12th Pleasure

4215 Words
 DECEMBER JANICE TRINIDAD  “I LIKE YOU from the first time that I saw you and I thought that it would be a good opportunity. I think I’m really selfish because it just made you hate me instead of liking me….” Paulit ulit sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Darius habang naglalakad ako para kumuha ng taxi. Bakit biglang gano’n? May gusto siya sa akin? Bakit parang ‘di ko naramdaman dati. Di ko lang kasi lubos maisip na mararamdaman niya iyon sa akin. Naupo ako sa may shuttle at kinuha ang libro sa aking bag. Magbabasa na lang ako ng unti dito para makalimutan ko ang mga sinabi ni Darius sa akin. Kailangan kong makalimot.  You seem to be avoiding me, I miss seeing you smile.  Nakita ko na naman ang papel na natanggap ko kanina. My heart raced when I saw it. Kanina lang ay lito ako pero ngayon feeling ko ako si Nancy Drew. I badly wanted to know who is this. Pero mas gugusutuhin ko na lang na di ka makilala para pwede kitang hangaan. Di dapat ako umibig sa kahit na sino sa kanila, yung totoo na kailangan kong tanggapin para din sa ikabubuti ko para ‘di din ako masaktan. “Ate, ate!” lumingon ako at nakita ko ang isang bata na may hawak na sampaguita. Hindi naman mukhang mahirap ang batang ‘yon at ‘di rin siya mukhang nagbebenta ng sampaguita. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “Pinabibigay po ni Kuya,” sabi niya sa akin at inabot niya ang sampaguita sa akin. “Sinong kuya?” tanong ko sa kaniya. “Opo Ate, Si kuya doon po na may shiny eyes. Nagtatago siya sa bushes!” sabi niya sa akin at tinuro niya ‘yon. Kinuha ko naman ang sampaguita at saka ako tumingin sa mga halamanan.  Wala akong nakita.  “Salamat ha.” sabi ko sa bata at tiningnan ang magagandang necklace ng sampaguita na binigay sa akin. Hindi siya mukhang binili lang sa mga naglalako. Parang ginawa mismo ito nung nagpapabigay.  Nakita ko din na may papel na nakarolyo sa isang sampaguita, tinanggal ko ‘yon at saka binuklat.  Are you afraid? Is it because of me?  Mas lalo ko siyang hinanap, muli akong tumingin sa bushes pero wala talaga akong makita. Binalik ko ang attensyon ko sa papel .  I want to hold your hand. Napangiti ako at muling pinasok ang sulat sa libro ko. “Oo natatakot ako, I’m afraid sa maaring maging consequence. I don’t want to be selfish, pero ‘di naman ako malakas. Natatakot ako,” sabi ko at saka ako bumuntong hininga di ko na napansin na naiyak na din ako. Agad ko naman na pinunasan ang luha ko dahil nagiging balat sibuyas na naman ako. Kaya ako naiisahan ni Raphael, ang hina ko kasi. “Ito oh.” napalingon ako at nakita ko si Jeremy na nakangiti sa akin. May hawak pa siyang panyo at inaabot niya ‘yon sa akin. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya tinuro niya ang hospital sa kabila. “Doon ako galing, sinamahan ko ‘yung kaibigan ko pero nakita kita kaya lumapit ako sa’yo.” sabi niya sa akin at saka siya ngumiti at mas nilapit sa akin ang paniyo na hawak niya. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin. Bumuntong hininga ako.“Wala lang, mahina lang kasi ako kaya ako umiiyak,” sabi ko sa kaniya at saka ako tumayo at binalik ang paniyo niya dahil napunasan ko naman na ang luha ko. “I need to go home, thank you.” sabi ko sa kaniya.  “Sandali lang,” sabi niya sa akin dahilan para mapalingon ako sa kaniya. “Bakit?” tanong ko sa kaniya lumapit siya sa akin . “Wala lang, Wag ka ng iiyak mag-isa. Kung gusto mong umiyak ipapahiram ko panyo ko sa’yo.” Sabi niya sa akin ginulo ko ang buhok niya. “Salamat,” sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang tumingin sa malayo at saka ngumiti na para bang may ningitian siya. Binalewala ko na lang iyon at muling nagpaalam para umuwi na.  **** PAG-UWI ko sa bahay ay nakita kong nagdi-dinner na si Papa. Siguroay  nasa office pa si Mama kaya wala pa rin siya. May Senate hearing ata sila at isa siya sa mga in charge do’n. I kissed him on the cheeks, and greet him. Umupo rin ako sa tabi niya. It was a long day, nakakalito at nakakabaliw. Nagugutom tuloy ako. “How’s your day Princess?” tanong niya sa akin. “Tiring but I enjoyed it,” sagot ko sa kaniya. “It’s good to see you being back to yourself. Sana tuluyan ka nang gumaling anak,” sabi niya sa akin, ngumiti ako kay Papa para sa tuluyang ikapapanatag ng kaniyang loob. “Ikaw Dad, how is your day?” “Katulad nang sa’yo, tiring but I enjoyed it.” Panggagaya pa niya sa pagkasabi ko. “Dad, I don’t sound like that,” ani ko sa kaniya. Nagtunog pabebe kasi ‘tong si Papa. “Yes you do, gagayahin ko ba kung ‘di ka gano’n nagsalita?” He asked me, I pouted as a response. “Anyways, Raphael hindi ba next week na dadating ang ‘yong kapatid na si Phoenix diba?” Dad asked him. I looked at him. Si kuya Phoenix, ang nakakatandang kapatid ni Raphael. “Yes, Mr. President, papasok ‘din po si yang PSG niyo. His training was finished and he said he wanted to go back to serve you. His application is also accepted so he might start working as soon as possible.” sabi naman ni Raphael sa kaniya. “Anong pagsilbihan? That’s not the proper word, Raphael. Para ko na kayong mga anak,” anito sa kaniya. He’s a traitor, Dad. Nainis ako nang dahil doon.. “Pero sir, gusto talaga ni kuya na magtrabaho sa inyo, ang protektahan kayo. Kayo nila Ma’am at saka ni December,” anito at tumingin siya sa akin. Napahawak ako sa puson ko nang may maramdaman ako naghilab mula dito. It was quite tolerable kaya binalewala ko rin ‘yon. “That will be good, since magreretire na ang isang guard ni December. I can have your brother to guard her.” sabi naman ni Papa sa kaniya, “Mr. President, to take this wrongly but, mas maganda po sana kung ‘di kay December ma-assign ang kuya. At saka, kaya po siyang bantayan,” sabi naman ni Raphael. ‘Bakit natatakot ka ba nna isumbong kita sa Kuya mo?’ Tanong ko sa isip ko. “Well, I’ll talk to it over with my wife,” sabi naman ni Daddy at ngumiti ito. He took a glance at me. “Eat well, December. Alam mo bang masarap ang luto ni Chef ngayon. He prepared it for you,” sabi naman ni Papa sa akin kaya kumain pa ako ng marami.  “You are not eating well this past month, panay crackers at junkfood ka lang nakikita kong nacoconsume mo. Nirereport din ‘yan nang mga maids sa akin tapos madalas ka daw umiinom ka ng gatas isang litro pa sa gitna ng gabi. Talo mo ang Mom mo no’ng naglilihi ito,” sabi ni Papa sa akin.Natawa ako sa sinabi ni Daddy sa akin. “Hindi naman ako gano’n kagrabe, Dad. It’s thesis month kaya nabubunton ko sa pagkain ang stress. It’s not like naglilihi ako,” saad ko sa kaniya. “Ang sinasabi ko lang ay para kang naglilihi,” natatawa niyang saad sa akin. “Eh masarap ang kumain, Papa. I also love Milk now. Sa pagkakaalam ko naman I hate it. Dahil siguro sa stress,” sabi ko sa kaniya. My tummy is weird, pansin ko din yun pero ‘di ko na siyang masiyado pinagtutuunan ng attensyon kasi alam kong wala lang ‘yon. Si Vaughn din kasi eh ang galing mag-divert ng attention saka madami din akong ginagawa kaya it’s none of my priority.I stopped using pills but before I stopped e' I still feel this way. Pakiramdam ko walang connect ang pills sa changes ng katawan ko. I also ask the guys to use condoms whenever we are f*****g. Nag-oblige naman sila, tho may ilang makulit katulad nitong kabayo sa harap ko. Raw papasok parang 'di takot.  Nag-iingat naman ako. “Aah!” mahina kong daing ng makaramdam ako ng sakit sa tiyan ko. Ang hilab nito ay kakaiba, it’s painful.  “Bakit anak?” tanong ni Papa sa akin. I can feel pain on my abdomen, sa puson ko.  “Masakit lang po ang tiyan ko parang nasobrahan po ako sa gatas. Kailangan ko na atang magpahinga,” paalam ko sa kaniya, nag-aalala siyang tumingin sa akin. “I will call on the resident doctor—”  “No need Papa, baka sa kinain ko lang kanina.”  “Pero anak, masakit ang tiyan mo,” aniya.  “Papa, wala lang ‘to. Don’t stress your self out. Baka LBM lang ''to.” pagpapakalma ko sa kaniya pero ‘di na ako makakalma. Sobrang sakit na ‘to at ‘di ko na kayang tiisin. “Aakyat na ako, Papa.” I’m loosing my breathe at that time. My knees are becoming weak and dumb.  “Raphael, samahan mo siya sa taas. Pagkatapos ay painumin mo siya ng gamot at pain reliever. Pagmasdan mo muna siya saglit kapag 'di gumana e' dadalhin natin siya sa hospital. I will also call Cynthia to inform her that December is sick. ” Babala ni Daddy sa kaniya.  “Opo!” agad na lumapit si Raphael sa akin at tinulungan akong tumayo habang naglalakad kami pinapawisan na ako ng malamig. Wala naman akong period ngayon kaya impossibleng dysmenorrhea ‘to.   Naglakad kami paakyat nang hagdanan, as we are about to reach the hallway. Bigla akong natumba sa paglalakad ko, masyado nang masakit ang puson ko. “Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan,” utos niya sa akin. “Hindi ko na kayang tumayo...” saad ko sa kaniya. Halos maiyak na ako sa sobrang sakit. It's painful than my period. “Sobrang sakit...” daing ko sa kaniya at may naramdaman na akong kakaiba. Napatingin ako sa aking hita ay nakakita ako ng dugo sa pagitan nito. “Hindi… bakit may dugo?” tanong ko sa kaniya, nagulat ‘din siya sa kaniyang nakita.  Napaiyak na ako, ‘di ko alam ang gagawin. Sobrang daming dugo ang tumutulo sa aking hita. “Raphael, bakit?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko na alam ang iisipin ko, pinilit niya ako patayuin pero ‘di ko na magawa. Pinigilan ko ang maiyak nang sobrang lakas. “Bubuhatin kita at dadalhin sa kwarto mo.” aniya.  “Natatakot ako, bakit may dugo?” tanong ko sa kaniya. "Bakit may ganito? Tu-tulungan mo ako!"  “Huwag ka ngang mag-inarte diyan!” sita niya sa akin, tuluyan niya akong binuhat at pinasok sa aking kwarto. “Raphael!” tawag ko sa kaniya. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ko at hiniga ako sa kama. Agad na tumulo sa kama ang dugo mula sa akin. “Buntis ka ba, December?” tanong niya sa akin, nanlaki ang mata ko sa tanong niya sa akin. “Hindi ko alam. Hindi ko alam.” Sagot ko sa kaniya.  ‘Hindi ako pwedeng mabuntis, ayokong mabuntis.’  “‘I will call the resident doctor. Kailangan mo nang tulong,” sabi niya sa ‘kin. Pinigilan ko siya sa pamamagitan nang paghawak sa sleeve ng kaniyang damit. “Hindi, malalaman nila. Ayokong malaman nila ‘to kung buntis man ako. Tulungan mo ako,” desperada kong saad sa kaniya.  “December, dinudugo ka!” sigaw niya sa akin. "Kahit na! Kung buntis man ako ay ayoko. Hindi ko alam kung sino ang ama. Hindi ko kayang buhayin 'to. Huwag mong sasabihin kay Papa o' kay Mama, tulungan mo na lang akong tanggalin 'to." desperada kong giit sa kaniya. Lumunok ako, ‘di ko alam kung bakit ganito ang pinagsasabi ko. Basta ang alam ko ay takot na takot na.   Desperasyon, takot… ‘Yan lang ang malinaw sa oras na ‘to.   “Anong gagawin natin?”   “Tulungan mo ako. May night pads ako sa cabinet. Kunin mo ‘yon tapos kumuha ka rin ng underwear. Tapos ano…” humihingal na ako sa sobrang sakit. Pinilit kong tumayo para pumunta sa banyo pero natumba lang ako, mas naging masakit ang puson ko.  “Aray!” sigaw ko habang umiiyak. Ang sakit, sobrang sakit nito.  “Dec! Dadalhin kita sa hospital! Hindi pwede ‘tong gusto mong mangyari!” saad niya sa akin.  “Raphael!”  “December, bata ‘yang nasa tiyan mo!”  “At ayoko nang batang ‘to!” singhal ko pabalik sa kaniya. Nakita ko ang pagkabigla niya, alam kong nagpa-panic siya kagaya ko. Napasabunot siya sa kanyang sarili. Pinilit kong tumayo ulit papunta sa banyo.  “Mas gugustuhin kong malaglag ‘to kesa ang buhayin.” dagdag ko pa sa kaniya.  It’s not the answer that both of us expected. But it’s the truth.  Hindi ko pa kaya at takot ako.  If ever I am pregnant right now, ayokong buhayin to. Naiyak na ako sa sobrang takot at sakit. Hindi ko na alam ang aking iisipin.  Tok! Tok! Tok!  “Miss December, ito na po yung gamot na nire-request niyo” anunsyo ng maid sa akin napahawak ako sa tiyan ko kung sakaling nangyayari nga ito dahil sa buntis ako. “Patawarin mo ako, little creature. But I don’t want you right now. I still can’t accept you,” mahina kong saad sa tiyan ko. Nakita kong binuksan ni Raphael ang pintuan at kinuha ang mga gamot na ‘yon. Hindi ko alam kung anong gamot ang ni-request niya. “Uminom ka muna nang gamot para kahit papaano ay mawala ang sakit.” Sabi niya sa akin hinawakan ko ang dugo sa hita ko. Nagtataka ako sa sarili ko, kasi pakiramdam ko wala sa puso ko na ituloy ang pagbubuntis na ito.  Hindi ko kaya. Makasarili ako, Oo. Pero nangyari na ‘to, at ayoko. Parang wala akong konsensya at ‘di ko alam kung bakit gano’n. Tinulungan akong tumayo ni Raphael at dinala ko sa banyo at saka pinaupo sa baththub.  “Tatawag ako nang doktor…” sambit niya muli sa akin.  “Huwag, huwag kang umalis. Pwede bang samahan mo ako, hindi ko kaya ‘to mag-isa.” Pagpigil ko sa kaniya, muli ay dumaing ako dahil sa sakit. “Hindi ko ‘to kayang mag-isa, mababaliw na ako.” saad ko sa kaniya. His face remained stoic, pero nakikita ko ang pagpuno ng luha sa kaniyang mga mata. Why the hell would he cry? “Sandali lang...” nakita kong kumuha siya ng tuwalya at saka niya binasa iyon. Nakita ko pa na pinaghalo niya ang warm and cold water at saka niya pinunasan ang hita ko na puro dugo na. Di ko na namalayan na nawalan ako ng malay dahil sa sakit no’n. Nang magising ako hapdi ang naramdaman ko sa tiyan ko, kaunti na lang ‘to, parang inatake lang ako ng dysmenorrhea. Agad akong napahawak dito at tumingin sa hita ko. Wala ng dugo, droplets na lang siya ‘di tulad nang mga dugo kagabi. Then I realized one thing, I’m pregnant and I killed my baby.  Hindi na napigilan ng luha ko ang tumulo dahil doon nanginginig ang kamay ko na kinuha ko ang cellphone ko. Habang iniiscan ko ang contacts ko naalala ko ang dugo na nagmumula sa akin kagabi. Ang buo buong mga dugo na maaring ang anak ko.  Nakagat ko ang labi ko kasabay np’n ay ang pagtunong ng cellphone. “Anong kailangan mo?” sagot sa kabilang liniya ng isang malamig na boses. Hikbi ang napakawalan ko.  “I did something wrong,” sabi ko sa kaniya habang umiiyak ako “What is it?” sagot niya sa akin. “Cleve, I’m pregnant and I think I killed my baby. Hindi ko sinasadya, natakot ako.” sabi ko sa kaniya habang iyak na ako ng iyak at nakahawak sa tiyan ko. “Di ko talaga alam na buntis ako, it’s just painful last night tapos nakita ko na lang na tumulo na yung blood and I didn’t do anything, I rejected it. Napatay ko ‘yung baby ko,” sumbong ko sa kaniya. I was thinking of getting some answers, o kaya dadamayanan niya.  Sana.  Matagal na natahimik ang linya. “I don’t care,” sagot niya sa akin, parang may needle na tumusok sa puso ko at mas napahigpit ang hawak ko sa tiyan ko. “Mas maigi nga na nalaglag yan eh, ayokong magkaroon ng anak sa anak nang lalaking sumira sa pamilya ko . And if ever, I am sure that I am not the baby’s father because you are a slut marami ng d***s ang napasok sa’yo.” Sagot niya sa akin, nalaglalag ko ang cellphone dahil doon at nagkuyom ang palad ko. Pinilit kong tumayo kahit masakit pa din ang tiyan ko at pumasok sa CR. Tama lang pala ang desisyon ko, wala akong dapat ipagaalala kung mali ba na hayaan kong mamatay ang bata dahil wala namang tatanggap dito dahil sa isa siyang pagkakamali. Tumingin ako sa paligid at nakita kong maayos ang banyo ko. Nakatulog ako sa bathtub, wala ang mga piraso ng tulo ng dugo sa sahig. Maging ang bedsheet ko na napuno nang dugo ay wala na rin. Marahil, inayos ni Raphael ang kalat. Naalala ko na siya ang tumulong sa akin kagabi, mapait akong napangiti. He must have the same reason that Cleve had kaya niya akong tinulungan na pabayaan ang baby. Sinubukan kong gawing normal ang araw ko sa eskwelahan ngayong araw. Pumasok ako na parang walang nangyari, but the stomach pain and memories of yesterday remains. I killed my baby. I f*****g killed a life inside me. “December, okay ka lang ba?” tanong ni Kristelle sa akin. Di ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Hindi ko siya nasagot, sa halip mahina akong napahagulgol. “Dec, ano bang nangyayari sa’yo? Sabihin mo na nga sa akin! Hindi ‘yung pinag-aalala mo ako ng ganire!” saad niya at saka niya ako tinabihan. Tumingin ako sa tiyan ko, December ano bang iniiyak mo? Tama lang ang ginawa mo, magiging mali ang lahat kung hinayaan mo na mabuhay ‘yan. December, nabigla ka lang siguro kasi kahapon mo lang din nalaman nung dinugo ka, pero tama ang ginawa mo pinilit kong ngumiti. “Naiyak lang ako habang nanood lang ng TFIOS sa laptop ko kagabi.Kaya ako umiiyak ngayon, dalang- dala pa rin ako,” sabi ko sa kaniya. “Fine, kunyari kakagatin ko ‘yang dahilan mo. Hindi ka pa ready na sabihin e. Ilang beses na nating pinanood yun? Ilang beses na rin nating binasa? Di ka pa rin ba nagsasawa?” sarkastiko niyang saad sa akin. Alam kong naiinis na si Kristelle, pero ‘di ko kayang sabihin ang lahat.“Nakakaiyak pa rin kasi e,” sagot ko sa kaniya at saka ako tumayo. “Mag CCR lang ako para akong natatae. Huwag mo na akong hintayin.” sabi ko sa kaniya. Nagtatakbo na ako papunta sa CR. Pumasok ako sa cubicle at hinubad ang skirt ko at tiningnan ko ang Underwear ko nakita ko may piraso pa ng mga dugo doon. Blood, nandoon pa rin ang ilang parte ng maliit kong baby. Napaupo na lang ako at saka ako umiyak ng umiyak ng hanggang sa mapagod na ako. Hanggang sa maisip ko na wala na akong magagawa dahil nagpadala na ako sa takot. Lumabas na ako ng CR pero nagulat ako nang makita ko si Vaughn doon. Nakaupo sa tabi ng pintuan at halatang naghihintay siya, bakas pa nga ang inip niya. Inis siyang tumingin sa direksyon ko pero napalitan ‘yon ng ngiti nang makita niya. “Ang tagal mo naman sa CR. Kanina pa kita hinihintay, muntikan na kitang pasukin e.” sabi niya sa akin at lumapit ako sa kaniya. “Umiyak ka ba ha? Ano ba’ng nangyari sa’yo?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Muli akong napahawak sa tiyan ko. Ito ang nangyari, nawala ang baby ko. Hinayaan ko siyang mawala at walang ibang nakakaalam no’n kung ‘di si Raphael at Cleve. Parehas silang walang pakialam sa nangyari sa baby sa tiyan ko. “You would hate me if I will tell you. Iisipin mong sobrang sama kong tao pero kasi di ko na kaya. Hindi ko na kaya,” sabi ko sa kaniya. Nilagay niya ang kamay niya sa shoulders ko. Pinapakalma niya ako “Ano ba iyon ha?” tanong niya sa akin. “Kagabi kasi—Di ko naman sinasadya, Natakot lang ako sa maaring mangyari.Sa sobrang takot ko nawala sa isip ko na buhay ‘yon, bata ‘yon at walang kasalanan.” Sabi ko sa kaniy sa pagitan ng mga iyak ko.“Walang kasalanan ‘yon e!” dagdag ko pa sa kaniya.  Nagkunot ang noo niya. “Hey calm down! Hindi ka na makahinga sa iyak mo. Tapos ulitin mo nga rin ang nangyari sa’yo, ‘di kita maintindihan. Ano ‘yung sinasabi mong bata?” sabi niya sa akin. “Sa tiyan ko…” ‘Doon nga tayo mag-usap,” sabi niya sa akin at may kinuha siyang susi sa kaniyang bulsa. Hinila niya ako palabas ng building at lumabas kami ng campus at pumasok sa container ng isang truck.“Napatay ko baby ko...” sabi ko sa kaniya nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. “Ha? Baby? Ano bang baby ang tinutukoy mo?” tanong n’ya sa akin.  “Gusto mo gumawa tayo nang bata, nang totoong bata? Naku, ‘di ko pa kayang bumuhay nang baby. Hahanap muna ako nang work,’ saad n’ya sa akin. Mas lalong umiyak dahil sa mga sinabi n’ya. “Hindi ko alam na buntis ako. Pero kagabi biglang sumakit ‘yung puson ko. Hanggang sa may dugo na, sabi ni Raphael baka daw buntis ako. Natakot ako imbes na magpadala ako sa hospital ‘di ko ginawa. Hinayaan kong malaglag ‘yung bata, Vaughn. I’m sorry!” iyak ko sa kaniya. Agad niya akong yinakap nang madinig niya ‘yon. “Ang sama- sama ko, Vaughn. Ang sama ko,” iyak ko muli sa kaniya.  “It’s not your fault natakot ka lang, December. Okay?”  “Kasalanan ko ‘yon,” saad ko sa kaniya.  “Dec, don’t blame yourself. Hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Huwag mo nang isipin ‘yon ha? Gagawa ako nang paraan to lessen your pain. Huwag ka nang umiyak ha?” He assured me. Humiwalay siya sa yakap niya sa akin at saka ako hinalikan sa aking ulo. “No! it’s wrong kahit na anong sabi ko sa sarili ko na tama lang yon kasi di ko kayang buhayin yung baby. Kasi mali yung baby, na gawa ‘yon sa pagkakamali e nakokonsensiya pa rin ako. Lagi kong naalala yung blood sa legs ko yung nasa bed ko. Lahat ng ‘yon ay ebidensya na pumatay ako,” sabi ko sa kaniya, pinisil niya ang kamay ko. “Wag ka nang matakot okay? I’m here, you don’t need to panic about everything. Remember what I said, just hold my hand and pass me what you feel. Magiging okay ‘din ang lahat, wala kang kasalanan sa mga nangyari ha?” sabi niya sa akin at hinawakan ko pabalik ang kamay niya. “Natatakot ako…” sabi ko sa kaniya. “Just stay here in my truck may pupuntahan lang ako ha?” tanong niya sa akin. “Teka! Wag kang aalis. Dito ka lang, hindi ko kaya ‘to mag-isa,” sabi ko sa kaniya. “I’ll be back okay?” He asked me again at saka siya umalis sa loob ng container ng maliit ng truck napaupo na lang ako habang umiiyak.   **** VAUGHN ANGEL KIM DALI- DALI akong lumabas ng sasakyan para puntahan ang barkada ko na nakatambay sa may hideout namin. I was shocked when I found out about it, but what made me more shocked is that she is with Raphael at that time. Bata ang nasa tiyan niya, she’s bleeding. He could’ve forced her to go at the hospital para magpatingin. Buhay ang pinag-uusapan natin dito.  Di man lang ba siya pinigilan nito? Damn! She’s bleeding for God’s sake! Of course she’s pregnant. That baby can be mine, Darius, Cleve or it can be Jeremy even Sander, Hans and Raphael too.  Oo, parang nakakadiri nga pakinggan na ‘di ko alam kung sino sa amin ang ama pero bata ‘yon. It’s innocent, ‘di dapat siya madamay sa putang’nang paghihiganti.  I am not going to act clean, but I f****d her a lot of times. It could be mine and that’s what I am worried about. Damn! it’s baby were all talking about. Malakas kong binagsak ang pintuan para makuha ang attensyon nila. Their all busy playing around. ‘Oh dumating ka ata agad akala ko ba kukulitin mo si December?” tanong ni Hans sa akin agad akong tumakbo sa harap ni Raphael at sinuntok siya. “Bakit mo hinayaan si December na ganon ha? Bakit mo hinayaan na mawala ‘yung bata sa tiyan niya?” tanong ko kay Raphael. “It’s her choice ayaw niyang papigil edi hayaan na para walang abala sa paghihigante ko,” sagot ni Raphael sa akin, sinabi niya ‘to na tila ba wala siyang konsensya at ‘di siya apektado sa mga nangyari. “f**k you!” mura ko sa kaniya pero ‘di niya pinansin ‘yon at saka siya tumayo para ipagpag ang polo niya.Masyado niyang iniinit ang ulo ko. “Raphael, buntis siya. Sana naman nageffort ka diba? Alam mo na iyon ang pwede niyang isagot kasi nga ginawan natin siya masama diba?” tanong ko sa kaniya. “Wala akong pakialam doon. Kung mababaliw siya dahil sa sarili niyang kasalanan edi mas maganda di na ako mahihirapan na makaganti sa pamiya niya. Kulang pa ‘yan,” sabi niya sa akin, akmang susuntukin ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Cleve. “Isa ka pa! Di mo ba naisip na possibleng anak mo yun ha? Ganon ka ba kagago!” tanong ko sa kaniya. “Tama na iyan Vaughn nagawa na ni December ‘yon at wala na yung baby. Wala na tayong magagawa kahit makunsensya tayo,” sabi naman ni Hans sa akin. “Di niyo naman ako naiintindihan kasi wala kayong pakialam sa kaniya! Hindi niyo alam ang nararamdaman niya dahil ang tingin niyo sa kaniya ay laruan!” sigaw ko sa kanila tumingin ako sa paligid pero wala na si Darius tanging si Jeremy na lang na nanonood doon sa gilid. “Kunting awa naman sa tao kung wala kayong respeto sa kaniya!” sigaw ko sa kanila.  “Respeto? Pero isa ka naman sa bumaboy sa kaniya ha? Lahat tayo dito sa kwarto may kasalanan. Wag kang painosente, Vaughn!” sita sa akin ni Cleve, damang- dama ko pagkainis sa kaniyang boses. “Oo inaamin ko may kasalanan at kung pwede na habang buhay ako humingi ng tawad sa kaniya para lang mawala yun gagawin ko. Pero di pwede, di ko na mababago ang katotohanan na ang tanga ko at pumayag ako sa sarap ng isa, sarap ng lahat,” sabi ko sa kanila. “Sige magpakabayani ka, It won’t change the fact that December is already destroyed. Hindi mo na siya maayos,” sabi naman ni Raphael sa akin.  “Kung nasira siya ng dahil sa atin, pwes susubukan ko siyang buuin. May lamat man pero pagsisikapan ko,” sagot ko sa kanila at saka ako umalis para balikan si December pero wala na siya sa pinag-iwanan ko sa kaniya. Baka ang akala niya iniwan ko siya. Dali dali kong kinuha ang phone ko para tawagan siya pero walang sumasagot di nagtagal pinatay din ang phone niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD