Alyas Kanto Boy 2
The Reunion
AiTenshi
Part 7
ERNEST POV
"Tingnan mo babe kasama na ako sa casting ng movie at katabi na rin ng name ko yung ibang mga sikat na artista. Medyo nasa ilalim nga lang pero at least ay kasama na rin ako ngayon!" ang masayang wika ni Gomer isang araw noong umuwi ito galing sa kanilang taping sa isang sitcom kung saan siya nag guest.
"Wow, im so proud of you," ang sagot ko sabay halik sa kanyang labi.
"Iyon nga lang ay malalayo ang location ng taping ng movie sana ay kayanin kong mag-isa," ang pag-aalala niya.
Ngumiti ako at inakbayan siya, "sino nag sabing mag isa ka? Sasamahan kita ako ang magiging assistant mo. Saka isa pa ay baka magalit sa akin ang mama at papa kapag pinabayaan kitang umalis mag-isa," ang tugon ko habang nakayakap sa kanyang likuran. Hinalikan niya ako sa labi at maya maya ay muling ibinaling ang tingin sa sample ng poster kung saan nakalagay ang kanyang maliit na pangalan "Gomer Raval."
Ito ang kalagitnaan ng career ni Gomer, mula sa pagiging Alyas ng compound hanggang sa maging member siya isang grupo ng dancer at singer na nag peperform sa mga hotel at maliliit na channel hanggang nagtuloy-tuloy na ang pag-angat ng kanyang karera. Malayo na ito sa pagiging "the last pogi" na nakasanayan niya bagamat hindi pa rin nawawala sa kanyang puso.
At noong mga panahon na iyon ay hindi ko alam na magbabago na rin pala ang samahan naming dalawa. Hindi namin namamalayan na kung gaano kalakas ang spot light ng kasikatan sa kanya at pawala naman ng pawala ang liwanag sa aking kinatatayuan hanggang sa pagdilim ang aking paligid at unti unti akong nawawala sa kanyang paningin.
Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mga bagay na ito, na parang bang kahapon lang naganap ang lahat.
Tahimik.
Isang malakas na kaldag ng jeep ang yumugyog sa aking katawan dahilan para bumalik ang aking ulirat sa normal. Muli akong nakaramdam ng sakit na hindi ko maipaliwanag lalo na noong ibalita sa radyo ng aming sinasakyan ang tungkol sa "relasyon" nina Gomer at Howie na ngayon daw ay trending na rin sa social media. Si Gomer ay isang manhid, ni hindi man lang niya ako naisip! Kung gaano siya katalino ay ganoon rin siya kabobo pagdating sa ganitong mga bagay.
Dalawang oras rin akong nakaupo sa Jeep bago ito makarating sa terminal, at mula dito sa terminal ay sasakyan naman ako ng bus na patungo sa terminal ng aming siyudad. Isang oras na namang mahigit ang byahe kaya ang tanging nagawa ko lang ay yakapin ang aking bagpack at isuot sa aking katawan ang sweater habang nakahalukipkip ang kamay sa aking kili-kili. Sumandal ako at tumingin sa labas ng malaking bintana. Pilit kong inirelax ang aking sarili bagamat kumikirot ng husto ang aking puso at buong pagkatao.
Nagsimulang umandar ang bus, pansamantala akong pumikit habang ninamnam ang malamig na hanging dumadampi sa aking mukha. Ang musika sa loob ng sasakyan ay malungkot na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Nakakapanghina at nakakadagdag sa aking emosyon.
Gabi na noong nakarating ako sa aming siyudad. Agad akong nagtungo sa bahay ng mga Raval upang kunin ang aking kaunting gamit, kinuha ko rin ang aking transcript, diploma at mga records sa trabaho. Ito ang ikalawang pagkakataon na nagdesisyon akong lumayo kay Gomer. Nakakapagod rin palang maging alalay at alipin niya. Sa pagkakataong ito gusto kong palayain ang aking sarili mula sa kanya at sa mga bagay na nakakasakit sa akin.
Bandang alas 6:30 ng hapon, bago pa ako maabutan ni Gomer sa bahay nila ay umalis na ako. Hinarang ako ng guard pero sinabi kong pinapakuha lang ni Gomer ang ibang gamit niya na naiwan dahil kailangan ito sa taping. Wala siyang kamalay malay na gamit ko ang nakalagay sa bag sa pagkakataong ito ay ako mismo ang aalis at lalayo.
Nagtungo ako kila Yel, mayroon siyang isang maliit na apartment. Tamang tama dahil umalis yung tita niya kaya't ako muna ang uupa sa silid nito. Noong makita niya ako sa gate ay nagbitiw ako ng isang matamis na ngiti pero ang aking mata ay umiiyak dahil hindi ko maitago ang matinding kirot na aking nararamdaman. Batid kong alam na rin ang dahilan, nagtrend na ito at sa ngayon ay alam na rin ng lahat. Walang nagawa si Yel noong mga oras na iyon kundi ang yakapin ako ng mahigpit at makisimpatya sa aking nararamdaman. Hindi na siya nagtanong pa, basta inakay niya ako sa loob at pinaghanda ang makakain.
"Tama yung ginawa mong lumayo, gagong Gomer na iyan! Ang kapal ng mukha! Sana maging laos na siya! Sana mawalan siya ng career! Manhid na iyan at nabulag na ng liwanag ng popularidad," ang galit na wika nito.
Hindi ako kumibo, ngumunguya lang ako at nakikinig sa kanya. "Dito kana muna, don't worry di naman alam ni Gomer na nandito ako kaya hindi ka niya masusundan kung sakali."
"Pagkatapos mamatay ng aking ina ay sinundo niya ako doon sa Nueva Ecija para ibalik at doon patirahin sa kanila. Noong unang limang buwan ay perpekto lahat sa amin hanggang sa bumalik na naman ako bilang alalay niya noong umalis ang kanyang parents. Hindi ko na malaman kung anong role ko sa buhay niya. Isa ba akong kasintahan? Parausan? O alalay? O lahat na kaya? Anong gusto niyang gawin ko? Manatili ako sa tabi niya at itiisin lahat ng sakit kapag nakikipaglandian siya sa iba? Kapag dine-deny niya ako sa lahat? Hindi ko na kaya Yel, mainam pang lumayo ako sa kanya at mawala na lang siya kaysa naman hindi ko halos makilala ang aking sarili dahil binalot na ito ng matinding poot at sakit dulot ng kanyang kalokohan," ang tugon ko sa kanya.
"Kaya nga mas mabuting lumayo ka na lang sa kanya. Tutal naman ay sikat na siya, maraming taga hanga at tiyak makakahanap siya ng bago niyang PA i mean shota. Saka napansin ko sa lahat yata ng mga partner ng mga alyas ikaw ang luge, ikaw ang poorita, ikaw ang laging kawawa kay Gomer. Tingnan mo itong si Raul at yung partner niyang si Greg, very ideal ang pagsasama nila doon sa Amerika. Si Bogs at Jomar sobrang sweet at parang walang problema. Sila Shan Dave rin at sila Johan ay tahimik na namumuhay kasama yung mga couple nila. Pero ikaw? Ginawa ka na ngang PA pinagmumukha ka pang tanga. Kaya lubayan na iyan!" ang galit na wika ni Yel.
Noong gabing iyon ay pinagusapan kahit saan ang larawan nina Gomer at Howie na naghahalikan. Trending sila world wide at super effective ng kanilang publicity para mapag-usapan. Noong oras na buksan ko ang aking cellphone ay katakot takot na text messages ang natanggap ko galing kay Gomer galit na galit ito sa aking ginawang pag-alis. Nagbanta pa na makatitikim ako pag-uwi niya, iyon ay kung nandoon pa nga ako. Dahil ngayong mga oras na ito, habang nasa byahe siya pauwi ay wala na ako doon at hindi na niya ako makikita pa.
Kinabukasan, nagpasya akong sumama kay Yel sa hotel kung saan siya nagtatrabaho bilang front desk manager. Sa ngayon ay opening pala ay ang position sa hotel concierge at sa food and beverage kaya naman namali nalang muna ako sa dalawa kaysa naman wala akong mapasukan. Ayoko na mang maging pabigat kay Yel habang magkasama kaming dalawa sa apartment. Sa pagkakataong ito ay tiyak na hinahanap na ako si Gomer pero hinayaan na lang siya lalo't alam kong masaya na siya sa career niya.
"Tawag ng tawag si Gomer s messenger ko, itinatanong ka, ayaw niyang tumigil. Sinabi kong wala akong balita sa iyo. Pati sa akin ay gagalit siya dahil itinatago daw kita," ang wika ni Yel sa akin habang kumakain kami.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Wala naman, pinagmumura ko lang naman siya, ganito," ang wika nito sabay hinga ng malalim. "Putang ina ka, gago ka! Deserve kang iwan dahil abnormal ka! For the sake ng career mo nakikipaglaplapan ka sa ibang lalaki? s**t ka talaga! Kung saan man si Ernest ay deserve niyang maging malaya mula sa iyo! At kahit sino ay ganoon ang gagawin! Kaya huwag ka na magtataka kung iniwanan ka dahil FAULT MO TO! Goodbye! Malaos ka sana! Sana mawalan ka ng career! At saka ko si blinock!" ang hirit nito na hanggang ngayon ay galit na galit pa rin.
Natahimik ako, "may fault din naman ako dahil nagpakatanga ako at pumayag sa lahat ng gusto niya. Ayoko lang kasi isisi niya sa akin someday kung bakit nasira ang career niya."
"Masisira ang career niya dahil sa kalokohan at katarantaduhan niya! At karma niya iyon! Walang sumisikat sa purong kasinungalingan!" ang asar na sagot ni Yel. "Pero at least hinahanap ka niya kaysa deadma siya sa iyo."
"Yeah, hinahanap niya ako dahil wala siyang alalay! Wala siyang utusan at wala siyang parausan! Dito nalang muna ako at kapag nakaipon na ako ay uuwi na ako sa amin, siguro ay mas tahimik ang buhay ko doon kahit na mag-isa ako," ang wika ko nalang na hindi maitago ang lungkot.
Tuloy ang buhay ko kahit na wala si Gomer sa akin tabi, walang sumpa, walang utos at walang sakit. Malaya na ako ngayon at napagtanto na walang gamot sa pagpapakatanga kundi ang pagkukusa. Tuloy rin ang career ni Gomer, nag sshoot pa rin sila ng BL series kung saan pinagkakaguluhan ang bawat nakaka kilig na eksena nilang dalawa. Mga bagay na iniwasan ko na ring panoorin at pansinin dahil naninikip lang ang aking dibdib.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay hindi ko namalayan na mayroon na palang isang single na motor ang palapit sa akin, "Oy tabi! Ano ba? Magpapakamatay ka ba?" ang sigaw nito sabay iwas sa kanyang gamit na single. Ako naman ay natumba sa lupa kasama ng aking bag.
"Sorry, hindi ko sinasadya," ang wika ko nalang.
"Ernest?" tanong nito, laking pagtataka ko kung bakit niya ako nakilala. "Kilala mo ako? Sino ka ba?" tanong ko sa kanya.
Agad niyang inialis ang helmet sa kanyang ulo at ang nakatabing sa kanyang mukha saka ngumiti. "Caloy?" tanong ko.
"Ako nga, tangina ngayon lang tayo nag kita muntik pa kita mapatay. Lika nga dito, gago ka," ang masayang wika nito.
Si Caloy, si yung kababata ko doon sa Gabaldon, Nueva Ecija, halos sabay kaming nagkaisip, sabay tinuli at sabay ding nag-aral ng elementarya hanggang high school. Ngunit noong 2nd year ay dumating ang kanyang amang sundalo sa aming paaralan at bigla siyang kinuha. Ang sabi ay madedestino na siya sa ibang lugar at biglaan ito kaya't hindi kami nakapagpaalam sa isa't isa. Gayon pa man ay nagkaroon pa kami ng chance makapagpalitan ng sulat noon hanggang unti unti na siyang nawala.
"Halika nga dito, ang aking long lost bestfriend!" ang masayang wika niya sabay yakap sa akin. "Sira ulo ka, ang tagal kitang hinahanap sa social media."
Natawa ako, "ang ganda ng pagtatagpo natin no? Muntik mo pa akong balian ng buto," biro ko.
"Ikaw kasi, bakit ba lutang ka?" tanong nito sabay akbay sa akin at niyaya ako sa loob ng isang malapit na kainan.
Naupo kami dalawa dito at umorder ng palabok at halo halo. "Sorry sobrang dami ko kasi talagang iniisip," ang wika ko habang kumakain.
"Alam mo tol, ang sobrang pag-iisip ay nakakabuang kaya dapat mo itong iwasan. Teka, kumusta ang buhay? Nakatapos ka na ba ng pag aaral? Saan ka nagttrabaho ngayon? Ako heto, saan pa nga ba ang bagsak ko kundi sa pagsusundalo rin dahil kailangan kong sundan ang yapak ni papa. Doon ako nagtraining sa Fort Magsaysay doon sa Nueva Ecija noong nakaraang taon at hinahanap kita doon sa Gabaldon pero wala ka na daw doon."
"Oo tapos na ako ng college at nag wowork ako sa isang hotel malapit dito sa sentro. Halata naman sa itsura mo na sundalo ka, yung pantalon mo at yung sapatos mo ay nagsasalita para sa iyo," ang biro ko naman
Tawanan kami..
"Nabalitaan ko na pumanaw ang mama mo, im sorry kung wala sa tabi mo habang nagdadalamhati ka. Naalala ko pa ang memories ni tita noon na kapag wala akong baong tanghalian sa school ay sa inyo ako sumasabay kumain. Ayaw ni tita na nagugutom ako kaya kung anong pagkain ang mayroon sa iyo ay mayroon din ako. Sayang lang at hindi ko sya nakita sa mga huling sandali," ang malungkot na wika nito.
"Ayos lang, mauunawaan na ni inay iyon. O paano, late na rin ako sa work. Magkita nalang tayo sa mga susunod na araw," ang wika ko habang naka ngiti.
"Gusto mo ihatid na kita sa trabaho mo? Umangkas ka na sa akin," ang alok nito.
"Hindi na Caloy, magtataxi nalang ako," nakangiti kong sagot. "Er, pwede bang Carlo nalang tawag mo sa akin? Kasi parang ang pangit na ng Caloy e," ang hirit nito.
Ngumisi ako at kinatukan siya. "Ayoko nga! Si Caloy ka at forever kang si Caloy sa akin!" ang tugon ko sabay sakay ng Taxi.
Natawa siya kinawayan ako. Kinuha niya ang aking number at humiling na lumabas kami sa susunod. Ibinigay ko ito, okay lang naman dahil simula ngayon ay malaya na ako.
Itutuloy.