"At ikaw! Anong karapatan mong sabihin sa akin ang mga salitang binitawan mo ngayon lang?! Sinong nagbigay ng karapatan sa 'yo na saktan ako ng ganito? Binigyan ka ba ng karapatan ni Marco para manghimasok sa buhay namin? Wala kang alam at ikaw ang sampid! Almost twenty year na akong nakatira dito! At ikaw ilang araw ka pa dito pero kung umasta ka akala mo ay asawa mo na si Marco! May hiya ka pa ba sa katawan mo! O sadyang makapal lang talaga ang mukha mo!" galit na singhal ni Jasmin kay Angela. Pinigilan ni Marco si Angela na huwag nang magsalita pero ayaw nitong makinig sa kanya. "Oo tama ka, sampid lang ako! At ikaw anong itawag ko sa 'yo?" tanong ni Angela kay Jasmin. Sa galit ni Jasmin ay kinuha niya ang wine sa mesa at binuhos niya sa ulo ni Angela. Na-shock si Angela lalo na si