Lumaki ang mga mata ni Danica hindi siya makapaniwalang nasa harapan ang babaeng nakakaalam sa kanyang maitim na sekreto. "Mildred ano ang pinagsasabi mo? Tapos na ang obligasyon ko sa iyo! Nabayaran na kita! Sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin? Bakit nandito ka ngayon anong kailangan mo?" natatarantang tanong ni Danica. Habang iniikot ang mga mata niya sa paligid. "Danica, natakot ka ba? Huwag kang mag-aalala hindi naman kita ilaglag eh, basta sundin mo lang ang lahat na mga sinasabi ko sa iyo." nakangiting turan ni Mildred kay Danica. "Umalis ka na sa harapan ko Mildred at huwag na huwag ka nang magpakita pa sa akin kahit kailan!" galit na singhal ni Danica kay Mildred. "Ang gaspang naman ng pakikitungo mo sa akin Danica, ang akala ko pa naman ay na-m