Part 6

2564 Words
Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Jan 3, 2020 Part 6 ERNEST POV (The Last Pogi) Tuwing pumipikit ako ay naalala ko pa rin ang malamig na pagdampi ng hangin sa akin mukha habang nagkakalagas ang tuyong dahon sa puno ng aming dampa doon sa probinsya. May mga gabing nararamdaman ko pa rin ang mainit na yakap ng aking ina at kahit halos dalawang taon na ko na siyang hindi kapiling ay nararamdaman ko pa rin na siya ay nandito lang at binabantayan ako. Noong mamatay ang aking ina ay sinundo ako nila Gomer sa aming probinsya sa Gabaldon, Nueva Ecija at ikinumbinsi nila akong tumira na lamang sa kanila dahil parang pamilya na rin nila ako. Tinanggap nila ang aming relasyon kahit na alam kong respetado ang mga Raval at ayaw nilang napipintasan ang kanilang anak. Kahit na magkasintahan kami ni Gomer, noong bumalik ako sa kanila ay nandito pa rin ang aking tungkulin na alalayan ito at tingnan katulad dati dahil kadalasan ang kanyang parents ay nakasubsob sa trabaho sa iba't ibang bansa. Sa paglipas ng halos ilang taon ay payaman lalo ng payaman ang mga Raval kaya't itinuring na rin nilang swerte ang relasyon namin ni Gomer. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang oras na pinuntahan niya ako at doon ay nag-away kami sa harap mismo ng puntod ng aking ina. FLASH BACK Makalipas ang ilang minutong pag lakad ay narating naming ang puntod ni Inay. Dito ay natahimik siya at napayuko. “Huwag kana mag taka, ang libingang ito ay para sa mga taong walang pambili ng lupa doon sa maayos na sementeryo. Ano naawa ka?” ang paninita ko sa kanya Hindi siya kumibo at dito ay unti unting naluha ang kanyang mga mata.. “Ano iyan? Parte ng pag ddrama mo? Ayos ah, magaling ka talagang manloko ng kapwa.” ang wika ko sabay punta sa talahiban at isa isa kong tinabas ang mga ito. Inisa isa kong pulutin ang mga naputol na d**o na wari’y may hinahanap na kung ano sa lupa. Tahimik.. “Ano ba ang hinahanap mo dyan sa talahib?” ang tanong niya “Ano yung hinahanap ko? Hinahanap ko yung buhay ko.. Yung buhay ko na nasayang dahil sa pag mamahal ko sa iyo. “ ang sagot ko Hindi siya naka kibo, wari’y binusalan ng kung ano ang kanyang bibig.. “Hinahanap ko yung buhay ko na nasayang sa pag papa alila sa sa iyo at sa mga magulang mo. Sana ay ginugol ko nalang iyon sa pag aalaga at pag mamahal kay inay. Napabayaan ko siya habang abala ako sa pag aalaga at pag tingin sa iyo. Pinag sisilbihan ko kayo, sinusunod at iginagalang ng lubos. Pero si nanay? Ni isang basong tubig kapag kumakain siya ay hindi ko man lang nabigyan. Namatay siya sa hirap, ni hindi ko nalaman na lumala na yung impeksiyon niya sa baga at hindi na ito kaya ng medikasyon. Kasalanan ko rin dahil ang mata ko ay naka tingin lamang sa iyo. At naging isang malaking bulag ako sa mga bagay na dapat kong makita.” ang wika ko habang umiiyak. Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit, pero nag pumiglas ako. Pero hindi siya bumitiw, inilock niya ang kanyang braso sa aking katawan at pinigil ako sa pag wawala. “Tama naaa, hindi ako bibitiw. Ayokong bumitiw..” ang wika niya “Hindi ko kailangan ng yakap mo! Hindi kita kailangan! Umalis kanaaaaa!!!” sigaw ko “Tama na please!! Hindi ako aalis.” ang sagot niya at dito ay kapwa kami nawala sa balanse at natumba, tumama kami sa kahoy na krus ng aking ina at nasira ito. Napatingin ako sa lupa at dito ay lalo akong napaiyak noong kunin ko ang kahoy at muli itong itarak sa lupa. “Umalis kana, hindi kita kailangan dito. Bumalik kana sa siyudad kung saan nababagay. Doon ang mundo mo at dito ang sa akin. Tanggapin mo na iyon. Ayoko na, pagod na ako sa panloloko mo, pagod na ako sa lahat ng utos mo, sa lahat ng ito! PAGOD NA PAGOD NA AKO!!!”  ang sigaw ko. Natahimik si Gomer at napa tingin siya sa akin. “Hindi ako aalis dito Ernest, hindi ako babalik sa siyudad hanggang hindi kita kasama. Ngayon, sabihin mo sa akin na nag kakaroon ka ng problema sa pag tulog mo sa gabi, na ako yung nakikita mo sa panaginip mo, na umiiyak ka sa umaga at hindi mo alam kung bakit.  Sabihin mo sa akin na may nawawala sa buhay mo. At sabihin mong ako iyon.” ang wika niya. End of Flashback (Mababasa ito sa Libro ng The Last Pogi) Kapag sumasagi ito sa aking isipan ay napapangiti na lang ako at natatawa bagamat iyon ang pinaka unforgettable na parte ng aming buhay bukod sa pagtatapos naming college, ako bilang c*m laude at si Gomer bilang Magna Cumlaude. Kahit naman miyembro ng alyas ang mokong ay hindi maitatangging matalino pa rin ito at nasa kanya ang lahat ng talent at swerte sa buhay. Sa mga lumipas na taon ay nagdesisyong mag hiwa-hiwalay ang mga alyas at sa mga panahong magkakahiwalay sila ng landas ay pinilit ni Gomer na tuparin ang nais niyang makapasok sa showbiz. Nagsimula siyang mag audition sa mga studio hanggang sa unti unti siyang nadiscover at makalipas ang ilang buwan ay gumising siya na marami na siyang bookings at indemand na siya sa lokal na channel. Mayroon na rin siyang mga offer sa movie, hindi naman siya main character pero malaking chance at opportunity pa rin ito para makita. Kilala ang pamilya ni Gomer na mayaman, bilyonaryo kaya alam nila na ang mga kinikita ni Gomer ay barya lang sa kanya. Talagang hilig lang nito ang spot light para maipakita ang kanyang talents. "Bakit ba ayaw mong lumipat dito sa tabi ko?" tanong ni Gomer noong makita niya ako nakaupo sa gilid ng kanyang brand new Vanity Van habang nagbabasa. "Diba sabi mo huwag kang istorbohin dahil matutulog ka? Paano ka makakatulog kung nandiyan ako?" tanong ko naman. "Galit ka yata sa akin e," ang pagmamaktol niya. "Bakit naman ako magagalit aber?" tanong ko. "Dahil idineny kita sa interview kahapon," ang wika niya dahilan para matawa ako, "bakit naman ako magagalit. Single ka naman talaga, wala ka namang kasintahan. Ang mayroon ka ay isang personal na alalay o PA na ang pangalan ay Ernest. Isang kawawang ulila na parang basang pusa doon sa probinsya ng Gabaldon, Nueva Ecija," tugon ko naman. At dito nga ay nagbalik sa aking isipan yung interview ni Gomer kahapon sa isang talk show sa telebisyon kung saan siya nag guest kasama ang ilang baguhang singers sa network. Dito ay nagkaroon ng personal na tanong sa bawat isa at ang tanong sa kanya ay "Gomer, maraming nagtatanong na fans, ikaw ba ay single? O mayroon kang karelasyon ngayon?" pang uusisa ng host dahilan para magtilian ang mga fans niya. Natawa si Gomer at nai-close up pa ang kanyang magandang ngiti. Ang ineexpect ko ay sasabihin niyang mayroon dahil totoo na man na mayroong kaming relasyon at halos dalawang taon na rin kaming live in. Pero sumagot ito ng "Wala, im single right now. Sanay na rin siguro ako kaya nagkafocus lang ako sa work," ang wika nito. Tilian ang mga kilig na kilig na fans. "Narinig niyo iyon? Single si Gomer kaya ano pang hinihintay ninyo? Launched Attack!!" ang masayang biro ng host. Samantalang si Gomer naman ay nakatawa lang at galak na galak sa pag dedeny niya. Ako naman ay nalungkot at medyo kumirot ang aking dibdib dahil nasaktan ako sa kanyang ginawa. Ang unang nag message sa akin ay si Jomar at sinabing "unawain ko nalang kasinungalingan nito at isipin kong para ito sa trabaho niya." Ganito rin ang sinabi ni Julian noong tinawagan niya ako, marahil ay napanood nila ang ginawang pagsisinungaling ni Gomer sa kanyang interview. Masakit para sa akin iyon, pero alam naman natin natin na tinatamad ang mga fans sa kanilang idol kapag in a relationship na ito lalo na kapag non showbiz pa. Hindi ko na pinansin si Gomer, tumalikod ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagbabasa. "Alam mo kahit sabihin mong hindi ka nagagalit pinaparamdam mo naman yung bigat ng pagkainis mo at hindi ako manhid para hindi ko ito maramdaman," ang wika nito. "Huwag mo nga akong taasan ng boses, magpasalamat ka dahil kahit mukha akong tangang nag PPA sayo ay ginagawa ko pa rin! Tapos sa gabi ay paparausan mo pa ako! Kahit pagod ang katawan ko ay ginagamit mo pa rin ako. Bukod sa pag dedeny mo sa akin ay kinakasangkapan mo pa ang buong pagkatao ko!" ang wika ko naman dahilan para matahimik siya. "Magpahinga ka na lang at mag enjoy kasama ng bagong love team mo sa BL series na gagawin niyo!" ang asar ko pang dagdag. Makalipas ang 30 minuto na byahe ay nakarating kami sa location ng kanilang shooting. Pagbaba palang ni Gomer ay naka abang ang fans sa kanya. Nakangiti itong kumaway sa kanila samantalang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya hawak ang kanyang mga maleta ng gamit, wala akong kibo at hinayaan ko lang siyang mag enjoy sa kasikatang tinatamasa niya. Pag pasok namin sa tent ay bumulaga sa amin ang isang baguhang BL actor na ang pangalan ay si Howie Montes. Gwapo rin ito at halos kasing tangkad rin ni Gomer. Agad niyang sinalubong ang kaparehan at kinamayan ito. "First time mo sa acting?" tanong ni Howie kay Gomer. "Oo, pero nagwork shop naman ako at hindi na rin bago sa pag acting dahil naging guest na rin ako sa ibang pelikula." "Yeah I know, napanood ko nga at feeling ko talaga ito yung break na hinihintay nating dalawa," ang wika ni Howie. "Oo naman, sa palagay ko nga," ang tugon ni Gomer. Samantalang ako naman ay isa isang inaayos ang kanyang mga gamit sa maleta at sinisiguradong hindi ito lukot. Habang nasa ganoong posisyon ang dalawa ay pumasok ang isang may edad na beki, ito yata yung manager ni Howie. "Hi Gomer, nice to meet you hijo," ang wika nito sabay beso sa binata. "Actually tinatawagan ko yung Manager mo Gomer, at pumayag naman siya sa set up na gusto namin. Para kumita itong BL niyo at para tumagal kayong dalawa ni Howie dito sa showbiz," ang wika ng matanda. "Ano naman iyon?" tanong ni Gomer. "Simple, katulad ng ginagawa ng ibang artista, mag papanggap kayong mag shota na. Papalabasin natin na noon pa kayong nagkakagustuhan at ngayong magkasama na kayo dito sa BL series ay ito na rin ang chance gawing makatotoohanan ang bawat eksena dahil kayong dalawa ay real life couple na. Single ka naman diba?" ang wika ng beki kay Gomer. "Oo," ang nag-aalangang pagsisinungaling nito, ang ideny ako ng dalawang beses ay mas masakit lalo't wala naman kami sa harap ng camera. Napatingin siya sa akin ako naman ay kunwaring walang paki alam. "Good! Start natin ang palabas ngayon," ang wika ng beki. "Ngayon? Bakit?" ang tanong ni Gomer. "May papasok na mga fans dito at ilang mga media, sinabi ko na kay Howie ang gagawin, magaling na aktor ka naman Gomer, kayang kaya niyo ito." ang wika nito sabay lapit sa akin, "ikaw na julaylay ni Gomer lumabas ka nga dito at baka makasira ka pa sa eksena nila," ang wika nito sabay lingon sa labas. "Ay jusko ayan na sila! Halika dito julalay mag tago tayo!" ang wika nito sabay hila sa akin sa loob ng bihisan at naiwan lang si Gomer at Howie sa loob ng tent. Maya maya ay biglang niyakap ni Howie si Gomer, hinawakan niya ang mukha nito at biglang sinunggaban ng halik. Noong una ay naalangan si Gomer pero maya maya ay lumaplap na rin ito. Nakita kong nag aabot ang kanilang dila sa kanilang halikan kaya naman parang aatakihin ako sa puso noong mga sandaling iyon. Habang naghahalikan sila ay biglang dumating ang fans sa pinto ng tent at napatili ito. Kitang kita ng lahat ng halikan ng dalawa, pero agad rin silang nagbitiw na kunwari ay nagulat. Pinagkalupumpunan na sila ng media at dito ay naging matagumpay ang kanilang publicity plan. Noong mga sandaling iyon ay napatingin ako kay Gomer at napatingin sa akin na parang mangungusap ang mga mata. Ako naman ay napailing nalang at ipinagpatuloy ang pag aayos ng kanyang gamit. Napuno ng fans sa buong tent kaya naman natalsik nalang ako at naitulak sa labas. Mababa ang tingin nila sa akin dahil isa lang akong PA. Halos sumabog ang aking dibdib habang pinagmamasdan ko silang magkaakbay ay iinterview ng press. "Sobrang bilis ng pangyayari, bigla nalang kaming nagkapalagayan ng loob at eto heto, mag on kami. Boyfriend ko na si Gomer at sa tingin ko ay parang roller coaster yung nangyayari sa aming dalawa ngayon. Pero bakit sa personal na life namin ang focus ng interview? Hindi pa dapat sa BL series na gagawin namin dahil start na ng shooting ngayon?" ang masayang wika ni Howie. "Yes! Doon na nga lang kayo mag focus! Bigyan niyo ng privacy ang dalawang love birds na ito, im sure kilig na kilig kayo ngayon diba?" ang masayang wika ng manager ni Howie, galak na galak ito sa tagumpay ng kanilang plano. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko na naiwasang mapaluha. Hindi ko maipaliwanag ang kirot ng aking dibdib na tila ba nagsisikip ang aking paghinga na hindi ko maunawaan. Basta namalayan ko na lamang na kusang humakbang ang aking paa palayo sa harap ng tent. Nagtatakbo ako at iniwan ko si Gomer sa loob noon kasama ang kanyang mga famewhore na katrabaho. Sa sakit na aking nararamdaman para bang nawalan ng direksyon ang aking pag-iisip, basta tumakbo lang ako palayo at hindi na ako lumingon pa pabalik sa lugar na iyon. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, natagpuan ko lang ang aking sarili na naupo sa paradahan ng mga jeep kung saan may byahe patungo sa bayan na malapit sa aming siyudad. Sumakay ako dito ng tahimik, naupo ako sa pinakagilid at napatanaw sa kalayuan, dito nagsimulang pumatak ang luha sa aking mga mata dulot ng kakaibang sakit na hindi ko maunawaan. Sadyang pinili ni Gomer pagyamanin ang kanyang career. Sinuportahan ko naman siya at halos ilang buwan na rin akong nag silbi bilang alila alalay niya sa mga set. Iniwan ko ang trabaho ko para sumuporta sa kanya kahit kung minsan ay hindi niya nakikita ang aking effort para sa kanya dahil silaw na silaw siya sa liwanag ng limelight. Marami akong sinakripisyo para sa career ni Gomer pero inabuso lang niya ako. Habang buhay yata ay nakatakda lang ako para maging anino niya, para maging alalay at para maging taga silbi. Walang pinagkaiba noong nag-aaral pa kami ng kolehiyo kung saan ang tawag niya sa akin ay "alipin." Tahimik. Napatingin ako sa aking cellphone, may isang mensahe si Gomer. "Nasaan ka ba? Start na yung shoot wala pa yung gamit ko," ang nabasa kong text niya pero hindi ko na ito pinansin pa. Pinatay ko ang aking cellphone at kasabay nito ang pag-andar ng jeep palayo sa lugar na iyon. Ang buhay kasama si Gomer ay hindi smooth sailing at lalong hindi ito isang fairytale na may perpektong kaganapan. Kung minsan ay puro sakit ang dulo nito. Yung tipong magdurugo ang puso mo ng hindi mo namamalayan. Itutuloy.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD