"So official na ba na magkakaibigan tayo?" Nakayuko kong sabi habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay.
"Hmmm. Teka isipin ko lang kung ano pang kulang." Sabi ni North.
"Arte mo, North. Paisip-isip ka pang nalalaman wala ka naman nun." Bulong ni South.
Natawa ako sa sinabi niya. Sinamaan naman ako ng tingin ni North. Napatawa din sila.
"Basta~ We can call ourselves, Officially Bestfriends. Pero may nakalimutan pa si North. Basta ganun--"
"YEHEY! THANK YOU LORD! I LOVE YOU!" Tatalon-talon ako habang kumekembot sa ibabaw ng kotse. Sobrang saya ko lang talaga! Finally di na ako alone~
"Hoy! Jorey! Itigil mo yan para kang tanga HAHAHA!" Sabi ni North.
Tawa na rin sila ng tawa ako sumasayaw parin. Walang paki sa mga mapanghusgang ipanapako ng iba sa akin, masaya ako.
"Jorey! Stop that you look like an idiot!"
Tawa parin ng tawa sila. Patuloy parin ako.
"Yehey! Hep Hep Jorey! Hep Hep Jorey!" Kahit ako natutuwa na bigla sa pang-asar nila sa akin.
"s**t! HAHAHA! Tigilan mo pagkembot, langhiya ka!" Sabi ni West habang hawak hawak na ang tyan sa sakit kakatawa.
May dalawang kamay naman ang nagpigil sa akin.
"Stop that. We already know you're a big idiot." Bulong ni East habang tatawa-tawa. Tumigil ako at umupo na lang katabi ni South na napahiga na sa kakatawa.
"Huy Timog, baka himatayin ka na." Sabi ko kay South na nakakatuwang panoorin tumawa. Ang gwapo niya talaga.
"Fu- you're so freaking hilarious. Adorable even."
"Is that a compliment or what?"
"It is. By the way. Why does it make you so happy?"
"Tsk. Timog, wala ka sa ibang bansa. Nasa Republika ng Pilipinas ka! Speak in Filipino please."
"HAHAHA! Pero nagsalita ka ng English."
"Whatever. Eh kasi ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng kaibigan after so many tormenting years. At sobrang masaya ako dun. Kasi finally di na ako nag-iisa. Saka may tao pala gusto akong maging kaibigan. So masaya ako."
South was looking at me adoringly, his eyes almost sparkle behind those thick rims. He was smiling, his pure attention was on me.
Hindi ako makahinga sa gwapo niya.
"Iiyak na ba ako, Jorey?" Nagulat ako nang sumingit si East.
"Ay ipis!"
"Hoy, kita mo hubog ng kagandahan ng mukha ko? Hanlayo naman sa ipis nun."
"Sige lang East. Pasalamat ka first day nating magkaibigan kundi nabara na kita."
"Sige barahin mo ako." Hamon niya.
"Oi Silangan! Karera na nakatambay ka pa rin." Narinig kong may sumigaw at napatingin ako sa baba si Simms. Napatingin siya sa gawi ko.
"Drace?" Taka niyang tanong. s**t, nakita na ako. I need to play along.
Kinabahan ako sa narinig ko at nakita kong nasa akin na ang mata ni Simms. Alam kong narinig din nila iyon.
"Uy Simms, musta na?" Medyo uneasy kong sabi habang tinitingnan ang paligid.
"Okay lang. Kaya pala may pinapanood silang nakakatawa, andito ka."
Bumababa naman ako sa may harapan ng kotse at saka kinausap siya. Hinatak ko siya medyo palayo sa mga kaibigan ko.
"Grabe ka naman sakin."
"Musta na nga pala? Hindi ka na ba kakarer--" Tinakpan ko yung bibig niya. Nakikinig sila. I want to keep it as much as possible.
"Hey Simms. Tara na. Don't mind that idiot." May pait na sabi ni East at bumaba na rin siya para kunin ang sports car niyang isang Maserati.
Hindi ako tanga pero alam kong may alam si East sa dati kong gawain, feel ko din ay nirerespeto lang nila ang desisyon kong manahimik muna kaya ginawa niya iyon.
Hinila ni East si Simms paalis kaso nagpumiglas si Simms.
"Mauna ka na dun bro. Kausapin ko lang si Drace!"
Napasapo nalang ako sa noo ko nang marinig yun. Sinigaw niya pa talaga yun. Nalilito na ako at kinakabahan. Pasaway na Simms.
Narinig ko naman na nagkaroon ng bulong- bulungan at saglit tumahimik.
'Nandito si Drace Red?'
's**t asan siya? Papaauthograph ako!'
'Drace? You mean the Infamous Drace Red?'
'Yung nakaputi at pulang bandana? Yung misteryoso?'
'Ang number 1 sa buong state natin?'
'Yung may ari ng sirang Mitsubishi Lancer?'
Hoy! Di sira yun! Mukhang luma lang pero dami nung natalo ano!
Napatingin sila West, North as South sa akin. May malaking question mark sa kanilang mga mukha. Nasabi ko ata ng malakas na naman ang dapat ay bulong lang. Did I just gave myself away?
"Drace! Drace!"
Aba't sumigaw pa ang hayop na si Simms. Paulit-ulit pa! s**t! Tumalon ako sa ibabaw ng Everest at saka sinapo ang bunganga ng maingay na si Simms at dinala sa isang gilid.
Tinawag ako nila South. Double trouble. Wow just great. All eyes are on us habang hinahatak ko paalis si Simms. Nasabunutan ko pa kasi piglas ng piglas ba naman.
Nang madala ko siya sa isang sulok ay saka ako bumitaw sa pagkakapit sa kanya.
"Drace. Kung namiss mo ako at gusto mo lang naman akong yakapin ay di mo na ako kailangang hatakin--" Natahimik siya at sumeryoso. Medyo frustrated pa ako.
"Simms. Nagkaroon tayo ng deal diba? Ang alam ng lahat ay nagmigrate na ang pooritang si Drace diba? Do you have to yell that dead name?" Naiinis kong sabi sa kanya habang pinipigilan kong tumaas ang tono ng boses ko.
"Ay oo nga pala. Sorry na Drace. Ako na bahalang magannounce sa kanila na akala ko lang yun."
"Sinabi ko na rin sayo? Call me Jorey please. Alam mo yan Simms. Alam mo ang dahilan."
Para namang naguilty talaga si Simms.
"Yeah I'm sorry, man."
"Promise me, di ka na uulit? Oh well, makakalimutin ka pala." Saka ako tumalikod na paalis sa kanya kaso hinatak niya ako.
"Hoy! Ano ba?"
"Hindi ka na ba kakarera forever?"
"Walang forever. At oo di na ko kakarera."
"Ganun na lang ba yun? Dra--Jorey. Passion mo ang street racing tapos isusuko mo lang?"
"Alam mo ang rason. Kaya wag ka ng magtanong."
Saka na ako tuluyan ng umalis. Magsisimula na ang race at isa na naman dito si East. Marami ng tao. At isa sa mga Arc Domini ang kalaban niya.
Umakyat uli ako sa itaas ng Everest na sasakyan at seryoso na ang mukha ng tatlo.
"Guys. Ano'ng nangyayari? Bakit seryoso kayo?"
Pagdating ko kasi para silang nag-uusap at seryoso atmosphere ang bumabalot sa kanila.
"Hmmm. Nothing pero may kakaiba kay East ngayon."
Nabunutan ako tinik nang hindi na sila nagtanong tungkol kay Drace Red.
"Huh? Ano bang meron?"
"Yung mata niyang parang kumikislap. Nangyayari lang yun kapag galit siya at may bumabagabag sa kanya."
"Jusko, North! Alien ba si East?"
"Hindi may abnormalities lang talaga sa mata niya."
"Anong abnormalities yun, West?"
"Alam mo yung gabing una ka naming nakilala? Yung matang sinasabi mong 'san mo nabili yan? Akin na lang' ayun yung matang yun."
"Anong meron naman sa mata niyang ganun? Tsaka wait ah. Pwede bang mapalitan ang mata ha?"
"Iba ang mata ni East kapag galit siya."
"Tsk. What's so terrifying about it, South?"
"He would do something dangerous."
Seryoso silang lahat at may naconclude ako.
"At kapag may ginawa siyang masama. Siguradong magiging officially ultimate rival na natin ang Arc Domini's. Puro pa naman mga nasa frat ang nandoon. Typical all boys school."
Lalo namang sumeryoso sila at kanina pa pala tahimik ang mga tao sa paligid. Nagsimula na ang karera nauuna yung taga Arc Domini.
"But hindi naman alam ng mga taga Arc Domini kung saan nag-aaral si East diba?"
"West. Ang mga taga Arc Domini ang dapat mong layuan. Sila yung mga taong hindi dapat kinakaaway."
Pinausukan ni East ang daanan at parang nalalabuan ang kalaban niya.
Pinakinggan kong mabuti. Dalawang pangalan lang ang isinisigaw nila at maingay. Nangibabaw ang Eastern at meron din akong naririnig na Valun? s**t, wait iisipin ko.
'Valun'
'Val'
'Un'
"Valun."
"s**t kay dami-daming tao si Valun pa!" Bulong ni West.
"Si Valun?" Ulit niya ulit.
"Kilala mo West?"
"Yeah. Isa siya sa mga bumuo ng Frat sa Arc Domini."
Nangunguna si East at halatang nang-aasar. Nagsisigawan na ang mga taga Arc Domini at iba pang schools na tumaya at nandito.
'That's invalid man!'
'Hey play the race fair.'
'Valun's gonna beat that s**t. Just wait.'
'But that's a foul'
"s**t pasaway na East." Bulong ni North.
Pazigzag-zigzag na kasi si East. Nang pabalik na sa final point ay nagulat kami sa ginawa ni Valun kay East. Nagkaroon ng malakas at maingay na screech.
At lahat ng tao ay tumahimik at nastunned sa ginawa ni Valun.
Binangga ni Valun ang kotse ni East.
+++++