Chapter 19: Sèx sa Batis “Benjo! Benjo!” sigaw ni Tasha sa harap ng mahiwagang puno ng Balete. Nagsiliparan ang mga uwak, paniki, at kung ano-ano pang nilalang na nakadapo sa puno. “Benjo! Mr. Benjo Karudo! Kausapin mo naman ako. Kahit mag paramdam ka man lang,” sigaw niya pa. Ngunit ilang sigaw niya na ay wala pa ring ‘Benjo’ na nagpapakita ni nagpaparamdam man lang. Dati ay isang tawag lang niya ay naroon ito agad. “Hay naman, mahirap pala magtampo ang isang engkanto. Ang hirap suyuin,” bulong ni Tasha sa sarili. Wala na siguro siyang magagawa kundi ang hintayin na palamigin ang ulo ng lalaki na ‘yon. Bumalik siya sa kanyang kwarto at nagtungo agad sa banyo. Gabi na kaya matutulog na siya dahil wala rin naman siyang gagawin. Habang siya’y nagsho-shower, hindi niya maiwasang mapapik