Chapter 17: Jealousy “Mr. Karudo, ngayon na po ba ang kasal namin?” tanong ni Tasha kay Vester. Hindi man niya sabihin ng diretso na ayaw niyang ikasal, halata sa boses niya ang pagtutol. “Ah—” “Hindi kita pipilitin, huwag kang mag-alala,” sabat ni Benjo. Siya na ang sumalo ng sagot sa tanong ni Tasha. Batid naman niya na hindi pa handa si Tasha o kung magiging handa pa ba ito? Malungkot man, wala naman siyang magagawa kung hindi siya lubos na matatanggap ng dalaga. Ang tanging magagawa na lang niya ay matyagang suyuin si Tasha, pagsilbihan, at mahalin hanggang sa huli. Baka sakaling matanggap na siya ng buo at walang pag aalinlangan. “Hereze Nikum (paalam), sana maligayahan ka sa pananatili mo sa aming kaharian,” sabi ni Vester at tumagos na naman siya sa pader para iwan na sila Tas