CHAPTER ONE

1005 Words
“Sige,” nakangiti kong sagot sa kanya.   “Yes!” sabi niya na sumenyas pa ng aja sa sobrang saya, “I’ll see you later, bye,” ‘Yon lang at umalis na siya.   Napangiti naman na ako na pumasok ng room.   Masaya ang naging pagkakaibigan namin ni Nil. Hindi ko nga inaasahan na magiging close kami samantalang hindi naman namin siya kaedad. Mas matanda siya sa amin ni Max ng apat na taon, pero kung umasta siya ay para lang namin siyang kasabayan. Masayahin kasi siya at hindi nakaka-boring kasama. Palatawa at higit sa lahat ay palakwento ng kung ano-ano.   “Wala ka bang mga kaibigan, Nil?” Max asked him habang kumakain kami niyan sa canteen, Monday na naman kasi kaya kasama namin siya.   “I do have friends, Daryl and Pit,” sagot nito, “Papakilala ko sila sa inyo one of these days,” nakangiti niyang sabi habang sumusubo ng pugo.   “Gusto ko niyan!” sabi ni Max na natuwa talaga, “Mga single ba sila?” sabay tanong pa nito kay Nil dahilan para sikohin ko siyang bigla para sitahin.   “Max, ano ka ba, nakakahiya.”   “No, Sam, it’s actually fine,” si Nil ang nagsalita ng hindi sinasadyang makita niya ang ginawa kong paninita kay Max, “If I’m not mistaken, si Pit lang ang walang girlfriend sa amin kasi pihikan siya sa mga girls,” he explained.   “Si Daryl meron?” I asked.   “Yeah,” he answered naman.   “Eh, bakit ikaw?” napatingin kami bigla kay Max, “Pihikan ka din ba?” she asked him out of nowhere.   “I actually don’t need anyone,” makahulugan niyang sagot sa akin, “Sapat na ang katabi ko,” he said na bigla kong kinatingin sa kanya, I saw his magnetic eyes. Sincerity ang nakita ko sa mga ito, “Only if she will allow me,” nakatitig pa din siya sa akin.   “Ehem,” biglang ubo ni Max.   Napatingin naman kami dito at saka nagtawanan.   Hindi ko alam kung paano nangyari pero he really courted me. Pinaramdam at pinakita niya sa akin na karapat-dapat siya sa pagmamahal at pagtitiwala ko.   “Sam,” tawag ni Max sa akin, nasa patio kami ng school.   “Op?”   “May chance ba si Nil sa’yo?” she asked habang nagsusulat, gumagawa kasi kami ng report for our next subject.   “Um...” napaisip naman ako.   “Kasi for me Sissy, okay naman siya,” wika nito, “Hindi siya kagaya ng ibang lalaki diyan na nakikita natin na pakawala, iba siya actually,” dagdag pa niya, “Kaya tinatanong kita if may pag-asa ba siya na sagutin mo,” napatingin ako sa kanya, “Nag-eeffort siya sa’yo, halata mo naman,” tama naman siya, “Hindi ka niya basta-basta iniiwanan sa classroom not unless may professor na tayo.”   Actually may point naman si Max. Hindi nga kagaya ng ibang lalaki si Nil. Ibang-iba siya. Kumbaga, walang perfect na lalaki pero nag-e-exist sa katauhan niya.   “Do you think pwede ko na siyang sagutin?” I asked Max.   “Sissy, kung meron na, bakit patatagalin mo pa?” may point na naman siya, kaso inaalala ko sila Mama at Papa kasi alam ko namang hindi pa ako pwedeng mag-boyfriend. Kailangan kong makapagtapos muna ng pag-aaral bago ako makipagrelasyon.   “How about my parents?” I asked her.   “Hmmm,” napaisip na naman siya, “Edi siya na ang kumausap kanila Tito kung talagang seryoso siya sa’yo, ‘di ba?” tumingin na naman ako sa kanya.   Tapos ako naman ang napaisip, “Tama,” I said.   “Oh ‘di ba, Sissy,” sambit ni Max, “Sabihin mo sa kanya na sa bahay ninyo na siya umakyat nang ligaw para makilala na siya nila Tito at Tita,” sabi pa nito, “Mabuti naman siguro ang intensyon niya sa iyo, hindi ba?” muli pa nitong sabi, “Dahil kung hindi, aba, magtago na siya, hindi siya uurungan ng mga kamao ko, ‘no,” sabi nito at saka ipinakita sa akin ang muscles niya kuno.   “Sira ka talaga, Max, kahit kailan,” sambit ko naman dito.   “Oy, Sissy, kaya nga Sissy ang tawagan natin eh dahil sister ang turingan natin,” sagot nito, “Hindi man tayo sisters by blood, eh sisters naman tayo in crime,” dagdag pa niya sabay tawa nang malakas.   “Loka loka,” naisatinig ko na lang dito. Pero alam ko namang tama talaga ang sinabi ni Max. Hindi naman kasi maikakaila na dapat malaman nila Papa at Mama na may manliligaw ako, kahit alam ko namang hindi pa pwede, pero kung talagang seryoso sa akin si Nil, hindi siya matatakot.   “Oh, ano, Sissy, napagtanto mo na din ba ang ibig kong ipahiwatig sa iyo, hah?” tanong nito sa akin.   Napatingin na lang ako sa kanya at napatango, “Oo, Max, gets na gets ko, huwag kang mag-alala.”   Mapagbiro nga talaga ang tadhana ng mag-offer si Nil na ihatid ako sa bahay.   “Hatid kita sa inyo, Sam,” he said ng nasa daan na kami. Nagulat ako kasi hindi naman niya ginagawa the usual ‘yon, pero wala namang masama kasi inunahan ko naman na siya kanila Mama at Papa before pa. Hindi kasi ako malihim sa mga magulang ko.   “Sure ka ba?” tanong ko sa kanya.   “Oo naman, Sam,” sagot niya sa akin sabay hinawakan ang kamay ko, “I have ggood intentions, Sam,” nakangiti ito sa akin.   “Baka naman nabibigla ka lang,” sabi ko dito.   Umiling naman siya sa akin, “Seryoso ako sa iyo, at kaya kong patunayan iyon sa harap ng mga magulang mo.”   Nakikita ko sa mga mata ni Nil na talagang hindi siya nagbibiro sa mga binibitawan niyang salita sa harapan ko. Gusto talaga niyang harapin sina Mama at Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD