// goals #6 //

1188 Words
STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #6// DAMN, Zoe, nalang ang naisip ni Jet nang makitang nakaupo si Zoe sa harap ng salamin. May dalawang babaeng nag-aayos dito para sa photoshoot nila. Tanghaling tapat ngayon at hinihintay na lang niyang matapos ang babae para makapagsimula na sila. "How come you look so fine as hell?" bulong niya dito nang mapunta na ito sa mga braso niya. "What are you talking about?" pagtawa ni Zoe. Naka-pose na sila sa kung anong setup ito na hindi maintindihan ni Jet. Ni hindi niya nga alam kung nasaan sila dahil tulog siya buong byahe. Pero nasa tabing dagat sila; may hagdanan kung saan pwedeng kang pumunta sa beach na walang katao-tao. Napakalakas kasi ng alon kaya walang sumusubok na mag-swimming. Hindi nakatingin si Zoe sa kaniya kundi sa camera. But she is all he sees. She looks really beautiful today. Konti lang kasi ang makeup na inilagay sa mukha nito kaya naman lumilitaw pa din ang tunay na ganda ni Zoe. "I don't don't know," sagot na lang niya. Just act natural, ang sabi ng photographer nila kanina. Binalaan pa sila na medyo fierce ang dapat na dating nilang dalawa. Bawal ngumiti but enough to bring out emotion and intensity. Madami nang gustong kumukha kay Jet dati na modeling companies pero ang lahat ng iyon ay tinaggihan niya dahil ayaw niyang masira ang pag-training niya. Nakahawak lang siya sa bewang ni Zoe habang nakasandal sa kung anong bato ba ito. Naka-casual attire lang sila pero napaka-random naman talaga palagi ng mga photoshoot na hindi laging umaayon ang damit sa setting. Finally, Zoe looks at him and he can't stop himself from smiling. The photographer can delete that picture if he catches it. Dahil nga't fierce medyo madiin din ang tingin sa kaniya ni Zoe. Man, how he misses Zoe's intense glares. Nakahawak ang isang kamay ni Zoe sa balikat niya at... at... Jet can't finish his thoughts. Zoe is just really mesmerizing. No wonder... "Okay, next set!" sigaw ng photographer. "Balik muna kayo sa tent." "Wooh! Init!" sabi ni Zoe habang nakaupo sa reclining chair. Robe na lang ang suot nito matapos hubarin ang kaninang suot na damit. Ilang tao pa ang kasama nila sa loob ng tent na nag-aayos ng mga nakasampay na damit. "Come here," sabi niya. "Where?" takang tanong ni Zoe mula sa katabing upuan. Ngumisi lamang si Jet bago hinatak si Zoe hanggang sa makaupo ito sa pangkandong niya. "What are you doing?" pagsiko sa kaniya ni Zoe na natatawa. "Nothing. There's nothing wrong with a little romance at work," he says and puts Zoe's hair behind an ear. Nangiti lamang ito sa kaniya at hindi na tinuon ang pansin sa hawak nitong cellphone. "Aren't you tired?" tanong niya sa buhok nito. Biglang nalaglag ang mga braso nito. "I am." "Then you should sleep." "Let me go back to my chair first." "No," he says and whispers, "this will be a good show." "Never waste a good opportunity, aye?" pagtawa ni Zoe at hindi inaasahan ni Jet ay sumandal na ito sa kaniyang dibdib. "Wake me up when it's time, okay?" He can't breathe. "Yeah," he chokes out. Having Zoe this close... it's just too much for his brain to handle. Finally, he takes a deep breath, his nose filling with Zoe's shampoo. Strawberries. He missed it. Ngayon niya na lang din nahawakan ng ganito si Zoe, so he doesn't waste the opportunity to snap a picture of her and post it Facetwigram. Miss seeing you this close. Glad to have you back in my arms. (violet emoji) P.S. Freckles look good on you babe Jet sighs contently as he let his head drop on top of Zoe's head. Akalain mon g**g nauto niya si Zoe sa gano'n? Pero kailan ba sila dadating sa punto na hindi na niya kailangang bolahin ito para pumunta sa kaniya? xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox "STOP," sabi ni Ross. Napasandal si Zoe sa railing ng hagdan. Pangilang palapag na ito at biglaan lang silang tumigil. "Okay, am I supposed see something?" tanong niya habang nililibot ang mga mata sa fire exit. "No," pagtawa ni Ross at naupo sa landing ng staircase. "There's nothing special here." Napa-pout naman siya. "Apart from you, of course," pahabol ni Ross. Inirapan lamang ito ni Zoe. Hindi niya alam kung kailan ba matatapos ito sa mga biro. Inayos niya muna ang suot na pulang damit para hindi ito malukot kapag upo niya sa tabi ni Ross. "Why did you take me here?" "I want to talk to you." Napaiwas na si Zoe ng tingin. Ito na 'yung gusto niyang iwasan eh. But she knows it's inevitable. Still, she tried to avoid it. "What about?" "Hmmm nothing much," sagot ng isa sa kaniya. Lumipas ang dalawang segundong katahimikan bago ito naglabas ng isang tawa. "Honestly, I don't know why I took you here. Seems to me I can't have you alone whenever I want." Napatungo na lang siya. She was so tempted to tell Ross the truth behind her relationship with Jet. Pero alam niyang hindi naman iyon makakabuti para sa kaniya at mas lalo lamang tatagal. Wala na lang siyang sinabi. "I miss you, Zoe," Ross says. Instead of saying she misses him also, she just smiled at him, praying that he get what it meant. Ross smiled back although he looked a bit sad. Tumayo na ito at in-offer ang kamay kay Zoe. "Come on, before they realize you are gone." Bumalik na sila sa party at yayain na sanang umuwi si Jet dahil pagod na siya ngunit hindi naman niya ito nakita. Naka-ilang ikot siya at in the end, hinatid na lang siya ni Ross sa tapat ng dorm nila bago ito bumalik sa party. Nanalangin na lang siya na walang nakakita sa kanila. That's what she remembers now that she's lying down on the soft bed of the hotel. She's dead tired. Naka-ilang set na din sila pero hindi pa sila tapos. May second round pa daw ng photoshoot next month. Sa sobrang pagod niya hindi na siya nagreklamo na pinagsama sila ni Jet sa iisang kwarto. Dalawa naman ang kama kaya wala siyang problema. Bukas ang balik nila sa Goldencrest. "Jet?" pagtawag niya sa kasama. Narinig niya kasing nahiga na ito. Nakapikit na ang mata niya dahil antok na antok na siya. "Yeah?" "Can you lend me your jacket? It's too cold here." Totoo naman. She's freezing. Para sa taong nakapangibang bansa na napakalamigin niya pa din. Pinahinaan na nga niya ang aircon pero nahihiya siya kay Jet dahil baka mainitan naman ito. Naramdaman niyang pumatong ang jacket sa kaniya sa ibabaw ng kumot. "Here." Bumangon siya panandalian para lamang isuot ito at mabilis na nagtago ulit sa ilalim ng kumot. "Thanks. Good night." "And you sleep tight," sabi ni Jet. She barely hears it because her sleep is dragging her but it doesn't stop her thoughts. The jacket smells of Jet, like soap and that boyish scent it has. Before her mind slips into nothingness, she won't remember that it wishes that it is Jet's arms surrounding her than that soft cotton cloth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD