Chapter 21: Slave Dumadagundong ang dibdib ni Tasha habang papalapit sa pintuan ng CEO’s office. Ang buong 37th floor ay para lang sa mga Karudo at piling-pili ang mga nakakarating sa palapag na ito. Sabi ng supervisor niya, modern ang design ng office, sa sobrang modern ay weird ang atmospera kaya hindi raw makatagal ang mga nakapasok na doon. Paano kayang weird ‘yon? Ngayon lang siya nakasakay sa exclusive elevator for executives. Pero bakit nga ba siya pinapatawag ng CEO? Isa lang naman siyang graduating student na nasa on-the-job-training. Lalong bumilis ang pag tibòk ng puso ni Tasha nang pinihit niya ang seradura ng pinto kahit automatic naman na nagbubukas ito kapag may appointment ang papasok. Natulala na lang siya nang bumungad sa kanya ang lalaking naka-upo sa swivel chair. M