Alyas Kanto Boy 2
The Reunion
AiTenshi
Part 5
JOMAR POV
"Tangina papatayin ko yang lalaki mo.. ummphh, mga hayop kayo.." ang bulong ni Bogs habang naghihilik ito nakayakap sa akin at nakadantay ang hita sa aking tiyan. Sumubsob pa siya sa aking braso. "Ummmp, asan yung lalaki mo? Ilabas mo yung lalaki mo.. Papatayin ko yaaaan." ang ungol nito pero may tulo laway naman.
"Taksil ka Jomar."
Yung gusto ko nalang kumuha ng unan at inatapal sa mukha niya, dahil hanggang panaginip yata ay pinagdududahan niya ako. Hindi ako masyadong makatulog, iniisip ko kung anong magiging buhay ko kapag kasal na kami ni Bogs, baka lalo niya akong paghigpitan or worst baka sakalin niya ako ng todo at hindi magawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Tapos masakit pa yung butas ko ngayon dahil ginamit niya ng husto kanina, kantot na walang control ang kanyang ginawa kaya parang nagasgas ang aking likuran.
"So kaya ganyan kalaki ang eyebags mo? Bukod sa chinukchak ka husto ay nananaginip pa tong si papa Bogs na may lalaki ka. Eh anong magiging buhay mo pagkasal na kayo? Plain housewife ka na lang? Ikukulong ka sa bahay na parang preso at malolosyang ka na parang si Misis Avila doon sa kabilang compound. Huwag kang magpapa-under dyan kay Bogs! Remember ang mga alyas misis ay di nagpapakabog at hindi nagpapadaig!" hirit ni Yani.
"Ayoko naman dumating sa punto na magalit si Bogs sa akin at maging isang halimaw na naman. Hindi literal ang ibig kong sabihin, nakita naman natin kung paano mag wala at magalit si Bogs."
"Hindi naman siguro gagawin sa iyo yon ng asawa mo kung sakaling ikasal kayo. Saka mabait naman si papa Bogs, ayaw lang niya na mapunta ka sa iba kasi mahal na mahal ka niya. You are such a lucky girl talaga," ang hirit ni Yani.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay hindi naman inaasahan na mapapadaan si Bogs sa aming opisina. Agad itong kumaway sa akin para mag aya ng lunch. Wala naman akong choice kundi ang sumama dahil magtatampo na naman ito ng parang bata. Magkalapit lang ang place ng work namin kaya madali niya akong napupuntahan. "Bakit hindi ka man tumawag sa akin Mr. Linsangan? Bigla ka nalang susulpot dito sa opisina ng walang paalam?" tanong ko sa kanya.
"E diba ikaw ang boss dito? Bakit kailangan ko pang magpaalam? Saka simula ngayon hindi na ako magsasabi kung susunduin kita, bigla nalang akong susulpot dyan at para mahuli kita kung manlalaki ka man," ang wika nito habang naka ngisi.
"Bogs, yung work ko ay hindi lapitin ng tukso. Yang trabaho mo bilang modelo ang lapitin ng tukso dahil lagi kang nakahubad at nakabuyangyang bukol mo sa mga katalogo."
"Edi magreresign ako kung gusto mo, pero lilipat ako sa opisina niyo para mabantayan kita," ang wika nito habang nakangisi. Sinalinan niya ako ng kanin at ulam sa plato sa ako inalok ng tubig o softdrinks.
"Tubig lang ako, iwasan mo na yung masyadong pag inom ng softdrinks dahil masama iyan sa katawan. Saka yung t***d mo mapait yung lasa," ang wika ko sa kanya na seryoso at walang malisya.
"Kaya pala di mo na ako nilulunok. Anyway susunduin kita mamaya kasi maagang uuwi yung mama mo este mama natin para mapag-usapan ang ating wedding. Ano bang gusto mong setting?"
"Kahit saan, yung mura lang, yung simple at yung afford nating dalawa," nakangiti kong sagot. "Teka ikaw ba ay sure na talaga?"
"Oo, 3 years na tayong engage. Baka sabihin mo ay binuro na kita at mas nauna pa kita buntisin kaysa pakasalan," tugon niya dahilan para matawa ako.
"Syempre gusto ko yung simple pero maganda. Deserve mong mabigyan ng magandang kasal kaya iyon ang target ko. Basta huwag ka lang manlalaki at huwag kang makikipaglandian sa iba," ang muling hirit niya. "Eto na naman po kami, ulit ulit na lang ba?" bulong ko sa aking sarili.
"Alam mo ba kasi sa pagtulog ko ay napapanaginipan kong ipagpapalit mo ako sa iba? Ipagpapalit mo ako sa pangit, sa walang dating at sa maliit ang t**i. Alam mo ba kapag naalala ko yung panaginip ko na iyon ay naiiyak na lang ako at napapatulala nang hindi ko namamalayan," ang wika nito.
"Ganoon katindi Bogart? O baka naman kunwari lang na nagseselos ka at nagiging possessive ka dahil nagkikita na naman kayo ni Roy na kasex mo doon sa bodega doon?"
"Sinong Roy? Wala akong matandaan at wala akong alam sa mga sinasabi mo sa akin," ang pagdedeny nito na parang na-amnesia.
"Huwag ko lang malalaman na nakikipagkita ka dyan kay Roy. Huwag na huwag kong malalaman Bogart. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," ang seryoso kong salita.
"Hindi na ako gagawa ng bagay na ikagagalit mo, at isa pa nasa wedding preperation na natin ang focus ko at wala na sa ibang bagay," sagot niya.
"Wala na sa ibang bagay pero yung kapraningan mo ay hindi pa rin nawawala."
"Yung kapraningan ko ay may halong matinding pagmamahal, ayokong maagaw ka ng iba dahil baliw na baliw ako sa iyo. Ikaw lang yung dahilan kaya ako gumigising ng masaya at ikaw lang din ang dahilan kung bakit tumitirik ng sobrang tigas ang b***t ko sa gabi. Saka isa pa ay ako ang leader ng mga Alyas doon sa compound kaya ayokong gayahin nila ako na isang taksil sa relasyon. Kaya naman ipapakita ko sa kanila na ako ang perfect boyfriend at perfect na husband. Basta huwag ko lang makikitang dumidikit ka at nakikipaglandian sa ibang lalaki. Dahil malilintikan kayong dalawa sa akin," ang hirit niya dahilan para mapangiwi nalang ako, sabi na nga kailangan nasa huli yung trademark line niyang iyon.
Kinahapunan, alas 5 noong sunduin ako ni Bogs sa opisina at dahil alas 6 pa ang out ko ay tumambay muna siya sa loob. Dito ay talagang pinagtitinginan siya ng mga staff lalo na yung mga babae na hindi maiwasang humanga sa kanyang kagwapuhan. Yung iba ay kinikilig lalo na kapag para itong isang aninong nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta kaya naman hinila siya si Yani para maupo sa aking silya. "Hoy papa Bogs, nagttrabaho pa si Jomar pumirme ka nga dito."
"Hoy Annabel, mayroon bang kinakausap na lalaki dito si Jomar?" bulong ni Bogs pero narinig ko naman ito.
"Natural mente papa Bogs, 54% ng tao dito sa company ay lalaki. Teka ano bang drama iyan?" tanong ni Yani .
"May lalaki ba si Jomar dito?" tanong nito.
"Aba e wala, walang tatalo sa kagwapuhan mo. At alam mo ba bukod sa tanghali ay si Jomar nalang ang tapat dito sa mundo. Kaya wala kang dapat ipagworry sa kanya. Saka hello, ilang taon na kayong engage ni Jomar may nakita ka bang lalaking kinalantari niya? Wala naman diba? Kaya pwede ba tigilan mo na yung pagiging paranoia at walang maidudulot itong maganda sa pagsasama ninyo ni Jomar. Sa halip na maging praning ka ay magplan nalang tayo ng mga gagawin sa kasal niyo. Simulan natin dito barong or suit na isusuot niyong dalawa," ang excited na wika ni Yani sabay pakita kay Bogs ng magagandang formal attire sa magasin.
"Wala naman akong paki dyan, kahit dahon lang ang kubli sa ari ko ay papakasalan ko pa rin si Jomar," ang hirit ni Bogs.
"Gusto mong tema ng wedding niyo ay si Adan at Eba? Huwag mo nga akong ine-etchos papa Bogs, as if na mang papayag si Jom ng nakasuot ng dahon no," ang wika ni Yani.
"Vintage ang gusto ko, yung lumang style ng barong, sa tingin ko ay bagay sa amin ni Bogs ang ganoong style. Saka simula noong nakakita ako ng vintage wedding sa internet ay nangarap na akong magkaroon ng isa," ang pagsabad ko naman.
Tumingin sa akin si Bogs, "sure ka ba doon babe? May mga modern suit dito o, gusto mo eto parang black wedding tapos tayong dalawa lang ang nakaputi," ang tanong nito.
"Sure ako, i want a vintage wedding," paninindigan ko.
"Sure ka? So saan tayo kukuha ng vintage barong? Sa mga ukay ukay ba o huhukay tayo ng mga patay doon sa sementeryo para kunin yung mga barong nila?" tanong ni Yani na hindi maitago ang pagtatawa.
"Yes sure ako, edi hahanap tayo ng old style ng barong at ipapatahi natin. At si Bayani ang grooms man. Ikaw Bogs sino sa iyo?" tanong ko. "Alam ko na, bakit hindi mo kunin si Brad? Diba bestfriend mo siya at magkababata kayo?"
"Oo nga, diba naunahan ka pa nga niyang magpatuli kaya nagtiis kang supot ng isang buong taon," ang pang-aasar ni Yani.
"Bestman? WALA! Ayoko ng ibang lalaki doon! Karaniwan ang bestman ng groom ay mga ahas, baka maya maya ay ahasin ka pa nila," hirit Bogs sabay tingin sa magasin.
"Malala na ito," ang bulong ni Yani sa akin.
Alas 7 ng gabi noong makauwi kami Bogs sa bahay, dito ay sabay sabay kaming nagdinner kasama sila Yani at ang aking mga magulang. Ang totoo ay matagal na rin sa akin itinatanong ni mama kung kailan ang aming kasal dahil matagal na kaming engage. Minsan ay nagpresinta na rin siya na gastusan at sagutin ang mga expenses sa aming kasal pero dahil tubong compound itong si Bogs, alam niyo naman ang mga alyas matataas ang pride at ayaw magpatulong sa iba. Ang totoo noon ay dapat talaga kasal na kami noon pa, pag "OO" nalang ng gago ang hinihintay pero bigla itong umurong dahil gusto niya ay siya ang gagawa ng paraan.
Dito ay nagkaroon kami ng pagtatalo at kahit nasa katwiran ako ay siya pa rin ang nasunod. Naalala ko pa halos ang mga eksenang iyon.
FLASHBACK
"Bogs, bakit tinanggihan sila mama? Yung iniipon natin ay pwedeng sa future na lang natin gamitin. Maging practical naman tayong dalawa," ang wika ko habang nakasunod sa kanya sa silid.
"Yung parents mo na naman ang sasagot, wala na akong kwentang tao, lahat puro sila, lalo ko lang nararamdaman na wala akong kakayahan," ang sagot nito.
"Bogs, it doesnt matter naman kung sino ang gagastos sa kasal, ang mahalaga ay mapagtibay nito ang ating samahan. Lalo't gusto nating makasama ang isa't isa habang buhay," katwiran ko.
"Matter iyon dahil napapahiya ang p*********i ko. Tang ina! Bakit sila Johan, si Raul kinasal sa sarili nila? Nakaya nila diba? Bakit ako ay ayaw mong bigyan ng chance? Ayaw mong may mapatunayan ako sa parents mo! Lagi nalang akong walang kwentang boyfriend at lalaki sa iyo!" singhal nito.
"OA ka ha, si Johan ay literal na mayaman at may pera dahil businessman yung tao at kung ano anong bina-buy and sell. Si Raul? Yung itlog mong kaibigan na iyon? Mayaman iyon sa Nueva Ecija, mayaman rin si Greg at nakabase ang mga parents nila sa Amerika kaya naging easy sa kanilang ang wedding. Saka yung si Shan Dave, simpleng tao lang iyon, hindi naman naghangad ng magarbong kasal dahil civil wedding lang ay okay na sa kanila ni Julian. At si Gomer, si Gomer ay hindi pa kasal kasi famewhore na ito. Pero see? Yung mga kaibigan mo ay hindi naman ganyan ka OA sa iyo!" ang singhal ko rin.
"Nagsisimula akong mag ipon, magpapakasal tayong dalawa kapag sapat na ito at kapag kaya ko na ibigay ang kasal na pangarap mo Jom! Minsan lang tayo ikakasal, gusto ko yung the best! Gustong ibigay yung bagay na pangarap mo! Kaya pwede ba huwag mo akong pangunahan dahil ako yung lalaki at haligi sa ating dalawa!" ang sagot niya sabay hubad ng damit ang pumasok ito sa banyo para maligo.
Natahimik ako..
Pero sobrang sweet niya..
Noong gabing iyon ay kinausap ako ni mama na hayaan nalang daw si Bogs sa nais niya. Sadyang mataas lang daw ang pride nito PERO bihira sa lalaki ang nagpupursige kaya hanga rin si mama sa kanya. At iyon ang reason kaya halos umabot ng tatlong taon ang engagement naming dalawa.
Pero sa kabilang banda, dito ko narealize na ang Bogs na kilala ko noon at ang Bogs na kasama ko ngayon ay tila magkaibang tao na. Dahil ngayon ay goal oriented na siya at may sarili nang plano sa buhay. Sa tingin ko ay magiging isa siyang mabuting asawa sa hinaharap.
End of Flashback
Itutuloy..