// goals #4 //

1821 Words
STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #4// "WHERE are we going?" pagtawa ni Zoe habang naglalakad sa madilim na kalsada. The California sun had long set. Dapat sa mga ganitong panahon natatakot na siya pero ewan niya ba kung bakit hindi niya maramdaman 'yung ganoon feeling ngayong kasama niya si Ross. Malay niya ba kung isang serial killer pala 'tong lalaking 'to at dito na siya papatayin? Pero hindi eh. Something in his smile just told her he is not that kind of guy. Naglalakad patalikod ang lalaki at hindi man niya maaninag nang maayos ang mukha nito, alam niyang may isang malaking ngiti ito sa mga labi. "I told you, it's a place for the bored people." "Will I like it there?" "Hmmm..." pag-iisip ng lalaki. "I hope you would." She didn't realize just how much she wanted him to take her hand and ran away to get to that place. But there was no need for that, for when they turned the next corner, she saw the pink and blue neon sign on the windows and the huge "SANCTUM" above the glass door. May ilang taong naninigarilyo sa labas, mukhang mga kaedaran lang nila. "Is it safe there?" nag-aalala niyang tanong. "Do I look like the kind of person that would get you in trouble?" pagtaas ng kilay ng lalaki. Umiling siya dito. Finally, he reached for her elbow, guiding her as she entered the place that became the answer for her poor lonely soul. "What are you thinking about?" Napatingin siya sa lalaking katabi at napangiti. Kani-kanina, namatay na ang mga ilaw sa buong ballroom para magkaroon ng party-s***h-rave aura sa loob at may DJ na nakapuwesto sa ibabaw ng stage at may malaking kumpol ng mga estudyante ang nasa gitna ng marmol na sahig ang nagtatatalon at sumasayaw. Umiling siya dito. "Nothing, really." Tinaasan siya ng mga kilay ni Ross. Sa pagsasama nila sa California alam niya sa sarili niyang hinayaan niyang makilala siya ni Ross higit sa dapat at kagustuhan niya. But getting to know him too as an exchange was worth it. She smiles and gives up to his inquisitive eyes. "I just remembered the first night we were together." Sa kabila ng kadiliman ng lugar, maliwanag sa kaniya ang pagngiti ni Ross. "Wanna go somewhere?" Hindi niya mapigilang hindi ma-excite. Parati na lang ganyan ang tanong sa kaniya ni Ross. Tuwing nab-bored siya sa buhay niya, parang magic na biglang tatawag ito o hindi naman kaya ay magt-text at kung saan na naman sila madadala ng kanilang mga paa. Ross jumps from his seat and offers his hand to her. She smiles before taking it. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox "OH, nandito ka lang pala eh," narinig niyang sigaw ng kaibigan sa tainga niya. Hindi na niya ginawang tumugon dito. "Where's the queen?" Para nang nags-swimming ang sarili niyang utak sa lahat ng nainom niya. He knows too well that he is not supposed to be drinking. Lalo na't nasa loob pa din sila ng unibersidad. Pero sana naman kasi hindi na nag-offer ng alcoholic drinks. Bakit ba nandito 'yun kung wala namang iinom? Sinalinan niyang muli ang kaniyang shot glass. Mayroon na siyang sariling bote dahil sinukuaan na niya ang paghingi nang paghingi sa bartender ng inumin. Kahit papaano ay may natitira pa naman siyang hiya sa sarili niya. "What's happening to you, man?" rinig niya ang pag-aalala ng kaibigan at nginitian ito. "Xavier," pagtawa niya dito. "It's Xander, brother," pag-irap nito sa kaniya. "Kailan ka pa nalito?" Natawa lang siya lalo. "Alam kong ikaw si Xander, baliw! Ang hinahanap ko si Xavier. Asan na 'yung mokong na 'yun?" tinaas niya pang lalo ang ulo ngunit nasilaw lamang siya sa patay-sinding strobe lights. "Never mind. Just... iuwi niyo ko, oks?" "Tsk tsk," pag-iling pa lalo ng kaibigan. "Ano ba nangyayari sa'yo? Asan si Zoe? Tara na, isasabay ko na 'yun." "Go look for her. She's just somewhere there," pagtawa niya. Hindi niya alam kung ano bang nakakatawa pero pinupwersa siya ng katawan niya na maglabas ng mga tawa. "Find Ross. You will find Zoe." Kumunot ang noo ng kaibigan bago siya iniwanan. Nag-sigh siya bago tumungo sa granite na counter. Naglalabo na ang paningin niya at alam niyang kaunti na lang ay bibigay na ang mga talukap ng kaniyang mga mata kaya siya na ang kusang nagsara nito. Ibinalik siya ng kaniyang utak noong araw na muli silang nagkita ni Zoe sa Westerhaven, sa opisina ni Mr. Gutierrez. Kakagaling niya lang sa training noong mga panahon na iyon at mainit ang kaniyang ulo dahil halos magpatayan na ang mga player nilang dalawa ni Owy. Napasugod kasi ang isa niyang player sa nang malaman ang umiikot na isyu tungkol sa team ng Pryston. Kesyo may nagbenta daw ng laro kaya natalo sila noong finals. Pero kahit mismong si Jet ay muntik nang hindi makapagpigil nang madawit ang pangalan ni Zoe. Noong araw lang din na 'yun, nalaman niya na may kinikita pala itong lalaki. Bagong player ng UBGP. Si Ross Francia, ang anak ng head coach ng Northcliff na kung sinong tumalo sa kanila noong finals. Napangisi si Jet. Does Zoe even remember that fact? It just breaks his heart even more. So then, nalaman niya kung anong sabi-sabi tungkol kay Zoe. Matagal na daw magkakilala si Ross at Zoe at naging girlfriend lamang niya para maging espiya ng Pryston. He almost punched someone from the stupidity of the idea. Kung sinomang tanga nag-isip no'n mabubugbog talaga ni Jet. But it was too much to handle anymore. Masyado nang maraming nakakaalam ngayon kaya naman hindi na siya nagtaka kung bakit siya biglaang pinatawag ni Mr. Gutierrez. Naikwento na sa kaniya nito ang mga gustong mangyari ng nanay ni Zoe—na gusto nitong patunayan na wala naman talagang ginagawang ganoon si Zoe kaya kailangang ipakita na maayos sila ni Jet. Sponsorship ang ibibigay ng mama ni Zoe sa kanila. Naging ka-close daw nito ang isang executive ng isang kilalang sports brand gawa ng trabaho nito bilang isang editor-in-chief ng isang magazine sa South Korea. It's hard to decline the offer. Bagong school sila sa UBGP at nangangailangan ng bigating sponsor para sa kanilang mga supplies at equipment. He is sure Owy and their coaches are worrying about the same thing. Kung wala silang sponsor, hindi sila makakapaglaro. Kakaayos niya pa lang sa pagkakaupo nang pumasok si Zoe sa kwarto. Tila natunaw lahat ng pagod niya at automatic na napangiti siya. Ngumiti din naman ito sa kaniya. Medyo nagulat pa nga siya na ganoon ang pagbungad nito sa kaniya. Parang bitbit nito ang araw noong panahon na iyon. He remembered her well. Halos lahat ng kalokohan at kaguguhan na pinagsasabi niya dito bumalik sa kaniya. Saglit lamang ito, sapagkat napagtanto niya na halos ibang babae pala ang kaharap niya. Wala na 'yung matatalas na mga mata na akala mo eh mahihiwa ka tuwing titignan ka. Zoe had gone soft. Hanggang dumating na 'yung usapan kay Ross. May ilang picture ang dalawa sa Facetwigram account ng basketbolista. Hindi pa man ito tuluyang nagiging isyu sa media, may ilan-ilan na silang naririnig. Katulad na lamang ni White Horse noong mga panahong iyon. Tila stalker kasi ni Zoe. rebeldengunibersidad.anonymous.blogspot Author: "White Horse" Followers: 10.1k Posts: 132 RE: Ms. Smart Sexy and her new boyfriend?!! Woah! Just woah, people! May bagong boyfriend na nga ba si Zoe? We don't know that for sure but check here: (attached link) O baka naman sadyang malisyosa lang talaga ako at iniisip na may something sa kanila? Wala naman na kasi tayong makuhang sweetness kay Jet at Zoe simula nang magbakasyon si Zoe sa California. Ano na, break na ba sila? Hahahaha. Pero in fairness ah, may taste talaga si Zoe—parehas kami. Hahahaha. Biro lang. Napakapogi talaga ni Ross Francia. Lalo na noong nakita ko siya. LEGIT ang pagka-cute. Napakabait pa. Buti na lang talaga at mas madalas na nating masisilayan ang mukha niya dahil maglalaro na siya for Northcliff after a year of residency there! Guess who's not going to miss a game next season? (insert raised hand emoji) Sino gusto free tickets soon? Haha Relay niyo ito at baka magpa-raffle ako kapag nag-start na ang season. See you there! 35.9k Hearts. 30.2k Relays. 12k Comments. It didn't help Jet nang aminin ni Zoe na nagkikita nga sila ni Ross. Noong una, sa tingin niya ay mas malala ang sitwasyon nila noong huling naging sila, pero nang marinig niya kung gaano kakomplikado ang sitwasyon nila, parang mas malala pa ito. In the end, lumabas sila nang opisina na sila nang dalawa. The irony. And that "Let's be friends" conversation and he knew just how much he is going to break himself. "Pero hindi naman siya gusto ni Ross eh," sabi niya sa sarili niya. "Bakit pa siya pumupunta do'n?" "P're, malala ka na," rinig niyang sabi sa gilid niya. This time for sure, he knows it is the twin he needs. "Xavier!" sabi niya dito at niyakap ang kaibigan. "I missed you, man." "Oo na, oo na," pagtapik nito sa kaniyang likod. "Tara na uuwi na tayo." "Did you find my girlfriend?" natatawa niyang tanong habang inaakay siya ng kaibigan palabas ng ballroom. "Zoe? No. We didn't see her. We'll call her when we get to the car, okay?" "Alright," pagtawa niya habang paulit-ulit niyang pinipindot ang nakailaw nang button ng elevator. Ang tagal naman, ts. Bumukas din ito sa wakas at pinindot ni Xavier ang G. Ang lakas ng trip ni Jet at tumatawang niyang pinindot ang iba pang button. Natutuwa siyang makita ang mga itong umiilaw. Nagsimula pa siyang sumayaw sa tono ng elevator song. Sa tainga niya parang Uptown Funk ito ni Bruno Mars. "Aish," sabi ni Xavier. Buti na lang at high-tech ang mga elevator at puwede niyang tanggalin sa pagkakapindot. Mahigpit siyang hinawakan ni Xavier sa braso upang matigil siya sa kakasayaw bago bumukas ang pintuan ng elevator. Madami pang tao sa lobby ng building at alam niyang pasasalamatan niya ang kaibigan kinabukasan na hindi siya hinayaang ihiya ang kaniyang sarili. Hahahahahahaha! Sabi niya sa utak niya. Napailing na lang siya at kinawayan pa ang ibang babaeng susunod na sasakay sa kanila. "Zoe, man," sabi niya nang nakahiga na siya sa backseat ng kotse. "I need her." "She's fine," tugon nito sa kaniya at nagsimula nang mag-drive. "Ross won't do anything to her." He smirks although he feels so cracked inside. The f**k. Lahat na lang ba ng tao sa side ni Ross pupunta? ****ina naman talaga, oo. He is constantly worrying about Zoe kahit na nakahiga na siya sa kama niya. Pero masyado nang sabaw ang utak niya para lumabas at hanapin ito. He puts a pillow above his head. If Ross is that really great just how everyone likes him, then maybe Zoe is really safe. Maybe Zoe is really being taken care of. He doesn't have to worry. Even though he should... He. Can't. Stop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD