"Jasmin saan ka ngayon? Ayaw mo bang kumanta?" nag-alalang tanong ni Alvin Hindi na kasi nagpakita sa kanya si Jasmin. "Alvin pass muna ako. may konting problema lang tawagan na lang kita kung okay na ako" mahinahong sagot ni Jasmin. "Jasmin nasaan ka ngayon? puntahan kita." "Alvin, huwag na. Sige Alvin bye." walang magawa si Alvin ganoon pa rin si Jasmin kapag masama ang loob ay nagtatago sa lahat. Buntong hininga na lang ang magagawa ni Alvin. Nasa kanilang resthouse si Jasmin. Wala siyang planong umuwi sa kanila hangga't hindi pa lumayas si Angela, nasasaktan siya sa katotohanang planado pala ni Marco ang lahat, para paghigantihan sila ng kanyang mommy. Nakahiga si Jasmin sa tabi ng dagat. Dito siya madalas kapag may dinadala siyang problema. Kahit abutin pa siya ng ilang buwan sy