CLEVE ROBIN JASTEN
IT’S BEEN a while since the time when I looked straight in her eyes, It’s been a while since I touched her hand. It's been a while when I let my anger fill my veins, and did wrong things. It's been a while since I realized that I can't even look at my self, and be with her because of what I did. Akala ko mas malaki ang galit ko sa kanya, akala ko makakaramdam ako ng payapang pakiramdam ng malabas ko ang galit ko sa kaniya pero hindi mali pa rin pala ako.
Tumatalon pa rin ang puso ko sa tuwing ngumingiti siya at may kung anong masakit pa din sa akin sa tuwing umiiyak siya pero masaya ako. Masaya ako na ngayon hindi na ako nagdudulot pa ng sakit sa puso niya. Alam kong sobra ang galit niya sa akin, alam kong kulang pa ang pagluhod ko upang maibsan 'yon.
Kahit na kailan walang kapatawaran ang aking ginawa.
At alam kong minahal ko talaga siya, I am no good for her anymore, pero masakit pala ang makita siyang ngumingiti na hindi ako ang dahilan. Sobrang sakit pala no’n. “Yow! Cleve kamusta ang swaeg?” napalingon ako nang narinig ko ang nagsalita. I saw Sander entering the room together with Kid and Hans.
“Okay lang may Jams pa rin naman ako, si Darius?” tanong ko sa kanila.
Alam mo naman ‘yon uto uto naniwala na nakakatangkad daw ang Jams ni Hans kaya 'yon kumakain ng Jams habang umiiyak ng hard,” sabi niya sa akin.
"Umiiyak?” tanong ko ulit sa kaniya.
“Broken hearted kasi dating na si Vaughn at December.” Dagdag ulit ni Sander.Napabuntong hininga na lang ako sa kanila. Hinayaan ko nang mawala si December sa akin dahil sa hiya ko.Nang dahil sa galit at kalokohan ko. Nawala na siya.
“Ano, tinitingnan mo na lang siya sa malayo? She is happy with Vaughn right now. The happiness that she used to share with you is now with Vaughn.” Sabi naman ni Hans sa akin.
“Alam ko at masaya na akong ganito.” Sagot ko naman sa kaniya.
“Bakit di ka kaya magsorry kay December? Atleast try it to lessen your burden. Alam kong nanahimik ka lang at iniisip mong okay lang kasi naiintindihan mo pero alam kong naku-konsensya ka.” Sabi naman ni Jeremy sa akin
“Mas maigi na to, I don’t want to fully realize what I feel about what happened. Mas maigi na 'to,” sabi ko naman sa kaniya.
“Paano ba naman kasi mahal mo tapos nakisama ka pa kay Raphael na gawin ‘yon. You could've just stayed out of it.” Sabi naman ni Sander sa akin napatingin ako sa kaniya at nakita kong pinaglalaruan niya ang unan
“Alam ko, but I was blinded with Anger at that time di ko alam na nahulog na rin pala ako and it was late nasaktan ko na siya, no.. I killed her with what I did.” Paliwanag ko sa kanya. Alam ko na mali ang ginawa ko at naiintindihan ko ang mga consequences no'n. Kaya sinusubukan kong tanggapin ang mga desisyon ng tadhana. Para akong nasa isang Karmic cycle at 'di ko matatakasan 'yon kahit na kailan.
“Kaya nga gawin mo ang tama. You should say sorry to her. Mapapatawad ka pa niya, Cleve. She have a soft heart. Kasi kung iba lang 'yan, hindi niya pagbibigyan si Vaughn.” Dagdag pa ni Kid sa akin. Napatingin ako sa set ng post it ko na nasa tambayan namin at napansin ako na bawas na bawas na ito.
“Sinong kumukuha ng pink post its ko dito?” tanong ko naman sa kanila.
"Nakikita kong pinaglalaruan yan ni Vaughn nung isang araw, tapos kumuha si Raphael ng ilang piraso kasi natatae daw siya walang tissue,” sagot naman ni Hans sa akin, napa-facepalm na lang ako sa mga dahilan nila. Mamahalin kasi ang mga post its na iyon.
“Diba sabi ko wag ninyong gagalawin 'yom?” sigaw ko sa kanila. “Sarreh! Pero pang ghei kasi eh nakakawala ng swaegg!” sabi ni Sander sa akin binalik ko na lang ang tingin ang o Vaughn at December na masayang kumakain ng Ice cream sa gilid.
Magiging Masaya na lang ako para sa kanila, total mahal naman nila ang isa’t isa. Marahil tama si Jeremy dapat kausapin ko na si December para humingi ng tawad sa mga nagawa ko.
****
HININTAY ko na matapos ang klase naming ng araw na iyon. Busy ang lahat dahil sa nagaganap na paghahanda sa graduation kukunin ko ang chance na ito para mag sorry kay December. “Vaughn, can I talk to you?” napalingon si Vaughn ng madinig niya ang boses ko. Agad siyang ngumiti sa akin at parang abnormal na yumakap.
"Kinilig ako!" He squealed like a child.
“Bitawan mo nga ako at para kang batang yagit. Nakakadiri ka.” Saad ko sa kaniya muli niya akong tinawanan. “Hindi ako nakakadiri ha? Naligo ako kaninang morning.” Sabi niya sa akin. Inirapan ko na lang siya dahil doon bigla naman na nagseryoso ang mukha niya, para talaga siyang abnormal. Hindi ko maintindihan ang kanyang emosyon minsan.
“Anong gusto mong pag-usapan?” tanong niya sa akin at saka siya umupo sa couch na nasa harap naming at muling tiningnan ang kamay niya. May naka-drawing kasi doon na dango at mukhang si December ang nagdrawing nun sa kaniya. Naalala ko na naman tuloy nung kami pa ni December, madalas din niyang dino-drawing 'yon kaso lang yung Dango na ni-do-drawing niya sa akin ay 'yung nakasuot ng dress.
Hindi ko rin alam ang trip minsan ni December sa akin.
“Hoy! Anong gusto mong pag-usapan?” tanong niya muli sa akin.
“I want to talk to December.” sabi ko sa kaniya nagbago ang mukha niya dahil doon. “I want to say sorry to her and tell her everything that I need to tell.” sabi ko ulit sa kaniya. "I want to ask for your help regarding this matter.” sabi ko muli sa kaniya ngumiti siya sa akin.
“Sure, but I don’t think that now is a good idea and timing. She still hates you.” sabi niya sa akin. “Alam ko, gusto ko lang naman na bumawi kay December. I don’t expect her to forgive or to give me another but I want to take my chance.” Sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti sa kaniya.
“Sige, sasabihin ko sa kaniya that you wanted to talk to her. Pero wala akong maipapangako na magandang response sa’yo. Galit siya sa inyo ni Raphael,” sabi naman sa akin ni Vaughn nabuhayan ako ng loob dahil doon, atleast I tried my chance.
“Thank you Vaughn.” sabi ko sa kaniya ngumiti naman siya sa akin. “Basta makakatulong ako kay December at sa ikakabuti niya gagawin ko. Basta para sa kanya ay gagawin ko.” Sabi naman niya sa akin.
****
DECEMBER JANICE TRINIDAD
NAKANGITI ako habang hinihintay si Vaughn dito sa park sa may tabi ng school. Hindi ko matago ang excitement ko na makita siya at makasama siya muli. It’s been almost a month since we started to date. I never thought na magiging ganito pa ako kasaya, despite of what happened to me. Akala ko wala ng pagasa pa na maramdaman ko ulit ang ganitong kilig, yung maging Masaya ng ganito.
Nabigla na lang ako ng may nagtakip ng aking mga mata. ‘Hala, sino ako?’ sabi niya gamit ang malalim niyang boses
“Si Vaughn,” sagot ko sa kaniya.
“No! No! No!” sabi niya sa akin nagkunot naman ang noo ko dahil doon. Ano ‘bang trip nitong alien na ‘to ha?
“Ikaw nga si Vaughn,” pagpupumilit ko sa kaniya.
“Hindi ako si Vaughn,” sabi niya muli kasunod no’n ay ang mahinang pagtawa niya.“Ito clue, kinikilig ka pag nakikita mo ako. Yung kilig mo abot panty,” sabi niya sa akin. Masasapak ko ‘to!
“Si Vaughn nga, ikaw si Vaughn. Ikaw lang naman ‘yung nagpapakilig sa akin ngayon. Tanging ikaw lang.” sabi ko sa kaniya.
“Hindi! Gustong gusto mong hawakan ang kamay ko,” sabi niya sa akin mas lalo akong natawa dahil doon. ‘Vaughn, ang corny mo na” sagot ko naman sa kaniya.
“Hulaan mo na kasi kung sino ako,” sabi niya sa akin.
“Sirit na! Ayoko ng hulaan kahit tama naman ang mga hula ko.”
“Pag nagsirit ka dapat may kiss ako ha?” sabi niya sa akin napangiti naman ako dahil doon. ‘Po na, may kiss ka ‘yung mahabang kiss pa para wala ka nang reklamo,” walang gana kong saad sa kaniya kahit natatawa na ako. Nadinig ko ang malanding tawa niya dahil doon.
“Yehey! Sige sasabihin ko na kung sino ako!” sabi niya sa akin.
“Ako ang lalaking mahal mo, sobrang mahal mo ako kasi kinikilig ka.” sabi niya sa akin, tinanggal ko ang kamay ng nakatakip sa akin. Lumingon ako sa likod at nakita ko na si Vaughn na nakapout na at naghihintay ng kiss mula sa akin.
‘Kahit kailan talaga ang corny mo,” saad ko sa kaniya.
“Atleast kinikilig ang first daughter. Kinilig na nakangiti pa.” sagot naman niya pabalik sa akin tumango ako dahil doon .
‘Oo na, kinikilig na ako Mr. Vaughn Angel Kim. Ito na ang kiss mo.” sagot ko naman sa kaniya at hinalikan ko ang labi niya saglit. Namula siya nang hinalikan ko siya, para siyang teenager na humawak pa sa kaniyang labi.
“December, kinikilig ako ano ba?” kinikilig niyang saad sa akin at tuluyan na niya akong tinabihan at hinawakan ang kamay ko natawa naman ako dahil doon .
“Did I make you wait?” He asked me.
Umiling ako sa kaniya, "Pero yung mga PSG ko parang naiinip na. Medyo kanina pa kasi sila nakatayo diyan,” sabi ko naman sa kaniya.“Pakisabi pasensya na, 'di na mauulit kamo.” anito sa akin at pinunasan ko ang pawis na namuo sa kaniyang ulo. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko dahilan para matigil ako sa pagpunas nang kaniyang pawis.
“Alam mo ba na sobra ang saya ko December,” sabi niya sa akin. “Akala ko ‘di na babalik ang ngiti sa mukha mo,” sabi naman niya sa akin
“Huwag kang over acting, Vaughn.” Saad ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga.
“Pero tama ka, akala ko rin ay ‘di ko na kakayanin. Salamat at matiyaga ka. Thank you for making me feel like there’s nothing wrong with me,” sabi ko sa kaniya hinalikan niya ang pisngi ko naging dahilan iyon para mapapikit ako.
“There is nothing wrong with you. For me, you are perfect and I love you,” sabi niya a akin at tumingin ng direkta sa aking mga mata.
“Mr. Vaughn Kim, I will try my best to say those words to you in a way that you’ll feel it. But for now, I want to thank you for loving me. Thank you, Vaughn.” sabi ko sa kaniya, niyakap niya ako panandalian at inamoy pa niya ang leeg ko.“Tama na nga yan, manood na tayo ng palabas doon sa Theatre diba? Tara na! Baka nagsimula na ‘yon,” aya ko sa kaniya at agad ko siyang hinila para tumayo at makaalis na kami sa may park habang naglalakd kaming dalawa, pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid pero parang di naman niya alintana iyon.
‘Kinausap pala ako ni Cleve kanina,” sabi niya sa akin naging dahilan para matigil ako sa paglalakad.
Si Cleve.
Huminto siya ng mapansing di na niya ako bitbit sa kaniyang paglalakad. Nilingon niya ako at saka siya ngumiti ‘Alam ko galit ka sa kaniya, pero siguro mas makakatulong kung makakapagusap kayo” sabi niya sa akin.
“Para saan naman Vaughn?” tanong ko sa kaniya.
“Ayoko pang makipag-usap kay Cleve, para nga akong nasusuka pag si Raphael ang kausap ko. Hindi ko nga siya masikmura dahil sa galit. Si Cleve pa kaya na minahal ko dati. Hindi ko pa kaya, kung maari lang ayoko na s'yang makita pa.” Sabi ko sa kaniya.
“But December, I think makakabuti to sa’yo. Cleve is not asking you to forgive him. He was willing to wait gusto lang niya na mapakita sayo that he wanted to end things properly between the two of you. Na alam na niyang mali ang ginawa niya at makahingi siya nang tawad sa’yo. His heart was having it’s own burden and he wants to lighten it off,” paliwanang niya sa akin, napaikit ako at saka huminga nang malalim.
“Di ko pa kaya,” sabi ko sa kaniya.
“We can do it, if you’re ready okay? He was willing to wait for you. Sinabi ko lang to sayo para malaman mo.” Sabi niya sa akin di ko napansin na narrating na pala naming ang harap ng theatre.Hinarap ko ang mga guards ko at saka lumapit sa kanila. Hindi kasi sila pwede sa loob baka ‘di makanood ang mga ibang audience do’n.“Maghintay na lang kayo dito.” Utos ko sa mga PSG ko pero nag-alangan silang sundin ako.
Dito na lang kayo. Huwag niyo na akong sundan pa. Wala namang mangyayari sa akin mula sa loob.” muli kong saad sa kanila.
“Alam po namin Ma’m pero sabi po ni Sir. Phoenix ay sundan po kayo sa loob,” sabi naman ng mga ito sa akin, tumingin ako kay Vaughn.
‘Okay lang, it’s for your own safety, di naman nila makikita kung maglalabing labing tayo sa loob. Tatago ko ‘yung fingers ko sa loob nang panty mo,” pilyo niyang saad sa akin natawa na lang ako sa kaniya at pabiro ko siyang hinampas.
“Manahimik ka nga Vaughn,” sabi ko sa kaniya.
“Biro lang naman, December! At saka maghihintay ako hanggang sa ikasal tayo. Gusto ko kasing maging special ang pagkakataon kapag gagawin natin ulit ‘yon,” sabi niya sa akin.
"Ulul, manahimik ka dyan!” suway ko sa kaniya tumawa naman siya dahil doon.
****
PHOENIX SORIANO
“WHAT took you so long?” napalingon ako ng madinig ko ang boses niya nakita ko siyang nakatayo sa may pader at may hithit pang sigarilyo habang masamang nakatingin sa akin.
‘Patayin mo ‘yang upos nang sigarilyo mo. Gusto mo bang may makakita sa atin?” I asked. Mahina siyang tumawa at lumapit sa akin kasabay no’n ay ang pagtapon niya sa sigarilyo
“Bumabaligtad na si Cleve at ang kapatid mo. What the hell was with that girl?! Lahat nang masamang plano sa kaniya ay ‘di natutupad. She always have those involve fall for her. Malanding tunay, 'di naman bida sa istorya." Reklamo niya sa akin.
“Wala naman akong pakialam kung bumaligtad ang dalawang iyon. Ikaw ang inaalala ko, paano kung ikaw ang bumaligtad?” tanong ko sa kaniya.
‘Never, would I.” Sagot niya sa akin at naupo siya sa isang bench at tumabi naman ako doon.
“Parehas lang ang hugot natin, kaya nga ako pumayag na gawin ang plano na to diba?” tanong niya pabalik sa akin. “I want this more than you do. I want to see their empire fall because of his own daughter.” Sagot niya sa akin.
“Naninigurado lang ako, Tiwalang-tiwala na ba siya sayo?” tanong ko muli sa kaniya. “Wala kang tiwala sa kakayahan ko, Phoenix. Limang taon ka nawala kaya ‘di mo alam kung gaano na kami ka-close ngayon. Sa sobrang close namin ngi wala siyang ideya kung sino talaga ako.” sagot niya sa akin.
“Magkaka-award ka na ba sa kaplastikan na pinakita mo sa kaniya? Ang trophy ba no’n ay ang katupuran nang plano natin?” Ako.
“All that we are waiting right now, is the perfect timing to have our sweetest price. Mararamdaman din nang presidente kung gaano kasakit ang mawalan ng pamilya sa mismong harap niya. Mawawala ang anak niya nang ‘di niya namamalayan,” sagot niya sa akin.
“When the right timing comes, We will get her and that’s when we will do the final surprise,” dagdag pa niya. Para niyang ini-imagine ang bawat tagpo na magaganap sa oras na mapatupad na namin ang plano.
“That will be exciting right?” He asked me
“Baliw ka na.” sagot ko sa kaniya habang tumatawa.
“Sino bang di mababa—”
“Teka? Anong balak niyong gawin kay December?” Napalingon kami ng kausap ko at nakita namin si Cleve na nanlalaki pa ang mata habang nakatingin sa amin. f**k! He heard us! “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
“Wala sa usapan ang papatayin si December!” sigaw muli ni Cleve tumingin ako sa kausap ko na nakangiti lang sa harap ni Cleve.
“Hindi namin papatayin si December!”
“Pero ‘yon ang narinig ko! Ang sasama niyo!” muli niyang sigaw sa akin.
“What are you waiting for?” tanong niya sa akin at saka siya tiningnan si Cleve, matapos no’n ay sumulyap ‘din siya sa baril ko. ‘Sasabihin ko ‘to kay December! Sasabihin ko to sa kaniya! What we did was enough! It's enough!” sigaw ni Cleve at nagtatakbo na ito.
“What are we going to do?” I asked her. I was panicking inside, it can be the end of our perfect plan.
“Kill him,” simple niyang saad sa akin at gumuhit ang napalaking ngiti sa mukha niya
“What?”
"Patayin mo at ng manahimik."