Chapter 6.2

874 Words
Chapter 6.2 Walang alinlangan akong lumapit sa kanila. Nakita ko ang sakit sa mga mata ng Mommy ni Kim bago buksan ang mga braso para yakapin ako ng mahigpit. Tumakbo ako para yakapin ang Mommy ni Kim. Umiyak siya sa mga balikat ko at ganun din ako sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghaplos ng mga kamay ng Daddy ni Kim sa aking buhok. "You're not mad at me Tita, Tito?" humihikbing tanong ko. "It was an accident Arisse. No one wanted it to happen. We are glad you're safe" sabi ni Tita at pinunasan ang luha sa aking mga mata "I'm so sorry Tita. Please forgive me. I'm really really sorry po" sunod sunod ang ginawa kong paghikbi "Will you excuse us, gusto kong kausapin si Arisse ng kami lang" sabi ni Tita kila Mommy and Daddy Inilayo ako ni Tita sa magulang ko. Nginitian niya ako at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi at mata "Stop blaming yourself, Arisse. It's not your fault. I know what happened between you, Kim, and Prin. Kung merong dapat humingi ng tawad, kami yun" naluluhang sabi ni Tita Mabilis akong umiling. "I know how much you love both of them but they broke you. I know their relationship and I thought na sinabi na nila sa inyo ni Mark pero hindi pala. I am so sorry for the actions of Kim but you have to know that she really loves you Arisse. Kim loves you like a sister and she is really sorry for what happened" Tumango ako bilang pag sang ayon dahil hindi ako makasagot dahil sa buhos ng mga luha ko "Even in her last days, she begged me to say sorry in her behalf. She fought Arisse. Hinintay ka niyang magising kaso hindi na kinaya ng katawan niya. She wanted you to know na hihintayin niyang mapatawad mo siya. She'll be waiting for her sister in the other side of this world. She'll be watching over you. She asked us to take care of you. Even in her last moments, pangalan mo ang binabanggit niya. My daughter really loves and cares for you" umiyak si Tita habang sinasabi ang mga huling habilin ni Kim Hindi ko mapigilan ang buhos ng emosyon ko sa mga nalaman ko. "Hindi ko itatanggi Tita. I got mad at them, really mad but my love for them is bigger than my anger. Alam ko sa sarili ko na kahit hindi nila hingin na patawarin ko sila ay ibibigay ko ang pagpapatawad. The love they made me felt is enough para patawarin ko sila. Yes, they broke me pero anong magagawa ko Tita they are my person. They are my home but now she's not here" lalong bumuhos ang aking mga luha. "Don't cry. You know Kim ayaw na ayaw niyang nakikita kang umiiyak. Magagalit sa akin yun kapag di ka tumigil" Pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti. Itinuro sa akin ni Tita kung nasaan ang puntod ni Kim at doon nakita ko ang pangalan at ang larawan niyang nakangiti. Muling tumulo ang luha ko. Iniwan ako ni Tita para mapag isa. Lumuhod ako at hinawakan ang kanyang lapida "Nagtatampo ka ba sa akin? Sorry, ang haba ng tinulog ko" tumawa ako para pagaanin ang nararamdaman ko " Ang daya mo naman eh, ikaw habangbuhay ka ng tulog. Are you comfortable there? Are you okay, Kim? Kasi ako hindi! Hindi pa ako handa Kim. Sana hinanda mo muna ako sa pagkawala mo. I was hoping to see you once I wake up pero wala. Wala yung maamo mong mukha. Wala yung matatamis mong ngiti. You left me. You broke my heart once again. Tell me paano ako magsisimula ulit? You were always my buddy, my bestfriend, my enemy, my sister. Now, paano na ako? Sino nang magpupunas ng luha ko? Sino ang susundo sa akin kapag lasing na ako? Sinong magpapalit ng damit ko kapag di ko na kaya dahil sa pagod? Sinong magsasabi ng "Arisse Mae Delos Santos" kapag nagagalit na siya. Sinong palaging magsasabi ng "Ikaw pa kaya mo yan" sinong unang papalakpak pagtapos kong kumanta at ang sisigaw ng "bestfriend ko yan" Kim, I miss you. I badly miss you. I don't how and where to start. Please help me make it through each day. Help me Kim" humagulgol ako sa harapan ng puntod ni Kim "I promise I'll be brave. I'll take care of myself just like how you take care of me. Ako ang mag aalaga kila Tita at Tito. Don't worry about them okay. I'll be their daughter from now on. Guide us and light our ways as we start to move forward. I love you always and forever Kim. I love you" Tumayo ako tumingala sa langit. Kumaway ako sa kalangitan at ngumiti. "I'M OKAY! I'LL BE OKAY! I PROMISE TO BE OKAY! SO CHEER FOR ME HA?!" sigaw ko habang patuloy na kumakaway sa langit. Nilapitan ako ni Tita at niyakap. "I know it's hard but we'll make it through. Let's start a new journey together" hinawakan ni Tita ang kamay ko at isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya "We will be okay Tita" nakangiti kong sabi bago tuluyang iwan ang puntod ni Kim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD