SAM’s POV
Ang saya.
Nagagalak nang sobra ang aking puso sa dami ng kumikinang na mga ilaw sa paligid ko.
Nakasabit na mga larawan naming dalawa, mga lobo na nasa itaas, mga taong nagpapalakpakan sa tuwa. Lahat sila may mga ngiti sa labi habang naghihintay sa anumang kaganapan.
Ano nga ba ang nangyayari?
Hindi ko maipaliwanag. Nandito si Nil sa harapan ko at nakaluhod habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ko at pinapakita sa akin ang singsing na halos lumuwa ang diamond sa laki at kinang nito.
“Babe,” tawag niya sa akin habang hawak-hawak pa din ang kamay ko.
Napatingin naman ako sa kanya at, “Babe,” naiiyak ako na hindi ko alam, halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.
“Samantha Ramos, will you spend the rest of your life with me?” tanong niya habang naglalaglagan ang mga luha sa mga mata niya.
Paano nga ba nangyari ang lahat ng ito?
“Samantha Ramos, nice name,” sabi ng nasa likod kong lalaki, napatingin naman ako sa kanya.
“Thank you,” sambit ko na bumalik na lang sa pakikinig sa professor namin.
Ako nga pala si Samantha but you can call me Sam. ‘Yan kasi ang tawag sa akin ng family ko at ni Max.
“Luther Nil Cruz,” pagpapakilala niya naman sa akin, “Nice meeting you, Samantha Ramos,” ngiti niyang tawag sa akin habang nakalahad ang kamay niya para makipagkamay.
Ngumiti naman ako at nakipagkamay sa kanya. Hindi naman ako suplada. Mabait akong anak, kaibigan at kaklase, “Nice meeting you, too, Luther Nil Cruz.”
Kaklase ko siya sa isang subject noon kasi irregular student siya.
“Hi Samantha Ramos,” tawag ng kung sino sa likuran ko.
Tumingin ako dito at, “Yes?” naguguluhan kong tawag dito habang inaalala kung saan ko siya nakita, “Kilala ba kita?” I asked him.
He chuckled, “Samantha Ramos, you forgot already?” hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, “Ako ‘to, Luther Nil, your classmate from Psychology,” he said habang nakangiti.
Napaisip naman ako, “Ah,” sabi ko sabay nag-snap ng finger, “Yes, I remembered you, Ikaw ‘yong classmate namin na irregular,” I said.
Napangiti naman siyang lal,. “Yes, it’s me,” masayang sagot niya sa akin, “Buti naalala mo, nice seeing you here,” sabi niya.
“Hi, um, may klase kasi kami ngayon,” sagot ko dito, “Ay, this is Maxene, my best friend,” pagpapakilala ko kay Max dito.
“Hi,” ngiti din niya kay Max, “Luther Nil, but you can call me Nil,” nakipag-shake hands siya dito.
“Max,” sagot naman ni Max dito na inabot ang kamay niya para makipag-shake hands din, “Hi, nice meeting you,” sabi naman ni Max dito.
“Um, do you have a minute?” bigla niyang tanong sa amin, “Tara, kain tayo, my treat,” sabay aya sa aming dalawa ni Max.
Nagtinginan muna kami ni Max bago sumagot dito nang, “Sure, tara!”
“Ano nga pala ang course mo?” minsang natanong ko siya, “Anong year ka na?”
Ngumuya muna siya bago sumagot, “Ako? I’m actually taking engineering course,” sagot niya sa akin, “I’m a graduating student, irregular ako kasi bumagsak ako sa Psychology subject noong first year college ako,” kwento niya.
“Hah?” taka ko namang sambit dito, “Bakit naman?” I asked him na kinatingin namin pareho ni Max sa kanya.
“Hmm…” nag-isip muna siya, “Let’s just say na hindi ko trip pumasok before kasi ayoko ng professor namin,” then he laughed.
“Hah?” muli ko na namang sambit dito, “Grabe ka naman,” I said na medyo nag-worry.
Muli na naman siyang tumawa, “I’m just kidding,” sabay sagot niya, “Bait ako guys, don’t worry, pero hindi ko lang talaga natapos ang Psychology subject na ‘yon kasi bulakbol ako noon,” wika niya sa amin, “Pero ngayon hindi na, I’m a good boy now,” ngiti niya saming dalawa ni Max.
After naming mag-snack ay hinatid niya kami sa room namin, “Thank you po sa pa-snack,” I said na naka-smile sa kanya. Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na kinatingin ko dito.
“Um, is it okay if I will ask you out again?” tanong niya na kinatingin ko sa kanya nang maigi.
“Okay lang po,” ngiti ko sa kanya, “Lagi naman po kaming magkasama ni Max.”
“Um, you actually didn’t get it, Samantha,” he then said.
“Sam na lang po,” ngiti ko ulit.
“Oh, yes, Sam, hindi mo ako naintindihan eh,” he said na medyo natatawa.
“Hah, eh ano po ba ‘yon?” napapa-chuckles na akong tanong dito kasi wala akong maisip.
“Um, I’m asking you out on a date kung okay lang sa ‘yo?” he asked na halatang nahihiya.
Nagulat naman ako sa tanong niya sa akin. Hindi ko kasi inaasahan iyon mula sa kanya.
“Um?” sita niya sa akin ng hindi ako nakasagot sa tanong niya.
“H-Hah?”
“I’m asking you out, okay lang ba sa’yo?” muli niyang tanong sa akin, “Susunduin kita mamaya, what time ba ang last subject mo?” he asked.
“Um, 4 pm ang uwi ko later,” I said.
“Great,” masaya niyang sambit sa akin, “Parehas pala tayo kung gano’n, masusundo kita,” nakangiti pa din niyang wika sa akin, “Hintayin mo na lang ako dito sa room mo ah?” paalala niya, “I will fetch you,” hindi ko masabing presko siya kasi mabait ang tingin ko sa kanya kaya naman sumagot ako.