Chapter Five
Medyo mataas na ang araw nang magising si Bella. Napabalikwas pa sya kaagad dahil tanghali na at walang katulong ang Manang niya sa mga gawaing bahay. Daig pa niya ang binugbog.
Handa na siyang lumabas kaya lang napatigil siya. Paano kung magkita sila ni Eon? Anong gagawin noon sa kanya? Anong sasabihin niya sa nangyari sa kanilang dalawa? It wasn’t rape. He has consent from her. She had let it happen.
Bahala na.
She fixed herself. Naligo siya ar nagbihis. Binabalewala niya ang takbo ng utak niya na hindi makalimot sa nangyari kagabi. Wala syang makapang panghihinayang. Lungkot ang meron at takot ang meron siya pero ginusto niya yun, that's why she has to face reality.
No one can blame her. No one can judge her. Lahat ng tao nagkakamali at kung meron man lang na dapat ipintas sa kanya, ay yun ang nagpadala sya sa kapusukan ni Eon. Hindi niya akalain na magagawa rin niyon ang bagay na yun kagabi, samantalang halos bumagsak nga sa sahig sa kalasingan. Could it be just so possible na hindi naman iyon ganoon kalasing pero napagkamalan lang syang asawa?
Paulit-ulit iyon ng Anica na pangalan ng asawa. Ang sakit isipin na Anica ang tingin nun sa kanya kaya hindi na siya pinakawalan.
Pagkatapos makapagsuklay ay lumabas na sya sa maid's quarter at dumiretso sa kusina.
Napatigil ang dalaga sa paghakbang nang makita niya ang isang bulto ng tao roon, mas higit pa sa pamilyar.
Bella's about to turn her back to avoid Eon's presence in the kitchen but it's too late. Tuluyan na syang nakapasok sa kusina at huli na para umatras pa. At ang ngiti na para kay Manang sana niya ay kaagad na nawala sa labi niya.
Umiinom ng green tea ang binata habang nasa counter.
She was frozen. Lumamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa binata at ito naman ay nakatitig sa kanya, blangko ang mukha, matigas as usual.
Alam kaya nito?
Wala yung imik pero hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Eon. Nailang sya nang mapansin na walang bakas ng manang doon. Nasaan ang matanda?
Napilitan syang pumihit at palabas na ulit sana nang magsalita ito.
"Ikaw ba ang nasa kwarto ko kagabi?" puno ng kapormalan ang boses ni Eon sa tanong na iyon.
Diyos ko. Baka naman sabihin nito na pinagsamantalahan niya ito.
Napapikit sya nang mariin. Hindi sya makasagot. Alangan naman na sabihin niya na hindi, ay tatlo lang naman silang babae roon. Alangan naman na sabihin niyang si Manang ang nasa kwarto nito. Si Melissa pa pwede kaso may asawa naman ang babae at may edad din naman na masyado kay Eon. Siya lang naman ang bata roon at dalaga.
"I hate talking to your back! Look at me, Isabella!" tumaas ng kaunti ang boses nito kesa sa normal na tono.
She faced him. Sa una nakayuko pa sya pero umangat din naman ang mukha niya. Her eyes met his hazel brown eyes. Matapang ang mga matang iyon na nakatitig sa kanya. Wala pa rin syang sagot.
Jusko! Di niya yata kayang sumagot.
"Do I have to repeat myself or do I have to rephrase it and ask, did you have s*x with me last night?" prangkang tanong nito na ikinainit ng pisngi niya.
Alam niyang kita nito ang pamumula niya dahil maputi sya pero hindi naman niya yun kayang itago. Tumingin pa sya sa may sala kasi baka naroon ang mga kasamahan niya eh ano na lang ang sasabihin ng mga iyon? Eh si Eon anong iniisip ngayon? Hindi niya mahulaan.
Tanga kasi sya, alam niya.
"One, Isabella,” bilang nito sa kanya kaya sunud-sunod ang naging pagtango niya.
Nataranta na siya.
"Demmit! You know I was drunk! You should've controlled the situation!" singhal nito sa kanya.
At anong gusto nitong palabasin? Na siya lang ang may gusto? Eh parang nawala nan nga ang kalasingan nito dahil ang lakas lakas, o sadyang malakas dahil nakahiga naman, baka natutumba lang ay kapag nakatayo kaya hindi makagulapay? Nakalakad naman nga ito papunta sa hagdan eh, pinilit lang niyang alalayan. Natumba lang naman dahil nagpwersa na makalayo sa pagkalahawak niya sa may tuktok ng hagdan. Tapos nang nasa kwarto ay wala naman siyang balak na kahit na ano dahil ano namang malay niya sa pakikipag-s*x. Halos nahila siya nito sa pagtumba sa kama.
Buong tapang niyang sinagot ang binata.
"Wag po kayong mag-alala Sir Eon, wala naman kayong obligasyon sa akin," hindi niya alam kung paano niya yun nasabi eh takot nga sya rito.
"Talagang wala! Dahil kung nasa katinuan ako, hindi ko gagawin yun. Malayong malayo ka sa asawa ko, Isabella," anito na mabagsik na naman ang anyo ng mukha.
She gulped.
Masakit sana ang insulto na iyon kung hindi niya sana alam na may ibang lalake ang asawa nito pero hindi sya nasaktan dahil hindi sya tulad ng Anica na yun. Hindi siya lalakero at ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng boyfriend. Alam niya sa sarili niyang yaman lang at ganda ang lamang sa kanya ni Anica pero ang pagkatao nila ay magkaiba, mas may katinuan siya. May katinuan pa nga ba siya kung bumigay na lang siya basta basta? Samantalang nang ibugaw siya ay nakikipagpatayan siya para sa kanyang puri?
Yumuko sya at naitago ang sariling mga labi. Kahit saan sipatin, magkaiba sila ni Anica.
Malayo talaga dahil hindi ako lalakero na katulad niya. Sinarili niya ang kaisipan na yun.
"Wala na po ba kayong sasabihin? Pwede na siguro akong umalis sa harap niyo." sabi na lang niya para makaiwas na rin.
"Umakyat ka sa kwarto ko at alisin mo yung bedsheet na may dugo mo," utos nito sa kanya kasabay ng pagtalikod bitbit ang tasa ng tsaa.
Dugo? Bakit naman magkakadugo? Di naman ako dinatnan kagabi.
"Now!" singhal nito sa kanya na ikinataas pa ng balikat niya dahil sa gulat.
Mabilis syang kumilos palabas ng kusina at si Eon naman ay palabas ng bahay.
Mabilis ang kilos niya pero napatigil sya sa pagpasok nang salubungin na sya ni Manang sa may pinto ng kwarto ni Eon. Bitbit ng matanda ang bedsheet na tinutukoy ng amo nila.
Napatda pa sya sa kinatatayuan nang tingnan sya ng mayordoma. Wala itong sinabi pero umiling ito at napaiyak sa hindi niya malaman na dahilan.
Nakaramdam siya ng hiya at pagkahabag sa sarili.
"Halika nga,” anito sa kanya at niyakap sya nang mahigpit. Nangilid din ang mga luha niya pero hindi niya yun hinayaang pumatak.
"Ginahasa ka ba niya ha? Sabihin mo sa akin? Gusto mo ba ito, Bella anak?" hinaplos haplos nito ang mukha niya.
"Ginusto ko po, Manang. Hindi niya po ako pinilit," pikit matang sabi niya saka sya napahikbi, "Di naman ako nagsisisi. Alam ko naman mali, di ba? Alam ko galit sya pero di ko napigilan ang sarili ko,” amin niya.
"Ito na nga ang sinasabi ko noon pa. Hindi na ako nagkamali. Kawawa ka Bella. Paano kung magbuntis ka?" tanong nito na hindi niya napaghandaan ang sagot.
Ngayon lang niya naisip yun. Kapag nagbuntis sya, baka kunin sa kanya ang anak niya at palayasin na sya ni Eon o di kaya ay hindi sya ipakilalang Mommy ng anak niya. No! Sana ay hindi sya mabuntis ng isang gabi na pagkakamali na yun.
Umiling sya ng sunud-sunod saka umiyak, "Ayoko po, Manang. Kukunin nila ang baby ko."
Naiiling nitong hinaplos ang buhok niya, “Napakainosente mo pa. Magdasal ka na hindi para wala kang katakutan. At wag mo ng ulitin kung hindi ka magbuntis. Maawa ka sa sarili mo, Bella anak. Walang nagmamahal sa'yo simula sa pagkabata mo. Mahalin mo ang sarili mo ha,” niyakap sya nito ulit.
"Mahal ni Eon si Anica. Kaya walang duda na kahit sampung taon na yung patay ay hindi pa rin makapag-asawa ulit si Eon. Wala syang ibang naging girlfriend kundi yun lang at natuto lang syang mambabae ay simula noong mamatay iyon. Kaya sinasabi ko sa'yo na umiwas ka sa susunod dahil mukhang walang pag-asang magmahal pa sya ulit. Kapag naglasing, hayaan mo na lang na matulog sa sahig o kung saan mang parte ng bahay niya gusto,” bilin nito sa kanya bago sya inakay papaalis malapit sa kwarto ni Eon.
Tama si Manang.
“Hindi matutuwa ang Daddy niya kapag nalaman ito. Bakit ba siya nagpakalasing kung alam naman niyang hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya?”
“Wala naman po akong balak na ipaalam sa kanila, manang. Ibabaon ko na lang po sa limot."
Tumingin itong muli sa kanya, “Ayokong tanungin ka kung bakit mo pinayagan pero hindi ko na siguro dapat alamin pa ang sagot. Ako bilang babae, kaya ko ng sagutin ang sarili kong tanong. Hindi ka naman malandi. Hindi ka naman nang-aakit. Sampung taon ka rito na binabalik-balikan ng mga kakambal ni Eon, kinakamusta ka pero ni minsan naman ay hindi ko nakitang pinakikitaan mo sila ng motibo. Kung ako ang magsasabi, baka may nararamdaman ka para kay Eon, Bella. Baka hindi mo lang matukoy.”
Yumuko na lang siya at hindi na umimik pa. Paghanga lang naman ang alam niya wala ng iba pa.
Kailangan niyang libangin ang sarili niya para makalimutan niya ang nangyari sa kanila at hindi na yun mauulit pa. Tama ang manang niya at kahit huli na rin para magdesisyon ng tama, at least makahabol pa rin sya.
…
Magtatapon sana si Bella ng basura matapos na makapaglinis sa kusina. Papalqpit pa lang sana siya sa gate dahil nasa labas ang drum nang salubungin sya ng tatlong kalalakihan doon.
"Wow! Chicks pare!" sabi ng isa na ngingisi-ngisi kaya agad siyang napatingin sa lalaki.
Pamilyar sa kanya ang mga mukha ng mga lalaking bagong dating na kapapasok pa lang ng gate.
"Ano pong kailangan nyo?" magalang na tanong niya sa mga ito.
"Si Keiyeon, Miss." anang lalake na panay ang tingin sa hita niyang nakalabas sa maikling cotton shorts niya.
Magtatanong pa sana sya nang maulinigan na niya ang boses ni Eon sa may pinto ng mansyon.
"Bro!" aniyon na nakangiti ng malaki.
She looked back to look at him.
Ang gwapo niya. Di niya ito nakikitang ngumiti, ngayon lang. Bukod sa tv, ngayon lang niya ito nakitang magpakita ng ngiti sa personal.
"Bro!" sigaw naman din ng tatlong lalaking kadarating lang.
"Excuse me ho." aniya sa mga lalake at nauna na syang maglakad papalayo pero inabutan din sya ng tatlo sa main door.
Pati ang basura ay hindi na niya naitapon at bitbit pa rin niya papasok.
Iniiwas niya ang tingin kay Eon. Nakatingin na naman kasi ito sa kanya. Kahit na ba lasing ito kagabi, nahihiya pa rin syang maisip na hinayaan niya nga itong gawin ang mga bagay na yun sa kanya, na wala namang sila at galit nga ito sa kanya.
Napakatanga niya talaga pero kahit na magpakain siya sa lupa wala ng magbabago pa sa sitwasyon. It already happened.
"Uy teka saan ka pupunta?" anang isang lalake at hinawakan pa sya sa balikat kaya napaitlag sya.
Laking gulat ng dalaga nang biglang hawakan ni Eon a g braso nin at pinilipit ng binata ang kamay.
"No one dare touches the things or people inside my house," mariin na sabi nito sa kaibigan na ikinangiti at ikina-iling ng dalawang kasamahan habang ang isa ay sumasama ang katawan sa pagpilipit ng braso nun.
Siya ang parang napangiwi dahil mukhang masakit ang ginagawa ni Eon sa lalaki.
Napilitan na syang umalis kahit pa parang gusto niyang mapangiti na ayaw siyang pahawakan nito sa ibang lalake. Kahit paano ay sumaya siya.
"But she's your maid." alibi pa niyon, "Aw!"
"She's not for exhibit! Demmit! And she's not also for free! Ass hole!" singhal ni Eon sa kaibigan.
"Aww!"
Napalingon pa sya. Hindi raw sya idinidisplay, at hindi rin basta libre? Ano sya?
Okay na sana. Matutuwa na sana sya pero mukhang biro lang ang sinabi ni Eon dahil nakangiti naman sa lalakeng pinipilipit ang kamay.
Tumingin ang mga yun sa kanya.
"Ang ganda mo Miss!" anang lalake pang makulit sa kanya.
Matalim ang mga tingin na itinapon na naman ni Eon sa kanya kaya nabawi nya kaagad ang mga mata saka binilisan na lang niya ang paghakbang papalayo sa mga ito.
Mahirap nang isipin na naman nito ay naglalandi sya sa mga kaibigan nito. Kahit wala naman iyon sa isip niya, ganoon naman parati ang takbo ng isip ni Eon sa kanya. Gumawa man siya ng maganda, gumawa man siya ng masama ay masama pa rin ang ringin nito sa kanya.