Chapter Six
Nakatunganga si Bella sa Manang niya habang naglalagay ng mga labahin sa washing machine. Tulala lamang siya sa matanda at walang kasing inosente ang mala Santang mukha niya.
She’s always being adored because of her face. Kahit nakaupo lamang siya sa may simbahan ay ang daming may gusto sa kanyang magbitbit at ampunin. Ang amo taw ng mukha niya at parang anghel.
"Manang, bakit po may dugo yung bedsheet?" inosenteng tanong niya sa matandang babae nang hindi siya nakatiis.
Tumingin iyon sa kanya at inarkohan sya ng kilay.
"Di mo ba talaga alam kung bakit?" takang tanong nito.
Lumabi sya saka umiling. Wala syang alam talaga.
"Ganoon talaga kapag ang babae ay wala pang karanasan sa lalaki. Jusko kang bata ka, paano mong nagawa yun eh wala ka naman palang kaalam-alam?" napapailing na wika nito sa kanya.
Napayuko sya ng kaunti. Di niya nga rin alam kung paanong ang mahinhin na Isabella ay nagawa ang kapusukan na ganoon at hinayaan na magpaubaya ng lubos sa isang lalaki na wala man lang kahit kaunting paggalang sa kanya.
"Di ko po kasi talaga alam Manang. Alam niyo naman na batang lansangan ako, wala akong inaatupag kundi mamalimos para sa mga tiyuhin kong sugarol," aniya na parang bumangon na naman ang pait sa dibdib.
Ano kaya kung hindi namatay ang ina niya sa panganganak sa kanya? Baka naman masaya sana sya ngayon. Kahit paano ay iba ang may umaaruga na ina. Hindi siguro tulad ngayon ang sitwasyon niya at walang problema. Walang nagpapahirap sa kanya. Hindi sana siya naibugaw. Hindi sana siya namalimos. Baka ngayon ay nasa Kolehiyo siya, kumukuha ng gusto niyang kurso, pero wala naman gaano talagang hirap. Trabaho lang sa mansyon ang gawa niya noong kadarating pa lang niya, na halos ayaw syang patulugin ni Eon kaya maghapon magdamag na pinaglilinis sya ng bahay, pero bukod doon wala na naman. Lalo na nang umalis iyon ay parang buhay senyorita pa nga sya. Ipinaglalaba pa sya ng damit ng manang niya kaya paanong pahirap yun?
Yun lang nga, kapag naman bumuka na ang bibig ni Keiyeon Matthew, yun ang pinakamasakit sa lahat dahil sa mga salitang binibitiwan noon sa kanya.
"Basta umiwas ka na ha. Wag mo nang uulitin yun, maawa ka sa sarili mo." payo ulit nito sa kanya.
Ngumiti sya saka tumango. "Pero ang gwapo niya po talaga ano?" parang batang kinilig siya.
She kept her lips when the old woman looked at her meaningfully. Alam naman nito na may paghanga sya sa lalaki na kinatatakutan niya. Bakit naman mahihiya syang aminin eh totoo namang sobrang gwapo ni Keiyeon sa mga mata niya dati pa.
"At maganda ka rin naman talaga ng sobra. Baka nga kapag lumabas ka ng bahay, ewan ko na lang kung hindi ka pagpilahan ng manliligaw." anito sa kanya.
"Manang,” a voice said.
Parehas silang napapormal nang marinig ang boses ni Eon sa may bukana ng utility room.
Ewan niya kung narinig nito ang mga sinabi ng mayordoma kasi pinagpalit-palitan nito ang tingin sa kanilang dalawa.
"Pwede bang makiutos sa inyo na makibili ng beer sa convenience store? Wala palang stock dito, ayaw naman lumabas ng mga kaibigan ko," malumanay na sabi nito sa matandang babae.
Paano kaya kung ganoon din makipag-usap sa kanya si Eon? Hindi yung laging galit at parang laging gusto syang kainin ng buo. Ang saya niya siguro kapag ganoon dahil sa ganoon niya ito unang nakilala, mabait, nakangiti, maawain sa mga pulubi pero ika nga, wala namang perpektong nilalang sa mundo at lahat ng tao ay may kapintasan. It happened that Eon’s dark side was triggered by the tragedy and now she sees it.
"S-Si Bella na lang iho." anaman ng matandang babae. "Basa ako oh. Matatagalan pa kung magbibihis ako saka ang dami kong labahin.”
She smiled.
Parang natuwa sya. Makakalabas ba sya? Ang huling labas niya kasi ay noong isama sya ng Tita Keiko niya sa isang salon kung saan ipinarebond ang buhok niya. The woman even wanted to color her hair, pero mas gusto niya ang natural itim talaga lang kaya hindi sya napilit.
Keiko was so good to her and still good to her. Busy lamang iyon sa buhay kaya hindi siya naisasama na lumabas. Minsan naiisip niya na ang ganda sigurong maging successful sa buhay, katulad ni Keiko, may mapagmahal na asawa at mga anak na ang gugwapo.
Parang batang napangiti lalo siya at hindi inaasahan na napatingin siya sa binata na nakatingin din pala sa kanya.
"She's not going out,” mariin na sabi nito kaya napalis ang ngiti niya, “I'll go by myself."
She childishly pouts. Nakatingin sa kanya si Susana at nangingiti dahil sa itsura niyang parang batang naagawan ng lollipop.
"Isama mo na lang kaya si Bella. Kawawa naman na hindi nakalalabas ito, iho. Lagi na lang nakakulong." pakiusap ng babae na bahagya pang ngumiti sa kanya.
Sasama ba sya kung sakaling pumayag si Keiyeon? Di ba nakakailang? Saka sigurado hindi naman papayag ito na sumama sya. Allergic nga ito sa kanya. Bakit naman didikit sa kanya ang binata kung ang tingin nga sa kanya ay isang toxic?
Mataman itong nakatingin sa kanya.
"Follow me,” sabi lang nito matapos na tumalikod.
"Yaaay!" napatalon pa sya sa tuwa at nayakap ang matandang babae na ang laki rin ng ngiti.
Hindi baleng nakakailang na kasama ang lalaki, basta makalabas sya.
“Ang bilin ko.”
Sunod-sunod ang naging pagtango niya saka siya tumakbo papalabas. Excited siyang lumabas.
Paglabas niya sa sala ay nakita niya na nagsusukbit ng baril ang binata. Napalunok pa sya na baka mamaya mainis ito sa kanya ay barilin pa sya at tuluyang i-salvage. Wala namang maghahanap sa kanya dahil hindi naman siya ganun kaimportante sa mundo. Nobody knows her anyway.
Hindi naman yata. Masyado naman siyang advance mag-isip. Hindi naman mamamatay tao si Eon. Parati lang itong galit at pasigaw pero hindi naman killer.
Sununod sya sa binata paglabas nito papunta sa garahe. Nang sumakay ito sa sasakyan ay sumakay din sya.
Hindi maalis sa labi niya ang ngiti kasi natutuwa talaga sya. Daig pa niya ang ibong nakulong sa hawla.
Wala silang imikan. Napapasulyap siya rito pero hindi siya nagsasalita. Sino ba naman ang magkakalakas ng loob na magsalita at kausapin ito? Baka isalya siya nito papalabas ng kotse, ang daan ay sa bintana.
Panay ang masid niya sa paligid simula pag alis ng bahay. Kahit sa grocery store lang sila pupunta ay masaya na rin sya.
“Grab some beer,” anito sa kanya, lukot ang noo.
Nasa parking na sila ng grocery store at siya ay nakatingin sa establishment. Parang biglang nagkainteres siya na magkaroon ng normal na buhay, na nakakalabas at hindi nakapreso sa mansyon, kaya lang ay mas malabo pa iyon sa mata ng kwago tuwing umaga, kaya hindi na siya umaasa pa.
Sya lang ang pumasok sa loob, wearing her cotton short and her sando. Ang lawak ng grocery at hindi niya kabisado kaya sinamantala niya ang pagkakataon na makapaglibot.
Napatunganga siya sa lalagyan ng mga tsokolate at parang gusto niya. Hindi pa siya nakakatikim ng imported na tsokolate. Noong bata pa siya ay mamiso lang ang nabibili niya.
“Diyos ko, sobrang gwapo,” anang boses sa may likuran niya kaya naman ganoon na lang ang paglingon ni Bella.
“Nakatingin ang dalawang babaeng empleyado ng grocery store sa may entrance.
Diyos ko, si Eon!
Hindi niya malaman ang gagawin. Natagalan na siya sihuro kakatunganga sa mga tsokolate.
She looked at him again. Napakagwapo nito, yun lang ay matigas ang ekspresyon ng mukha nito at hindi ngumingiti. Malungkot ang mga mata at biglang bumabagsik.
“What is damn taking you so long?” bulong nito, haklit ang braso niya.
Hindi nito ipinahahalata na bwisit na ito sa kanya.
“N-Nahihirapan po akong hanapin ang beer,” alibi niya.
Eon sighed and pursed his pink lips.
“You will never see it because you’re staring at a different thing.”
Binitiwan siya nito at saka ito naglakad. Nilapitan nito ang isa sa mga babae.
“Saan ang alak?”
“Dito ho, sir,” nakabungisngis ang babae at nagpatiunang maglakad.
Sumunod din siya sa dalawa at sa pagmamadali niya ay nabundol niya ang isang lalaki na ang daming bitbit na kahon.
“Ay!” tili ng dalaga nang magkandahulog ang mga kahon na dala ng lalaki.
“Sorry, miss. Sorry. Sorry…” agad nitong binitiwan ang mga kahon at hinawakan siya sa braso.
“Ayos ka lang? Sorry,” ani pa nun sa kanya saka hinaplos ang mga braso niya kaya agad siyang napalayo.
“A-Ayos lang ako. Huwag mo na akong hawakan,” iwas niya.
Nakatingin ito sa mukha niya pagkatapos ay ngumiti at saka kinamot ang ulo.
“Isabella,” tawag ni Eon kaya agad siyang napatingin sa binata.
Mabilis siyang kumilos para lumapit dito. Pipili pa lang ito ng alak at yumuko na lang siya. Baka isipin na naman nito ay naglalandi siya.
…
"Kung iiwan kita rito sa kalsada, anong gagawin mo?" tanong bigla ni Eon kay Bella matapos ang napakahabang katahimikan.
Simula umpisa hanggang pauwi na ay ngayon lang ito nagsalita.
Mula sa pagkakasilip sa bintana ay di napigilan na lumipat sa gwapong mukha nito ang mga mata niya.
"Pauuwiin niyo na ho ako?" takang tanong niya.
Ni hindi ito tumingin sa kanya.
Ibang usapan kasi kapag ginusto nito na palayain na sya, at ibang usapan din kasi kapag tumakas sya.
Kapag kusa kasi sya nitong pinalaya, hindi na sya nito hahanapin. Doon may chance na mabuhay na sya na hindi takot pero kapag tumakas sya, ipahahanap sya nito. Yun ang sabi ni Eon. At kaya nitong gawin ang lahat dahil sa yaman nito at kapangyarihan. Ayaw niyang maulit ang noon, na minsan ay tinangka niyang tumakas at dahil doon ay kamutik na syang saktan nito ng pisikal.
Takot sya sa lalaki sa maikling salita. Nakuha nga sya nito sa DSWD kahit bawal, paano pa kaya ang galugarin nito ang buong mundo kapag lumayas sya?
"No." anito at iprineno ang sasakyan sa tabing kalsada kung saan walang dumadaan. At kung meron man ay baka paglipas ng kung ilang oras o minuto lang.
Napahawak sya sa upuan. Papatayin na ba sya ni Eon? Tumingin sya sa labas ng bintana. Bangin ang nasa gilid niya, masukal na bangin.
Baka ihuhulog na sya pagkatapos syang patayin. O baka ihulog na sya ng minsanan para magkalasug-lasog ang katawan niya.
"I won't let you go home because you let me taste something that I wanted to taste again… sober." anito sa may tagiliran niya kaya napapihit sya ng mukha.
Naiatras pa niya ang ulo nang masalubong niya ang mukha nito na halos dumikit na sa mukha niya.
Anong ibig nitong sabihin? Ang nangyari ba kagabi ay uulitin nito ngayon?
Napalunok sya ng wala sa oras.
Hinawakan nito ng mariin ang panga niya.
"I want to taste you now that I'm sober, Isabella." nabahiran ng kaunting kahalayan ang mga mata nitong nakatitig sa mukha niya.
"Ayoko." nangilid ang luha niya at ipinagdikitan niya ng mariin ang mga hita niya.
"Idedemanda kita!" bulyaw niya rito na isang nakakainsultong ngiti lang ang isinagot sa kanya.
"Then let's go. Sasamahan pa kita." anito sa kanya at saka hinawakan ang dalawang braso niya.
"Please Sir Eon,” imiling sya ng sunud-sunod saka pumatak ang mga luha niya.
"Ayoko na po. Palayain niyo na ako, please. Ayoko ko pong magbuntis." pakiusap niya sa parang bingi na binata.
Parang mapuputol ang braso niya sa diin ng pagkakahawak nito.
He smirked again. Mas lalong naging mabagsik ang tingin nito sa kanya.
"But that's what I want!" anito na ikinapatda niya.
Ano?!
Bubuntisin ba sya nito talaga?
Hindi!
Kukunin nito ang magiging anak nila kung sakali.
"Give me a child and I will set you free." anito ulit.
"Hindi!" sigaw niya sa mukha nito at tila nawala ang takot niya, "Tatakas ako!" iyak niya.
Ngumisi lang si Eon na para bang ito ang kaisa-isang taong walang kinatatakutan.
" Subukan mo. Try it. Try me." utos pa nito sa kanya sa mariin na mga salita.
Mas wala itong takot.
He licked her jawline.
Manyak! Hayop! Raypist!
"Tulooong!" sigaw niya pero marahas nitong sinabunutan ang buhok niya at hinalikan sya ng mariin sa labi.
Nagkukumawala ang paghingi niya ng saklolo sa bibig niya. Hinampas hampas niya ang dibdib nito at ipinagtutulakan papalayo pero hindi ito mapigil.
He reclined her seat ang moved on top of her.
Iyon na ang totoong rape kahit na may feelings siya para rito. Ayaw niya ay sa kaisipan na magbubuntis siya tapos ay parang tuta na kukunin habang siya ay palalayasin?
"Hayop ka! Hayop ka talaga!" sigaw niya nang pakawalan nito ang labi niya. Pumapadyak sya pero walang epekto yun. Ipinagtutulakan din niya ito papaalis.
"Ikaw ang hayop,” gigil ma sambit ni Eon, “pinatay mo ang mag-ina ko!" sigaw nito sa mukha niya kasabay ng pagtatagis ng mga bagang sa galit.
Wala na sa isip niya ang kahinhinan. Ang isip niya ay lumaban dahil nabubwisit siya sa katangahan nito.
"Bakit?!” buong tapang niyang tanong dito, “sigurado ka na anak mo yun?! May lalaki ang asawa mo nung nabangga siya!" sigaw niya sa mukha nito.
Hindi na sya nakapag pigil kaya sinabi na nya yun. Parang naging mala halimaw ang ekspresyon ng mukha nito at biglang namula sa galit.
Tumaas ang kamay nito sa tapat ng mukha niya at napapikit sya ng mariin kasabay ng pag-iyak. Sasampalin na talaga sya nito ngayon, alam niya. Mahal nito si Anica at alam niyang hindi ito naniniwala sa kanya. Pero wala syang pakialam. Nasasaktan na sya kaya wala na syang choice pa kundi ipamukha iyon sa tanga na si Keiyeon Matthew.
Hinintay niya na lumapat ang palad nito sa mukha niya pero wala. Ang labi nito ang lumapat sa labi niya at masasakit ang ginawang paghalik sa kanya.
Napadaing siya.
Nang tumigil ito ay hinawakan nito ng isang kamay ang mga panga niya kaya di sya makagalaw.
"f**k you! I'm going to make you suffer in your entire life! How dare you say those words to my wife? You Can't fool me. There was an investigation and nothing was stated there that my wife is with another man when you bumped her, murderer," he said between his gritting teeth.
Mahina iyon pero maririin ang bawat salita sa kanya na parang gusto siyang durugin.
Napaiyak pa si Bella. Tanga talaga siya. Wala nga talaga iyon sa imbestigasyon pero bakit ba sinabi niya pa? Ngayon mas lalong galit na naman ito sa kanya.
"And pay me with your body and bear my child because you killed them," anito at kinagat ang pang ibabang labi niya.
Pilit niyang pinakawalan ang sariling mukha sa pagkakahawak nito.
Nagpupumiglas siya pero nalusaw na ang lakas niya dahil sa sariling katangahan pero nasabi na niya kaya ano pa?
"Hanapin mo ang totoo sa sarili mong paraan!" nagawa pa niyang isigaw bago nito ulit sakupin ang kabuuan ng mga labi niya.
Puno ng galit ang paghalik nito pero nang hawakan nito ang dibdib niya ay napasinghap sya. Susko naman. Tinatraydor na naman siya ng sarili niyang katawan.
"You liked it ha? Now let's try it,” anito sa may tainga niya.
She found time to shout again. "Walang hiya!" namaos ang boses niya sa lakas ng sigaw niya pero walang makakarinig, alam niya.
Sinabunutan ulit nito ang buhok niya para maipilig ang ulo niya saka sya hinalikan sa leeg. Hindi naman sya nasaktan dahil hindi naman ganoon karahas pero ayaw niya sa ideya na yun. Ayaw niya sa ginagawa nito dahil walang mabuting pupuntahan ang lahat. Tama na ang isang beses na nasiraan siya ng ulo.
He's started to lick her neck sensually, saka ito parang bampira na kinagat iyon at pinupog ng halik.
Sige lang ang tulak niya habang umiiyak. She keeps on pushing Eon away but he's so strong, hanggang sa makapa niya ang baril nito sa tagiliran kaya parang natigilan siya.
Ano ba ang gagawin niya? Magkakasala ba sya ng tuluyan kapag pinatay niya si Eon? Magiging totoong kriminal na siya pero sa pagkakataon na iyon ay baka iyon ang mas dapat niyang piliin.