// goals #3 //

2025 Words
STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #3// rebeldengunibersidad.anonymous.blogspot Author: "White Horse" Followers: 14.7k Posts: 158 RE: THE KING OF KINGS AND THE QUEEN OF QUEENS Like I said in my last post, Goldencrest is not so bad. Although I still wish I'm back in Westerhaven which has been my home for, like, what, forever? Anyway, it has been lively during the first week and each of us is looking forward towards the surprise acquaintance party on the weekend. Nasa pugad na naman ako ng kadramahan. Nagdilang-anghel yata ko bumalik na nga si Zoe Armamento sa presensiya naming mga Aristocrats. And she came back as the Queen of Queens. Pero... Ako lang ba nakakapansin o mukhang hindi talaga sila okay ni Jet ngayon? Kung kailan naman sila nagkasama sa iisang lugar tsaka naman sila less PDA? Gano'n? Maghiwalay na lang kaya ulit sila ng school? HAHAHAHAHAHA. Biro lang. Let's get down to business. Alam ko namang wala dapat nakikialam sa relasyon nilang dalawa pero... kaya nga anonymous blogspot para makapag-voice out kaming mga pakialamera. Hehehe. Jk. We are all aware of that rumor na nagkahiwalay nga ang star couple nang pumunta ng California si Zoe. Pero bakit sila na naman ngayon? Nako ha... hmmm... ayoko magsalita pero—well, maybe they just found their way back to each other, 'di ba? I'll end this here, my queens and kings at naghahanda pa ko para sa acquaintance party. HAHA. I'll see you there. Posted 2 hours ago. 4.5k Hearts. 1.2k Relays. 568 Comments. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox "ARE you done yet?" inip na tanong na ni Jet. Nasa loob kasi sila ng kotse at si Zoe ay busy pa sa paglalagay ng kung ano sa mga pilikmata nito. Kakatapos niya lang basahin ang post ni "White Horse" kay Zoe. Hindi lingid sa kaalaman nila kung gaano kalakas ang impluwensya ng anonymous blogger sa mga taga-sunod nito. Kaya kailangan nilang mag-ingat. "Tsk." "Just hold on for a sec," sabi nito at tinakpan na ang bote ng kung ano bago isinilid ang manipis na bagay sa loob ng bag. Alam niyang matatapos na ito kaya lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ito ng pintuan. "Thanks." Automatic naman itong kumulabit sa kaniya pero inilipat niya ang braso niya sa bewang nito kung sakali mang matapilok ito ay masasalo niya kaagad. Ang taas ba naman kasi ng takong ng sapatos na suot nito. As always, Zoe's little body doesn't fail to amaze him. Akalain ba naman niyang sumakto ang binili niyang damit para dito mula sa huli nilang labas? Zoe looks gorgeous. She kills in it. Doesn't she always? Napangiti siya sa bulong ng isip niya. Oo nga naman. "Look here," sabi ng official photographer ng school nila. Alam niyang paglampas nila dito ay sari-saring tao na ang kukuha ng litrato sa kanilang dalawa na magc-cover ng event. May red carpet bago makapasok sa ballroom. He pulls Zoe closer to him as the flashes blinds them both. Buti na lang at hindi naisipan ng school na maglagay ng reporters dahil ayaw na ayaw pa naman ni Jet tuwing nai-interview siya. "Listen," sabi niya kay Zoe habang naglalakad sa isang mahabang hallway na magdadala sa kanila sa ballroom. "You already know what people thinks of us—" "I know, I'd be more cooperative," pagngiti pataas ni Zoe sa kaniya. "I promise." Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang napalunok. Isa pang ayaw niya? Tuwing naka-make up si Zoe. Zoe is beautiful without a doubt. She looks beautiful-er when she doesn't have make up. Pero kapag mayroon... Jet just finds her so seductive. Those dark lines shaping her eyes and long lashes are not helping. And neither does her red red lips. He pushes her towards the curtain of black silk and they entered the ballroom. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox Dalawang linggo nang pagbabakasyon ni Zoe sa California ay pakiramdam niya tinutunaw na siya ng araw sa kama niya. Wala naman kasi siyang kaibigan dito na mayayaya para lumabas. She sighs. Just how much she wants to go back to Philippines. Halos nabisita na niya lahat ng tourist spot doon at konting-konti na lang ay aalis na siya papuntang Las Vegas sa sobrang pagka-bored. Pero hindi siya pwedeng lumabas. Hindi ngayon. Pero mas lalong hindi na niya kaya kaya naman nagbihis siya at palihim na lumabas ng mala-mansion na bahay ng daddy niya. Wala siyang mapupuntahan. She doesn't even know how to drive. But she's dying to get out of the house for some fresh air. Tahimik lang sa neighborhood kung saan nakatira ang daddy niya kaya wala siyang problema kung abutin man siya ng gabi pwera lang sa sermon na sasalubong sa kaniya. It was about past nine when she is finally done with her "walk". Walang sermon na bumungad sa kaniya. Kaya naman inulit niya ang paglabas. Ilang beses din. Isang gabi na mag-crave siya para sa Choco Vanilla ay nakilala niya si Ross Francia. Kasunod niya ito sa linya sa coffee shop. Nakita niya kung gaano ito ka-cute at kung gaano ka-boyish ang mukha nito. Pero pagod siya mula sa paglalakad kaya naman wala siyang pansinin ito dahil malamang ay haggard din siya. Kung magkita man silang muli, doon na lang siya magpapa-cute. Ts, pag-irap ni Zoe sa sarili pero hindi din mapigilang mapangiti para sa sariling mga kagaguhan sa utak niya. "Hey, Mike," sabi ng malalim na boses sa gilid niya sa barista. "How about I pay for this girl's drink?" Napatingin si Zoe sa tabi niya at nakitang nakangiti sa kaniya ang lalaking matangkad. Tila nakakahawa ang pagngiti nito kaya napangiti din si Zoe. He has such bright eyes. Bilugan ang mga ito at perpekto ang mga ipin nito na naglalabas ng mga perpektong ngiti. Isama pa ang mapupula nitong mga labi na kitang-kita sa maputi nitong mukha. Ang kapal ng mukha ni Zoe kung tumanggi siya nang magyaya itong maupo. Plus, she's dying for someone to talk to. She hasn't spoken to a soul ever since she went to California aside from her dad's housemaid. "Zoe, isn't it?" tanong ng lalaki sa kaniya at napakunot ang kaniyang noo. "I've heard about you." "Hmmm," nagtatantiya niyang sabi. "Good things or bad things?" Ngumiti ang lalaki sa kaniya. "A little bit of both." Tumaas lamang ang kilay niya. Nakaramdam siya ng kaunting takot dahil hindi naman niyang aabot ang kasikatan niya sa kabilang banda ng mundo. "Nah," pagtawa ng lalaki. "I'm actually from Northcliff. You don't have to look so nervous." Napangiti na lang siya. At least hindi na niya kailangang ipakilala ang kaniyang sarili. "What brings you here?" "Me? Vacay. You?" "Same," pagsagot niya dito. Hinihintay niyang mabawasan ang init ng kaniyang inumin para magalaw na niya ito. "Why are you looking at me like that?" pagtawa niya sapagkat para na siyang natutunaw na kandila sa pagtitig ng lalaki. It was not that she mind, it was that she could feel her stomach twisting to knots to be stared at by those beautiful eyes. "It's the first time I've seen you up close. You're really pretty." Ramdam ni Zoe ang sinseridad sa tono ng pananalita ng lalaki kaya tinanggap niya ang papuri nito sa kaniya. "No wonder." "No wonder what?" The left corner of the guy's lips quirked apologetically upwards. "I don't think it's something you want to talk about," sabi nito at tinignan siya sa ibabaw ng rim ng baso habang nainom, tila pa tinitignan ang reaskyon niya. He was talking about Jet. Zoe bowed her head and laughed. "Well... I don't know..." lang ang lumabas sa kaniyang mga labi. Iyon naman ang piniling pagkakataon ng phone niya na mag-ring. Nakapatong ito sa lamesa. Si Luis. Tinaob niya ang phone niya. "Speaking of?" panghuhula ng lalaki. Umiling si Zoe. "No. It's someone else." The guy nodded and smiled at her. "Am I allowed to keep you around?" "It depends." "On what?" "You haven't told me your name yet." "Right." Hindi akalain ni Zoe na maari palang lumawak ang ngiti ng lalaki. Seeing him smile made her feel light. She felt good inside. "I'm Russel." "Russel...?" "Ross Francia." Napakunot ang noo ni Zoe dahil pamilyar sa kaniya ang apelyido. She heard it somewhere. Napatingin siya sa lalaki at pati sa ilalim ng lamesa nila kung saan nandoon ang mahahaba nitong binti. "You play ball?" "Yes," sagot nito sa kaniya. "Is it possible that..." "Yeah, I'm my coach's son. It will be my first year on the upcoming season." "Good luck then," sabi niya ditto. Basketball. Nako. Basketball na naman. Si Jet lang naman ang tangi niyang naalala tuwing nababanggit ang salitang 'yun. Ewan niya ba. She internally sighed. Ross leaned on the table just as she was finishing her drink. "You wanna go somewhere?" "Where to?" "To where bored people like you goes." She couldn't help but to return Ross' smile. He was like the ray of sunshine on a starry night. It was weird. She didn't understand why she came with him but she knew it would feel good so she did. Sa lahat ng surpresa na pwedeng i-offer sa kanila ng Goldencrest, bakit ito pa? Bakit ganito pa? Bakit sa ganitong sitwasyon pa? Nakikita niya ang mga naglalakihang tao, mapalalaki man o babae madalas ay malaki ang katawa. Katawang ng mga atleta. Bakit nandito ang mga taga-labas? "Well, f**k," narinig niyang sabi ni Jet sa gilid niya at muntikan na siyang matawa. May dumaang lalaking may tray ng cocktait sa harapan nila at kumuha ng dalawa si Jet doon. "Here, have some. It will seem better once we're a little tipsy." She also feels the need for it so she straight up finishes her drink as does Jet. He holds her hand but she can feel him shaking. "Are you nervous?" pagtawa ni Zoe. "Don't worry. I got you, babe." Kinakabahan din naman siya dahil alam niyang nasa paligid lang si Ross. She knows she's aching to see him. Wala siyang explenasyon na ibibigay dito tungkol sa estado nila ni Jet. Wala din naman siyang dahilan para magbigay ng isa. And there he is, seating amongst his friends. Ross has always been the friendly one so it doesn't surprise her that she sees people from different schools in the circle Ross is entertaining. "Isn't it the Queen?" malaking pagngiti nito sa kaniya. She can't help but blush. "Hey, Ross." "Aren't you always beautiful?" "Aren't you always the joker?" Pareho silang natawa pero agad na napatigil nang umubo si Jet sa tabi niya. "Right," sabi ni Zoe. "This is Jet, my boyfriend. Jet, this is Ross." Nagkamay naman ang dalawa. Walang eksena na tulad ng mga nasa drama na nagsusukatan ang dalawa. Well, baka si Jet oo. But she trusts Ross isn't that kind of guy. "I'll see you on court this season, young blood," sabi ni Jet. "Likewise," sagot naman ni Ross. "So, how about a drink?" xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox WOW. Just wow. This is the first time Jet ever felt like this. Sobra siyang naninibago. Oo na, aaminin naman niya na sanay siyang nasa sentro ng atensyon ng mga tao gaano naman niya kaayawan ito. Iyon na ang kinagisnan niya. Zoe is not ignoring him. Well, not completely. However, it is Ross that is driving the flow of conversations in their little circle. He is really doomed. Noong makita nila si Ross, kusa yatang gumalaw ang mga paa ni Zoe papunta doon. Para bang wala ito sa sarili. Napaka-effortless ni Ross para lang mapapula ang mga pisngi ni Zoe. Ganoon ba talaga kalakas ang tama ng girlfriend niya sa lalaking iyon? He just realizes just how deep in hell he is. "Where are you going?" pagkapit ni Zoe sa kaniya nang tumayo siya. "I haven't seen my teammates yet. I'll go around and look for them," sabi niya dito. "Want me to come with?" "No need," pagngiti niya dito. "You can stay here." Pilit lamang ito na ngumiti sa kaniya pero dumulas ang kamay nito na nasa bisig niya. "Come back soon, okay?" Tumalikod na lang siya. Tignan mo nga naman talaga, oo. Napailing na lang siya. Sa totoo lang, nakita naman na niya ang kambal kanina. Gusto niya lang talaga mapag-isa kahit saglit. He wants to get wasted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD