Alyas Kanto Boy 2
The Reunion
AiTenshi
Part 4
JOMAR POV (Alyas Pogi)
"Hindi ko na talaga kaya frend! Ang sakit sakit! Masakit pa ito sa ginawang pag f**k sa akin ng jowa kong twink last night!!" ang malakas na pag-iyak ni Yani habang pagulong gulong sa kama ng aming silid ni Bogs.
"Ano ka ba Yani, huwag na nga isipin yung mga bagay na hindi naman natin mababago. Tanggapin mo nalang yung nangyari, ganoon talaga ang buhay diba? Saka hindi ka naman totally natalo. 1st runner up is very good, ano pa bang gusto mo? Kung hindi para sa iyo ay hindi talaga," ang wika ko naman.
"Hindi ko matanggap na yung Butanding ng Danteng iyon ang nakatalo sa akin sa Miss Beautiful Planet 2021! Hindi niya deserve! Sugurin natin siya ngayon at bawiin ang crown! Awayin natin sila ngayon!" ang pag-iyak nito.
"Ano ka ba, kaibigan natin si Dante at Julian, saka fair naman ang ginawa naming pag-suporta sa inyong dalawa. Nagkatalo lang talaga kayo sa Q and A. Si Dante ay Magna Cumlaude talagang bubula ang bibig non sa sobrang pag eenglish, hinimatay na nga yung mga judges sa lalim ng sagot niya. Saka you put up a good fight naman diba? 87.46% is good," ang naka ngiti kong wika.
"Pero 95.45% si Dante at malayong 1st runner ako," ang pag-ngalngal nito.
"At least first runner ka pa rin! Be proud! Galingan mo na lang next time sa Diyos ng Kagubatan 2021. Saka bakit kasi si Gazini Ganados ginamit mo e parang malayo naman sa iyo iyon?" tanong ko naman.
"Sus, e ano pa si Dante? Rabiya Mateo! Eh ang jubis jubis niya no. Magandang dilag pa yung talent niya hindi naman bagay," ang pagmamaktol nito dahilan para matawa ako. Umupo ako sa kanyang tabi at tinapik dito sa balikat, "bitterness na iyang nararamdaman mo. Mas galingan mo sa susunod para manalo ka. Kung di ka palarin sa Diyosa ng Kagubatan ay mayroon pang Diyosa ng Dalampasigan sa susunod na buwan. Suportahan taka," ang wika ko naman.
Habang nasa ganoong pag-uusap kami ay pumasok si Bogs pawis na pawis galing sa paglalaro ng tennis. "Pakuha nga ng towel," utos nito.
"Hindi ka pa pwedeng maligo dahil baka mapasma ka," ang mahina kong boses sabay abot sa kanya ng towel.
"Eh bakit kapag kinakantot kita pawis na pawis tayong dalawa tapos after noon ay sabay tayong maliligo at tatapat sa valve ng shower?" ang naka ngising sagot nito.
"Iba yung galing sa paglalaro doon sa init ng araw, sumunod ka na nga lang sakin," ang sagot ko naman. Napatingin siya kay Yani, "may lakad kayo ni Jom?" tanong nito.
"Yes papa Bogs, pay day ngayon diba? Mag wiwithdraw kami at mag s-shopping. May ipapabili ka ba?" tanong ni Yani.
"Wala e, hindi sasama si Jom ngayon. Hindi siya aalis dito. Baka maya maya ay kasama niyo na naman si Brad."
"Busy si Brad sa work no, hindi na kami nagkikita kita," sagot ni Yani.
"Kahit na. Hindi ka aalis Jom," ang mariin na sagot Bogs sabay pasok sa banyo.
Napatingin sa akin si Yani, "alam mo parang sobrang seloso ni papa Bogs, napakahigpit niya at sobrang possessive ang datingan no? Parang sa tuwing gagalaw ka ay may gagawin kang panloloko sa kanya," ang bulong ni Yani.
"Ewan ko ba naman dyan kay Alyas Pogi, mukhang tanga. Imagine three years na kaming engage, pero habang tumatagal ay pahigpit na pahigpit sa akin," ang wika ko naman.
"Ang OA naman kasi ng engagement niyo eh, three years in the making talaga? Diba dapat one year lang or 8 months ay kasal na kayo?" tanong ni Yani.
"E nag iipon pa kami. Mataas ang ihi ni Bogs, ayaw niyang iasa sa parents ko ang wedding. Kaya nag tatrabaho siya para mag ipon."
"Kailan pa kayo magpapakasal? Kapag impotent na kayong dalawa? Given naman na ma-pride talaga iyang si Papa Bogs. Tingnan mo sina Raul at Greg ay halos 5 years nang kasal. Sina Julian at Shan Dave ay ganoon din, sina Aldrin at Johan ay kasal na rin. Kayo nalang nila Gomer ang nakatengga sa listahan, baka maunahan ka pa ni The Last Pogi? Supposedly last talaga siya ayon sa code name niya," ang hirit ni Yani.
"Si Gomer? Malabo iyon, kasi nag aartista yung gago at ayaw ng fans na may jowa siya kaya inililihim nila yung real score nilang dalawa ni Ernest," ang tugon ko naman.
"Kawawa naman ni Ernest, sorbang bait pa naman nung tao na iyon. Kumusta naman daw ang couple of the year na sina Raul at Greg?"
"Tumawag sa akin si Greg last night, sinabi niya na gusto na daw magka-anak ni Raul at gusto nitong siya mismo ang magpunla doon sa surrogate mother. Ayaw ni Greg non kaya sa halip na tatagal pa sila ng 5 months sa Amerika ay uuwi na sila next month at isa pa ay may reunion yung mga Alyas, nagpadala ng invitation si Raul noong nakaraang buwan."
"Reunion? Ano to class batch 1987? Two years palang silang hindi magkakasama diba? Tapos may GC pa sila kaya regular silang nagkakausap, bakit may reunion agad? Ang OA ha, parang 10 years na yung katumbas ng 24 months," hirit ni Yani.
"Wala kayong paki, mag rereunion kami kung kailan namin gusto. Teka Annabel bakit nandito ka pa? Tapos na ang conjuring diba?" pang aasar ni Bogs kay Yani.
"Napaka-hard mo naman sa akin papa Bogs! Aalis nga kami ni Jom diba?"
"Hindi aalis si Jom, dito lang siya sa bahay, maghapon kaming hihiga at magyayakapan diyan sa kama kung saan ka nakahiga ngayon," paghihigpit nito.
"Pero may kailangan akong bilhin sa mall ngayon, mag ggrocery rin sana ako."
"Okay, sasama nalang ako. Ipag ddrive ko kayo," ang pagbabago ng isip nito sabay kuha sa susi ng kanyang sasakyan.
Ang mga taong lumipas sa buhay namin ni Bogs ay masasabi kong makabuluhan dahil naging malalim ang samahan namin ni Bogs, mula noong unang beses na magkakilala kami dahil sa pagpapanggap niya kasintahan ko, hanggang sa naging malapit kami sa isa't isa at naging opisyal ang aming relasyon. Dumating rin sa punto na naging saksi ako sa kanyang pagtataksil at aminado ako na nagkaroon ako ng trust issue dahil dito.
Nahirapan akong patawarin si Bogs kaya't ilang beses kong nireject ang kanyang proposal. Hindi naglaon ay tinanggap ko rin ito at kasabay noon ang pagpapatawad ko sa kanya ng tuluyan. Noong mga unang taon namin na magkasintahan ay seloso ako at pakiramdam ko ay lolokohin ako lagi Bogs. Pero nitong mga lumipas na taon ay tila umikot ang mundo at siya naman ang maging sobrang seloso. Naging sobrang higpit at kung minsan ay napaparanoid na mayroon akong ibang lalaki.
"Kasi minsan na niyang ginawang magloko at magtaksil, natatakot siya sa karma kaya ayan sobrang higpit sa iyo. Siguro narealize niya sa sobrang ganda mo at sobrang precious kaya ganyan kung maka-asta ngayon," ang bulong ni Yani habang sumasakay kami sa kotse ni Bogs.
"Hoy Annabel huwag ka na nga bumulong diyan dahil rinig na rinig kita," ang wika ni Bogs sabay start sa sasakyan.
Habang nagddrive ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Bogs. Dati pa rin ang kanyang anyo, gwapo pa rin at parang hindi nagbabago. "Bakit?" tanong niya sa akin.
"Wala lang, bakit sumobra naman yata yung pagiging mahigpit at possessive mo sa akin? Hindi ka naman dating ganyan?" tanong ko.
"Dahil ayokong may ibang lalaking aaligid sayo at ayokong titingin ka sa iba maliban sa akin. Huwag mong hiyain ang p*********i ko na ipagpapalit mo ako sa iba," ang wika nito sabay bitiw ng seryosong tingin sa akin.
"Hindi ko naman gawaing magloko, alam mo may nabasa akong isang article, nakalagay doon na ang mga taong seloso daw at possessive ay mga taong madalas gumagawa ng kasalanan. Ginagamit lang nila yung pagiging seloso nila para icover yung mga cheating nila. Teka baka na man nagloloko ka na naman Bogart Lisangan?" pang uusisa ko.
"Minsan na akong gumawa ng pagkakamali at hindi ko na uulitin iyon. Kaya ikaw huwag kang magkakamali dahil baka masiraan ako ng bait pagnalaman kong nagtataksil ka. Baka mapatay ko yung kabit, kayong dalawa actually," ang wika nito.
"Go Cristine!" ang hirit ni Yani sa likod.
"And what makes you think na nagtataksil ako aber? At ako pa talaga? Sa ating dalawa ikaw lang naman ang may history ng cheating."
"Ayoko na marinig iyan sa iyo Jom. Basta babatayan kita hanggang sa oras na ikasal tayong dalawa."
"Ang paghihigpit mo ay pointless, napapraning ka lang Bogs."
Noong mga oras na iyon ay nakabantay na sa akin si Bogs na parang isang aninong nakasunod kahit saan ako magpunta, kahit sa fitting room ay nakabantay ito sa pintuan, cubicle ng CR kung saan ako umiihi ay nakapasok din siya sa loob. Hindi ko alam kung anong problema ng gagong ito. Kung tutuusin nga ay mas pansinin pa siya ng maraming beses kaysa akin dahil napakagwapo niya at kapaglumalakad siya ay hindi pwedeng hindi ka mapapalingon. Kahit yung mga sales lady at nagkakadarapa para lang mapansin at makausap niya tapos ako itong babantayan niya? "Ano bang kalokohan ang iniisip nito si Bogart?" tanong ko sa aking sarili.
Alas 6 ng gabi noong makauwi kami sa bahay, nagdinner na rin kami nila Bogs sa labas. Pagpasok sa silid ay agad akong ibinaba ang aking pinamili at nahiga sa kama. Ininunat ko ang aking katawan. Si Bogs naman ay naghubad ng pang itaas na damit at tumabi sa akin. "Sino yung salesman na kumakausap sa iyo kanina? Bakit alam na alam niya yung sizes ng sando mo, yung brief mo at pati yung mga pakat sa katawan mo ay alam niya? Sino ba yung gagong iyon?" pagseselos na naman nito.
Noong mga sandaling iyon, hindi ko alam kung kililigin ba ako kay Bogs o maiinis dahil OA na yung pagiging seloso niya. "Natural alam niya kasi nagsabi ako ng sizes ko. Saka doon kami bumibili lagi ni Yani kaya alam na rin niya," ang paliwanag ko.
"O edi lumabas din yung totoo, kalaguyo mo ba iyon? Gagong iyon!" ang galit na tanong nito dahilan para hampasin ko ang kanyang braso. "Baliw! Umayos ka nga, bakit ganyan ka mag isip?"
"Ikaw ang umayos, bakit ganyan ka maglandi?"
"Alam mo dapat hindi "alyas pogi" ang ibansag sa iyo. Dapat ay "alyas praning" na dahil iyon ang bagay. Sobra ka na talaga Bogart hindi na ako natutuwa!"
"Ikaw pa ngayon yung mataas ang boses, kahit nabuking ko yung modus mo kaya idinadaan mo sa galit yung usapan natin. Ganyan yung mga babaeng nabubuking laging galit!" ang tugon nito dahilan para mapangiwi ako.
Bumangon ako at napatingin sa kanya, nakahiga ito, nakalagay ng kamay sa batok dahilan para mas lalo pa siyang sumesexy. Amoy na amoy ko yung mamahaling spray niya sa kili kili at idagdag mo yung malagong buhok nito. Bonus nalang yung napakagwapong mukha niya.
"Alam mo Bogart, hindi na ako maghahanap ng iba at hindi ako titingin sa iba dahil ikaw lang ay sapat na sa akin, sobra sobra pa nga. Hindi mo na kailangan mapraning dahil ikaw ang pinakagwapo para sa akin. Walang tatalo sa iyo, pangako," ang nakangiti kong tugon.
"Baka naman binibilog mo lang ako na parang kulangot Jom?"
"Bakit mukha ka bang kulangot para bilugin? Huwag kana nga kasi mag isip ng kahit ano. Dahil ang sobrang pagdududa ay hindi healthty sa isang relasyon," ang tugon ko naman.
"Bakit magiging healthy hindi iyon tao? Ikaw yung hindi healthy dahil makati ka," ang hirit nito.
"Alam mo kakasama mo kay Shan Dave nagiging lalaking sabaw ka na rin. Ah basta wala akong lalaki! Hindi ako nagtataksil at wala akong iba. Ikaw lang ang mayroon ako kaya pwede ba Bogs, huwag kana maging sobrang seloso."
Hindi sumagot si Bogs, hinila lang ako pahiga at saka ako niyakap ng mahigpit. "Ayusin na natin yung wedding natin. Sa tingin ko ay nakaipon na ako," ang wika niya.
"Yung simple lang ha, basta masaya tayong dalawa," ang sagot ko naman sabay halik sa kanyang labi, huminga ako sa kanyang dibdib at yumakap ng mahigpit.
Siguro yung pagkapraning ni Bogs ay dahil gusto na niyang matuloy ang aming kasal at hindi ako na ako tumingin pa sa iba. Bagamat hindi ko naman gagawin iyon dahil mahal ko siya at sa kanya lang ako naging masaya.
Itutuloy.