// goals #5 //

1141 Words
STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #5// PUPUNGAS-pungas pa si Zoe na nakasandal sa elevator pababa ng dorm niya. Mukhang lahat naman ng estudyante ay napagod sa acquaintance party na naganap noong nakaraang gabi. Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang pumasok ngayong araw na 'to. Habang ang iba ay mahimbing pa ang tulog, bakit siya pinapatawag nang sobrang aga? Paglabas niya ng elevator, nagulat pa siya na walang sumalubong sa kaniya. Maliwanag na sa labas at pumapasok na ang sinag ng araw sa mga salamin. Sumandal siya sa at nagpabilad sa araw ng kaunti para naman medyo mahimasmasan naman siya kahit papaano. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na din si Jet. "Good morning," bati ni Zoe. Tinanguan lamang siya ni Jet. "You okay?" Umiling ang isa at minasahe ang ulo. In-adjust nito ang suot na shades bago sumagot, "Hangover." "Aish," pagtawa ni Zoe at napangisi. "Let's go?" Hindi na ito sumagot sa kaniya at nagsimula na lang maglakad. Sumabay na lang siya sa paglalakad nito palabas ng glass doors. Para silang nasa ghost town dahil iilan lang ang mga estudyanteng nasa labas. Malinis sa campus nila. Para nga itong mga unibersidad sa London at U.S. na kumpleto sa loob. "Where were you last night?" tanong niya dito. "Where were you?" masungit na tugon sa kaniya ng kasama. "I was just there last night." Jet snorts and that makes her eyebrows knit together. "What are you talking about?" "You weren't there, Zoe," sagot nito at humikab. "I don't know where you went off with Francia." "I was gone for just, like, two minutes!" paghagod niya sa buhok niya na natatawa. Wala naman kasi talaga silang pinuntahan ni Ross kagabi. Sobrang saglit niya lang nawala. Umiling na lamang si Jet sa kaniya. He is not in the mood for arguing. Mabuti na lang talaga ay dumating na sila sa Main Building kung nasaan ang mga opisina. Hindi na sila nagsalita hanggang sa opisina ng presidente. Pinapasok na agad sila ng sekretarya nito at bumungad na sa kanilang ang isang lalaking nakaupo sa likod ng metal na lamesa nito. "Good morning, sir...?" panimula ni Zoe. "Sit down," utos nito sa kanilang dalawa. Nagkatinginan muna sila ni Jet bago pumunta sa kaniyang upuan sa harap ng president. Tiniklop na nito ang binabasang dyaryo at humarap sa kanila. Di hamak na mas bata ito kay Panot pero halata namang pinapakulayan nito ang buhok upang matago ang mga puti. Nonetheless, Zoe is sure he is younger. "Shades off," sabi nit okay Jet. "Sorry, sir," mabilis na sabi ni Jet at hinubad ito. "De Costa. You can call me Mr. De Costa." "Yes, sir," sagot nilang dalawa. Mga tatlong segundo silang nakipagtitigan dito at sa totoo lang ay para nang sasabog ang puso ni Zoe sa kaba. Hindi niya alam kung bakit, kung dati si Panot sinusungit-sungitan niya lang pero kasi iba 'yung ngayon. Puro anggulo ang mukha ng kanilang kaharap at kita sa medyo singkit na mga mata nito na may pagka-masungit naman talaga ito. "You must be wondering why I called you so early in the morning. Well, let's not beat around the bush and get talking. What the hell happened last night?" ngumiti ito pero halata sa tono ng boses na hindi ito natutuwa sa nangyari. Napatungo lang silang dalawa ni Jet habang tumatanggap ng sermon. "Jet, you got yourself drunk! And Zoe, you disappeared into the night with Francia! Tingin niyo ba nakakatulong para sa inyong dalawa ito?!" huminga ng malalim ang nakakatanda. "Alam ko na hindi dapat ako nakikialam sa nangyayari but you are putting everyone else in jeopardy here. Gusto niyo rin bang maipasara ang Goldencrest? Let's work together." Again, Zoe is hating everything that is happening. Pero pumayag na din kasi siya kaya wala na siyang choice kundi tanggapin ang lahat. May inilapag na papel si Mr. De Costa sa harap nila. "As much as I want to put you two inside your own house, I'm not allowed to do that. At least not yet. But for now, I hope this will help the two of you." Tag-isa sila ng papel ni Jet. Unang pahina pa lang ay alam na ni Zoe kung ano iyon, sa dami ba naman ng ganoon na nakukuha niya kada taon. She's sure Jet knows about it too. "You two will be the new faces of the clothing line Freedom here in Asia. Your mom made the connections of course, Zoe. It's surprising how fast she can act on this." Like, she's just really waiting for me to do something stupid? Umiling na lang si Zoe sa kaniyang sariling isip at ini-scan ang mga papel. Dalawang commercial, isang mahabang photoshoot, isang promotional meet and greet. s**t na lang ang nasabi niya sa utak niya. Ang Dami. "You may call it whatever you like but it's just really one thing. A punishment. A tedious one at that. And Jet?" Napansin niya ang pag-angat ng ulo nito mula sa gilid niya. "I'm appointing you as captain of the basketball team." Napa-angat din ang ulo ni Zoe at mabilis na napatingin kay Jet na mukhang biglaang nagising sa bagong balita. "T-thank you, sir," nahihiya pa nitong tugon bago nagtago sa likod ng papel upang itago ang namumulang mukha. "That's all, you may both leave," sabi ng matanda at binuklat na muli ang dyaryo na binabasa kanina. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox JET hears Zoe's sigh behind him. Mabilis itong kumulabit sa braso niya. "Way to go, captain." He is now too happy to be pissed off at her and for what happened last night. He can just simply forget it. Naiinis siya sa sarili niya na hinayaan niya lang si Zoe na ganunin siya. Pero manhid naman ito. Ano nga bang pakialam ni Zoe sa feelings niya? Friends lang naman sila? Tapos ngayon, tinititigan pa siya ng mga bilog na mata nito na parang sobrang inosente lang. Just how is he supposed to resist her? Sinuko na niya ang galit dito at ginulo ang buhok nito. Madami pa sila nitong kailangan gawin. Madali na lang siyang makakabawi para sa nawalang oras sa kanilang dalawa. "Thanks," pag-akbay niya dito. Hinayaan naman siya nito. "Let's have breakfast, yes? My treat." "Aba dapat lang," pagtawa ni Zoe. It sounds like wind chimes. "Waffles?" "May nagbago ba?" Napatigil siya sa paglalakad at hinigit niya pabalik si Zoe sa ilalim ng braso niya. May nagbago ba? Madami. Jet smirks for the first time in days. But that doesn't change the fact that she's still my girlfriend. Napataas lang ang kilay ni Zoe. She is so clueless about what's going on his mind that Jet almost laughs. He was too busy being miserable over the past days that he actually forgot that Zoe is his girlfriend. His girlfriend. Mine. It's about damn time I make her act like she really is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD