektahan ito, kaya please lahat ng parusa tatanggapin ko, kung kailangan mamatay ako ngayon gagawin ko wag niyo lang patayin ang anak namin,” pagmamakaawa ni Raphael sa aking mga magulang.  “I-alis mo ‘yang hayop na iyan dito, Phoenix! Mag-uusap lang kami ng asawa ko tungkol rito. December, umakyat ka muna sa kwarto mo,” sabi ni Papa sa akin at kay Kuya Phoenix. Hindi ako nakagalaw agad, "December! Umakyat ka muna!" sigaw muli ni Papa. Dahan dahan naman akong naglakad paakyat sa kwarto ko.  Matagal na nag-usap si Mama at Papa, at hindi ko magawa na magpahinga dahil doon. Kinabukasan muli kaming pinatawag, nakita ko si Raphael at ang mukha niyang puno ng pasa. May mga band aid rin siya rito, he was in pain. At sa tingin ko parehas kaming walang tulog. "Are you okay, my dear?" tanong ni Mama sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Tahimik naman si Papa, umiigting ang panga nito. Dama ko na nagliyab muli ang galit niya ng makita n'ya si Raphael. “Nakapag-usap na kami ng Papa kung anong magandang gawin,” sabi ni Mama sa akin.  Hinawakan ni Papa ang kamay ko.“Anak alam kong ‘di ka papayag sa naisip namin, kami rin naman  ay nahirapan.  Kahit na gusto kong patayin yang gagong yan di ko magawa kasi alam ko ikaw din ang mahihirapan, di pwedeng lumaki yang bata ng walang ama. At ayokong masira ka at sa publiko kung mauungkat ang dahilan ng pagkabuntis mo.” Sabi ni Papa sa akin.  “Ano po ba ang naisip niyo? Okay naman ako kung ipapalaglag to. Sa tingin ko mas maigi na 'yon. Kung hindi, kaya ko namang manganak, at ibigay na lang ang bata kay Raphael. I don't want to have any connection with this child.” Sabi ko kay Papa, napatingin si Raphael sa akin. “Anak, bata ‘yan at mali ang naisip ko kahapon. And we also thought of just giving the child but we were wrong and it was not the right thing to do. We need to protect you but we also need to be responsible for our grandchild.” sabi naman ni Mama sa akin.  Hindi ko' to anak. Hindi niyo 'to apo. "Ano po bang naisip niyo?" tanong ko sa kanila. Judging from their impression, I know that I wouldn't like it, and I know that they believe that it's the best.  “Nakapag desisyon na kami nang Mama mo na ipakasal na lang kayong dalawa,” sabi ni Papa sa akin.  “No! Dad! Hindi! Ayokong pakasalan ‘yan!” sigaw ko kay Papa.  “Alam ko anak, pero nakausap na rin namin si Phoenix kanina at pumayag siya na ganoon ang gagawin. Katulad pa rin 'to ng kagustuhan mo ipamigay ang bata matapos mong manganak pero hindi mawawala ang responsibilidad mo rito. Pag napanganak mo na ang bata ay maghihiwalay kayong dalawa at mapupunta sa kaniya ang bata. In that way, it would be cliche reason, hindi na uungkatin ng publiko ang totoong nangyari.” sabi ni Papa sa akin. Kulang bagsakan ako ng langit ng lupa sa mga narinig ko, gusto kong umiyak, hindi umiiyak na pala ako. Naisip ko si Vaughn, kung paano sasabihin sa kaniya ito. Kung paanong wala na talagang pag asa na maging kami.  “Dad! Hindi ako magpapakasal kay Raphael! I will do other things but not marry him. Tanggap ko pa kung abortion or just me disappearing into this child's life! But being a mother to a sin?!” Sigaw ko ulit. Tahimik lang si Raphael at nakita ko si Kuya Phoenix na bahagyang nangiti. "December, alam kong mahirap."  “Mama!” iyak ko sa kaniya.  “Anak alam kong nahihirapan ka, pero ito ang tamang gawin natin sa sitwasyon ngayon,” sabi ni Mama sa akin nagpatuloy lang ako sa pag-iyak ko. Di ko na talaga alam ang gagawin ko, kung magiging asawa ko si Raphael. Hindi 'to ang buhay na gusto kong tahakin. ***  (VAUGHN ANGEL KIM’S POV)  “SWAEEGG! Yas! Here and there! Swaeggg!” Di ako makapagdrama kasi parang unggoy si Sander sa harap ko ngayon. Mag dadalawang linggo na mula nang ‘di ako kausapin ni December. Paakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kakaisip kung paano ko ba siya macoconvince na wala akong pakialam kahit na mahal pa niya si Cleve. Handa naman kasi akong maghintay kung sakali yun nga ang problema niya.“Manahimik ka nga dyan, Sander. Hindi ko marinig kung magmimiscall sa akin si December!” sigaw ko kay Sander.  “Maririnig mo yan, unggoy! Naka-tape na nga ‘yang phone sa tainga mo! Mamatay ka sana sa Radiation! Swaegg!” sigaw naman niya pabalik sa akin.  “Pasinghot kita kay Jeremy. Kasya ka sa ilong no'n.” pabulong kong banta sa kaniya.  “Oh, Raphael! Anong ginagawa mo dito? What happened in your face?” tanong ni Sander napatingin ako kay Raphael na puno ng pasa ang kaniyang mukha.  “Kinarma ata. Yan nagagawa pag everyday umaaktong anak ni Satanas.” sagot ko kay Sander narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Raphael sa sagot ko. He was aware that what he did was wrong, pero kailangan daw niyang gawin ‘yon. I can't understand it, and I dare not to ask anymore.   “Kinarma? Edi kinarma ka rin kasi hiniwalayan ka ni December?” tanong niya pabalik sa akin at dahan dahan siyang umupo sa tabi ko.Agad ko siyang sinipa nang malakas dahil do’n. “Ay! Tang’na ang sakit ha!” sigaw ni Raphael sa akin, inirapan ko na lang siya. “We didn't leave each other. She'll be fine soon, kailangan lang siguro niyang mag-isip. Naiintindihan ko siya, mahirap tanggapin ang ginawa natin.” Sabi ko sa kaniya. Mahal ko si December, sobrang mahal ko siya sobrang mahal ko siya.  “Mahal mo talaga siya?” tanong sa akin ni Raphael.  “Sobra,” sagot ko sa kaniya.  “Sana katulad mo na lang ako.” sagot niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kaniya . “Gusto mong maging alien?” tanong ko sa kaniya. “Gago, ang sagwa kung mayro’ng cross breed nang kabayong alien na mag-i-exist. Ka-abnormalan ang mamumutani do’n, Swaeg!” sabat naman ni Sander sa amin, binato siya nang ballpen ni Raphael dahil do’n. “Ito kung ‘di maninipa e mamato, swaeg!”  Ring… Ring… “Teka, nasaan naba yung cellphone ko? Bakit ang lakas ng ring no’n saka bakit parang nasa tainga ko lang kung makapagring?” tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang cellphone ko. Wala naman dito sa tabi ko. Nasaan na ba ‘yon?  “Unggoy, nasa tainga mo yung phone at naka-tape. Sagutin mo na 'yan, baka siya 'yan.” Sabi ni Raphael at tinanggal ang cellphone sa tainga ko. Agad ko naman na kinuha iyon.  December calling.. Agad akong napangiti ng mabasa ko ang pangalan niya. “Si December! Tinatawagan niya ako! Yes!” excited kong saad sa kanila.  “Sagutin mo na,” sabi niya sa akin at mahina siyang ngumiti, nakita ko ang pagrehistro ng lungkot sa mukha ni Raphael. “Hello, December!” sabi ko sa kaniya pagkasagot ko ng tawag niya, tahimik lang sa kabilang linya .“Happy birthday to you, happy birthday to you…” pabulong niyang kanta sa akin, bakas ko ang panghihina sa boses niya. “Are you okay, December?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya agad sumagot sa akin. Katahimikan ang saglit na namagitan sa linya namin. “Vaughn, pwede ba tayong magkita?” tanong niya sa akin. “Oo naman, basta wag mo na ulit sasabihin na maghiwalay na tayo ha? Wag kang magsisinungaling sa akin at sasabihin na ayaw mo sa akin ha? Kasi natatakot ako eh, December ayoko na maging mag-isa na naman. Kaya nakikiusap ako, huwag mo akong iiwanan.” Hindi ko kaya, kung iiwan pa ako ulit ng taong mahal ko.  Baka di ko na talaga kayanin ang ngumiti pa, ang maging ganito. Si December ang nag-udyot sa akin na maging masaya ulit, dahil pinaniwala niya ako na kailangan ko pa siyang paligayahin at protektahan habang buhay kahit na di ko alam kung kaya kong gawin iyon. “Basta magkita tayo ngayon sa may SM North. Sa Cinema 7 ha? Manonood tayo ng Annabelle basta punta ka dito okay? I love you,” bulong niya sa akin at saka siya huminga ng malalim. “Sige pupunta ako diyan, wait ka lang ha? Saglit lang!” sabi ko sa kaniya at saka automatiko akong napangiti, siguro kaya niya ako iniwasan kasi isu-surprise niya ako. “Swerte pala ang kabayo kahit ‘di year of the horse! Dumating ka lang Raphael ay sinuwerte na ako!” sigaw ko kay Raphael at yinakap ko siya sabay kiss sa cheeks. “Eww Vaughn, you’re so gay!” sabi ni Sander sabay gawa ng Swag post niya. “Vaughn, gusto ko lang humingi ng tawad sa’yo…” sabi niya sa akin. “Tawad para saan?” “I’ve ruined a lot of things because of my revenge, and one of them was December’s life with you. Kung hindi ko kayo pinasok sa gulong 'to baka nakakilala mo siya sa mas maiging paraan. I’m sorry. I'm really sorry.” Hindi ko inasahan ang pag-iyak niya.  "Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko naman ginusto na maging ganito." Iyak niya sa akin. 

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD