Chapter 7.1

686 Words
Chapter 7.1 Magtatlong buwan na rin mula ng magising ako sa pagkaka comatose. Wala akong ibang ginawa kundi ang lunurin ang sarili ko sa mga alaala ng mga nakaraan. Araw araw akong nagsisisi sa mga bagay na sana hindi nangyari. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan babaguhin ko ang lahat. Palagi akong tumatakas sa bahay at uuwi bago magising sila Mommy and Daddy. Nilulunod ang sarili sa alak baka sakaling panaginip lang lahat ng nangyari pero hanggang ngayon walang Kim, Mark, o Prin na nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit sabay sabay silang nawala sa buhay ko. Siguro'y pinagpatuloy na nila ang mga naudlot nilang mga pangarap samantalang ako nandito naka stuck pa rin sa mga alaala. Ramdam ko ang lakas ng tunog ng musika sa dance floor. Pumikit ako at dinama ang tugtog. Ganito ang buhay ko gabi-gabi. Iinom, uuwi, matutulog, gigising. Naramdaman ko na meron ng lalaking sumasayaw sa likuran ko. Wala akong pakialam nagpatuloy ako sa pagsasayaw hanggang sa maramdaman ko ang mainit nitong palad sa aking beywang. Mabilis ko itong hinawi pero maya maya ay ibinalik ito ng lalaki. Nilingon ko ang nasa likuran ko. Isang banyaga na tila may tama na din ng alak. "You're hot" bulong nito sa akin I gave him a smirk at nagpatuloy sa pagsayaw. Nagulat ako nang bigla niya hapitin ang batok at bigyan ako ng halik sa aking mga labi. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa ginawa niya. Naestatwa ako sa ikinilos niya. Itutulak ko na sana siya ng may marahas na humila sa mga braso ko. Dire diretso niya akong hinila palabas ng bar. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nang makarating kami sa parking lot ay marahas niya akong itinulak sa pader. Doon ko lang nakita ang lalaking matagal ko nang hinahanap. Prin is standing in front of me. Looking at me with his dagger eyes. I was teary eyes upon recognizing him. Ang laki ng pinagbago niya. Pumayat siya, bakas sa mata niya ang pagkakulang sa tulog. Some stubbles also grew on his face. "How dare you!" sigaw niya habang tinuturo ako. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya ako kaya nakaramdam ako ng takot. "How dare you continue to live your life like this upon knowing that someone died because of you!" kumawala ang luha sa mga mata niya "Ayoko na sana kitang makita dahil sobrang galit ang nararamdaman ko sayo. You robbed Kim's life away from me. You killed her Arisse! You killed her!" Natigilan ako dahil sa sigaw at galit na namumutawi sa mga mata niya. "It was an accident Prin" pagpapaliwanag ko "And you think I'll believe you?! Alam kong malaki ang galit mo sa amin. We saw the black box of your car. Nakipag agawan ka ng manibela kaya kayo naaksidente" "That's not true. Nawalan kami ng brake! She asked for my help that night but I don't know what to do" naluluha kong sabi ng bumalik ang alaala sa akin "Believe whatever you want to believe! I hate you Arisse. You killed her! She is so selfless na kahit alam niyang galit ka ay di ka niya maiwan. YOU KILLED HER!" sigaw niya at sinuntok ang pader na nasa likuran ko. Nanginig ako sa takot dahil sa ginawa niya. Galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hinawakan ko siya sa balikat para kumuha ng lakas dahil nanghihina ang tuhod ko. "I didn't Prin. It was an accident. If only I could bring back time, I will change everything." Iyak kong sabi "But you can't! It should be you, Arisse. It should be you, not Kim and our baby" sigaw niya habang tinuturo ako Natigilan ako sa mga huling sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang totoong kalagayan noon ni Kim That's why she told me she needs him "She was pregnant, Arisse! She was f*ckingpregnant with our baby. Pinigilan ko siyang hanapin ka ng gabing yun pero hindi siya nakinig. Hindi niya ko hinintay dahil sinabi niyang mas kailangan mo siya. Pero nasaan siya ngayon? Nasaan?" tuloy tuloy na ang luhang umaagos sa mukha ni Prin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD