Chapter 20: Round Two “Benjo! Vester! Ilabas niyo ang anak ko!” Napilitan umahon ni Tasha sa tubig at ayusin ang sarili para harapin ang nag aamok na si Marcel. “Anong ginagawa nila rito? Bakit galit na galit sila Daddy?” tanong ni Tasha na sobrang nag-aalala. Dinampot na niya ang kanyang blusa at nang isusuot na niya ito ay naramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig ni Benjo sa kanyang baywang. “Huwag! Babawiin ka nila,” paki-usap nito sa anyong tao. Mas ramdam ni Tasha ang lungkot sa boses nito. “Nami-miss lang siguro nila ako. I miss them too.” Ang isang kamay ni Benjo ay pinangyapos niya sa leeg ni Tasha at lalong humigpit ang yakap niya. Tila walang kawala sa kanyang matipunong mga bisig. Ang malungkot na boses ay napalitan ng pagmamaka-awa. “Mahal mo ba ako?” “Oo. Oo n-nam