CHAPTER TWO

1003 Words
“Sige,” ngiti kong sagot dito.                          Nang araw na iyon ay ipinakilala ko nga siya kanila Mama at Papa.   “Ma, Pa,” sambit ko sa mga ito ng nasa salas na kami at magkakaharap.   “Good evening po ulit, Mr. and Mrs. Ramos,” muling bati ni Nil sa mga ito.   “Good evening din, Ijo,” sagot naman ni Mama habang si Papa naman ay halatang kinikilatis siya mula ulo hanggang paa.   “Ma, Pa,” muli akong nagsalita, “Si Nil po pala,” pagpapakilala ko dito.   “Ano ba ang nais ninyong sabihin sa amin?” nagulat kami pare-pareho nang biglang magsalita si Papa.   “Amando, huwag mo namang takutin ang mga bata,” sita ni Mama kay Papa.   “Ilumina, alam ko, nagugulat lang ako na may ipinapakilalang lalaki ang panganay natin,” sambit ni Papa.   Napatingin naman si Mama sa amin at tumango, senyales na sabihin na namin kung ano ang dapat naming sabihin.   “Um, Ma’am, Sir,” muling sambit ni Nil na kinatingin ko dito, “Nandito po ako sa harapan ninyo para humingi po ng pahintulot sa inyo na ligawan po si Samantha,” napalunok ako sa sinabi niya habang nakatingin kanila Mama at Papa.   Nakita ko ding nagkatinginan ang mga magulang ko sa sinabing iyon ni Nil sa kanila.   “Kung papahintulutan ninyo po ako, Ma’am, Sir,” muling sambit ni Nil sa mga ito, “Mabuti po ang intensyon ko sa anak ninyo.”   Napangiti ako sa sinabing iyon ni Nil, ngunit napalis din ang pagngiti ko nang mapatingin sa akin si Papa.   “Samantha,” bigla nitong tawag sa akin.   “Pa..”   “Hindi lingid sa inyong magkapatid na gusto naming makapagtapos kayo ng pag-aaral," sabi nito.   “Opo,” sagot ko.   “Amando,” tawag naman ni Mama kay Papa na sinenyasan ni Papa na tumigil ito sa pagpigil sa kanyang magsalita.   “Ijo,” sabay baling nito kay Nil, “Hindi ko gusto na mahaluan ng kahit anong hindi maganda ang pag-aaral ng anak ko,” sabi ni Papa na dahilan para magkatinginan kami ni Nil, “Pero hindi ko din naman siya pinagbabawalang tumanggap ng manliligaw,” sa sinabing iyon ni Papa ay agad akong napabaling sa kanya.   “Pa…” impit kong wika dito habang pinipigilan ang pagngiti ko, nagulat kasi ako sa sinabi niya.   “Amando.."   “Tao kang humarap sa amin kaya tao ka rin naming hinaharap ngayon,” sambit pa ni Papa, “Walang problema kung gusto mong ligawan ang anak ko, Nil,” napangiti si Nil sa narinig na sinabi ni Papa.   “Opo, Sir.”   “Pero may nais lamang akong klaruhin sa iyo,” dagdag pa ni Papa.   Napatingin ako kay Nil habang nakatuon ang atensyon niya kay Papa. Talaga kasing seryoso siya sa akin.   “Bata pa si Sam, alam ko namang alam mo iyon.”   “Opo, Sir.”   “Gusto ko lang iklaro sa inyo, Sam,” sabay baling sa akin ni Papa.   “Po?”   “Na hindi porke’t pinayagan kong umakyat ng ligaw itong si Nil ay iyon na lamang ang pagtutuunan mo nang pansin,” wika ni Papa sa akin, “Pinayagan kita dahil alam kong parte ng paglaki mo iyon, pero anak, lagi mo pa din sanang uunahin ang pag-aaral mo,” paalala sa akin ni Papa.   Ngumiti naman ako dito, “Oo naman po, Pa, palagi ko pong tatandaan iyan.”   “At ikaw naman Nil,” baling naman nito kay Nil, “Gusto kong huwag kayong magmadali pagdating sa mga bagay-bagay, naiintindihan mo ba ako?” tanong ni Papa sa kanya.   “O-Opo, Sir, naiintindihan ko po,” sagot nito, “Huwag po kayong mag-alala dahil makakaasa po kayong gagawin kong inspirasyon si Sam at tutulungan ko pa po siya para makamit ang pangarap niya,” nakangiting sagot ni Nil kay Papa dahilan nang pagtango ni Papa dito.   Napangiti na naman ako at napayakap kay Papa, “Thank you, Pa,” sambit ko dito.   Noong araw na sinabi niyang ihahatid niya ako sa bahay, ‘yon din ang araw na nagpaalam siya kanila Mama at Papa kung pwede na ba akong magpaligaw. Sinabi ni Papa na walang problema basta makakapagtapos ako ng pag-aaral. Ipinangako niya sa mga magulang ko na makakapagtapos ako ng pag-aaral at tutulungan pa niya ako sa abot ng makakaya niya sa lahat ng oras. From that day on, pumayag na sila Mama na magpaligaw ako na ako.   Tinupad namin ang pangako namin ni Nil sa mga magulang ko na hinding-hindi kami magmamadali dahil tumagal ng ilang buwan bago siya muling magpaalam kanila Papa at Mama kung pwede na ba akong magka-boyfriend.   “Ma, Pa, si Nil po ulit,” pagpapakilala ko na naman kay Nil.   “Oh, napadalaw ka Nil,” sabi ni Papa.   “Opo, Sir, may gusto lang po sana kasi akong itanong sa inyo,” sabi nito.   “Um, ano naman iyon?” tanong ni Papa dito.   Nagkatinginan kaming dalawa bago siya sumagot sa tanong ni Papa sa kanya, “Pwede na po bang magka-boyfriend si Sam?” tanong nito na kinatingin ni Papa nang seryoso sa kanya.   Nagkatinginan din kaming dalawa ni Mama.   Hindi din kasi inaasahan iyon ni Mama.   “Nil,” tawag ni Papa dito.   “Po..”   “Mahal ko ang anak ko,” sambit ni Papa, “At nakita ko kung paano mo sinunod ang mga bilin ko sa iyo.”   Hindi namin alam kung ano ang magiging sagot ni Papa dahil kinakabahan kami pare-pareho.   “Kaya naman ipinapaubaya ko na ang desisyon na iyan sa anak ko,” nakangiti nitong sagot dahilan para magkatinginan na kami ni Nil.   Nagpaalam din siya kay Mama at ganoon din ang naging sagot nito sa kanya kaya naman sinagot ko na din siya sa harapan ng mga magulang ko, at iyon ang simula ng aming relasyon.   Masaya ang na-build namin ni Nil na relasyon. Give and take as always. Hindi kami nagtatalo nang matagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD