"Okay lang Jasmin, naintindihan kita, at nag-alala ako sa inyo ni Marco kapag malaman ng parents ninyo na may relasyon kayo alam kong paghiwalayin nila kayong dalawa. Masaktan ka lang Jasmin" "Alvin natakot ako sa puwedeng mangyari pero, mahal ko si Marco. Ayokong mawala siya sa akin. Pero kung darating ang time na paghiwalayin kami aalis ako sa bahay. Magtanan kami ni Marco. "Ang tanong kaya ka ba niyang ipaglaban? Ngayon nga na ang liit ng problema iniwan ka niya sa gitna ng dilim? Paano na kung malaking problema na ang darating Jasmin? Pag-isipan mong mabuti." saad ni Alvin. " Alam kong concern ka sa naramdaman ko pero, hindi ko kayang mawala si Marco sa akin." "Ganoon din ba ang naramdaman ni Marco sa iyo Jasmin? Mahal ka ba talaga n'ya?" "Alvin hindi ko alam, saka ko na lang is