Hindi maipagkakaila ni Victoria na sa kabila ng panloloko na ginawa sa kanya ng kanyang asawang si Ricardo ay mahal parin niya ito. Gabi-gabi ay inaasam niya na sana ay pasyalan siya ng asawa at matulog ito sa tabi niya. Apat na taon na ang nakalilipas ngunit mabibilang lamang sa daliri na sumiping ito sa kanya. Maraming gabi na siya ay nalulungkot at umiiyak, nangungulila siya sa pagmamahal ng asawa. Dalawang araw ng wala si Diana, umuwi ito sa kanilang ancestral house para dalawin ang inang may sakit. Ganuon pa man ay kahit wala ang kabit ni Ricardo ay hindi parin nito mapagtuunan ng pansin ang tunay na asawa at inaabala lamang nito ang sarili sa trabaho. Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Victoria umaasa parin siya na mabubuong muli ang kanilang pamilya, hangga't kasal sila at walang