CHAPTER 5

1127 Words
"Jasmin saan ka pupunta? Bakit nakabihis ka?" tanong ni Marco habang nakatitig sa dalaga. "Marco may togtog kasi kami ngayon, pero promise uuwi ako ng maaga." wika ni Jasmin at nagmadaling bumaba ng hagdan. "No, hindi puwede. Hintayin mo ako sa baba, magbihis lang ako samahan kita hintayin mo ako dito magbihis lang ako." "Marco hindi na kailangan. Hindi naman ako bata eh. Saka uuwi naman ako ng maaga, hayaan mo na lang ako saka wala ka namang gawin doon eh." "Jasmin samahan kita? O dito ka lang? hindi ka puwedeng lumabas. Hanggang sa umuwi sina mommy at daddy." lumaki ang mga mata ni Jasmin at nakasimangot siyang pinagmasdan si Marco. "Marco, okay ka lang ba? Seryoso ka? Hindi ka si mommy kaya puwede bang huwag mo akong pakialaman." singhal n'ya kay Marco pero hinarangan ng binata ang kanyang dinadaanan. "Jasmin, seryoso ako. At hindi ako nagbibiro. At sa akin ka binilin nina mommy at daddy kaya sa ayaw o gusto mo ay wala ka nang magawa! Hintayin mo ako dito, naintindihan mo ba ako Jasmin?" "Okay Marco, sige sumama ka na lang nagmadaling umakyat si Marco para magbihis. Pagbaba ni Marco ay naabutan n'ya si Jasmin na nakasimangot at halos mag-abot na ang nguso at ilong nito. Umalis na sila. At kotse ni Marco ang ginamit nila. Hindi umimik si Jasmin, galit siya dahil pakiramdam n'ya ay wala siyang freedom kay Marco. Ayaw niya kasing papigil lalo na kapag ang kanyang pagtugtog ang involve hindi nga siya mapigilan ng kanyang ina tapos si Marco ay parang hinawakan pa siya sa leeg. Pagdating nila sa bar ay nagulat si Alvin nang makita nitong magkasama sina Marco at Jasmin. "Jasmin, umayos ka nga ayusin mo ang nguso mo baka gusto mong halikan kita sa harap ng maraming tao." nakangiting wika ni Marco kay Jasmin. "Marco kasi ang kulit mo! Hindi mo naman kailangang samahan ako dito. Hindi ako comfortable kapag nandito ka eh." nakasimangot na turan ni Jasmin kay Marco. Nainis si Marco kay Jasmin pakiramdam niya ay ikinahiya siya nito. kaya hinila niya si Jasmin at hinalikan niya sa labi. Nagulat ang dalaga sa ginawa ng binata pero wala siyang choice dahil ilang beses nga pala silang nag-se-s*x ni Marco. Nakita ni Alvin ang eksena at lumapit siya sa dalawa, inilahad niya ang kanyang kamay kay Marco. Tinanggap naman ni Marco ang kamay n'ya. Pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling magtanong sa dalawa. Hindi naman siya nagtaka kasi naikuwento na sa kanya ni Jasmin ang lahat pero mas nakagulat dahil nasaksihan niya mismo sa kanyang mga mata. "Hindi na ako magtaka kung bakit ang sweet ninyong dalawa. Masaya ako para s 'yo Jasmin." "Hi Alvin. Si Marco boyfriend ko. Kami na ni Marco." nakangiting wika n'ya kay Alvin. "Paano naging kayo? Saka alam na ba ito ng parents ninyo?" seryosong tanong ni Alvin kay Jasmin. "Alvin. I'm sorry but i think it's none of your business." Sagot ni Marco kay Alvin. "Pare. I'm sorry pero concern lang ako sa best friend ko. Ayoko siyang masaktan. Alam naman nating bawal kayong magmahalan 'di ba?" "Alvin tama na 'yan. Mag-usap tayo mamaya ayokong magkaiinitan kayo eh." "Okay, Jasmin, sinabi mo eh. Ayokong lumapit ka sa akin at umiiyak. Tandaan mo 'yan saka alam mo namang hindi ako nagkulang sa pagpaalala sa 'yo." umalis na si Alvin at naiwang nakasimangot si Marco dahil sa attitude ni Alvin. Ayaw niya kay Alvin dahil masyadong pakialamiro naghanap siya ng paraan para makausap n'ya ito. "Marco, pasensiya ka na kay Alvin ha." "Ganoon ba kayo ka-close ni Alvin? Pati personal mong buhay ay nanghimasok siya. Jasmin ayoko sa ugali ng lalaking iyon." galit na saad ni Marco, habang hinahanap ng kanyang mga mata si Alvin. "Yes, Marco. Pero mabait kasi siya. Saka best friend ko siya kaya ganoon na lang siya magsalita pero mabait si Alvin. Sana lang maging kaibigan mo rin siya. Sige dito ka muna huh aakyat na ako sa stage para mag-perform." turan ni Jasmin kay Marco. Habang nasa stage na si Jasmin, ay hindi maalis ni Marco ang kanyang mga mata kay Jasmin lalo na nang magsimula na itong kumanta. At mag gitara sobrang nagandahan siya sa boses ng dalaga, kinikilig pa siya habang pinagmasdan si Jasmin na kumakanta. Habang umiinom siya ng wine ay ang tamis ng ngiti sa kanyang labi. Nang biglang lumapit sa kanya si Alvin at nakipag-cheers ito sa kanya. "titig na titig ka pare baka matunaw si Jasmin niyan." umupo si Alvin sa tabi ni Marco. Alam mo bang mahal na mahal ko si Jasmin, Marco? Kaya ayokong may manakit sa kanya, kahit na ikaw pa iyon. At alam mo bang handa akong pumatay kapag makita ko siyang umiiyak at masaktan?" nakangiting wika ni Alvin. Nagulat siya sa sinabi ni Alvin at napalunok siya ng laway. "Anong ibig mong sabihin? Mahal mo si Jasmin more than friends?" nagkatakang tanong niya. "Oo bakit nagulat ka yata? Hindi ba sinabi ni Jasmin sa 'yo? Kung gaano ko siya kamahal?" "Alam ni Jasmin na mahal mo siya?" " Alam niya matagal ng alam ni Jasmin pero hindi niya ako sinagot dahil may iba na raw siyang mahal. Kaya sa oras na saktan mo siya agawin ko siya sa 'yo at ilalayo ko siya sa lugar na hindi mo kayang puntahan. Kaya huwag kang magkamaling paiyakin siya." Pagkasabi ni Alvin ay iniwan niya na si Marco at bumalik na siya sa counter. "Pagkatapos ng kanta ni Jasmin ay bumaba na siya sa stage, lumapit siya Kay Marco at humalik siya sa labi nito. Nagulat si Jasmin nang tumayo si Marco at nagyaya itong umuwi na sa mansion. Nagtaka si Jasmin kung bakit galit na galit ang itsura nito. "Jasmin umuwi na tayo ngayon din kung ayaw mong guluhin ko ang bar ni Alvin. "Marco, bakit anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nagagalit ng ganyan?" nagtakang tanong ni Jasmin. Hinawakan ni Marco ang kamay n'ya at hinila siya palabas ng bar. "Marco wait, lang. Magpaalam lang ako kay Alvin." "Hindi na kailangan Jasmin, dahil mula ngayon hindi na kayo puwedeng magkita. At hindi ka na puwedeng kumanta sa lugar na ito!" singhal ni Marco kay Jasmin nagtaka ang dalaga at nakita n'yang nag-aapoy na sa galit ang mukha ni Marco. "What? Hey! Marco, okay ka lang ba? Bakit ka ba nagkaganyan? Hindi puwede ang hinihingi mo." singhal ni Jasmin sa binata. "Hindi puwede? Jasmin bakit? Mahal mo ako 'di ba?" tanong ni Marco kay Jasmin. Hindi n'ya puwedeng ibigay kay Marco ang hinihingi nito dahil ang pagkanta lang ang nagbigay sa kanya ng kasiyahan at masaya siyang ginawa ang kanyang gusto. Pangarap ni Jasmin ang maging singer at si Alvin ang nag-expose sa kanya. Kaya kahit magalit pa si Marco ay ayaw n'yang sundin ang gusto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD