Hindi ko alam pero literal na nagningning yung mga mata ko sa sinabi ni Arundell. Hindi ko alam kung anong iaakto. Tulala ako. Sino ba naman matinong taong gustong makipagkaibigan sa akin?
"Jorey wag mong maliitin ang sarili mo. May inferiority complex ka ata eh." Sabi ni West.
"Nasabi ko na naman ba ng malakas yun ah?" They nodded habang nakangisi.
Andaming thoughts na pumasok sa utak ko. Gusto nila akong maging kaibigan? Ang alam ko ayaw sa akin ng mga tao kasi napakaboring ko?
"Yan ka na naman, di ka nga kasi boring eh. Ang kulit." Sinamaan ko ng tingin si sir este si North.
"Pwede ba wag niyo akong pakinggan."
"Paano namin gagawin yun kung ang ingay-ingay mong bumubulong?" Sabi ng mataray savakin nung nakasalamin na parang nerd. Wala na di ko na siya crush.
Hahampasin ko sana siya, nung parang bakla siyang umiwas at nagtawanan naman sila. Nang nakataas ang kamay ko nakita ko sa relo ko kung anong oras na. Anak ka nang tokwa oh. 5 minutes nalang at malelate na ako.
Tumakbo na ako. May rule sa school eh. I mean sa akin lang pala. Lahat ng weirdo na katulad ko. I mean ako ang pinakafamous ibully ay pagwala sa school within 2 minutes before the class, broken ribs na naman ang aabutin ko. Sino pa bang nagpasimuno malamang si Caden. Ang satanas na nabuhay para pahirapan ako.
Mabilis kong tinakbo yung school. Mula sa malayong 7/11. Pinagpapawisan ako. Ayoko ng mabugbog, mahihirapan na naman akong magsinungaling sa lolo ko. Yung lolo ko na mahal na mahal ko pero pinagsisinungalingan ko. Ayaw ko lang naman kasi siya masaktan eh.
May tumatakbo rin na nakasunod sa akin. Rinig ko. Pero di ko na pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Nakapasok na ako sa loob ng school at nasa kabilang dulo pa naman yung classroom ng 3rd class ko. Narinig ko ang pangbubuskang cheer sa akin ng mga lower levels. Yeah, kahit lower levels na popular, bunubully ako at walang respeto sa akin. Lahat sila ata wala. Mas mababa ang tingin ng iba sa akin.
Tiningnan ko yung relo ko, 1 minute bago magtwo minutes before class. I need to be there bago magtwo minutes before ng klase namen.
Shit, malayo layo pa! Kalahati nalang at may 30 seconds pa bago mag two minutes before class.
Naasar ako, s**t! Hindi ako kinakabahan. Naasar ako sa pwedeng mangyari, tiningnan ko ulit yung orasan at 10 seconds nakikita ko na ang classroom namin. Nabuhayan ako ng loob.
Nang may humablot sa akin. Napahinto ako at namutla. Inikot niya ako paharap sa kanya.
"Bakit ka ba nagmamadali ha?"
Si Arundell pala ang humablot sa akin namutla ako ng tiningnan ko ang relo ko, s**t! Lagpas na. Tapos na, may broken ribs na naman ako mamaya.
Great!
"Bakit mo ako hinila?!" Frustrated kong sabi habang paiyak na kaso pinigilan ko. At tinilikuran siya. 1 minute na lang before class. Ang bilis ng oras.
"Teka, hindi kita maintindihan." Inis niya ring sinabi. Pawis na pawis siya, siguro sa kakatakbo.
Ang g**o ng buhok niya pero hindi nakabawas sa itsura niya, Tas yung mata niyang napalamlam. Inayos ko ang sarili ko at binigyan siya ng walang expression na mukha at postura.
"Tsk. Wala kayong mapapala sa akin. Kaya kung ayaw niyo ng g**o wag kayo lumapit sa akin, Lalo akong mapapahamak sa inyo eh. Just leave, and I would thank you for that." Sinabi ko ng diretso sa mata niyang hindi makatingin ng maayos sa akin.
Tumalikod na ako saktong nagring ang bell. Dumiretso na ako sa classroom at huminga ng maayos.
Nang pumasok ako may mga ngisi sa mukha ng mga katropa ni Caden, The Populars.Tiningnan ko ang mga mukha ng iba kong kaklase. Yung mga kapwa ko ay hindi makatingin yung iba may tagumpay sa kanilang mga mukha at may awa rin ang iba.
Yung mga normal naman ay nakalook down sa akin. At yung mga sikat at feeling sikat ay nakangisi ng mapang-asar sa akin.
Umupo na ako sa dulo. Sa sulok tabi ng basurahan. Maaalikabok at sira ang desk ko hindi katulad ng sa iba. Gawa sa bagong materyales.
Yumuko ako nang pumasok yung teacher namin, Pinigilan ko ang sarili kong maasar. Binigyan ako ng simpatya ng teacher namin. Sanay na ako. Dati nagagalit ako sa posisyon ko ngayon. Kasalanan ko rin naman eh. Pero habang nagtatagal nasanay na rin ako. Masanay na lang tayo.
May pumasok pang ibang studyante pero nakayuko lang ako. Ayoko ng makakita ng ngisi at ngiting tagumpay. Naaasar ako. Nagagalit ako. Pero alam kong wala na naman na akong magagawa doon.
Yung mga upuan nalang na hindi bakante ay sa likod dahil doon nakaupo ang mga losers katulad ko. Naupo sila ka-row ko.
Nakatingin sila sa akin. Ramdam mo naman kasi di ba kapag may nakatingin sayo? Hindi ko sila pinansin at niready ang sarili ko. Nakita ko na naman ang ilang pares ng sapatos sa harap ko at bago pa sila magsalita tumayo na ako.
Everyone in the room went silent. No one dared to speak. Nanatili ang matigas na expression sa mukha ko, not giving them the expression they want to see.
"Mam can we?" Isa sa best buds ni Caden na si Jed ang nagsabi habang nakangisi.
Tumango yung teacher namin at binigyan na naman ako ng simpatya. Binigyan ko siya ng matigas na expression. Never niyong makikita ang nakakaawa kong sarili.
Never kong ibibigay ang gusto niyo, kung saan nagmamakaawa ako na tumigil kayo. Lumabas na kami una si Caden kasama niya si Jed at yung isa pa niyang kasama sa popular na si Flynn.
Dinala nila ako sa may gym. Nasa gilid ang dalawa, nasa harap ko si Caden.
"Doon kayo sa pinto, magbantay kayo pag may pumasok wag niyo papasukin." Madilim niyang sabi at tumango ng nakangisi yung dalawa. Mga aso. Mga hayop!
Hindi pa rin ako nakikipag eye contact sa kanya. Di niya deserve ni isang tingin ko. Hiniwakan niya ng mahigpit ang baba ko bale bagang ko pala at nilapit sa kanya.
"Bakit ka nalate? Anong ginawa mo? Sino yung Arundell na yun? Ano yun sa buhay mo?" Madiin niyang sabi at pinipilit pa rin akong tumingin sa mata niya.
Wala akong imik. Nahihimigan ko ang selos, galit at pagpipigil niya. Taas baba ang dibdib niya sa galit.
"Sumagot ka, Jorey."
Nakitingin pa rin ako sa kung saan malayo sa mata niya.
"Wala kang pakialam-" Sinuntok niya ako sa tyan at sobrang sakit ang naidulot nito.
Malaking lalaki si Caden. Pero hindi parang body builder. Medyo payat na may muscles. Matangkad siya.
Napaubo ako sa impact. At medyo napayuko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa tyan. Ang sakit.
"Hindi mo ba talaga ako titingnan sa mata ha? Tingnan mo ako, Jovanne! Tingnan mo ako!" Maotoridad niyang sabi. Naasar na ako.
Hindi ko na naman siya pinansin. At sinuntok na naman niya ako ng isa pa. Mas malakas ngayon.
"Ano ba?! Sinabi ng tingnan mo ako eh! Ano bang mahirap doon?!" Nag echo na sa buong gym yung sigaw niya. Frustrated na siya at halos magmakaawa na ang tono.
Dahil sa rules. Dahil sa mga pakulo niya. Nasabihin ko ng layuan ako nung isa sa mga taong gusto akong maging kaibigan.
Nawalan na naman ako ng pag-asa. Gusto kong maiyak. Pero pinigilan ko. Ayokong makita niyang umiiyak ako.
Ang pangarap ko lang naman ay magkaroon ng mga kaibigan eh. Tapos si Caden na naman ang sisira ng pangarap na iyon.
I looked at him tiredly.
"Ano ba kasing gusto mong mangyari ha?"
Napahinto siya at tumitig lang sa mata ko ngayon ay nakatingin na sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin at hindi niya na hawak yung bagang ko. Nasa may balikat ko na yung mga kamay niya.
Hinawakan niya yung buhok ko. s**t, sasabunutan pa ata ako ng gagong to.
HIndi siya bumibitaw sa tingin niya sa akin. Hindi niya ako sinabunutan, hinaplos niya lang yun tulad ng ginagawa niya dati. Nakahinga ako ng maluwag.
"Caden ano ba--"
Nagulat ako ng iniumpog niya ang sariling ulo niya sa may lockers ng gym. Paulit-ulit niyang ginawa iyon.
Hinawakan ko siya sa balikat at tinigil yung ginagawa niya. Kahit naman binubugbog niya ako at sinasaktan, hindi ko pa rin maatim na may nakikitang nasasaktan.
"Caden! Ano ba yang ginagawa mo sa sarili mo?! Hoy! tumigil ka!"
Lalo niya pa kasing nilakas yung pag-umpog! Anong bang nangyayari na naman dito kay Caden? Isa na naman ba ito sa mga pakulo niya?
"Caden!"
Tinulak ko na siya palayo sa locker at dumudugo na yung noo niya. Napaupo siya sa sahig, dinaluhan ko naman siya.
"Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?"
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata uli. Nagniningning ito. May hope sa mata niya. Namumula siya ng sobra. At sobrang saya ng mata niya. Umiwas ako ng tingin. Napahawak ako sa tiyan ko at feel ko magkakapasa na naman ito.
"Totoo ba tong nangyayari? Nag-alala ka na baculit para sa akin? Bumabalik na ba?" Nakangiti niyang sabi dumudugo pa rin yung noo niya.
Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at nilagay ito sa ulo niya. Tumigas ang expression ko.
"Tara dadalhin na kita sa clinic."
Tinayo ko na siya. At aalalayan sana nang niyakap niya ako. Napapiglas naman ako sa hawak niya. Naiirita ako sa kanya at ayaw ko kung paano niya ako hawakan.
"Ano ba?!" Tinulak ko siya palayo.
"Jovanne, sabihin mo, bumabalik na di ba? Bumabalik na? Please,sabihin mong bumabalik na!"
Mangiyak-ngiyak niyang sinabi. Iniwas ko ang mata ko sa kanya.
"Hindi na babalik, Caden."
+++++