"Hindi pwede? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba okay na tayo? Pero bakit hindi mo ibigay sa akin ang hinihingi ko Jasmin?"
"Marco, wait lang. Hayaan mong pag-isipan ko muna ang lahat hindi kasi madali ang hiningi mo."
"Habang nag-isip ka Jasmin halika na umuwi na tayo. Pumasok ka na sa kotse kung ayaw mong iwanan kita dito! Binuksan ni Marco ang pinto ng kotse at pinasok niya si Jasmin nilagyan niya ito ng seatbelt, nagmadali siyang umupo sa driver seat habang pinapanuod sila ni Alvin sa 'di kalayuan.
"Marco ayoko pang mamatay! Bakit hindi ka bumili ng helicopter para paliparin mo! Bakit ang kotse mo ang pagtripan mo?"
"Jasmin galit ako! Galit ako! Bakit hindi mo sinabi sa akin na niligawan ka pala ni Alvin? Inilihim mo sa akin? Pero bakit?" galit na tanong ni Marco sa dalaga. Halos umusok ang tenga nito sa sobrang selos kay Alvin
"Marco, nanligaw lang naman siya masama ba iyon? Saka big deal ba sa 'yo? Binasted ko naman siya bakit ka ba nagagalit ng ganyan?"
"Dahil nagseselos ako Jasmin! Nagseselos ako narinig mo?"
"Selos, best friend ko si Alvin, at kahit niligawan niya ako hindi ako nagalit sa kanya dahil hindi ko naman siya puwede itakwil dahil lang sa niligawan niya ako, hindi naman niya kasalanan kung tumibok ang puso n'ya sa akin eh. Wala siyang ginawang masama, para magalit ng ganyan." nainis na si Jasmin kay Marco, dahil ang kitid ng utak nito'
"Jasmin ayokong bumalik ka sa bar na iyon! Kung hindi mo ako susundin iiwan kita dito, sa America na ako titira narinig mo! Ngayon mamili ka ako o si Alvin!" nagulat si Jasmin sa sinabi ni Marco tinigan niya ito at umuling iling na lang siya.
"Marco, kailangan ba akong mamili ? Pareho kayong mahalaga sa buhay ko, hindi ko kayang mamili Marco. I'm sorry." seryosong saad ni Jasmin.
"Jasmin, bakit ayaw mong mamili? Kung mahak mo ako kailangang makinig ka sa akin at sundin mo ako. Kung mahal mo talaga ako patunayan mo ngayon."
"Marco, no! Ayoko. Hindi ko kailangang piliin kita para lang patunayan sa 'yo na mahal kita. Kung wala kang tiwala sa akin mas mabuting tapusin na lang natin 'to. Saka alam naman nating walang patunguhan ang relasyon natin 'di ba? Dahil para sa mga magulang natin ay magkapatid tayong dalawa." Saad ni Jasmin kay Marco.
"Hindi ko puwedeng basta-basta na lang ibasura ko si Alvin dahil sa selfish na pananaw mo Marco. Pumasok sa isip ko kung mahal mo ako ay dapat hindi mo alisin sa buhay ko ang mga taong mahalaga sa akin. Mabait si Alvin kahit minsan ay hindi n'ya ako binastos. Kung nanliligaw man siya sa akin hindi niya kasalanan 'yon, dahil nagbakasakali lang naman siyang mahalin ko rin siya. Nakiusap siya sa akin na ipagpatuloy pa rin namin ang aming pagkakaibigan. I'm sorry Marco." galit na galit si Marco at biglang tinigil niya ang kotse.
"Ayaw mo? Okay, get out! Get out, Jasmin." Nagulat si Jasmin sa sinabi ni Marco.
"What? Marco, seryoso kang pababain mo ako dito mismo? Pero walang taxi Marco!" galit na singhal ni Jasmin sa binata. Pero galit na galit ito at bumaba pa siya para buksan ang pinto ng kotse.
"Bumaba ka sabi eh! Baba! Bumaba kana Jasmin!" galiy niyang sigaw sa dalaga. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Marco sa kanya. Tumulo ang luha niya sa inis niya sa binata.
"Marco, gabi na natakot ako!"
"Jasmin Natakot ka pero hindi ka natatakot na mawala ako sa 'yo?"
"Marco para kang bata! Bakit hindi mo ako maintindihan. Marco best friend ko si Alvin, hindi ko siya puwedeng basta na lang layuan."
"Tapos na tayo Jasmin. Huwag mo na akong kausapin." galit na wika ni Marco, umalis na siya, at iniwan niya si Jasmin sa gitna ng daan.
"Marco! Marco! Bumalik ka dito! Marco! Huwag mo akong iwanan dito natatakot ako." kahit anong sigaw pa ang gawin ni Jasmin ay wala na si Marco, umiiyak si habang naglalakad patungo ng gilid ng kalsada naghanap siya ng lugar kung saan ay maraming tao.
Pagdating ni Marco sa mansion ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi siya mapalagay dahil sa pag-iwan niya sa dalaga. at nag-alala na siya baka ma pag tripan si Jasmin sa mga adik sa daan. bumalik siya sa sa lugar Kung saan niya iniwan si Jasmin hinahanap niya ito pero hindi niya na makita ang dalaga.
"Jasmin nasaan ka na? Tinawagan niya sa kanyang phone pero naka-off ang cellphone ni Jasmin. s**t! Jasmin nasaan ka na! Bakit mo pinatay ang cellphone mo? Hindi siya mapalagay at hinanap niya kung saan-saan si Jasmin.
Inisip n'ya na baka naglalakad lang ito. Pero umabot na siya nang alas tres nang madaling araw pero hindi n'ya pa rin natagpuan ang dalaga. Umuwi siya sa mansion at nagbakasakling dumating na si Jasmin. Pero pagdating niya ay wala pa rin si Jasmin, sinuntok niya ang dingding dahilan sa pagdugo ng kanyang kamay. Labis siyang nag-alala sa dalaga.
"Jasmin saan ka ba? Saan ka nagpunta"? Bulong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang relo.
"Alvin, I''m sorry kung tinawagan kita, ang sama ni Marco iniwan niya ako sa gitna ng daan hindi man lang niya iniisip baka gahasain ako ng mga adik sa daan. Mas pinairal pa niya ang kanyang galit.
"Okay lang Jasmin, sanay na ako na lagi mo akong pupuntahan kapag may problema ka. Mas malulungkot ako kung hindi mo na ako kailanganin balang araw. Dito ka muna, dito ka na matulog parang bahay mo na rin ang aking bar. Sa susunod kapag gagawin ulit ni Marco
sa 'yo ngayon ay sana mapatawad mo ako kasi bogbogin ko na siya wala akong pakialam kung boyfriend mo siya."
"Nagalit siya Alvin. Bakit mo kasi sinabing nanligaw ka sa akn at mahal na mahal mo'ako. At sabi mo kapag saktan niya ako ay agawin mo raw ako." wika ni Jasmin habang umiiyak hindi siya makapaniwalang kayang gawin ni Marco ang hayaan siyang mag- isa sa gitna ng daan.
"Jasmin paano kung napahamak ka? Paano kung pinagtrpan ka ng mga taong walang kaluluwa? Hindi ba naisip ni Marco ang kaligtasan mo? Sarili n'ya ang kanyang iniisip!" galit na wika ni Alvin. Habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Jasmin.