"Jasmin sinabi mo ba kay Marco na pupunta ka sa Canada? Okay na ba ang mga papers mo?" tanong ni Alvin kay Jasmin. "Alvin, hindi na kailangang sabihin ko sa kanya. Saka alam na nina mommy at daddy, nag-uusap na kami sa phone. Ang sabi ko sandali lang ako doon, pero ang plano ko ayokong bumalik pa rito mamatay ako sa sakit sa puso. Kapag araw-araw kong makikita ang Marco na iyon. Lalo na ngayon magkasama sila sa isang kuwarto ni Angela. Mga hayop gustong-gusto ni Marco na saktan ako gustong-gusto niya akong paiyakin, pero hindi na ako iiyak Alvin. Kailangang magkahiwalay ang landas naming dalawa para naman hindi kami magkakasakitan pa. Saka mula nang bumalik ako hindi na kami nagkaroon ng oras para magkausap ng maayos nakadikit kasi si Angela sa kanya. "Kung ganoon mahal mo pa siya? Ba