Tiningnan ko pa siya ng isang beses bago tumalikod at umalis na. Nung binuksan ko ang pinto nagulat yung dalawang hayop. At nagtatakang hinayaan na lang akong umalis. Nagring naman na yung bell hudyat ng 4th class namin.
Pumunta ako sa classroom namin at wala ng tao, yung teacher na lang namin kanina ang nandito. Dinaanan ko lang siya at dumiretso sa bag ko at nilagpasan din siya ulit.
Hindi ako galit sa mga teachers it's just that, they are the ones who were in charge of the behavioural acts of the students. Students went to school to learn and be disciplined. But iba sa school namin. Everything can be moved by money. Money runs it all.
Nang makalabas na ako ay agad akong lumabas ng school. Magcucut muna ako. Ansakit kasi ng suntok ni Caden eh.
IIka-ika akong lumabas at walang paki lang akong hinayaan ng guard.
Nang makalabas na ako ng school ay pumunta ako sa may terminal ng jeep. Medyo malayo nga lang yun kasi elite school ang pinag-aaralan ko kaya malayo ang mga 'basura' kung tawagin nila.
Nang malapit na ako ay sumakay na ako. At nag-abang pa ng ibang pasahero. Nilabas ko na yung phone ko at earphones. Tiningnan ko lang ang mga updates sa social media ko.
Parami na ng parami at umalis na ang jeep.
May kumalabit sa akin. Naapa-angat naman ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Katapat ko siya.
"Arundell. Anong ginagawa mo rito?"
Napalingon ang mga pasahero at nanlaki ang mga mata. s**t, did I just called him by his infamous surname?
Nagpara siya at saka nagmadaling hinila ako pababa ng jeep. Nashock ako sa ginawa ko at nashock rin ako sa ginawa niya. Sumilong kami kasi tirik pa yung araw. Mga 1 na ata.
"We already told you right? You are supposed to call me by East, Didn't I?" Galit siya sa tono niya pero kita ko pa rin ang normal niyang expression.
Napayuko naman ako. Ayaw na ba niya ulit ako maging kaibigan? Loner na ulit ako? Kala ko pa naman...
"Nope, you will be my friend. It's just that you shouldn't call me by my last name. You know it."
"Yeah, sorry. Di naman kasi ako nainform na bawal sa jeep ang isang Arundell."
"Argh. Call me East. East." Stern niyang sabi at napatingin siya sa akin ng nagtataka. "Bakit iika-ika kang maglakad?"
"Huh? Hindi ah. Ano cramps lang, you know sa babae."
Oo na ako na magaling magsinungaling. Pinagpraktisan ko kasi lolo. Pati na sarili ko pinagsisinungalingan ko.
"Ah. Bat ka nga pala magccut?"
"Cramps."
Siniringan niya ako. Tss malakas ang radar ng isang to.
"You're lying."
"Yeah I know."
"Tell me bakit ka nagmamadali kanina?"
Tiningnan ko siya ng pagod. At inisip na baka ito na yung chance para maging magkaibigan kami.
"Sa malamig na lugar naman natin ito pag-usapan oh, pinapawisan ka na."
Sabay punas sa noo niyang may tumutulong pawis. Napaiwas naman siya ng tingin at lalong namula.
Nainitan lalo siguro. Tirik na tirik yung araw oh.
"Sige tara sa bahay."
"Huh? Ayoko. Lalaki ka babae ako. Mamaya kung anong gawin mo sa akin." Tumawa siya at ginulo ang magulo kong buhok.
"Disente pa rin." Bulong niya.
"Huh?"
"Wala, tara sa restaurant."
"Wag na kahit sa isang fastfood nalang. Asan nga pala sila?"
"Wala iniwan ko."
Sinamangutan ko siya.
"Bad yun. Ang mga magkakaibigan hindi nag-iiwanan."
"Nah, I just wanna know you more."
"Sige tara na friend."
Nginitian ko siya at nagsimula ng maglakad. Hinawakan ko siya sa kamay gaya ng ginagawa ng iba kong kaklaseng magkakaibigan.
Hinila ko na siya patungo sa isang fastfood.
Nagpapawis naman ang kamay niya at nanginginig ito. Napatigil tuloy ako at napaharap sa kanya.
Kumuha ako ng tissue, kasi yung panyo ko ay na kay Caden.
"Oh punasan mo muna nga yang pawis mo sa noo. Pati tuloy sa palad mo pinagpapawisan eh."
"Eh kasi, w-wala ka bang payong dyan sobrang init." Nauutal na siya sa init at binuksan ang ilang butones ng school uniform niya.
Napaiwas ako ng tingin at nagmadali na, ramdam ko naman ang pagsunod niya.
"Saglit na lang naman. Tiis ka nalang ayun na oh, tawid na tayo."
Bago kami tumawid hinawakan muna niya ang kamay ko at saka tumawid. Pumasok na kami sa loob ng fast food chain at nagorder agad ako.
"Choco hotfudge nga po at isang... Ano sayo?"
Tila naman natulala ang babae ng makita niya si East. Nakakaabala kasi yung features niya lalo na't pinawisan siya. Imbes na mukhang haggard nagmukha siyang hot. Ang daya talaga. Ang haggarda ko na kasi eh.
"Ah, yun na lang din."
Tapos naglabas siya ng pera di ako kumontra. Kasi si Caden noon ay nagagalit kapag pinipilit kong magbayad para sa pagkain namin dati.
Umupo kami yung tapat sa aircon. Dala dala niya yung sundae namin.
"Huy masamang tumapat sa aircon kapag pawis."
"Hay naku sige doon ka sa may tapat ulit ng araw. Gora."
Nginata ko na yung sundae ko. Sarap na sarap naman ako at napahum pa ako habang kinakain to. Nakalimutan ko may kasama ako. Kaya napatingin ako sa kanya di niya ginagalaw yung sundae niya. Nasanay kasi akong mag-isa eh.
"Huy! Sayang yung sundae. Tunaw na oh!"
Pero ang totoo gusto ko pang kainin yun.
"I don't like Ice creams."
Napangisi ako at kinuha yung sundae niya at nginata na rin. Ubos na yung akin.
"Akin na lang ah. Thank you sa panlilibre at dito sa dalawang sundaes."
Tumango lang siya nakatingin pa rin sa akin.
Medyo iniinda ko yung sakit ng katawan kaya makipot ang mga galaw ko.
"So tell me. Bakit ka nagmamadali kanina? Why do you seem so frustrated and mad?" Curious niyang sabi. Napaiwas ako ng tingin at naibaba ko ang sundae niya este ko. Hindi ako komportable.
Tahimik lang ako. Nakayuko di ko kasi alam kung anong sasabihin eh.
Sanay kasi akong kinikimkim ito sa sarili ko.
"Come on. I'm your friend. Ang magkakaibigan nagsasabihan ng problema."
"G-ganun ba?" He nodded and politely smiled at me. I sighed.
"Sige na nga. Pero bago ko sabihin yun may itatanong ako."
"Sige, ano yun?"
"Bakit niyo ako gustong maging kaibigan? Sa awa o sa popularity? Umamin ka na."
Nawala bigla ang ngiti sa mukha niya.
+++++
May trust issues siya that's why.