Chapter 18: Mainit na Ulo “Siya ba? Siya ba ang dahilan kaya hindi mo ‘ko kayang mahalin ng lubos? Kailangan ko pa ba talaga mag anyong tao para piliin mo? Sige, pagbibigyan kita sa gabing ‘to. Sisiguraduhin kong bubuntisin kita!” Natulala na lang si Tasha sa sinabi ni Benjo. Ano bang masama sa sinabi niya tungkol kay Rex? Bakit ganoon agad ang iniisip nito? “Are you jealous? Ang init naman ng ulo mo—” “Oo! Kaya huwag mo ‘kong gagalitin. Nag iinit ulo ko, lalo na sa ibaba,” ngitngit ni Benjo habang mahigpit na idiniin ang magkabilang pulsuhan ni Tasha sa kama. Mainit talaga ang ulo niya. Lumapat ang mga labi niya sa naka-uwang na bibig ni Tasha. Pinagpapawisan ang kanyang noo sa init ng kanyang nararamdaman. Nasa anyo siya ng pagiging tao. Ganoon pa man, malayo ang agwat ng lakas n