"I don't get you."
I shrugged. Nahiya ako sa mga pinagsasabi ko naguhuluhan ako. Siguro natatakot na naman akong magtiwala.
"Look, I am not the perfect best friend for you guys. Saka di ko kayo kilala. I want friends of course kaya as much as possible lumayo nalang kayo. Bye."
I smiled so broken. On the verge of tears. Agad akong tumayo at naglakad palayo.
"Jorey, Jorey wait! Jorey!"
Nagtatakbo ako papalayo sa kanya. At alam kong nahasa na ang running skills ko kapag nilalayasan at gusto ko makalayas sa mga bullies ko. Nang makaabot ako sa may sakayan ng tricycle agad akong sumakay at agad umalis.
Phew. Nagpunas ako ng pawis at luha?
Hindi sila ang nararapat na kaibigan mo Jorey. Hindi mo kailangan nun. It's better to be alone than to put them in danger. Suffer alone.
Nang makaabot ako sa bahay ay agad kong binayaran ang driver at pumasok na sa loob. Nadatnan ko ang lolo ko na nakapikit habang umuuguy-uguy sa rocking chair niya. Nagpapahinga siya. Alas dos na pala ng hapon.
Lumapit ako sa lolo ko at hinalikan ko siya sa noo. Tila naman nagising siya. Nginitian ko siya at nagmano.
"Lo! Nagising ata kita."
"Apo, may problema ba?"
Mawawala sana ang ngiti sa labi ko nang tinago ko ito at ngumiti pa ng mas malawak. Malakas ako kaya ko to.
"Wala naman po. Lakas trip mo ah init init lo, wala kang electric fan."
Agad akong tumalikod at nagpunas ng tumutulong luha at sinaksak yung electric fan at bumalik sa lolo ko. Inayos ko ang sarili ko at huminga. Sanay ako sa ganito lagi kong ginagawa to.
Kumuha ako ng upuan at humarap sa kanya.
"Mas okay kasi yung natural na simoy ng hangin."
"Okay po. Kaw lo, musta pagtambay mo dito?" Natatawa kong sabi.
"Eto. Nabilang ko na kung ilang ipis ang nagliparan."
Tumawa ako at tumawa rin ang singkit na mata ni lolo.
"Lo. Kumain na ba you?"
Tila naman may naalala si lolo sa tanong ko.
"Ay oo nga pala apo. May mayayamang tao ang dumalaw dito kanina at hinahanap ka dalawa nila. Nag-iwan na lang sila ng mga prutas, nasa kusina kunin mo tara kakain tayo."
Ngumiti ako dahil masaya ang lolo ko mahilig siya sa prutas eh.
"Sige po. Wait lang."
Pumunta ako sa kusina at hinanap iyon. Nakalagay pa sa mga paper bag at may tatak ng sikat na fruit shop. Napaisip ako sino kaya yung nagdala nito?
Bumalik agad ako kay lolo.
"Lo! Eto na ang paborito mong melon." Tatawa tawa ako para gumaan ang loob ko.
Ngumiti ang lolo at inabot niya iyon.
"Salamat apo. At pakisabi sa mga kaibigan mo maraming salamat sa prutas. Ngayon na lang ako nakakain nito eh."
Ngumiti si lolo at may aalpas na namang luha sa mata ko ngunit pinigilan ko ito.
"Lo kain lang ng kain. Pataba ka. Diet na diet ka ata eh."
Oo payat ang lolo ko. Buto't balat na siya. At sa edad na 74 ay mukha na siyang 90. Naawa ako sa lolo ko. Siya ang nagpalaki sa akin. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang pamilyang nagmahal at nag aruga sa akin. At lagi nalang siyang nakaupo sa silyang kawayan niya.
"Lo. Kwento ka nga. Tahimik eh. Sino nga pala yung nagbigay ng prutas ng mapasalamatan ko."
"Naku apo. Sa sobrang dami ng kaibigan di na makilala kung sino."
Bumagsak ang balikat ko. At medyo nalungkot ako, agad naman akong ngumiti ng tipid.
"Dalawa silang makikisig na binata. Ang isa'y nakasalaming pang-araw at yung isa'y mistisong singkit."
Tama nga ako ng hinala. Si West at South. Este si Uehara at Hill. Hindi ko sila pwedeng tawagin sa mga pangalan nila. Sa apelyido na lang dahil hindi ko naman sila kaibigan eh. At hindi sila nababagay makipagkaibigan sa taong tulad ko. Ipapahamak ko lang sila.
"Ah ganun ba lo, anong oras sila dumalaw? May sinabi ba?"
"Teka apo. Manliligaw mo ba ang isa sa kanila?"
"Luh hindi ah! Este lo hindi po. Walang magiinteres sa akin ng ganun."
Sumama ang tingin ng lolo ko at sumimangot.
"Apo, sa akin ka nagmana tanda mo? Sinasabihan mo bang pangit ang lolo mo?"
"HAHAHA! Hindi lo sorry na. Pero sagutin niyo po tanong ko."
"Oras ng tanghalian. Hinanap ka nila at nagpakilalang mga kaibigan mo. Mababait silang mga tao apo nakikita ko."
"Weh? Galing mo lo, sidekick ka na, yeah!" Tumawa ako ng loko loko at pabiro niya akong binatukan.
"Baka kamo psychic apo. Hala sige mag-aral ka muna at magpapahinga muna ako."
Nakalimutan ko ang kondisyon ng lolo ko. Kaya agad akong tumango at ngumiti sa kanya.
"Sige lo. Pumito ka lang kung may kailangan ka ah at andyan ang tubig, bimpo at iba pang kailangan mo. Pumito ka kung tatayo ka ah. Naku kung di pelaying kick~ abot mo sa akin! Sige gora na ako."
Saka ako nagtungo sa kwarto ko at nagpahinga saglit mahaba pa ang hapon. Kaya magpapahinga lang ako. Nag alarm nga ako at gigising mamaya.
Pagkagising ko ay agad akong nagpalit. May pupuntahan lang ako.
Tiningnan ko ang schedule ng next track nila sa isang underground site at sakto, mayroon ngayon sa may Rockwood street. Mas maganda ang daanan doon ah. Mas challenging. Napangisi ako at natuwa.
Nang makapagpalit na ako ng attire ko suot ang isang tight jeans, black shirt, b****y combat shoes na may totoong dugo ng tao at yung itim na hoodie jacket ko.
"Apo, alam ko na kung saan ka pupunta ngayo't ganyan ang suot mo." Gulat naman ako ng gising pa lolo ko. Mga ganitong oras iyan ay natutulog pa o kaya nagdidilig ng halaman.
"Luh, lo bat gising ka pa? Tulog na po. As usual lo, sa hang out place... namin ng mga kaibigan ko."
Medyo nginig kong sabi. Pero I tried my best to act natural. Eh wala nga akong ganun eh.
"Sige apo. Mag-ingat ka ha. At tatawagan kita kung may problema."
Ngumiti ang lolo ko at hinalikan ko ang napapanot na niyang bunbunan.
"Sige lo, balik ako agad." Ngumiti ako at tumango siya nagpatuloy ako sa pupuntahan ko.
Tinakbo ko lang ito mula sa bahay papunta roon. Medyo nalalapit na ata ako dahil naririnig ko na ang ingay papunta roon. Medyo liblib at para na namang desyertong abandonadong daanan ang isang to.
Nakarace na ako dito. Maganda ng onti kesa dun sa usual place ng race. Nakita ko ang mga casual na tumatambay sa race nila Sir Simon.
Mga naggagandahang kotse rin ng mga mayayamang mga kabataan dito. Napansin kong wala sila Wren at mga tropa niya. Nakita ko ang mga ilan-ilan sa Galleti, Quinton at mga taga Arc Domini schools ang nandito.
Ang tatlong rival school sa state namin.
"Yeah, they scream danger. Aren't they?"
Napamura ako ng pabulong sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Si South este si Hill pala. Nandito rin pala sila, hindi na ako magtataka. Sa isang race ko rin naman sila unang nakita.
"Oh! Hill ikaw pala. Buti nalang nakita kita. May sasabihin ako sainyo!"
"Ano yun? Tara dun. nando'n sila." Tahimik siya sobra at naka black rimmed glasses lang siya.
Madilim na nga kasi magaaviators pa siya? Ano ba kasing tinatago niya sa sarili niya? Bakit parang ayaw niyang makilala siya? Naglakad kami patungo sa Everest na kotse na kung saan nakatuntong sila Uehara at si sir. Si Arundell ay nakita kong tinititigan ang route ng track ngayon.
Tumingin sa akin si Hill.
"Bakit?"
"Akyat."
"Paano?"
Hinawakan niya ang likod ko bandang bewang ko at saka ako ginaya sa likod ng Everest. Mataas yung sasakyan. Eto ginamit nila dahil malayo at madilim ang track ngayon. At pagnasa taas ka kasi kita mo lahat. Umakyat na ako at inalalayan naman ako ni sir mula sa taas.
"Thanks, sir."
Sumunod si Hill at naupo siya sa ibabaw ng kotse nakalaylay ang paa habang gamit ang cellphone. Samantalang ang mga kaibigan niya ay nakatayo lahat.
"North nalang. Wala tayo sa school, Jorey." Tumango ako at medyo nahiya.
Napatingin sa akin si West at East. Sige na nga, hindi ko na sila tatawagin sa apelyido nila. Pero kapag ginawa ko iyon ibig sabihin, hinahayaan ko na silang maging kaibigan ko.
"Noona~"
Lumapit siya sa akin at naupo kami sa ibabaw ng Everest.
"What brought you here huh?" May ngiti sa labi na sabi ni Arundell.
"She wants to tell us something." Sabi ni Hill.
"Then tell it. I don't want any filthy thing above my car." East retorted back.
Bigla naman akong nairita sa sinabi niya. Ang bilis naman magbago ng personality nito.
"Hoy! Grabe ka naligo ako, naghilod ako, nagsabon ako at naglotion. Tapos sasabihan mo akong filthy? Mukha mo!" Maangas akong tumayo at hinarap siya. He smirked at napaatras ako.
"Sabihin mo na lang kung ano yun. May PMS si East ngayon." Napatawa ako sa bulong ni Sir--North sa likod ko.
"Hmmm. Thank you nga pala sa prutas na dala niyo. Natuwa yung lolo ko." Sabi ko at masayang ngumiti.
"Noona. Ang bait kaya ng lolo mo kahit matanda na pinagtimpla pa kami ng juice."
"s**t bakit niyo ginawa yun? Madaling mapagod si Lolo--" Napahinto ako ang sama pala ng bigla kong outburst. "Ano s-sorry. Hindi kasi pwede sa kondisyon ng lolo ko yun."
"No we are sorry. Pinagtimpla pa namin siya ng juice."
"Ano?! Inutusan niyo siya?!" Pasigaw kong sabi.
"Hindi--"
"Kung sa bagay. Pasensya na, pinilit ata kayo ng makulit kong lolo."
Natawa naman sila sa paiba-iba ng mood ko at pagiging magulo ko.
"Sabihin mo na lang gusto mong sabihin. Wag kang magwala dito." Inis na sabi ni Arundell. Ano bang problema ng isang to kanina lang okay kami ah? Nakangiti pa nga siyang bumati sa akin.
Tumatawa parin sila. Sige na, ako na clown, ako na tanga.
"Sungit. Anyway thank you sa fruits pero wag niyo ng gagawin yun. Mawiwili ang lolo ko. Tapos yung sayo... Sorry Arundell--"
"I told you didn't I? Call me East." Mariin niyang sabi na medyo pasigaw. Napayuko ako naman ako bakit ba siya nagagalit? Ayaw kong ganyan kaya natahimik ako at napayuko.
"East. You shouldn't yell at her!" Stern nasabi ni South. Pwede ba akong kiligin kay South?
"Sorry East. Sorry sa inyo. Sige na aalis na ako." Baba na sana ako nang pigilan ako ni South. Narinig kong may nag 'tsk' sa kanila.
"Aalis ka agad? Ganyan ba ang magkakaibigan? Nag-iiwanan?"
He smiled at natuwa ako. At last. Nakapag desisyon na naman ako. Nakita ng lolo kong magaling magjudge at kita naman ng mata ko na di sila masamang tao. Talagang may topak lang si East.
I don't even need to ask them if they don't want to be my friend anymore. Because they smiled genuinely to me.
I smiled back. Masaya dahil may kaibigan na rin ako after so many years.
Sobrang saya ko. Sobra.
+++++