17th Pleasure

3341 Words
DECEMBER JANICE TRINIDAD 12 years later… “MAMA, ayoko pong makita si Daddy. Huwag na lang po tayo pumunta sa kanya.” sabi sa akin ni Franco ‘yan sinisintas ko ang kaniyang sapatos. “Bakit naman, anak?” tanong ko sa kanya. “Kasi po hate mo siya,” he responded. Natigil ako sa pagsisintas  ng  sapatos  niya.  “Pero  kailangan  ka niyang makilala anak.” sabi ko sa kaniya pero nanatili siyang nakanguso sa akin. Umupo ako sa kanyang tabi at saka ako “Mama, paano kung mad ako kay Daddy pag nakita ko siya? Kasi diba mad ka sa kaniya, kaya ka nga mad sa akin eh” sabi niya ulit sa akin naging dahilan ang tanong niya upang mapatingin ako sa kanya. “Gano’n ba ka-rude si Mama sa’yo ha?” tanong ko sa kaniya. “I understand naman po na galit ka sa totoong Daddy ko, kaya ka po ganon sa akin.” Sabi niya sa akin tumingin ako sa mga mata ng bata. Kitang- kita ang pagkakahawig nilang dalawa na tila ba photocopy sila ng isa't isa. “Mabait naman ang Daddy mo dati. Alam mo ba noong malungkot ako e' lagi n'ya akong pinapasaya. Ginawa niyang maganda ulit 'yung mundo ko. He’s a good person, it was just our circumstances made him mad.” sabi ko sa kaniya. “Si Daddy ko po ba parang si Dada?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya. “They are different, pero your Daddy made my fears go away while your Dada loved me more than anything else.” Sabi ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga. “Halika na, you're Daddy Ninong Cleve is waiting for us.” Sabi ko sa kaniya Tumayo naman ito at tumalon para makababa, excited siyang pumunta sa pintuan na tila ba kanina ay 'di siya nagtatanong. My son is innocent, tama nga siya walang kasalanan ang bata sa mga nangyari. Paglabas namin ng pintuan ay nakita ko si Cleve na nakahawak sa ulo niya, halatang sumakit na naman ang kaniyang ulo. He never get used to his headaches.“Mommy, kailan mo ba sasagutin si Ninong Cleve? he likes you so much baka pwede mo na siyang i-forgive?” tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at saka mahinang ngumiti. “Si Ninong na-forgive ko na, pero yung heart ni Mama na kay Dada pa rin kasi. Mama was not able to say I love you to Dada kaya nahihirapan si Mama. Na sana nasabi ko man lang 'yung mga salitang 'yon. Na sana naramdaman niyang napatawad ko na siya." Sabi ko sa kaniya. Napakaraming nangyari sa loob ng Nahihirapan ang puso ko na kalimutan ang taong totoo ko talagang minahal.“Tara na, para makapagrest na ang Ninong mo, magpakabait ka habang nagkekwentuhan kayo ng Daddy mo ha?” Habilin ko sa bata. “Hindi ka po ba pupunta Mama?” napatingin sa akin si Cleve, alam kong naiintindihan n'ya kung bakit sa tinagal- tagal ng panahon ay tila ba hindi ko pa kaya. Marahan akong umiling  sa bata. “Mama, will be waiting here.” sabi ko sa kaniya. Hindi ko pa kayang patawarin ang ama ni Franco. Di ko pa kaya, masakit pa rin.  ****** BUO ANG ATTENSYON ni Vaughn sa play na pinapanood naming dalawa. Tungkol 'yon sa isang ulila na lumaki na mag-isa, pinagpapasa pasahan ng kung sino at nung nalaman niya na ang babaeng mahal niya ay ang anak ng pumatay sa magulang niya. Masyado itong nabulag sa paghihiganti at dahil sa galit niya, napatay niya ang babaeng mahal niya. “Nakaka-relate ka ba?” tanong ko sa kaniya.  Nilingon niya ako. ‘Oo, yung feeling na pinagpapasa – pasahan ka ng mga tao tapos ibabalik ka ulit sa ampunan, nakaka-relate akokahit paano. Pero ‘di naman ganiyang kabitter ang buhay ko.” Sabi niya sa akin,  dahan- dahan akong sumandal kaniya. Naramdaman ko ang pagngiti niya ng sumandal ako sa kanya. Vaughn is a simple person, despite of what he's gone through he can still find happiness in the simplest blessing that comes to him.  Kung sana ay nagkakilala kami sa ibang paraan, kung sana ay 'di nangyari ang pangg“Mahirap siguro ano?” tanong ko sa kaniya.  “Lagi akong nasasaktan, lagi akong umaasa. Minsan naiisip ko ano bang mali sa akin? Lahat sila kung kailan natutunan ko ng mahalin iiwanan ako. Mahirap kaya rin siguro umasa ako sa mga bagay na panandalian lang para sumaya.” Sabi niya sa akin hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. "December, alam ko na bunga ng pagiging makasarili ko e pumayag ako sa mga plano ni Raphael at Cleve noon, kaya patawad--" Hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Huwag mo ng isipin ang nangyari dati, Vaughn. Gusto ko na lang na magsimula ulit kasama ka, na ibaon sa lupa ang bangungot na nangyari sa akin." Giit ko sa kanya. "Natatakot lang ako na baka pag nakumpante ako at napagtanto mo na isa rin ako sa kinamumuhian mo ay mawala ka sa akin. Alam kong 'di ako dapat maghangad ng ganito galing sa taong ginawan ko ng masama pero 'di ko maiwasan ang maging makasarili muli, Dec." Pagkwento niya sa akin. “Ikaw, kahit na anong mangyari ‘di kita iiwan. Hindi ako gagaya sa kanila, Vaughn. I will take care of you and keep you in my heart forever,” sabi ko sa kaniya. “That’s nice to hear… ang sarap pakinggan. I can live on that promise forever.” Sagot niya sa akin.  “Ayokong malungkot ka, gusto kong gawin din sa’yo yung mga bagay na ginawa mo sa akin para mapasaya mo ako,” sabi ko sa kaniya hinalikan niya ang ulo ko. “Ikaw lang sapat na, habang buhay walang titibag. Yeah!” sabi niya sa akin. “Forever na tauuu bebhz!” dagdag pa niya sa akin natawa ako dahil doon tumingin ako sa kaniya. “Alam mo ba ang ganda ng mga mata mo Vaughn?” sabi ko sa kaniya. Nag-beautiful eyes naman siya sa harap ko dahilan para matawa ako ng unti sa mga kinikilos niya. Sinuway tuloy kami nang nasa likod namin kaya nagsandalan muli kami at saka nagbulungan. “Sabi nga nila, maganda daw ang mga mata ko, parang maraming nilalaman,” sabi niya sa akin tumingin ako sa refleksyon ko sa kaniyang mata.  “Hindi, sa mga mata mo kaya mong iparamdam sa akin na ayos lang ang lahat” sabi ko sa kaniya at saka ko siya yinakap hinayaan naman niya ako na gawin iyon at hinalikan niya ang ulo ko. “I Love you, December.” bulong niya sa akin.  “Salamat, Vaughn. Maraming Salamat.” Bulong ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay 'di dapat ako mahalin pero may isang katulad niya na nagmamahal sa akin. Matapos ng play na pinanood naming hinatid na niya ako papunta sa mga PSG ko, kailangan ko rin kasi na umuwi dahil may nangyayari Banquet sa palasyo. Kailangan kong humabol dahil andoon ang Presidente ng America, May State Visit kasi ngayon.  “Papanoorin ulit kita sa TV mamaya ha? Kindat ka ha?” sabi niya sa akin.  Natawa naman ako sa kaniya. “Oo na, kikindat na ako para sa’yo. Sige na baka may makakita pang press sayo tapos ay picture-an ka. Maabala pa ang tahimik mong buhay.” sabi ko sa kaniya. “Willing naman ako na ma-intriga tapos isisigaw ko na mahal na mahal ko si December Trinidad!” sabi niya sa akin natawa na lang ako sa kaniya at pumasok ako sa loob ng sasakyan. “Enjoyed your night?” tanong ni Phoenix sa akin tumango ako sa kaniya. “I never thought that I will be happy again.” sabi ko sa kaniya. “It was my pleasure to see you smile like before. I can see that guy is a good influence for you. Nagkamali ata ako nang tinawag ko siyang abnormal. He was an alien in a good way, huh?” sabi niya sa akin. ‘Oo, tama ka teka? Nagsisimula na ba yung banquet?” I asked him “Yes, Miss December pero pwede ka namang humabol sa banquet. Though the First Lady was looking for you. Sa tingin ko ay  naalala ka niya noong dumalaw ka dati. Masyado kang nagmarka sa kaniya, he still remember you.” Sabi niya sa akin ngumiti na lang ako sa kaniya at pinagmadali ang driver na umuwi na. *****  NAGING BUSY ang buong gabi para sa amin, the event ended around 1 AM grabe ang kwentuhan nila Mama at ng First Lady at ako nasa tabi lang nila. Panay politics ang pinaguusapan nila kaya di naman ako gaano maka-relate dahil doon. ‘Ma, can I sleep?” I asked her. “Sure dear, you still have classes right?” She asked me ‘Yes Ma, and I need to wake up early tomorrow because some exams coming up." Dahilan ko kay Mama, tumingin ako sa first lady of the USA at saka ngumiti."Ma'am Matilda, I need to go to sleep. Thank you so much for enjoying this visit.” Sabi ko sa kaniya she held my hand.  “And thank you for accommodating us too,” sagot naman niya sa akin. "Phoenix, pakihatid si December sa kanyang kwarto."Utos ni Mama kay kuya Phoenix. Tumango naman ito  at hinatid ako hanggang sa loob ng bahay. "Bumalik ka na roon kuya. Kaya ko na mula dito." Paalam ko sa kanya. Mahina siyang ngumiti sa aking harap at saka tumitig sa akin pansin ko kakaibang mga titig niya, pakiramdam ko e matutunaw ako. "Kuya, bakit?" tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin bilang sagot."Sige, magpahinga ka na agad." habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko nalaglag ang ribbon na suot suot ko. Pupulutin ko sana ito pero may ibang gumawa para sa akin.  Si Raphael...  Napasimangot ako ng makita ko siya, nag-init ang dugo ko. Gusto ko kunin ang malapit na fire extinguisher sa gilid at ipukpok 'yon sa ulo niya. “Akin na ‘yang ribbon.” utos ko sa kaniya at nilahad koang kamay ko pero tahimik lang siya. Nakatitig lamang siya sa ribbon na tila may balak siyang gawin roon. “Akin na!” sabi ko ulit sa kaniya kasabay no’n ay ang pagkunot ng aking noo. Lumapit siya sa akin at nilagay niya ang ribbon sa buhok ko. “Mas bagay kung ganyan mo susuotin.” sabi niya sa akin at ngumiti siya ng maliit. Ngayon ko lang ulit nakita ang ganitong ngiti ni Raphael sa akin. “Salamat, sige papasok na ako sa kwarto. Kailangan ko nang magpahinga,” sagot ko sa kaniya at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Bakit parang kakaiba si Raphael? Lumipas ang ilang pang araw, naging busy kami dahil sa practice para sa Graduation natutuwa nga ako dahil di man lang kumalat ang video sa tinagal ng panahon. Natutuwa ako at nagpapasalamat sa diyos dahil doon. pakiramdam ko kahit papaano ay umaayon rin sa akin ang mga nangyayari. Paunti- unti tila ba ginugusto ng tadhana na makalimot ako. "December...."Na-estatwa ako ng madinig ko ang boses ni Cleve mula sa likod ko.  Lumingon ako at nakita ko na magkasama sila ni Vaughn. Hindi ko mawari kung ano pa ang gusto ni Cleve ngayon. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Cleve. “Nagpasama si Cleve sa akin kasi gusto ka niyang kausap” Si Vaughn ang sumagot ng mga tanong ko. “Ayoko, ayokong kausapin ‘yan…” sabi ko kay Vaughn habang masama ang tingin ko kay Cleve.  “Fine, kahit ‘di mo ako kausapin. Ang gusto ko lang ay makinig ka sa akin,” sagot naman ni Cleve sa akin tumingin ako kay Vaughn.  “I’ll stay right beside you, kung di mo na kayang makinig at ayaw mo talaga, he will leave okay?” Vaughn asked me. Tumingin ako kay Cleve. “Sige, makikinig ako. Made it worth my time. Don't waste my energy.” sabi ko sa kaniya. Ngumiti si Cleve dahil doon. “Dec, I am so sorry,” sabi niya sa akin, napayuko ako ng madinig ko ‘yon, nagpintig din ang tainga ko sa inis. Sorry, sorry, putangina sawang sawa na ako madinig 'yan. Pakiramdam ko ay napakalaki kong kasalanan, pakiramdam ko. Putangina. “Sorry? Cleve, girlfriend mo ako noon, naniwala akong mahal mo ako, pinaniwala mo ako sa isang deputang fairytale tapos ay ginago mo ako. Tapos sorry lang ang madidinig ko sa'yo? E tangina ang daling sabihin n'yan, limang letra lang 'yan na kahit kailan 'di mababalik ang nawala sa akin!" Singhal ko sa kanya. “Alam ko mahirap na mapatawad mo ako at walang kahit na anong paliwanag ang makakatumbas ng naranasan mo. Galit ako noon, 'di tama ang pag-iisip ko at nawala sa isip ko na mahal kita at mahal mo ako. Akala ko kasi pag nakapaghiganti ako sa mga naging dahilan kung bakit nawala ang mama ko, ang Papa ko sa akin. Akala ko magiging maayos ako,” sabi niya sa akin at tumulo ang luha niya pero parang ang tigas ko.  Gusto kong isuka ang mga nadidinig ko sa kaniya. “Kaya mo ako ni- traydor? Sinaktan? Kaya kahit na anong pagmamakaawa ko sayo, na itigil mo na kasi ang sakit-sakit na tinuloy mo pa rin? Cleve, pinatay mo ako! Pinatay niyo ako!” Tanong ko sa kaniya, dahan dahan siyang tumango sa akin. "Pata... patawad...  Nataas ko ang kamay ko at malakas ko siyang nasampal.  Paulit- ulit ko siyang sinampal pero kahit na ilan ata ang gawin ko ay 'di mawawala ang sakit nararamdaman ko. “December! Tama na, ” pag-awat sa akin ni Vaughn at pinigilan ang kamay ko na magpakawala muli ng isa pang sampal. “Don’t stop her Vaughn, I deserve it. Alam kong kulang pa ang sampal sa mga ginawa ko, kahit mawala na ang ulo ko kakasampal mo tatanggapin ko. Makahingi lamang ako ng patawad sa'yo.” Sabi naman ni Cleve sa akin.  Nababa ko ang kamay ko dahil doon. “Minahal kita at pinagkatiwalaan kita Cleve! Ibinigay ko ang lahat sayo. Umasa ako na kaya kong maalis yang galit sa puso mo pero hindi! At ang sakit sa akin na isa ka pa sa nagplano no’n. Na isa ka sa dahilan kung bakit nasira ako,” sabi ko sa kaniya.  Lumuhod siya sa harap ko at kumapit sa hita ko. “Patawarin mo ako, December...” sabi niya sa akin. “Mahal kita kaya sana paniwalaan mo ako December, mahal kita!” sabi niya sa akin.  “Bitawan mo ako,” matigas kong saad sa kaniya. Hindi ako maniniwala sa kaniya dahil kung mahal niya talaga ako at pinapahalagahan kahit na anong galit niya sa akin. Hindi niya magagawa iyon pero nagawa pa rin niya, nagawa pa rin nila ni Raphael. “Wag mo akong hahawakan at umalis ka na sa harap ko.” Sabi ko sa kaniya at pinilit na alisin ang kamay niya sa hita ko. Tumayo naman siya dahil doon at may kinuha mula sa bulsa niya. SD Card. “That’s the only copy of the video we have and I’ll do the right thing. Ibibigay ko na lang ‘to sayo to prove how sorry I am. I’m sorry.” sabi niya sa akin at nilagay iyon sa lamesa sa harap ko. ‘Umalis ka na nga sabi e.” Muli kong pangtataboy sa kaniya nang hindi tumitingin sa kaniya “Decem—” Hindi ko kayang makita siya, sana ay 'di ko na siya makita pa habang buhay.  “Leave!” sigaw ko sa kaniya. Nanghihina naman siyang tumayo at umalis ng kwarto napayakap na lang ako kay Vaughn kasunod no’n ay ang pag-iyak ko ng malakas sa bisig niya. Sa sobrang pagod ko sa pag-iyak ko ay ‘di ko na namalayan na nakatulog na ako. Mabuti ay nandito kami sa Tambayan ng Alpha 7, buong dalawang oras ay tulog lang ako nararamdaman ko pa ang paghaplos ni Vaughn sa buhok ko.  Hindi nagtagal ay gumising na din ako at nakita ko siya sa tabi ko. He didn’t leave me. “Feeling okay?” He asked me. “Medyo.... medyo maayos na ako. Pasensya ka na sa mga nakita mo kanina.” Sabi ko sa kaniya at pinunasan niya ang mukha ko.  “Okay lang, ang gusto ko ay maging maayos ka, kaya kahit kailangan mong magwala ay nandito lang ako sa tabi mo at papagaanin ang loob mo.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ang kamay ko. “Salamat, Vaughn.” sabi ko sa kaniya. “Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin dahil ito ang maari kong gawin para sa'yo.” Sabi niya sa akin, ******** LUMIPAS pa ang dalawang linggo, patuloy ang pangugulo sa akin ni Cleve. Paulit ulit na humihingi ng tawad sa akin at ako, matigas mahirap pala kasi talaga lalo na at mahalaga siya sa kin. Kailangan ko pa ng oras kung tutuusin. “Tikman mo tong santan jams ko, December. Masarap yan at  bestseller ‘yan sa lahat ng tinda ko. Lasa ng kabataan mong namumulot ng santan tapos kinakain mo ang katas. Lagi na nga ‘yang out of stock e, mabenta!” paliwanag sa akin ni Hans sabay lapag ng mga bote ng jams na tinda niya. “Mayro’n din akong gumamela, chico at santol jams!” sabi niya muli sa akin.  ‘Tigilan mo na nga ang pagbebenta kay December ng jam!” sabi naman ni Jeremy sa kaniya. “Ano ka ba? Kailangan natin ng tamang prospects and clients para sa negosyo ko dahil kapag natikman ng Papa niya to yayaman ako. Malay mo maging supplier ako ng palaman sa malacanang. Tama ba ako, December?” tanong ni Hans sa akin. “Nakakatangkad ba iyan?” tanong naman ni Darius sa kaniya natawa na lang ako sa tanong ni Darius tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Kristelle sa akin. Nasa labas na ako!  Balak kasi naming na lumabas at mag spend naman ng oras together. Malapit na ang graduation at soon, magkakaroon na kami ng kanya- kanyang buhay. Kailangan naman namin mag bond ni Kristelle.  Niyaya din ni Kristelle sa lakad namin si Vaughn, Darius, Sander, Hans at Jeremy, kaya ito magkakasama din kami ngayon. “Nasa labas na daw si Kristelle guys! Tara na!” aya ko sa kanila.  “Teka nasaan na ba si Vaughn?’ tanong naman ni Jeremy sa akin.  “Sabi niya hintayin na lang daw natin siya sa bar. Mukhang may lakad muna siya.” Sabi ko naman kay Jeremy at tumabi si Sander sa akin.  “Tara na!” aya niya at lumabas na kami niyakap muna ako ni Kristelle at saka tumabi sa akin.  “Ano? Lakarin na lang natin papunta do’n!” sabi naman ni Darius at tumabi sa akin.“Huwag kang tumabi kay December, wala ka ng pag asa sa kaniya may Vaughn na siya!” sabi naman ni Jeremy sa kaniya. “You really got no jams, Darius!” saad naman ni Hans. “Edi wag, tatabi ako kay Kristelle!” sigaw naman ni Darius natawa na lang kami sa kaniya. “Ayiee si Kristelle kinikilig!” asar ni Jeremy sa kaniya  “Halata ba masyado?” tanong ni Kristelle sa akin habang namumula siya, natawa naman ako sa kaniya.  'Kontrolin mo nga ‘yang landi mo.” sabi ko naman kay Kristelle nagtawanan na lang ang lahat kasi sobra ang pamumula ni Kristelle. "Hindi ko ma-control, since birth e malandi na ako." Natatawa niyang giit sa akin habang malagkit na tumititig kay Darius. Matagal na niyang crush si Darius at di niya akalain na ganito na ito kalapit sa kaniya.“December! I’m here!” sabi ni Vaughn at tumakbo siya palapit sa akin para halikan ako.  “Mabuti nakahabol ka,” sabi ko sa kaniya.  “December!” napalingon ako at nakita ko si Cleve na papalapit sa akin para siyang natatakot na di ko maintindihan. May kakaiba sa kanyang ekspresyon, tila ba mayroon siyang tinatakasan. Mayroon siyang gustong sabihin na importante. “Anong ginagawa ni Cleve? Sasama ba siya sa atin ha?” tanong ni Vaughn nagkibit balikat ako. “Baka mangungul---”  Bang!  Nanlaki ang mata ko ng marinig naming ang malakas na putok ng baril, nilingon ko si Cleve na nakatayo na lang sa ‘di gaano kalayuan sa amin. Nakatingin sa direksyon ko at nanlalaki ‘din ang mga mata niya. “No...” mahina kong bulong. Alam kong may mali na  sa kaniya nang pagkakataong iyon. “December..." mahina niyang bulong at saka siya bumagsak sa may kalye. He dropped there, almost lifeless.  “Cleve!” sigaw ni Vaughn at agad itong nilapitan.  “Gago! Nabaril si Cleve, tumawag kayo ng tulong!” sigaw naman ni Darius sa iba pa naming kasama lumapit din ako kay Cleve at medyo binuhat siya nakatingin lang siya sa akin.  “Decem—ber.. I – ingat ka,” sabi niya sa akin nagkunot ang noo ko.  “Anong ibig sabihin mo Cleve?” tanong naman ni Jeremy, nilipat niya ang tingin sa aming dalawa ni Vaughn at binalik sa akin. “Sinong gumawa nito sayo?” tanong ko sa kaniya, pinilit n'yang magsalita pero matindi ang sakit na nararamdaman niya. “Cleve!” sigaw ko sa kaniya pero pumikit na siya nang tuluyan.  “Tumawag kayo ng tulong dali! Cleve! Wake up!” sigaw ko sa kaniya at inalog alog ko siya tiningnan ko ang kamay ko at may dugo ito, maraming dugo sa ma uunan niya.  ‘He was shot in the head! Call some help please! Vaughn tumawag ka ng tulong, Si Cleve ‘di siya maaring mamatay!” sabi ko sa kaniya habang umiiyak ako. "Oo, tumatawag na sila Darius, lagyan mo ng pressure yung wound niya. We can extend his life by doing that!” sabi niya sa akin at saka niya tiningnan ang pulso nito. Ano bang nangyayari, bakit nabaril si Cleve? Bakit gusto niya akong mag-ingat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD