Dinala ni Marco si Jasmin sa kuwarto nito. Pinahiga niya ito sak kama at tinanggal niya ang sapatos at mga jewelry sa katawan nito. Pagkatapos ay kumuha siya ng tubig at towel, para punasan si Jasmin. Habang pinupunasan niya ang dalaga ay hindi niya maiwasang hindi umiyak, nakaramdam siya ng awa at konsensiya. Ayaw niyang siya ang dahilan para masira ang kinabukasan ni Jasmin. "Marco, huwag kang malungkot, ayokong makita kitang nasasaktan. I'm sorry ha, kung ibang-iba na ako. At napakasama kong anak kay mommy, alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit nagkaganito ako Marco 'di ba?" saad ni Jasmin habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hinaplos ni Marco ang mukha ni Jasmin at pinunasan niya ang mga luha ng dalaga. "Jasmin, ako ang mas higit masasaktan kapag nakita kitang nagkaganito eh