"Marco, puwede bang disiplinahin mo ang bunganga ng kapatid mo?! Baka hindi ako makapagpigil patulan ko pa 'yan!" singhal ni Angela pero tinawanan lang siya ni Jasmin. Na parang walang pakialam. "Correction, hindi kami magkapatid! Kaya tumigil ka! At ikaw Marco kung may sabihin ka sabihin muna kasi inaantok na ako. Gaano ba kaimportante ba iyan? Kung hindi kayo natulog siguro importante ang sabihin mo kasi hinihintay ninyo ako." "Saan ka galing? tanong ni Marco kay Jasmin. "Kay Alvin kuya bakit may problema ka?": "Anong ginawa ninyo ni Alvin? Bakit ngayon ka lang umuwi?" nag-umpisa nang nagalit si Marco dahil alam niyang inaasar siya ni Jasmin. "Ang ginagawa ninyo ni Angela kagabi Marco ay ginagawa din namin. Saka syempre isang halos isang buwan akong nawala, kaya nag bonding kami